Thursday, June 4, 2009

UPEPP 2- Pygmalion and Galatea Episode Links



Click niyo na lang kung saang episode niyo gusto pumunta --

For first time-readers, simulan niyo munang basahin yung TEASER Episode para magkaroon kayo ng idea sa kwento... HAPPY READING!

Sa mga ngayon lang nagbasa at gustong summary lang ang basahin, read OVERVIEW of the Story for NON-READERS. Pero sana basahin niyo yung buong kwento kasi mas maganda..hahaha!

At bumili na kayo ng mga nobela ko. OUT NOW sa mga bookstore!!! For more information, go to PUBLISHED NOVELS by the Author.

The LONG WAIT IS OVER! TAPOS NA ANG NOVEL!



EPISODE LINKS:

SEASON 1:

SEASON 2:

MISCELLANEOUS:












Minsan - Eraserheads Music Code

UPEPP 2 - STORY AVP




Parang ito na rin ang Dedication Page ko para sa lahat ng Psych pipz at Bahay ni Ate pipz...


Salamat at naging bahagi kayo ng buhay ko. Wala ang kwentong ito kung wala kayo....

Salamat sa mga taga-UPEPP na nagbabasa ng blog kong ito. Salamat sa pagsubaybay sa mga episodes ng blog na for almost 9 months (September, 2008 - June, 2009). Salamat sa suporta at pagsubaybay. Salamat talaga!

Salamat din sa mga hindi taga-UPEPP na nagbabasa ng blog ko. Thank you!


KITA-KITS ULIT!


Nais ko ring pasalamatan ang sponsors ko:

  • Thank you IMEEM and Videokeman for the music provided in certain episodes...

  • Thank you sa mga pinagkunan ko ng pictures. Nasa comments section ng bawat episode yung citations.
  • Special thanks din to: Toto (sa paggawa ng PDF format ng blog na ito); Mocna (pag-print ng episodes ng blog na ito. May hard copy si Mocna); at si Glenn (sa pag-print ng UPEPP- Beautiful Disaster episodes). Overwhelmed ako sa ginawa niyo... sobra!


  • Salamat sa mga BIGATING tao na nagsulat ng review sa blog ko. See Episode 39: UPDEPP Musical and Epilogue: Follow Your Heart nang malaman mo kung sino ang mga BIGATING TAO nagreview sa blog ko..hahahaha!

    Sa mga wala na sa UPEPP... see you next time. Kita-kits.

    SALAMAT SA INYO!

    -- Michael Angelo Elefante

    Cast of Characters and their Real-life Counterpart

    DISCLAIMER: Hindi lahat ng kwentong nailahad ko sa blog na ito ay makakatotohanan. Karamihan dito ay fictional lamang :p At ang mga tauhang pinagbasehan ko sa mga tauhan ko sa blog ay di nangangahulugang sila nga talaga ang pinapatungkulan ko sa kwento... gets? hahahaaha


    MAIN PROTAGONISTS:

  • Katie Madrid - Karen Solomon

  • Aries Aranas - Marc Cancio

  • Melanie Cena - Lany Rivera



  • PSYCH MATES:

  • Destiny Vallejo - Bobie Gallego

  • Lorraine Manliclic - Fatima Cruz

  • Miguel Villar - Marvin Villareal

  • Rose Ann- Patricia Escober

  • Gwyneth Tzu - Gwen Chu

  • Marge - Marge Claudio

  • Cherub - Irene Villar

  • Corrine - Camille Bayarcal

  • Efren - Mikhail Gaspar

  • Dingdong - (fictional)

  • Dranreb Pineda - Gerald Salonga

  • Felix - (fictional)



  • HOTEL LAKANDULA (BAHAY NI ATE) PIPZ:

  • Vomer - Homer Tadeo

  • Rye- Bryan Lopez

  • Victor - Marvic Alganes

  • Adan - Adam Chico

  • Domeng - Michael Domingo

  • GlennLloyd - Glenn Cruz

  • Ram - Mart (?unknown surname..senxa na..hahaha)

  • JR- Arjay Robles

  • Kuya Karlo - (secret! hahahaaha!)

  • Kuya Chico - Jerico Dela Cruz (pinatanda kita dito sa kwento..hahaha)

  • Totz - Joselito Parulan Jr.

  • Izen - Patricia Gallano

  • Celle - Wincell Fernandez

  • Jericka - Joana Ericka "Mocna" Namoc



  • OTHER CHARACTERS:

  • Iggy - (ask Katie..hahahaaha)

  • Girlie - (fictional)

  • Jerome at Maricar - (ask Melanie :p)

  • Phey - Fatima Ayson

  • Eunice - (hmmmmmm....hulaan mo! hahahaaha)

  • Celestino - (tanungin niyo si Phey!..hahahaha)

  • Gay friends - (fictional ata?! hahahahaha)

  • Muraja - (di kami close..hahahaha)

  • Mukstang - (di rin kami close...hahahaha)

  • Ma'am Pacita Bognot - (kelangan pa bang imemorize yan...hahahaha)

  • Ma'am Bunye - (alam na...noh? Hmmmmm....)

  • Aling Ester - (fictional)



  • SA MGA HINDI NAKASAMA SA KWENTO..WAG MAGDAMDAM...SENSYA NA PO. DI KO KAYA MAG-INCORPORATE NG MARAMING TAUHAN SA ISANG KWENTO....ayun...!

    OVERVIEW of the Story for NON-READERS

    SUMMARY:


    Sa paghahanap nina Katie at Melanie ng boarding house sa Mabalacat, Pampanga ay hindi nila inaasahan na mapapadpad sila sa Hotel Lakandula boarding house na pag-aari ni Aling Ester. Kung inaakala niyo na mukha itong hotel....pwes tama kayo ng inaakala...mukha nga siyang hotel noong kapanahunan pa ni Raha Lakandula!

    Puro mga taga-UPEPP ang nakatira sa boarding house na ito, ngunit may ilan-ilan din na mga nagtatrabaho na.

    Sa bahay rin na ito ay kasama nilang titira ang gwapo ngunit supladong pamangkin ni Aling Ester na si Aries.



    Nagkakilala sina Katie at Aries sa CR. Namali ng pasok si Katie ng CR kaya nakapasok siya sa CR ng Boys at nakita niya si Aries na naliligo.


    Bad trip si Aries kay Katie. Bad trip din sina Katie at Melanie kay Aries dahil nayabangan agad sila dito. Nalaman nila kay Aling Ester na galing si Aries sa UP Diliman at nag-transfer sa UPEPP at ka-course nila ito...

    Dahil sa inis sila kay Aries, pinagpustahan pa nila na bading ito.


    Si Katie...nasaktan sa una niyang pag-ibig na nagdulot ng pagiging bato ng puso nito pagdating sa pag-ibig. Ayaw na niyang umibig dahil nasaktan siya sa pag-ibig niya kay Iggy. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na muling magmamahal pa. Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon...nakilala niya ang taong di niya akalaing magpapalambot ng bato na niyang puso... si Aries.



    Si Aries...may isa siyang lihim na nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Iniwan sila ng Mommy niya sa batang edad. Dahil sa ginawa ng Mommy niya, nagka-Alzheimer's disease ang Daddy niya dahil sa sobrang kalungkutan. Ang nangyari sa Daddy niya ang nagdulot sa kanya kung bakit nangako siya sa sarili niya na hindi siya iibig. Ngunit mukhang nagbago ang kanyang pananaw na ito nang makilala niya sina Katie at Melanie.



    Nagpanggap na multo si Aries para mapaalis sina Katie, Melanie at mga kaibigan nito sa Hotel Lakandula. Dahil sa pananakot niya, nagkasakit si Melanie. Habang pinapaalagaan ni Aling Ester si Melanie kay Aries...parang may kakaibang naramdaman si Aries kay Melanie.... pag-ibig ba ito?



    Mula noon, naging mabait na si Aries kina Katie at lalo na kay Melanie. Ngunit nagalit sa kanya si Melanie nang mahalikan niya si Melanie sa bar dahil sa inaasar siyang bading ni Melanie. Para patunayang di siya bading...hinalikan niya si Melanie.



    Dahil dun, humingi ng tulong si Aries kay Katie kung paano mapapalapit kay Melanie. Naisip nilang magpanggap na mag-boyfriend para pagselosin si Melanie. Pumayag si Katie sa kasunduang iyon dahil lihim niyang iniibig si Aries at upang ipamukha sa ex niyang si Iggy na naka-move on na siya...


    Medyo nagkagusto na si Melanie kay Aries kaya itinigil na nina Aries at Katie ang pagpapanggap. Nasaktan nang husto si Katie at nakarating sa punto na nagka-away sila ng kaibigang si Melanie...


    Sinubukang ligawan si Katie ni Vomer na boardmate niya sa Hotel Lakandula ngunit di tinanggap ni Katie ang pag-ibig nito.



    Samantala, nakipag-break naman si Melanie kay Aries para sa kapakanan ni Katie at dahil na rin alam niya sa sarili niyang di pa siya nakaka-move on nang husto kay Jerome--ang highschool sweetheart niyang di naman siya mahal.


    Si Eunice naman ay mayroon ding pagnanasa kay Aries ngunit di siya gusto ni Aries. Ginawa niya ang lahat mapatunayan lang na hindi totoo ang pagiging "mag-on" nina Katie at Aries. May unwanted suitor si Eunice na si Celestino. Dahil sa selos ni Celestino, pinabugbog ni Celestino si Aries.



    Dahil sa ginawa ni Celestino, humingi ng tawad si Eunice kina Katie at Aries at umalis na ng bansa.



    Sino ang magkakabalikan? Sino ang babalikan ni Aries? Si Katie ba na lihim na nagmamahal sa kanya o si Melanie na first love niya?




    NABITIN KA BA? Basahin mo na ang katuloy: Episode 40: Hospital Wing

    Never-Before-Read Scenes



    SCENES NA HINDI NAKASAMA SA "FINAL CUT" NG IBANG EPISODES... OR EPISODES NA HINDI KO NAPAHABA NANG HUSTO KAYA IN-ABANDON KO NA....HEHEHEHE


    NEVER-BEFORE-READ includes:




    **********************

    Episode 20: Mr. and Ms. UP 2008


    Sa dressing room ng girls, may isa lang kasing salamin na available para sa lahat ng Miss UP contestants...


    Pero sinolo lang ni Eunice ang salamin. Imbyerna naman sa kanya ang ibang contestants...


    GAY FRIEND 1: Eunice, mukhang imbyerna sa'yo yung ibang babaeng contestant.

    EUNICE: Keber ko naman sa mga yan! Sige na...make up mo na ako!


    At habang mine-make up-an si Eunice na nakaharap sa salamin, biglang nabasag ang salamin....marahil dahil di matagalan ang mukha ni Eunice... :p


    EUNICE at GAY FRIEND: Aaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!


    Nagtinginan ang lahat sa ingay na ginawa ng basag ng salamin at sa sigaw nina Eunice...


    EUNICE: OMG! My face! My face! What happened to my face!


    DESTINY: Naku, wala namang pinagbago ang face mo...mukha pa rin siyang basag :p


    ***************************************************************

    Episode X: UPDEPP Fair





    FEBRUARY 17-20, 2009: Nagkaroon ng UP Fair sa UPEPP. Sa lobby ng UPEPP, nagkaroon ng mga bazaar. Nagtitinda ng kung anu-ano ang mga Business Management students: brownies, avocado chips, laruan, shake, isaw, second-hand books, at kung anu-ano pa...


    Napadaan sina JR at Aries sa bazaar kung saan nagtitinda ang isang lalake ng gatas...


    TINDERO: Mga pogi! (with a slang... :p) Bili na kayo ng gatas namin dito! Pampaputi, pampaganda ng kutis...at pampagwapo...para lalo kayong kumisig...


    JR: Masarap ba yang gatas niyo?

    TINDERO: Oo naman, pogi! Galing pa yang China nuh!

    ARIES: China!?! E di may melamine yan?

    TINDERO: Asus! Di totoo yun!

    ARIES: Wag na lang...baka pag ininom ko yan...maging besfren ko na ang inidoro... :p


    Noong gabi naman, nagkaroon ng free concert sa SM Clark Meeting Place. Mga amateur bands at UPEPP bands ang tumugtog... Kasama sa mga tumugtog na UPEPP bands sina Miguel, Efren, at Cherub...





    Mayroon ding speed dating sa right side ng Meeting Place. Mga UPEPP students, Holy Angel, O.B. Montessori ang nag-participate dito...


    Siyempre, nakisali sa speed dating sina Victor, Domeng, at Jericka...


    French ang ka-speed date ngayon ni Victor...


    FRENCH GIRL: Salut! Mon nom est Fleur! Agréable de vous rencontrer ici!


    VICTOR: Ah...eh..


    Biglang kumuha ng French Dictionary si Victor at may binasang ilang kataga...


    VICTOR: Ah...eh...Le fait.. (sabay lipat ng page ng French dictionary) .. de ... parler .... (lipat page) agréable.... (lipat page) .. à vous, beau!


    Napangiti naman ang Pranses... :p


    Si Domeng naman, Kapampangan ang ka-speed date niya ngayon, kina-Kapampangan siya nito...



    KAPAMPANGAN GIRL: Masanting ka ngening aldo iti. Pilan na kang banua ngeni?


    Siyempre, hindi naintindihan ni Domeng ang sinabi dahil siya'y taga-Bulacan...pero nagpanggap pa rin siya...


    DOMENG: Ah...eh... Wa.. Wa.. Mekeni...tuki ka...malaus ka Pampanga! Atin ku pung singsing! :p


    Si JERICKA naman, nagulat siya nang makitang Koreano ang ka-speed date niya...


    JERICKA: Annyong hashimnikka? Korean?

    KOREAN BOY: Yeah! Yeah! Yeah!

    JERICKA: Oh... I speak Korean, too! Ottoshimnikka?

    KOREAN BOY: Jal jinaemnida. Mannaseo pangapseumnida! Dangshin-ui ireum-eun mu-eot-imnida?


    Di naman talaga nakakaintindi ng Korean si Jericka. At dahil di na niya na-gets ang sinabi ng Korean, sinampal niya ito na ikinagulat ng Koreano...sabay banat si Jericka...


    JERICKA: Men like you are the reason why I left Korea! Excuse me! (sabay sibat at di na nagpakita sa Meeting Place)


    Nakanganga namang sinundan ng tingin ng Koreano si Jericka...




    **********************************************************

    Episode XX: La Fashionista 2009

    LA FASHIONISTA: Fashion Modelling Contest na handle ng Business Management Society na org sa UPEPP....FEBRUARY 27, 2009 ito ginanap.


    MILD & WILD ang theme ng La Fash. Ang lahat ng contestant ay magmo-model ng damit inspired from tame animals and wild animals...


    Sumali si Katie representing AES.


    Sa dressing room, naka-peacock-inspired outfit si Katie para sa Mild Portion ng La Fash. Kasama niya sina Kuya Chico, Phey, at Corrine...mga orgmate niya sa AES...


    CORRINE; Go..Katie! Kaya mo yan!

    KATIE: Hala! Kinakabahan nga ako eh! Kasi naman...ako pa sinali ng AES sa La Fash! Ang liit ko kaya!

    PHEY: Sus! Ayaw mo nyan. Opportunity yan, friend! Wag ka na kabahan...kaya mo yan!

    KATIE: Baka naman matalo ako.

    KUYA CHICO: Hay naku, friend! Matatalo ka nga! For sure si Eunice na kasi ang mananalo sa La Fash Mild & Wild Theme....siya kasi ang tatanghaling Miss Wild....Miss WILDLIFE! :p


    Nagtawanan sila...naibsan ng konti ang kaba ni Katie...


    Kasali rin sina Eunice at ang isa nitong gay friend sa La Fash.


    Naka-butterfly inspired na damit naman si Eunice at naka-bee inspired naman si Gayfriend.


    Dahil magkalaban sa contest, wala munang kai-kaibigan sa kanilang dalawa at galit-galit muna sina Eunice at Gayfriend.


    GAYFRIEND 1: Hmmmpph! Kahit sa Men's division ako nakahanay, mas maganda pa rin ako sa'yo, Eunice!


    EUNICE: Ay puta par! Inggit ka lang sa beauty ko.... Haayyy....sorry ka....ano bang magagawa ko eh maganda talaga ako!


    GAYFRIEND 1: Magagawa mo sa mukha mo? E di iliha mo...masyadong makapal eh! Umaabot hanggang Mindanao sa kakapalan! :p


    Lumipas ang ilang sandali, rumarampa na ang limang Women candidates ng La Fash...


    Magkasabay na rumampa sina Katie at Eunice sa catwalk para sa Mild Portion...


    At dahil likas na salbahe, pinatid ni Eunice si Katie dahilan para madapa ito...nagulat ang lahat...


    EUNICE: Kawawawang pabo, nakita ng lahat ang iyong pagbagsak...


    At umalis si Eunice na humahalakhak. Kahit na napahiya, tumayo pa rin si Katie...



    Wild Portion na... Naka-BAT inspired outfit naman si Katie.


    Magkasabay ulit na nag-model sina Katie at Eunice.


    Nang nasa harap na sila ng catwalk, matagal na nag-posing si Eunice sa gitna para ipagduldulan ang kanyang tiger-inspired namang damit sa audience at sa judges...


    Habang naka-posing pa si Eunice, nag-quarter turn agad si Katie dahilan para tamaan ng kanyang pakpak na suot si Eunice....


    Pagkatama ng pakpak kay Eunice, nawalan ng balanse si Eunice at nahulog sa stage... :p


    Magkagayon man, nakasungkit si Katie ng second-runner up sa women's division. Nakuha pa rin ni Eunice ang grand prize...haaayyy...


    ******************************************************************

    Episode 37: Love Hurts



    FLASHBACK ni Melanie. Sinabi na ni Melanie na hindi pa maaaring maging sila ni Jerome dahil boyfriend niya pa si Aries....


    Habang kumakain sila sa Tri Mo Shawarma Co., isang Shawarma store sa Lagro, Q.C.


    MELANIE: Pero Jerome...hindi na pwede...sinagot ko na si Aries...boyfriend ko na siya ngayon...


    JEROME: Okay lang na hindi ako ang pinili mo sa ngayon. Basta siguraduhin mo lang na ako lang ang una at huli mong sinama dito sa Tri Mo Shawarma Co...


    ******************************************************************

    Episode 38: Kaleidoscope


    BIRTHDAY NI VICTOR: At nagsimula ang inuman, lasingan, at aminan ng damdamin...tulad ni Ram na umamin kay Celle na mahal niya ito matagal na....


    Pagkatapos ng gabing yun, sina Ram at Celle na.. =)


    Paano sila nag-aminan ng pag-ibig sa isa't isa? Ganito:


    RAM: Mahal kita...

    CELLE: Mahal din kita...

    RAM: Mahal na mahal kita...

    CELLE: Mahal na mahal din kita...

    RAM: (hinihingal na) Mahal na mahal na mahal kita...

    CELLE: (hinihingal na din) Mahal na mahal na mahal din kita...

    RAM: Pagod na ko...tama na! :p


    Samantala, dala ng bugso ng damdamin at kalasingan....kinausap ni Kuya Karlo si Aries...


    KUYA KARLO: Aries...may sasabihin ako sa'yo...


    Napatingin si Aries kay Kuya Karlo...


    KUYA KARLO: Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo...pero (sabay inom ng shot ng Emperador)...ngayon lang ako nagkalakas ng loob..


    ARIES: Diretsuhin mo na ako, Kuya Karlo! Ano ba'yon?

    KUYA KARLO: Diretsahan ba ang gusto mo, ha? Sige....


    Bumuntong hininga si Kuya Karlo at mabilis na nadsalita...


    KUYA KARLO: Mahal kita ng todo todo, walang brake walang preno. Mabangga man sa kanto, ikaw pa rin ang mahal ko.. Sa dahon ng gumamela, sa bulaklak ng sampaguita,
    doon mo makikita ang salitang mahal kita.. Mahal kita sa tagalog, I LOVE YOU sa ingles, 143 sa mathematics, ewan ko lang sa physics. Tubig is water, ilog is river
    combine it together ..I LOVE YOU forever.. !


    Nagulat si Aries sa rebelasyon ni Kuya Karlo!


    ARIES: Pero Kuya Karlo...alam mo namang di tayo "talo"...di tayo pwede!

    KUYA KARLO: Bakit? Dahil ba hindi ako maganda? Na may mas maganda pa sa akin?

    ARIES: Kuya Karlo....hindi tayo pwede dahil pareho tayong lalake...hindi pinapayagan ng simbahan ang permanent birth control... :p


    Nag-walk out nang luhaan at wasak ang puso si Kuya Karlo...



    Nage-emote si Kuya Karlo habang lumalakad palayo kay Aries....


    KUYA KARLO:
    bUti pa ang kaLendaryO may datE
    bUti pa ang hershEys may KisSes
    bUti pa ang prObabiLity may cHancE
    yUng ibanG taO wLa...
    bUti pa ang teLepOnO hini-heLLo
    bUti pa ang fiLm nadi-dEveLop
    bUti pa ang typEwRiter nata-typE-pan
    yUng ibanG taO ndi...
    bUti pa ang eXams sinasagOt
    bUti pa ang prObLema iniiCp
    bUti pa ang asSignment inu-uWi
    yUng ibang taO ndi...
    bUti pa ang panyO nadadantay sa pisnGi
    bUti pa ang basO dinaDampian ng LaBi
    bUti pa ang uNan iNaakap sa gaBi
    yUng ibanG taO nde eh...
    bUti pa ang kamaLian npapanCn
    bUti pa ang saLamin minamasDan
    bUti pa ang hininga hiNahabOL
    yUng ibanG taO nde...
    bUti pa ang tinDera ngpa2twAd
    bUti pa ang aWit at tUgtOg pnagsa2Ma
    bUti pa ang suGat inaaLagaan
    yUng ibanG taO nde...
    bUti pa ang Lungs mLpit sa pUsO
    bUti pa ang kOtsE mhaL
    yUng ibanG taO nde...
    bUti pa ang pEra iniingatan
    yUng ibanG taO jan nde eh..>


    ***************************************************************

    Episode 41: Divine Encounter


    Sa San Guillermo Parish Church, nakita ni Miguel na nakaluhod si Rose Ann at kunwaring nagdrasal...


    MIGUEL: Hoy, Rose Ann! Huwag ka na ngang plastik dyan! "Santina" ikaw ba 'yan?

    ROSE ANN: Hindi ako si Santina... ako si SANTITA... Tita ako ni Santino.. :p

    MIGUEL: Ah ganun ba? Bagay pala sa'yo maging santa... SANTA SANTITA... :p


    ***************************************************************

    Epilogue: Follow Your Heart




    Nilingon ni Aries si Katie... Lumingon din si Katie...


    At bigla na lang, tumakbo silang pareho palapit sa isa't-isa...


    At natigilan sila nang sila'y magkaharap...


    ARIES: Tinuro sa akin ng Daddy Augusto ko... na sundin ko ang puso ko...lalo na sa pag-ibig... At lumaban alang-alang sa pag-ibig... Katie... sumpain man ako ng Diyos sa gagawin ko... babawiin kita sa Kanya... MAHAL NA KITA...


    Natigilan si Katie sa rebelasyong ginawa ni Aries... sa pag-aming mahal na siya nito...


    Nag-alala naman si Aries sa nababasang ekspresyon sa mukha ni Katie...


    ARIES: Katie... mahal kita... Hindi mo na ba ako mahal?


    Di makasagot si Katie. Naguguluhan siya.. Napalingon siya sa kumbento kung saan pinagmamasdan sila ng tita niyang si Sister Catherine... di mawari ang ekspresyon sa mukha ng madre..


    KATIE: Aries... ikinasisiya ng Diyos ang ginawa kong pag-submit ko ng sarili ko sa Kanya... pasensya na...


    Natigilan si Aries sa pahayag ni Katie...


    KATIE: Pasensya na Lord... pero susundin ko ang sinasabi ngayon ng puso ko...


    At niyakap ni Katie si Aries... nabigla si Aries sa pagyakap na iyon ni Katie..


    KATIE: Mahal kita, Aries... matagal na...


    At parehong umagos ang luha nina Aries at Katie sa sobrang kasiyahan... luhang punong-puno ng nag-uumapaw na pag-ibig sa isa't-isa...


    Hinalikan ni Aries si Katie sa labi... Halik na nagsasabi ng damdaming maalab sa kanyang puso: ang pagmamahal niya kay Katie....


    Ikinasaya nang husto ni Katie ang halik na iyon ni Aries... ang halik ng lalakeng nagpalambot ng bato niyang puso... ng lalakeng matagla niyang inasam na mahalin din siya....


    Patuloy na pinagmamasdan ni Sister Catherine sina Katie at Aries... may mga ngiti sa labi nito. Alam niyang hindi na itutuloy ng pamangkin niya na mag-madre... pero masaya siya para kay Katie...dahil natagpuan na ni Katie ang tunay na magmamahal sa kanya...


    *******************************


    Makalipas ang ilang araw, isang hapon, magkahawak kamay na naglalakad sa cobbled steps sa Salakot Park malapit sa Clark Main Gate sina Katie at Aries...


    KATIE: Aries?

    ARIES: Hmmmm?

    KATIE: Mahal mo ba talaga ako?

    ARIES: Tsss... Katie! Tinatanong pa ba yan?!

    KATIE: Ano nga kasi?!

    ARIES: Malamang Oo!

    KATIE: Sige nga.. paano mo mapapatunayan na mahal mo talaga ako?!

    ARIES: Katie...

    KATIE: Patunayan mo...


    Natigil sa paglalakad sina Katie at Aries. Nilapit ni Aries ang mukha niya sa mukha ni Katie.... Napapikit naman si Katie... at kinakabahan..


    KATIE: OMG! Aries... hahalikan mo ba ako sa harap ng maraming tao!!?


    Ngunit, hindi dumating ang inaasahang halik ni Katie mula kay Aries.. Nang matagalan si Katie, idinilat na niya ang mga mata niya at nakitang nakataas ang kaliwang kamay ni Aries na medyo naka-curve...


    Nagtaka naman si Katie sa ginagawa ni Aries. Nginitian siya ni Aries...


    KATIE: Anong ginagawa mo?

    ARIES: Pinapatunayan ko kung gaano kita kamahal...

    KATIE? Ha? Eh, ano yan? Ba't nakataas kamay mo?

    ARIES: Gayahin mo kasi ako... Itaas mo ang kanang kamay mo...tapos idikit mo mga daliri mo sa nakataas kong kamay....


    Kahit nagtataka, itinaas ni katie ang kanang kamay niya at dinikit ang mag daliri niya sa nakataas na kamay ni Aries...


    KATIE: Oh, ginawa ko na! Ano ngayon yan?


    ARIES: Tumingin ka sa sahig...


    Tinignan ni Katie ang sahig at namangha siya sa nakita. Nakita niya ang kanilang anino ni Aries na nag-form ng:






    ARIES: Ganyan kita kamahal, Katie...




    T H E E N D

    Episode 42: Katie's Goodbye Poem to Aries


    Tapos na ang finals ng Psych pipz sa Chem Sucksteen. Hahahahaha...


    MIGUEL: Yehey! Bakasyon na!

    DESTINY: I can almost feel the summer heat!

    LORRAINE: School's out! Hahahaha... Mababawi ko na rin ang pinuyat ko sa pag-aaral sa Chem Sucksteen! Makakasunod na rin ako sa parents ko sa Amerika!


    Dinistribute na rin ang Frontliner sa lahat ng estudyante. Tuwang-tuwa si Katie nang mabasa ng mga Psych pipz ang sinulat niya sa Frontliner...


    CHERUB: Yes naman, Katie. Napakamakabagbag-baging naman itong sinulat mo!

    KATIE: Grabe ka naman, Cherub. Ginawa mo pa akong unggoy! Makapagbag-baging ka dyan! Hahahaaha...

    CORRINE: Gusto kong maiyak dito sa sinulat mo kaya lang...wala talaga akong mapiga sa mga mata ko eh...hehehehe...

    KATIE: Mag-Eye Mo ka na lang friend, para maiyak ka...hehehehe...


    Sa entrance ng UPEPP, inaantay nina Melanie si Katie...


    MELANIE: Katie... Let's go! Uwi na tayo...

    KATIE: Ah..eh...mauna na kayo.. May pupuntahan pa ko...


    Nabasa naman ni Melanie ang nasa isip ni Katie...


    MELANIE: Si Aries pupuntahan mo nuh?


    Namula si Katie... at napayuko...


    KATIE: Gusto ko lang sana siyang puntahan... para bigyan ng kopya nitong Frontliner... tsaka para na rin makapagpaalam sa kanya bago ako pumasok ng kumbento...


    MELANIE: Katie... sigurado ka na ba talaga sa pagma-madre mo?

    KATIE: Oo, Melai. Sigurado na ako...


    Niyakap ni Melanie si Katie...


    MELANIE: Ma-mimiss kita... (at naluha si Melanie...pati na rin si Katie...)

    KATIE: O siya.. Mauna ka na. Dito pa tayo nag-iyakan. Umalis ka na agad...baka ma-late ka pa sa "date" niyo ni Jerome...

    MELANIE: Ganun? Hahahaha... Ikaw talaga. Sige. Ingat ka ah. Ikamusta mo na rin ako kay Aries...

    KATIE: Sige...sasabihin ko na rin sa kanya na magiging ninong siya sa kasal niyo ni Jerome...hehehehe

    MELANIE: Sira 'to!


    Nakarating na ng ospital si Katie at kumatok sa pinto ng kwarto ni Aries. Pinagbukasa siya ng caregiver ng Daddy ni Aries na si Ate Gelai...


    Tulog si Daddy Augusto sa wheelchair niya...


    KATIE: Si--si Aries po?


    ATE GELAI: Nasa physical therapist kasama nina Ate Ester at Ariana... Naga-undergo si Aries ng physical therapy. Tine-train siyang maglakad ngayon dun. Naging successful ang operasyon niya.

    KATIE: Mabuti naman po kung ganun. Buti po naging successful ang operasyon...

    ATE GELAI: Upo ka muna, iha. Baka pabalik na rin sila ngayon dito...


    Nag-alangan si Katie kung aantayin niya pa ba si Aries. Pagkatapos ng ilang segundong pagdedesisiyon...


    KATIE: Ay, hindi na po. Una na po ako. Iiwan ko na lang po kay Aries itong ibibigay ko sana sa kanya...


    Sinulatan ni Katie sa front page ang Frontliner at inilagay sa bedside table sa kama ni Aries...


    KATIE: Pakisabi na lang po kay Aries na dumaan ako rito.

    ATE GELAI: Sige, iha. Makakarating sa kanya...


    Palabas na si Katie ng kwarto ni Aries nang biglang may tumawag sa kanya sa mahina at garalgal na boses...


    Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at napansing gising na si Daddy Augusto at tinatawag siya nito...


    DADDY AUGUSTO: K--Katie...


    Nilapitan ni Katie si Daddy Augusto, ang dad ni Aries na may Alzheimer's disease...


    KATIE: B-bakit po?

    DADDY AUGUSTO: N--nand--dito k--ka b--ba p--para kay A--ries?

    KATIE: Opo...

    DADDY AUGUSTO: M--mahal mo ba s--si Aries?


    Nagulat si Katie sa tanong na iyon ni Daddy Augusto...di siya nakasagot...


    DADDY AUGUSTO: N--na--ikwento k--ka sa a--kin dati ni Aries. N--nag--sisi siya at---na--nasaktan k--ka niya...


    Naluha si Katie...


    KATIE: Napatawad ko na po siya, Tito. Magkaibigan na po kami ulit..

    DADDY AUGUSTO: M--mahal mo ba s--si A---ries?


    Hinawakan ni Katie ang mga kamay ni Daddy Augusto... Ngunit di niya masagot ang tanong nito...


    DADDY AUGUSTO: Lagi kong tinuturo kay Aries... na lagi niyang susundin ang puso niya sa pagdedesisiyon...lalo na sa pag-ibig.


    Matamang nakikinig si Katie habang naluluha...


    DADDY AUGUSTO: Mahal ko pa rin ang nanay nila kahit na sinaktan niya ako...kami. Nagagalit na nga sina Aries sa akin dahil di ko pa rin malimutan ang Nanay nila. Pero sinusunod ko lang ang puso... Lumalaban pa rin ako sa sakit kong ito alang-alang kina Aries at Ariana... alang-alang sa Nanay nila...alang-alang sa pag-ibig...


    Napisil ni Katie ang kamay ni Daddy Augusto. Tumatagos sa puso niya ang pangaral ng matanda...


    Tinignan ni Katie si Daddy Augusto... sa pagtingin niya rito, hindi niya nakita ang masasakiting Daddy Augusto... sa halip, ang nakita niya ay isang masigla, makisig, at binatang Daddy Augusto na puno ng pag-ibig....


    ******************************


    ATE GELAI: Aries, dumaan nga pala rit si Katie... at may ipinabibigay siya sa'yo.


    Sabay tinuro ni Ate Gelai kay Aries ang Frontliner sa bedside table.


    Hindi na naabutan pa nina Aries si Katie pagbalik niya mula sa pag-undergo niya physical therapy...


    Inalalayan ni Ate Ariana si Aries sa paglalakad papuntang bedside table...


    Kinuha ni Aries ang Frontliner at saka umupo...



    Nakita niya ang sulat ni Katie sa upper right hand corner ng dyaryo. Maikli lamang ito...



    Aries,


    Solo Dios Basta!

    - Katie




    Binuklat ni Aries ang dyaryo para hanapin ang article na sinulat ni Katie sa Frontliner...


    Nakita niya ito sa "Feature". Isa itong poem. Binasa ito ni Aries ng tahimik...



    ALMOST LOVER

    It's such A pleasure to be near you.
    How my heart flips when I'm with you.
    Even if you don't talk to me,
    Just to know you're near suffices me.


    I can't explain the Reason why
    When you're away I want to cry.
    To you of course this means nothing
    But for me it is everything.


    You talk to me. you call my name.
    I see your eyes glow time and again.
    Now I feel so lonely in vain
    Cause for you I'm just a mere friend.


    I can't tell you what I feel
    Being a girl there's no chance to reveal.
    Except perhaps you will find out when you open my heart
    For only you are thEre.


    You are mine but not really.
    I never really had you so I never really lost you.
    Almost lover, I guess this is how we'll always be.
    I had you, you had me,
    But then again, there'S no "us" really.





    Sa pagbabasa ni Aries, napansin niyang naka-bold ang mga letrang A-R-I-E-S... ang kanyang pangalan...


    Naluha si Aries nang binasa ang tulang gawa ni Katie. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Melanie...



    MELANIE: Aries...nagseselos si Katie sa atin...m--mahal ka niya...


    Dun lang na-realize si Aries na mahal nga siya talaga ni Katie... napangiti siya kahit na naluluha... Dahil ngayon...alam na niya ang nararamdaman niya para kay Katie...


    Mahal na niya ito...


    **************************************************


    Nang maayos na ang kalagayan ni Aries at dinischarge na siya sa ospital, paulit-ulit niyang tine-text at mini-missed call si Katie. Ngunit di nagrereply si Katie at di rin sinasagot nito ang tawag niya...



    Tinext ni Aries si Melanie. Nagulat si Aries nang matanggap ang reply ni Melanie...


    MELANIE: {aries, npagdesisyunan na ni Katie na magmadre. Niyaya cia ng tita Catherine niya kaya sya napapayag,she would not study sa upepp ngaung sem at mrahil sa mga susunod pang sem kung m2loy xa s pgmamadre}


    Tinanong ni Aries kung saang kumbento at kailan nagsimulang pumasok ng kumbento si Katie. Nung una ay ayaw pang sabihin ni Melanie kung saang kumbento pumasok si Katie sa bilin na rin ng kaibigan.


    Ngunit dahil sa pagpupumilit ni Aries, napilitan na rin si Melanie na sabihin kung saang kumbento pumasok si Katie.



    Sa Carmelite Missionaries Convent sa Quezon City pumasok si Katie. Isang Sabado ng umaga, pinuntahan ito ni Aries upang kumustahin si Katie. Alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit nagmadre si Katie.



    Tanaw mula sa kinatatayuan ni Aries ang garden ng kumbento kung saan nagwawalis si Katie na nakaputing t-shirt at brown na palda kasama ng iba pang novices na gusto rin magmadre.


    Mababa lamang kasi ang bakod ng garden ng kumbento at grills na bakal pa ang bakod nito.



    ARIES: Katie! Katie!


    Di makapaniwala si Katie nang nilingon ang tumatawag sa kanya: si Aries na hanggang ngayon ay mahal niya at di niya mawaksi sa isipan niya kahit na magmamadre na siya.


    Kaya kahit na bawal sa patakaran ng kumbento…kahit na nakabantay pa ang tiyahin niyang si Sister Catherine, binitiwan ni Katie ang walis-tingting na hawak niya at nilabas si Aries para kausapin…para maberipika kung totoo nga bang si Aries iyon o isa lamang ilusyon dala ng pagkasabik niya nang husto sa lalaking nagpalambot nang bato na niyang puso.



    Nang marating ni Katie ang kinatatayuan ni Aries, di alam ni Katie ang sasabihin…gayundin si Aries.


    KATIE: Ba’t ka nandito? Paano mong nalaman na nandito ako? (maluha-luhang pang tanong ni Katie.)

    ARIES: Si Melanie…


    At muli silang binalot ng katahimikan. Pinagmasdan nang husto ni Aries si Katie at saka binaling ang tingin sa kabuuan ng kumbento kung saan nasilayan niya si Sister Catherine na mataman na nakatingin sa kanila at pinagbabawalan ang iba pang novices na makiusyoso sa kanila.



    ARIES: Katie, bakit mo kailangang gawin ito? Dahil ba sa akin? Dahil ba hindi ko nasuklian ang pag-ibig mo sa akin?! Alam kong hindi mo talaga ‘to gusto!


    Ngunit umiling si Katie sa sinabi ni Aries.


    ARIES: Ginusto ko rin ito kahit papaano, Aries. Nang masaktan ako sa panloloko sa akin ng una kong naging boyfriend, nangako ako nun sa sarili ko na magmamadre dahil sa tinding sakit na naramdaman ko noon. Noong una ‘eh akala ko ‘eh di ako seryoso noon sa pangako kong pagmamadre.


    Naluha si Katie at siya'y nagpatuloy habang naiiyak...


    KATIE: At nakilala kita. Noong makilala kita, pinigilan ko ang puso ko na ibigin ka…dahil natatakot akong masaktan muli. Pero nangibabaw ang pag-ibig ko sa’yo. Minahal kita nang lihim. Ngunit sinabi ko sa sarili ko na sakaling masaktan lang ako sa’yo na alam kong mangyayari ‘eh seseryosohin ko na ang pagbabalak kong pagmamadre.”


    ARIES: Pero, Katie...


    KATIE: Dalawang beses na akong nasaktan dahil sa pag-ibig. Gusto ko namang maranasan ngayon ang isang klase ng pag-ibig na hindi nakakasakit at di nag-iiwan ng masasaklap na peklat sa puso---ang pag-ibig para kay Hesus



    Hinawakan ni Aries ang mga kamay ni Katie... pawang nangugusap ang kanilang mga mata...


    Gustong sabihin ni Aries na "mahal na niya si Katie...ngunit hindi niya magawa dahil naunawaan ni Aries na buo na nga ang desisyon ni Katie sa binabalak nitong pagmamadre.




    Nagbitiw ng kamay sina Katie at Aries. Pagkatapos niyon, lumakad sa magkabilang direksyon ang dalawa: si Katie pabalik ng kumbento at si Aries palayo naman dito.



    Gusto sanang lingunin ni Katie si Aries, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil baka sa paglingon niyang iyon ay umurong pa siya sa pagpasok niya sa kumbento at maging isang ganap na madre.



    Habang lumalakad, pinunasan ni Katie ang mga luha niya gamit ang panyong may imahe ng Our Lady of Mount Carmel, ang patronesa ng kumbento.



    Malungkot namang naglalakad palayo ng kumbento si Aries.



    TO BE CONCLUDED...

    Episode 41: Divine Encounter




    (TURN ON YOUR SPEAKERS TO HEAR THE SONG PLAYING... MAS MAGANDA KUNG PAKINGGAN NIYO YUNG MUSIC PARA MADAMA NIYO YUNG DRAMA NG EPISODE... hahahaha)



    Nabalitaan na ng Hotel Lakandula pipz ang nangyari kay Aries kaya dinalaw nila ito sa ospital ng Monday night...


    JR: Kumusta na, Aries? Pag gumaling ka...shot-shot ulit tayo ah...

    VOMER: Pag gumaling ka naman... DOTA ulit tayo ah. Sana naman manalo ka na sa akin...hahaha...

    KUYA KARLO: Mag-aantay ako sa pagaling mo, Aries...


    Nginitian ni Aries si Kuya Karlo...


    ARIES: Salamat, Kuya Karlo...


    Palihim namang nag-blush si Kuya Karlo..


    Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Totz...sinagot niya ito...


    TOTZ: Hello, Tita? Ano?! Nasa ospital rin kayo?

    TITA NI TOTZ: Ah...eh..Oo..

    TOTZ: Napano kayo? Ok lang ba kayo?

    TITA NI TOTZ: Ok lang ako. Wala namang nangyari sa akin...

    TOTZ: Wala pa lang nangyari sa inyo eh. Ba't nasa ospital rin kayo?

    TITA NI TOTZ: Nurse kaya ako! Hello... :p


    Dinalaw rin ng Psych pipz si Aries...


    MIGUEL: Aries, kelan ka ba papasok? Kulang tayo ng member para sa Interbarkada...

    CORRINE: Pagaling ka kaagad, Aries. Para maturuan mo kami sa upcoming difficult finals namin sa CHEM SUCKS-TEEN (Chem 16 yan ah... :p)!


    Tawanan naman ang Psych pipz...


    Ngunit sa lahat ng dumalaw... parang di pa rin kuntento si Aries. May isa siyang taong inaasahan niyang dumalaw sa kanya...isang taong hinahanap-hanap niya sa twi-tuwina: ang muling pagdalaw ni Katie...


    Hinahanap-hanap ni Aries ang ginawang pag-aalaga ni Katie sa kanya nung nagkamalay siya sa ospital...ang biruan nila noon...at ang pagmasahe sa kanya ni Katie...


    Nang wala ng bisita si Aries, biglang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ni Aling Ester ito...


    ALING ESTER: Aries...isang espesyal sa'yo ang bisita mo ngayon...


    Inasahan ni Aries na si Katie na ang bisita niya ngayon pero sa halip, si Melanie ang iniluha ng pinto kasama sina Destiny at Lorraine...


    MELANIE: Aries...k--kumusta ka na?

    ARIES: Ok lang ako..


    Halatang may namumuo pa ring tensyon at kaba sa pagitan nina Aries at Melanie...


    MELANIE: Aries... I'm sorry...sa lahat-lahat...

    ARIES: You don't need to, Melai. Actually, dapat pa nga ako magpasalamat sa'yo at sa nangyari sa atin... Sa tinakbo ng relasyon natin...marami akong natutunan pagdating sa pasikot-sikot ng pag-ibig...


    Nasaktan nang bahagya si Aries si Melanie sa sinabing iyon ni Aries. Pero batid niya na hindi intensyon ni Aries na makasakit sa nasabi...



    ARIES: Kumusta na nga pala kayo ni Jerome? Kayo na ba?



    Alangan pang sumagot si Melanie. Hindi niya kasi inaasahan na itatanong iyon ni Aries sa kanya...



    MELANIE: We're getting there... :p


    ARIES: Masaya ako para sa inyo ni Jerome... Sabi nga ng Daddy ko sa akin dati... pag nagmamahal ka...you must learn to follow your heart. At buti, Melanie... sinunod mo ang puso mo...




    Napangiti si Aries at si Melanie sa isa't isa...



    ARIES: Si Katie nga pala?


    LORRAINE: Busy ngayon yun. Gustuhin man daw niyang dumalaw, eh hindi niya magawa. Ginagawa pa kasi nila yung polishing ng final copy ng Frontliner...


    DESTINY: Tapos mag-aaral pa siya para sa finals ng Chem Sucks-teen! :p


    Nakaramdam ng lungkot si Aries....


    MELANIE: Sige, Aries. Mauna na kami...

    DESTINY: Pagaling ka para sa operasyon mo...


    At sinundan ni Aries ng tingin sina Melanie, Destiny at Lorraine habang palabas na sila sa pinto...


    ARIES: Parang kelan lang... Gagong-gago ako sa sarili ko dahil sa ginawa sa akin ni Melanie. Ngayon...parang wala na kong maramdamang kirot sa puso ko...


    Kinakausap naman ng doctor sina Aling Ester at Ate Ariana...


    DOCTOR: Nakarating na ang mga stainless braces na inorder namin para sa operasyon ni Aries. Bukas ay maaari nang maisagawa ang operasyon...

    ALING ESTER: Salamat naman sa Diyos (at napa-krus siya)

    DOCTOR: Malaki ang magagastos sa gagawing operasyon... As I said, may risk na di na makalakad si Aries...

    ATE ARIANA: Doc, gawin niyo ang lahat maging maayos lang ang kapatid ko...


    Kinagabihan, sa apartment, nakatanggap sina Katie ng text mula kay Aling Ester


    ALING ESTER: {bukas n ang operasyon ni aries. pls pray d success of d operation.}


    DESTINY: Teka... Di ba bukas ang field trip natin sa Araling Kapampangan?

    LORRAINE: Oo, bakit?

    DESTINY: Sayang... di tayo makakapunta sa operasyon ni Aries which is tomorrow din.

    MELANIE: Ipagdasal na lang natin siya. Tutal, may simbahan din tayong pupuntahan bukas sa A.K. field trip...


    Kinabukasan, sa A.K. Field Trip, una nilang ruta ang Clark Museum na naglalaman ng World War II memorabilla at iba pang pamana ng mga Kano sa mga Pilipino... nandoon din ang memorabilla ni Diosdado Macapagal at ng pamilya niya...





    Nagtungo rin sila sa Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University sa Angeles City. Naglalaman ito ng mga libro, tula, at mga sining na likha ng mga Kapampangan...





    Kumain din sila ng sisig Kapampangan sa Dulang Restaurant...





    Namangha rin sila sa paggawa ng palayok sa Sto. Tomas, Pampanga pottery at ang wood carving sa Betis, Pampanga...





    Last destination nila ang San Guillermo Church sa Bacolor, Pampanga...






    A.K. PROF: This church has certainly been through tough times. It was originally constructed in 1576 by friars from the Augustinian order. In 1880, the church was destroyed by an earthquake and was rebuilt in 1886. In 1995, lahar flowed from the slopes of Mt. Pinatubo, the volcano that had earlier erupted in 1991. The volcanic lava, mud and debris buried the church at half its height and caused the evacuation of over 50,000 townfolk. The current doors of the church actually used to be the windows of the choir loft.



    Pumasok sila sa makasaysayang simbahan ng San Guillermo. Kamangha-mangha ang loob nito na bakas pa ang pagkakalubog nito sa lahar noong 1995.





    Sa paglilibot sa San Guillermo Parish, nakita nila ang estatwa ni....


    MELANIE: Oi... si Bro!





    Nilapitan ng karamihan si "Bro" at pinunasan ng panyo...


    Habang pinagmamasdan si Bro, di sinasadyang magkatinginan sina Melanie at Katie...


    LORRAINE: Hoy, Melanie..Katie. Magbati na nga kayo...di ba nga turo ni "Bro" na dapat magmahalan tayong lahat at di nag-aaway...


    Nagtawanan ang lahat. Lumapit sa isa't-isa sina Katie at Melanie...


    MELANIE: Katie... I'm sorry... I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo...

    KATIE: Melai...



    At sila'y nagyakapan at nagkaiyakan na daig pa sa drama ni Santino... Napagkamalan tuloy silang nagte-taping ng "May Bukas Pa" :p


    Ang tunay na magkaibigan, hindi na kailangan pa ng maraming salita para magkapatawaran. Kapwa naging masaya sina Katie at Melanie sa kanilang pagkaka-ayos...at sa panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan...


    Bago umalis ng San Guillermo Parish Church, naisipang magdasal ni Katie sa sanctuary o altar...





    Lumuhod si Katie sa luhuran at tahimik na nagdasal sa sanctuary...


    KATIE: Lord, Bro... marami pong salamat sa lahat ng mga kasiyahang ibinigay niyo sa akin. Salamat po at nagkabati na po kami ni Melanie.


    Huminga ng malalim si Katie at nagpatuloy sa pagdarasal...


    KATIE: Lord... ipinagdarasal ko po si Aries na sana maging tagumpay ang kanyang operasyon. Sana po maging maayos ang kanyang kalagayan at makalakad siyang muli. Lord, I lift up to you my prayers and my life. Amen...


    Sa pagdarasal ni Katie, bigla niyang nakitang nagliwanag ang buong sanctuary at nasilaw siya sa sobrang liwanag nito...





    Nakaramdam ng kung anong malakas ngunit nakakakalma na pwersa... Naramdaman niya ang presensya ng Panginoon... na para bang kinakausap siya ng Panginoon...


    Naluha si Katie dulot ng sobrang ligayang nadarama ngayon sa piling ng Panginoon...



    ********************


    Habang nasa shuttle bus na sila paalis ng San Guillermo, kinausap ni Katie si Destiny...


    KATIE: Des...

    DESTINY: Bakit, Katie?

    KATIE: Kanina... habang nagdarasal ako sa San Guillermo Parish... may naramdaman akong kakaiba...

    DESTINY: Kakaiba? In what way? Paano? Kinausap ka ba ni Bro?

    KATIE: Medyo. Kasi... habang pinagdarasal ko si Aries... nagliwanag bigla ang paligid ko. I felt in my heart something powerful and divine force.


    Namamangha at nagtatakang tinignan ni Destiny si Katie...


    KATIE: Destiny... narinig ko na ang tawag ng Panginoon... Itutuloy ko na ang pagmamadre ko...


    TO BE CONTINUED...



    Jesus Take The Wheel - Carrie Underwood Music Code

    Episode 40: Hospital Wing




    Nakasakay si Katie sa ambulansya kung saan nakahiga si Aries na nilalapatan ng first aid ng mga doktor at nurse na nandoon...


    KATIE: Aries...kaya mo yan. Wag kang susuko!


    Dinala ni Aries sa Clark General Hospital kung saan sinugod siya sa emergency room...


    Nang papasok na sa emergency room, hinarang si Katie ng mga nurse upang pigilan siyang makapasok sa ER...




    Makalipas ang ilang minuto, nakaupo si Katie sa upuan malapit sa ER nang dumating si Aling Ester...


    ALING ESTER: Katie...

    KATIE: Aling Ester....


    Nagyakapan ang dalawa at nag-iyakan...


    Pagkalipas ng ilang sandali, nag-usap silang dalawa sa labas ng emergency room...



    ALING ESTER: Balak sanang mag-sorry sa'yo ng pamangkin ko...kaya hinintay ka niyang makalabas ng UPEPP...


    KATIE: Kasalan ko....kung alam ko lang...e di sana hindi na 'to nangyari sa kanya...

    ALING ESTER: Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pareho nating hindi ginusto ang nangyari. Kung nahulaan ko lang sana sa mga baraha ko ang sasapitin ni Aries...


    Biglang lumabas ang doktor sa ER at nilapitan sina Aling Ester...


    DOCTOR: Kayo po ba ang nanay ng pasyente?

    ALING ESTER: Ako ang tita niya...

    DOCTOR: Sumama po kayo sa akin sa opisina ko...


    Magpapaiwan sana si Katie pero...


    ALING ESTER: Katie, iha. Halika na...samahan mo na ako...


    Nasa opisina sila ng doktor kung saan ipinapakita ng doctor ang print-out x-ray ni Aries...


    DOCTOR: Dahil sa malakas na pagkakahataw sa kanya sa likuran, nabali ang spinal column ng pasyente...


    Nagulat pareho sina Katie at Aling Ester...


    KATIE: Doc..wag niyo pong sabihing...


    Naalala ni Katie ang ni-lesson nila sa Zoology na kapag nabali ang spinal column ng tao...


    DOCTOR: Iha...maaari siyang ma-paralyze at di na makalakad o makatayo man lang....


    Nanghina sina Katie at Aling Ester sa sinabi ng doctor...


    Bumalik sa alaala ni Katie ang pagmomotor ni Aries, pagbabasketball nito...paano nang lahat ng yon kung mapaparalyze si Aries....


    ALING ESTER: Doc, wala ba kayong magagawa?

    DOCTOR: Plano naming palitan ng bakal ang mga nasirang bahagi ng kanyang spinal column...pero hindi reassurance yun na makakakilos siya ng normal...


    Nasa canteen na ng ospital sina Katie at Aling Ester. Pareho silang kumakain ng brownies at umiinom ng Juicy Pulp... :p


    ALING ESTER: Mapapatay ko ang mga gumanyan sa pamangkin ko pag nakita ko sila! Napaka-walang modong mga bata yan. Nananahimik si Aries, ginulpi nila!


    KATIE: Aling Ester, nasabi po ng guard sa akin na member ng frat sa Holy at sa UPEPP ang mga bumugbog kay Aries. Kilala ko po yung iba sa kanila...


    ALING ESTER: Bakit ba kasi hindi pa ipagbawal sa UP ang mga walang katuturang mga frat-frat na yan! Marami nang namamatay sa pagsali dyan. At ang pamangkin ko...idadamay pa nila!


    KATIE: Aling Ester, hindi naman po kasi lahat ng frat sa UPEPP, basag-ulo ang hanap. May ginagawa rin silang proyekto sa ikabubuti ng school at ng mga estudyante. Nagkataon lang na ang mga dumali kay Aries ay isang frat na basag-ulo ang hanap...


    Nag-ring ang cellphone ni Aling Ester...


    ALING ESTER: Hello? Oh, Ariana. Si Aries? Mabuti naman ang lagay niya kaya lang...


    Nag-excuse si Aling Ester kay Katie. Tumayo si Aling Ester at lumayo nang kaunti para kausapin sa cellphone ang ate ni Aries na si Ariana...


    **********************


    Nailipat na sa isang private room si Aries. Wala pa rin itong malay. Binabantayan siya nina Aling Ester at Katie...


    ALING ESTER: Katie, iha. Di ka pa ba uuwi sa Manila? Wala na kayong pasok hanggang Sabado ah.

    KATIE: Baka po bukas na ako umuwi. Gabi na po masyado eh

    ALING ESTER: Sabagay...


    At nagkaroon ng konting katahimikan at...


    ALING ESTER: Sige na, iha. Umuwi ka na sa apartment niyo. Parating na rin naman rito sina Ariana at Kuya Augusto ko (dad ni Aries na kapatid ni Aling Ester) galing QC. Ako na lang magbabantay kay Aries...

    KATIE: Sige po...

    ALING ESTER: Mag-iingat ka...


    Lumabas na ng kwarto si Katie at naglakad palabas ng ospital.


    Nang makarating na siya sa exit, nagulat siya nang makitang papasok ng entrance ng ospital si Eunice...


    Nagkatinginan silang dalawa...


    Nilapitan ni Eunice si Katie...


    KATIE: Ang kapal ng mukha mo! May lakas ka pa ng loob na magpakita rito!

    EUNICE: Katie...alam ko, sina Celestino ang bumugbog kay Aries. Nanggaling ako sa kulungan nila...

    KATIE: Kung papayagan lang ng batas, dapat mabulok na sila dun sa kulungan! Hindi lang bugbog ang inabot ni Aries. Sinira na nila pati kinabukasan niya! Malaki ang posibilidad na maparalyze si Aries sa ginawa nila!


    EUNICE: Kaya nga nandito ako para humingi ng tawad kay Aries...sa pamilya niya. Dahil din sa akin kaya nangyari kay Aries ang ganyan. Nagseselos sa kanya si Celestino kaya ginulpi nila si Aries...


    For the first time, nakaramdam ng sinseridad si Katie sa mga sinabi ni Eunice...


    EUNICE: Please, Katie. Gusto kong makausap si Aries o ang pamilya niya...


    Sinamahan ni Katie si Eunice sa room ni Aries kung saan nakaupo si Aling Ester sa tabi ng kama ng walang malay na si Aries...


    Kumatok si Katie sa pinto saka pumasok kasama si Eunice...


    KATIE: Aling Ester...m-may gusto pong kumausap sa inyo...


    Tumayo si Aling Ester at lumapit kina Katie at Eunice...


    Si Eunice ang nagsimula ng usapan...


    EUNICE: Tita...mga k-kaibigan ko po ang gumawa nyan kay Aries. Ako na po ang humihingi ng dispensa...

    ALING ESTER: Bakit ikaw ang humihingi ng dispensa para sa kanila? Sila dapat mismo ang humingi ng dispensa. Hindi ikaw!


    EUNICE: Kasi po... I felt somehow responsible sa nangyari. Ipinakilala ko po kasing boyfriend ko si Aries sa unwanted suitor kong si Celestino. Dala ng selos, pinabugbog ni Celestino sa mga ka-frat niya si Aries. I'm sorry po...


    Sa mga narinig, hindi maiwasan ni Aling Ester na makaramdam ng galit kay Eunice...


    ALING ESTER: Lumayas ka rito bago pa kita masaktan! Lumayas ka na dito! Labas!


    Pinagtulakan ni Aling Ester si Eunice sa pinto. Sinundan naman si Katie kay Eunice...


    Nang nasa labas na sila ng room...


    KATIE: Eunice, pagpasensyahan mo na si Aling Ester. Galit lang yun kaya nagawa niya yun sa'yo...

    EUNICE: Ok lang. Kung tutuusin, kulang pa yung ginawa niya sa nagawa ko sa pamangkin niyang si Aries...


    Nang nasa labas na sila ng ospital...


    EUNICE: O, Katie. San ka na nyan?

    KATIE: Ah...eh...mag-aabang ng jeep papuntang Main Gate...

    EUNICE: Gabi na. Madalang na lang ang jeep na dumadaan dito. Halika, sabay ka na sa akin...


    Nag-alangan si Katie. Naninibago siya sa kabaitang ipinapakita ni Eunice...


    KATIE: Ah..eh... hindi na lang. Salamat na lang...

    EUNICE: Sige na, hwag ka nang mahiya...


    Makalipas ang ilang minuto, nakisakay na rin si Katie sa kotse ni Eunice at binabaybay nila ang kalye ng Clark papuntang Main Gate...


    Nakaupo sa passenger's seat si Katie habang si Eunice ang nagmamaneho...


    Tahimik sina Eunice at Katie. Binasag na lang ni Eunice ang katahimikan...



    EUNICE: Katie, pasensya ka na pala sa nagawa ko sa'yo...sa nagawa namin ng pinsan kong si Girlie sa iyo...


    Tahimik lang si Katie. Di siya makapaniwala sa paghingi ng tawad ni Eunice...


    EUNICE: Pagkatapos ng sem na 'to. I will be leaving Philippines for good..

    KATIE: Ha? Bakit?

    EUNICE: Napetisyon na ko ng Dad ko sa Amerika. Dun na ko titira. Pagkatapos ng gulo na idinulot ko sa buhay ni Aries...siguro kelangan ko na ring umalis...


    Ibinaba ni Eunice si Katie sa Main Gate. Nagpasalamat si Katie at umalis na si Eunice...


    Natulog si Katie sa apartment na magaan ang pakiramdam...dahil nalaman niyang may "good side" din pala si Eunice...


    *******************************

    Kinaumagahan, sa Clark Hospital, nagkamalay si Aries. Una niyang nasilayan sina Aling Ester at ang Ate Ariana niya na natutulog sa sofa na nakaupo...


    ARIES: T--Tita...A--Ate...


    Nagising sina Aling Ester at Ate Ariana sa mahinang tawag ni Aries...


    ATE ARIANA: Aries... ano? Kumusta na pakiramdam mo?

    ARIES: Ate..m-masakit katawan ko... Si D-Daddy?

    ATE ARIANA: Nililibot ni Gelai (caregiver ni Daddy Augusto) sa labas. Sige...pahinga ka muna. Wag mong pwersahin ang sarili mo...

    ARIES: T-Tita... si Katie po?


    Samantala, nagliligpit na si Katie ng bagahe sa apartment niya para pauwing Caloocan nang biglang mag-ring ang cellphone niya...


    KATIE: Hello? Aling Ester? Napatawag po kayo?

    ALING ESTER: Si Aries...

    KATIE: Oh, napano po si Aries? Kumusta na po siya?

    ALING ESTER: Hinahanap ka niya...pwede ka bang dumaan dito sa ospital?


    Makalipas ang ilang sandali, nasa ospital na si Katie. May malay na si Aries...


    KATIE: A-Aries?

    ARIES: Ka--Katie... sorry...sorry sa lahat...

    KATIE: Wag ka na magsalita muna...baka mapagod ka lang. Pahinga ka na lang...


    At biglanng pumasok ang taga-dala ng pagkain at nilapag ang tray ng pagkain sa mesa...


    Pinakain ng sopas ni Ate Ariana si Aries. Habang pinapakain niya si Aries, biglang kumatok ang ang doktor at pumasok...


    DOKTOR: Miss Aranas, Mrs. Eusebio. Maaari ko po ba kayong makausap sa opisina ko?


    Nagkatinginan sina Aling Ester at Ate Ariana...


    KATIE: Sige po, Ate. Ako na po muna magpapakain kay Aries...


    ATE ARIANA: Sige iha. Salamat.


    Binigay ni Ate Ariana ang bowl ng sopas kay Katie at sabay silang lumabas ni Aling Ester...


    Umupo si Katie sa upuan sa tabi ng kama ni Aries at sinubuan ng sopas si Aries...


    KATIE: Kumain ka nang kumain para maging malakas ka pag inoperahan ka na...


    Nginitian ni Katie si Aries...at ngumiti rin si Aries kahit hirap...


    At habang pinapakain si Aries ni Katie, naamoy ni Aries ang samyo ng buhok nito at ng bango ng katawan ni Katie. May nakita siyang kakaibang pungay at kislap sa mata ni Katie na noon lang niya napansin. Na-cute-an sin si Aries sa medyo malamang pisngi ni Katie at sa "cute" na height nito...


    Napansin naman ni Katie na iba ang titig ni Aries sa kanya...


    KATIE: Bakit? M-may dumi ba ko sa mukha?

    ARIES: A--ang ganda mo pala...


    Kinilig naman ng lihim si Katie...pero di niya iyon pinahalata...


    KATIE: Aries, alam kong nabalian ka ng buto pero wag mong sabihin na nabulag ka na rin?!


    Sa opisina naman ng doktor, mataman na nakikinig sina Ate Ariana at Aling Ester...


    DOKTOR: Maipapadala na ang mga stainless na bakal para gamitin pamalit sa spinal column ni Aries. And when the operation becomes successful...konting therapy lang at maaari siyang makalakad... Pero there's a risk na hindi maging successful ang operation... hindi reassurance ang mga braces na ipapalit namin sa spinal column ni Aries na makakalakad siya...


    ATE ARIANA: Doc, gawin niyo ang lahat maging successful lang ang operasyon ng kapatid ko...

    DOCTOR: Let's hope for the better...



    Tapos nang pakainin ni Katie si Aries ng sopas ngunit di pa rin bumabalik sina Aling Ester at Ate Ariana...


    Nakaupo lang si Katie sa sofa. Habang nakatulala naman si Aries...


    Bigla na lang...


    ARIES: Aray...ang sakit ng kanang braso ko...


    Tumayo si Katie at nilapitan si Aries...


    KATIE: Saan? Saan masakit?

    ARIES: Itong...kaliwang braso ko...

    KATIE: Ano ba talaga? Kanan o kaliwa?

    ARIES: Ah...eh....pareho...


    Hinilot ni Katie ang kanan at kaliwang braso ni Aries nang buong ingat...pagkahilot ni Katie...


    KATIE: Ano? Di na masakit?

    ARIES: Ah...eh..aray! Ang sakit naman ng kanang binti ko...


    Siyempre, hinilot naman ni Katie ang kanang binti ni Aries...


    ARIES: Aray...ang sakit ng balikat ko..


    Medyo irita na si Katie pero hinilot niya pa rin ang balikat ni Aries...


    ARIES: Aray..ang sakit ng pisngi ko...Sobra...aray...

    KATIE: Sige na...hihilutin ko na yang pisngi mo...

    ARIES: Ah...eh... Mas mawawala ang sakit ng pisngi ko kung...kung ...iki-kiss mo...

    KATIE: Sapak, gusto mo?

    ARIES: Ito naman. Parang di ka na mabiro...


    Pumasok naman bigla sina Aling Ester at Ate Ariana...


    ALING ESTER: O, Katie, Aries...parang nag-aaway kayo dyan?

    KATIE: Eh...kasi po...itong pamangkin niyo, nakaratay na nga eh kung anu-ano pang kalokohan ang pinag-iisip...

    ARIES: Ito parang ---

    ALING ESTER: Hay naku. O sige na, Katie. Umuwi ka na sa inyo. Alam kong nakakaabala na yang si Aries sa'yo...

    KATIE: Hindi naman po... Bilang kaibigan...okay lang po na makatulong ako kay Aries...

    ATE ARIANA: Iha, salamat nga pala ah..

    KATIE: Wala po yun, Ate.


    Tinitignan ni Ate Ariana nang pasalit-salit sina Aries at Katie...


    KATIE: A--Ate, bakit po?

    ATE ARIANA: Di ba... ex ka ni Aries? And you're his first girlfriend!

    KATIE: Ah...eh...parang ganun na rin po... Hindi naman ako ang first-love!


    ATE ARIANA: Alam niyo...bagay kayo...sana magkabalikan kayo...


    KATIE: Yikes!


    Pagkalipas nun, nagpaalam na si Katie. Pagkaalis ni Katie, parang nalungkot si Aries...na parang nakaramdam ng emptiness sa puso niya si Aries habang tinatanaw ang papalabas na si Katie...


    TO BE CONTINUED...