Monday, May 4, 2009

Episode 35: Discord and Enmity


*********************

" Hay naku...talaga naman yung Aries na yan. His gift for spreading discord and enmity is very great." (Lorraine Manliclic, 2009) *

* see Episode 32: French Bread

********************

Umuusad na ang bus paalis ng mainland ng Hundred Islands...ang mga islang nagdulot ng "hundred" shattered dreams and "hundred" sad memories kay Katie bunga ng tagpong nakita niya kanina...


Malungkot na nakadungaw lang si Katie sa bintana habang unti-unting nawawala sa view ang dagat at ang mga isla...


KATIE: Aries...ano bang meron ka at ikaw pa rin ang hanap ng puso..kahit na alam kong hindi ako ang hanap mo...


Samantala, napansin ni Vomer na walang imik ang katabing si Katie. Alam ni Vomer ang bumabagabag kay Katie: ang halikan nina Aries at Melanie...


Lihim na nasasaktan si Vomer...nagseselos si Vomer...nagseselos siya dahil sa mga ipinapakita ni Katie na si Aries pa rin ang mahal nito...


VOMER: Katie...ano bang meron kay Aries kung bakit patuloy mo pa rin siyang minamahal?


Habang sa likod na upuan naman nina Katie at Vomer ay magkatabing natutulog sina Aries at Melanie habang magkahawak ng kamay. Nakahiga si Melanie sa balikat ni Aries...


************************


MARCH na!!!


Isang Tuesday ng umaga sa UPEPP canteen...


GAY FRIEND 1: It's official, girl! Sina Aries at Melanie na...noong field trip pa...

GAY FRIEND 2: Kay Kuya Piloto lang umubra ang "Mummy-inspired Fashion Statement" mo nung Saturday pero wa-epek naman kay Aries...

EUNICE: Ay puta, mga par?! Manahimik nga kayo! May magagawa pa ko para mapag-break yang sina Melanie at Aries nuh! Alam niyo naman, what Eunice wants...Eunice gets!

GAY FRIEND 1: Par, may binabalak kang masama nuh?

GAY FRIEND 2: Natural! Parang di mo naman kilala yang par nating si Eunice! E likas na salbahe yan!


EUNICE: Hoy, bakla! Hindi ako salbahe nuh! Hindi ko lang ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga mababait na tao! :p

GAY FRIENDS 1 & 2: Whatever!


At nagulat si Eunice at nanlaki ang mga malalaki na nitong mga mata nang may biglang humalik sa kanya sa kanang pisngi...kaya nilingon niya ito at nasampal.


CELESTINO: Aray! Ang sakit naman nun!

EUNICE: Paano ka nakapasok dito sa UPEPP?!

CELESTINO: Tinatanong pa ba yan?! E napaka-lax ng security dito sa school niyong bulok! Ilang beses na nga akong nakakapasok dito di ba?!


Si Celestino ang "maitim" na manliligaw ni Eunice na nag-aaral sa Holy Angel.

GAY FRIENDS 1 & 2: (pabulong) Tsaka sa itim niyang yan...inakala siguro ng guard na anino lang siya kaya di napansing pumasok!

CELESTINO: Ano?! May sinasabi ba kayong dalawa dyan?!

GAY FRIENDS 1 & 2: Secreeeeet!!!!!!

CELESTINO: Lumayas nga kayong dalawa dito! Sapakin ko kayo eh!

GAY FRIENDS 1 & 2: E di sapakin mo...sasabunutan ka na--


Pero nahintakutan ang dalawa nang biglang sinuntok ni Celestino ang table nila kaya nagmadaling luumabas ang gay friends...


Nagsitinginan din ang ibang tao sa canteen sa ginawang ingay ng suntok ni Celestino...


EUNICE: Ano ba kasing kailangan mo at nandito ka?!

CELESTINO: Yayayain lang sana kitang manood ng sine..."Date" kung baga...

EUNICE: Ayaw nga kitang kasama! Andilim-dilim sa sinehan...hindi kita makikita.. :p

CELESTINO: Ito naman..masyado ka ah! Sige na...nood tayong "You Changed My Life."

EUNICE: He! You Changed My Life..You Changed My Life ka dyan! YOU CHANGE YOUR COLOR muna! :p


Sabay sibat si Eunice sa canteen...


*******************

Samantala, nagsasagot ng Teacher's Evaluation Sheet sa laboratory room ang Psych 2A.. Chem 16 class kasi nila ngayon...


Si Ma'am Fermions ang ine-evaluate nilang teacher. Habang nagsasagot ng evaluation sheet ang Psych 2A, nilalatag ni Ma'am sa bawat sink ng estudyante ang mga chemical na gagamitin sa Chemistry Experiment ngayon...


Nang pumunta si Ma'am Fermions sa sink nina Miguel para ilagay ang chemicals, napatingin si Ma'am Fermions sa evaluation sheet ni Miguel.


Kasalukuyang sinasagutan ni Miguel ang question na ito:

******************

What grade do you expect to get from this course? Encircle one.

1.0 1.25 1.5 1.75 2.0 2.25 2.5 2.75 3.0 4.0 5.0 DRP. INC.

******************

At binilugan ni Miguel ang:





MA'AM FERMIONS: Uno?!! Nagpapatawa ka ba? =)


Napatingin naman sina Katie at Melanie kay Miguel...ganun din ang buong Psych 2A na nasa lab din...


Napakamot na lang ng ulo si Miguel...


MIGUEL: Ma'am naman eh! Minsan naman libreng mangarap kahit paano. :p


Pagkatapos magsagot ng teacher's evaluation ng lahat, nagsimula na sila sa kanilang experiment...iniwanan muna sila ni Ma'am Fermions habang ginagawa nila ang experiment...


Habang naghahalo ng chemicals ang lab partners na sina Katie at Melanie...


MELANIE: Friend...may sasabihin ako sa'yo...


Excited ang tono ni Melanie kaya nahulaan na ni Katie ang sasabihin ng kaibigan sa kanya...kaya natigilan siya sa paghahalo ng chemical...


MELANIE: Kami na ni Aries...noong field tr--

KATIE: Congrats sa inyong dalawa (labas sa ilong)


Napansin ni Melanie na hindi nakatingin sa kanya si Katie. Nagpatuloy naman sa paghahalo ng chemical si Katie na parang galit...


At isa pa sa napansin ni Melanie ay ang malamig at parang labas sa ilong na pagkakasabi ng kaibigan ng "Congrats sa inyo"


Tumigil sa paghahalo si Katie ng chemical pero nakatingin pa rin siya sa beaker ng chemical na hinahalo niya kanina.


Napatingin din si Melanie sa beaker at napansin niyang may likidong pumapatak sa itaas ng chemical...mga luha ni Katie...



KATIE: Labas lang ako sandali. Nakakaiyak kasi 'tong chemical na 'to. Ang sakit sa mata...


At dali-daling lumabas si Katie habang pinangpupunas sa mga luha ang kanyang mga kamay...


Alam ni Melanie na hindi dahil sa "xenon tetrafluoride" naluluha si Katie kaya sinundan niya ito palabas...


MELANIE: Katie?!


Ngunit wala si Katie sa corridor sa labas ng lab...


Nakita ni Melanie si Katie sa bakanteng classroom sa kanan ng ng laboratory. Nakaupo si Katie sa teacher's table at umiiyak...nilapitan ito ni Melanie...


MELANIE: Katie...

KATIE: Ba't ka nandito?!

MELANIE: Bigla ka kasing umalis kanina at nag-aalala ako kasi umiiyak ka...baka kasi may problema ka---

KATIE: Wala akong problema!! Naiyak ako dahil sa reaction ng xenon tetrafluoride sa mata ko!

MELANIE: Friend, wag ka nang magsinungaling. Hindi nakakaiyak ang chemical reaction ng xenon tetrafluoride!! Katie...ano bang problema mo?!


KATIE: Problema ko?! Anong problema ko!? Gusto mo talagang malaman!?! Pwes...nagseselos ako sa inyo ni Aries dahil mahal ko si Aries!! At higit sa lahat...inagaw mo sa akin si Aries...


Natigilan si Melanie sa pag-amin ng kaibigan. Ganun din si Katie dahil di niya inaasahan na masasabi niya ang mga katagang iyon kay Melanie dala ng matinding selos at galit sa kaibigan...


Nag-walk out si Katie palabas ng classroom...


Sa paglabas ni Katie, nanatiling nakatayo si Melanie sa classroom at nage-echo sa kanya ang sinabi ni Katie...


KATIE: Nagseselos ako sa inyo ni Aries dahil mahal ko si Aries!! At higit sa lahat...inagaw mo sa akin si Aries...


Ayon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng matinding away ang magkaibigang sina Katie at Melanie...at ayun ay dahil kay Aries...



TO BE CONTINUED....




No comments: