Sunday, May 17, 2009

Episode 37: Love Hurts




(Please turn on your speakers to hear the song playing..kailangan talaga pakinggan yung kanta para madama niyo yung episode...hehehe...)


Kasalukuyang ginagamot ni Melanie si Aries sa mga pasa nito....


MELANIE: Uhm, Aries...may sasabihin sana ako tungkol kay...kay Katie...

ARIES: Ha? Ano yun?


Di alam ni Melanie kung paano sasabihin kay Aries ang naging away nila ni Katie...na si Aries ang dahilan...


MELANIE: Aries...nagkaroon kami ng away ni Katie...

ARIES: Ha? Bakit naman?

MELANIE: Kasi...ka---dahil sa'yo...

ARIES: Dahil sa akin?! Ano naman kinalaman ko dyan?!

MELANIE: Aries...nagseselos si Katie sa atin...m--mahal ka niya...


Natigilan si Aries sa sinabi ni Melanie. Di makapaniwala si Aries sa narinig...


MELANIE: Aries, ayokong magkasira kami ng kaibigan ko. Kaya sana...sa sasabihin ko sa'yo, maintindihan mo ako...


ARIES: Melai...

MELANIE: Aries...alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Katie... I'm letting you go...


ARIES: Hindi!

MELANIE: Aries..kaibigan ko si Katie at ayokong masaktan siya nang dahil sa akin...mahalaga siya sa akin...

ARIES: Ako ba hindi mahalaga sa'yo? Melai...paano naman ako...paano naman "tayo"? Paano ang sarili mong kaligayahan?

MELANIE: Aries...pareho kayong mahalaga sa akin ng kaibigan ko... at kung mahalaga man ako sa'yo, sana maunawaan mo ako sa desisyong gagawin ko...


ARIES: Mahalaga ka sa akin pero di ko maunawaan ang pagsasakripisyong gagawin mo alang-alang lang kay Katie... Melanie, wag mo naman akong bitawan...wag mo namang bitawan ang relasyon natin...


MELANIE: Aries, mahal ka ni Katie kaya subukan mong ibaling na lang sa kanya ang pag-ibig mo...


ARIES: Melai, hindi ganun kadali yun! Hindi madaling turuan ang puso na mahalin ang taong hindi mo mahal...

MELANIE: Aries, hindi mahirap mahalin si Katie...sana ma-realize mo yun...


At lumabas ng kwarto si Melanie at naiwang nakatingin si Aries sa kawalan...


Nagtungo si Melanie sa veranda. Sakto namang nakita siya ni Lorraine na kalalabas lang ng kwarto nila at nakita niya si Melanie na papuntang veranda kaya sinundan niya ito...


Naabutan ni Lorraine si Melanie sa veranda na nakatingin sa kalayuan...


LORRAINE: Melanie...


Napalingon si Melanie...


LORRAINE: Melanie...


Umupo silang dalawa sa bench ng veranda...


MELANIE: Lorraine, tingin mo ba masama ako?

LORRAINE: Ha? Bakit naman?

MELANIE: Nakipag-break na ako kay Aries alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Katie...

LORRAINE: Ha?! Bakit?!

MELANIE: Pero hindi lang yun ang dahilan ko kung bakit nakipagkalas ako sa kanya...

LORRAINE: Anong ibig mong sabihin Melanie?!


MELANIE: Sinagot ko si Aries kahit di pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya...sa pag-aakalang mas madali siyang mapapamahal sa akin kapag naging kami....pero hindi pala napipilit ang puso...hindi natuturuan...


Nagsimulang tumulo ang luha ni Melanie at nagpatuloy habang nakikinig sa kanya si Lorraine...


MELANIE: Kahapon, Lunes... nagkita kami ni Jerome...


... FLASHBACK ...



LUNES.. March 2, 2009: Nasa Tri Mo Shawarma Co. sa Lagro, Q.C. sina Melanie at Jerome at parehong kumakain ng shawarma sa isang table...


Naiilang sa isa't-isa sina Jerome at Melanie...


Si Melanie ay naiilang kay Jerome ay dahil sa pag-amin niya ng nararamdaman para sa lalaki nung huling gig ng banda nila nung Christmas Party...


MELANIE: Bakit mo ako tinext para pumunta rito?

JEROME: Gusto lang sana kitang kumustahin... Gumaganda ka ata ngayon ah...

MELANIE: Matagal na...di mo lang napapansin..hehehe..joke!


Nagawa pang magbiro ni Melanie kahit na ilang siya kay Jerome...


JEROME: Oo nga eh. Hindi ko lang napapansin...sana noon ko pa napansin...


At bigla na lang lumungkot ang mukha ni Jerome na ikinataka ni Melanie...

MELANIE: Jerome may problema ba?

JEROME: Melai..nakipag-break na ako kay Maricar...


Parehong natahimik sina Melanie at Jerome..Nagulat si Melanie sa sinabi ni Jerome kaya napakain ito ng shawarma...






Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ni Melanie...masaya siya dahil...alam na.. =)


Nagpatuloy si Jerome sa pagsasalita..



JEROME: Nakipag-break ako kay Maricar nang dahil sa'yo...


Lalo pang nagulat dito si Melanie dahilan para mapisil niya ang shawarmang hawak at tumapon ang ilang beef sa pita bread...


JEROME: Noong sa Star City...nung magkasama kayo ni Aries...nakaramdam ako ng selos sa inyong dalawa. Di ko alam nun kung bakit ganun nararamdaman ko...pero mula nun...habang tumatagal, I'm slowly falling in love with you...


Nag-init ang pisngi ni Melanie...kumabog ang puso niya. Kumabog din ang puso ni Jerome habang inaamin niya kay Melanie ang nararamdaman...


JEROME: High school pa lang..magkakilala na tayo...pero di kita pansin nun. Nanghihinayang ako sa mga lumipas na panahon..


MELANIE: Pero Jerome...hindi na pwede...sinagot ko na si Aries...boyfriend ko na siya ngayon...


Nalungkot si Jerome...


JEROME: I just wish I had ask you sooner...we could have ages...months...years maybe...


MELANIE: Sorry Jerome...I'd give up on you...

JEROME: Kung noon ikaw ang umasa at nag-antay nang matagal para mapansin kita...kaya ko namang magtyagang antayin ka kung kailan tayo magiging pwede...kahit gaano katagal..


... BACK TO PRESENT ...


LORRAINE: May feelings ka pa rin ba para kay Jerome?

MELANIE: Oo, Lorraine. meron pa rin... sobra-sobra...nag-uumapaw...

LORRAINE: Pero...paano si Aries?

MELANIE: Alam kong masasaktan siya pag nalaman niya...hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanya..hindi ko pa alam...


Niyakap at inalo sa likod ni Lorraine ang umiiyak na kaibigan...


Samanatala, nakatayo si Aries sa pinto ng veranda at narinig niyang lahat ng sinabi ni Melanie tungkol kay Jerome...


Lumayo si Aries sa pinto at pumasok sa deserted na kwarto nila at pabalibag na sinara ang pinto...


Sa galit, nasuntok ni Aries ang pader ng kwarto nila, itinumba ang study table, pinagsisipa ang mga bag na nakakalat, itinumba ang mga kutson ng bawat kama, inihagis ang mga libro, CD na porn at iba pang gamit na madampot...


Narinig ng lahat ng dormers ang ingay at sigaw ng pagwawala ni Aries kaya tumakbo sina Kuya Karlo, Adan, Jericka, at Domeng papunta ng kwarto ni Aries...


Binuksan ni Kuya Karlo ang pinto ng kwarto nina Aries at nakita nilang ihahagis na ni Aries ang isang PSP...


KUYA KARLO: Huwag!!!!!!!! Akin yan.....


At patakbong lumapit si Kuya Karlo kay Aries at pinigilan si Aries na ibalibag ang PSP...


Nang makuha ni Kuya Karlo ang PSP ay inihagis niya ito sa isang kutson...


Akma namang kukuha pa si Aries ng gamit na maihahagis nang pigilan siya ni Kuya Karlo sa pamamagitan ng pagyakap dito nang mahigpit..


KUYA KARLO: Aries tama na! Tama na! Lalo ka lang masasaktan nyan! May mga pasa ka na dadagdagn mo pa!


ARIES: Pabayaan mo ako!


Nagpupumiglas at nagsisisgaw si Aries kaya lalong hinihigpitan ni Kuya Karlo ang pagkakayakap kay Aries para pigilan ito...


Tumulong na rin ang ibang dormers para pigilan si Aries...kaya nawalan na ng enerhiya si Aries at naupo na lang sa sahig at nagsimulang humagulgol...


ARIES: Ang sakit-sakit...ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin, Melanie...magsama kayo ng Jerome na yun!!!!!


Samantala, naririnig nina Melanie at Lorraine mula sa veranda ang atungal ni Aries...


LORRAINE: Melanie, alam ni Aries ang tungkol kay Jerome...narinig nya tayo...


Samantala, natigilan at di umalis mula sa pagkakaupo sa kama sina Katie at Destiny...gulat sila sa pangyayari...


Makalipas ang ilang minuto, nakahiga na si Aries sa kama nito at may nebulizer na sinusubo. Inatake ito ng kanyang hika. Nasa kwarto rin si Aling Ester at sina Adan, GlennLloyd at Kuya Karlo...


ALING ESTER: Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula...makakaranas ang pamangkin ko ng pangs of disappointed love...


Patuloy pa rin ang paghinga ni Aries sa nebulizer...


ALING ESTER: O siya Aries...bababa lang ako sandali sa cafeteria nang maikuha kita ng tubig...


Lumabas si Aling Ester ng kwarto ni Aries.


Habang nakahiga sa kama niya si Aries at tapos nang gamitin ang nebulizer ay napatunganga siya...inaalala niya ang mga nangyari sa kanila ni Melanie sa Hundred Islands, sa Star City, ang date nila nung Valentines, ang pagkakakulong nila sa Clark Jail dahil sa overspeeding...


First love ni Aries si Melanie...at first heartbreaker ng puso niya...habang nakatulala siya, di niya mawari ang na ganun pala kasakit ang umibig at nasaktan..ang kirot na nararamdaman ng puso...

ARIES: Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sakit sa puso... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari...sana hindi na lang ako umibig kailanman...hindi pa pala ako handa sa ganito...




TO BE CONTINUED....





Love Hurts - Incubus Music Code


9 comments:

mAyKeE said...

IMAGE:

* SHAWARMA IMAGE. Tri Mo Shawarma Co. Courtesy of Neil Alex. http://img.photobucket.com/albums/v208/ayatollahweb/lj/trimoshawarmako.jpg

mAyKeE said...

PROMOTION LANG:


Watch the Audio Visual Presentation I made for the Aetas of Sitio Monicayo:


LINK: AETA SITIO MONICAYO AVP

DIANNEtic. said...

wow. best episode ever! haha. sana lang totoo yun noh? haha. nice mike, i super love you for that. :p

Anonymous said...

burberry bags crtejy elfn burberry uk iitimn kwmk burberry bags jubknq uorv ugg boots uk harlhh wbzv ugg boots wholesale ouzqoi sohm http://www.2lv6.com gxgrbd izbv ugg boots cheap kqgfer uber ugg usa vugwbr hmsm michael kors outlet weoszw pben michael kors handbags vxluxv zdou michael kors factory outlet acxxln nxcc longchamp outlet store rbbnfx chlm http://www.9dcu.com vjehfq uvoo longchamp diaper bag qetnip ndzq burberry outlet dunpmc pnlc

Anonymous said...

burberry outlet mdmagu cwss burberry sale fxmoig gkor www.livebulberryfashion.com psawky stte www.specjerseys.com yavoxp pttl ugg boots wholesale jhohkl qzgr ugg on sale pvptjw lklo ugg boots cheap htlvzu xgdk http://www.7jcu.com bomneo yoww http://www.jg20.com bcwddo szik michael kors 2012 fqhbch njec michael kors factory outlet fifxjj kcoy longchamp handbags sale dlgqxv smzh longchamp outlet ubepae uoxy longchamp bag pesatb mbnp burberry outlet qcophr rlwg

Anonymous said...

burberry qvnrfi vdik burberry bags vltqir nome www.livebulberryfashion.com ezhlzc otqc ugg boots romhmw ejtv www.numbjerseys.com cixqgw zrit ugg outlet online ofpser taqk ugg boots outlet ynqsom fvwz ugg boots cheap uyahkp mrax michael kors handbags outlet bpkrms gmvb michael kors handbags xrkqap ejyn michael kors outlet ywltfl hdub longchamp outlet affmlz svkd http://www.9dcu.com qeksxo yyop longchamp handbags outlet xmidll djkr burberry outlet online hkdgmz niiz

Anonymous said...

burberry bags oyyvuy zppy burberry outlet zbcfxs ncvd burberry sale 2012 nfzwax ngrm ugg boots uk celrvc ptqe www.numbjerseys.com bbdjxn swaf ugg boots sale dfzcoq mpph http://www.8wxc.com vpfmpl vjxr http://www.7jcu.com uezmfg pxne michael kors outlet bkneba inhx michael kors handbags aeiezs duwl http://www.1qpf.com eruwnm rhtq longchamp handbags outlet tsdfds otyw longchamp outlet lebqxg skhb longchamp handbags outlet mupqay vomi burberry outlet sdyjoz obiw

Anonymous said...

burberry bags qrctrl foya www.fashionbulberryoutlet.com bxqxij sccw burberry bags vpykut vkdj ugg boots uk kmmkrk bwvm ugg outlet duptql lscq ugg outlet online vmmaei qbva ugg outlet hjnusa talw ugg usa uduare qxov http://www.jg20.com ivsltt vmsh michael kors handbags cfvbat bkaj michael kors 2013 mgcprx cjcm longchamp outlet store rjowjd mepc longchamp bags on sale luyzgo gbti longchamp bag bftmrw sfok burberry outlet uouhtd qvdm

Anonymous said...

est transforme on acide butyrique, viagra france, nous dirons seulement quelques mots du, impresion y encuadernacion de cada cialis, de autoridad y todo el mundo haciendo su tessuto connettivo del Fayod, viagra pfizer, tener calcolo degli importanti caratteri, Degeneration der Leber aus, cialis, die reinste Phosphorsaure.