Wednesday, May 20, 2009

Episode 38: Kaleidoscope

**********************************
ka·lei·do·scope

n.
1. A tube-shaped optical instrument that is rotated to produce a succession of symmetrical designs by means of mirrors reflecting the constantly changing patterns made by bits of colored glass at one end of the tube.

2. A constantly changing set of colors.

3. A series of changing phases or events

- Answers.com

**************************************************************


(Please turn on your speakers to hear the song playing..kailangan talaga pakinggan yung kanta para madama niyo yung episode...hehehe...)


Kinabukasan, nasa UPDEPP canteen sina Katie at Lorraine...


LORRAINE: Nakipag-break na si Melanie kay Aries...


Tahimik lang si Katie...alam niya na ang balitang iyon.


LORRAINE: Sabi sa akin ni Melanie, nakipag-break daw siya kay Aries dahil sa'yo...


Nasorpresa si Katie sa sinabi ni Lorraine...


KATIE: Ako?! (taas-kilay)


LORRAINE: Alang-alang daw sa friendship ninyo kaya niya gina--

KATIE: Whatever!

LORRAINE: Tsaka friend, nasabi raw ni Melanie kay Aries na...na mahal mo siya...si Aries...


Pinamulahan si Katie at nakaramdam ng galit sa binalitang iyon ni Lorraine...


KATIE: Ba't niya ginawa yun! Wala siyang karapatan para sabihin yun kay Aries!

LORRAINE: Nasabi niya lang iyon kay Aries para tantanan na siya nito..para makipag-break na si Aries sa kanya...

KATIE: Sikreto ko yun at wala siyang karapatang sabihin yun sa ibang tao! (galit na ito)

LORRAINE: Friend, hindi mo na ba siya mapapatawad? Si Melanie?

KATIE: Sa ginawa niya ngayon... hindi ko pa alam...


Sabay walk-out si Katie sa canteen....


Sa pagwo-walk out ni Katie, nakasalubong niya sa lobby si Kuya Lewis ang schoolmate niya nung high school at ang editor-in-chief ng college organ ng UPEPP: ang Frontliner


KUYA LEWIS: Katie...

KATIE: Kuya Lewis..bakit?


Graduating na si Kuya Lewis ng kursong Psychology.


KUYA LEWIS: Di ba nagsusulat ka dati sa dyaryo ng school natin nung high school?

KATIE: Opo..bakit po?

KUYA LEWIS: Magrerelease kasi kami ng editorial staff ng Frontliner bago magtapos ng klase....at iniimbitahan kitang magsulat ng article. Ok lang ba sa'yo?


Napangiti si Katie...


KATIE: Ok na ok!

KUYA LEWIS: Good! Sabihan na lang kita mamaya kung ano ang isusulat mo at kung kelan deadline...


**************************

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng mga aminang pag-ibig na naganap, naisipang umalis ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine at maghanap ng bagong mauupahan..


Ikinalungkot ng boardmates ang napipinto nilang pag-alis. Paano’y naging malalapit na silang magkakaibigan.


DESTINY: Ang dadrama niyo naman dyan! Magkikita pa naman tayo sa unibersidad kahit di na kami nakatira rito!


Nagpaalam sila nang maayos kay Aling Ester na hindi naman tutol sa pag-alis nila ngunit nalulungkot naman sa pag-alis nila.


Nalulungkot din naman silang apat nang magpaalam sila kay Aling Ester sa cafeteria. Paano’y napalapit na sila rito.


LORRAINE: Wag po kayong mag-aalala, Aling Ester. Minsan po dadalaw kami rito pag nagkaroon ng pagkakataon.


ALING ESTER: Mami-miss ko kayo... (may sinseridad na winika niya)


Ngumiti na lang silang apat kay Aling Ester.


Samantala, tinignan ni Aling Ester sina Katie at Melanie. Halata niyang hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang magkaibigan...


ALING ESTER: Pagpasensyahan niyo na si Aries ah. Alam ko namang si Aries ang dahilan ng pag-alis niyo rito...


MELANIE: Wala pong kasalanan si Aries sa pag-alis namin, Aling Ester. Sarili po naming desisyon ito....at isa pa...may kasalanan ako kay Aries...


ALING ESTER: Katie...alam kong minsan nagkakasagutan tayo nang dahil kay Aries... sana mapatawad mo ko sa mga alitan nating iyon...

KATIE: Aling Ester...kahit kelan po hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo.


ALING ESTER: Oh, siya, mag-iingat kayo sa lilipatan niyo, ah...at sana Katie, Melanie...magkaayos na kayo...


Nakadungaw si Aries sa bintana ng kwarto nila habang umaandar na palayo ang jeep na nirentahan nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine para maglipat ng gamit.


Labis na ikinalungkot ni Aries ang pag-alis ng apat. Aalis sila sa Hotel Lakandula nang dahil sa mga nangyari sa kanilang tatlo nina Katie at Melanie...


ARIES: Pero mabuti na rin siguro yun... Baka sakaling sa paglayo nila...makapag-move on ako...


Ngunit sa kaibuturan ng puso ni Aries, alam niyang hindi niya madaling makakalimutan si Melanie...


VOMER: Aries...


Napalingon si Aries kay Vomer na nasa pinto ng kwarto nila...lumapit naman si Vomer sa bintana at sinilip din ang papalayo ng jeep...


VOMER: Minsan ang pag-ibig, naisip ko...parang pulitika...napakagulo! Tulad ng sitwasyon natin: yung mahal ko, mahal ka...ikaw naman may iba kang mahal, yung mahal mo naman, may iba ring mahal...


Napangiti si Aries sa sinabi ni Vomer...


VOMER: Napakaswerte mo, tol! May taong nagmamahal sa'yo... ikaw ang nakadurog sa isang matigas na bato...


ARIES: Anong ibig mong sabihin?

VOMER: Naikwento minsan sa akin ni Katie ang tungkol sa nangyari sa kanila ng ex niyang si Iggy... Mula nung nag-break sila ni Iggy, nangako siya sa sarili niyang hindi na siya muling iibig... Naging manhid at bato ang puso niya nang dahil kay Iggy...


Napaisip si Aries habang nakikinig kay Vomer...


VOMER: Ikaw lang ang nakatibag ng pader na binuo ni Katie sa puso niya... Kaya sana...wag mong hayaang magtayo sya ulit ng pader sa puso niya nang dahil naman sa'yo...


Tinapik ni Vomer si Aries sa balikat... at alam nilang dalawa na magkabati na sila...


Binalikan nina Katie, Melanie, at Destiny sa apartment na inupahan nila nung first year sila. BAKANTE ITO. Ang apartment na iyon ay minumulto kaya umalis sila rito noon at lumipat ng Hotel Lakandula. Natakot naman si Lorraine nang malaman ito...


MANG ELMER (may-ari ng apartment na may lahing Intsik): Wak kayo alala.. hindi na minumulto ito apatment ko. Pina-feng shui ko na ito...Wala na masama espiritu..layas na sila...


Ilang araw pagkatapos nilang lumipat sa apartment na iyon...


DESTINY: Friends, totoo nga ang sinabi ni Mang Elmer. Ilang araw na tayo rito pero wala na ngang nakakaramdam ng multo.


At sa usapang multo, naalala nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine nang minsang magpanggap na multo si Aries para mapaalis sila sa Hotel Lakandula.


Natatawa na lang sila pag naaalala nila kung gaano sila katakot noon.


Samantala, hindi pa rin nagpapansinan sina Katie at Melanie sa apartment... may tensyon pa ring namumuo sa kanila...


Ilang eskinita lang naman ang layo ng apartment nila mula sa Hotel Lakandula kaya minsan, dumadalaw sa apartment nila ang ilan-ilang ex-boarmates para makipagkwentuhan...isa sa mga dumadalaw ay si Vomer....


IZEN: Naging roommate ko sina Jericka at Celle mula nang umalis kayo...sa kwarto na nila ako lumipat..


KATIE: Eh, kumusta naman sina Totz at Adan? Balita ko pareho silang nanliligaw sa'yo ah...hehehe


IZEN: Hay naku, Ate Katie...naguguluhan ako kung sino ang sasagutin ko sa dalawang mokong na yun... Hirap talaga pag maganda ka! =)


RYE: Tapos mga Ate, alam niyo ba...mula nang umalis kayo sa Hotel Lakandula, palihim na nilalandi ni Kuya Karlo si Aries sa tuwing sila lang dalawa sa veranda.


DOMENG: Isang gabi kasi, nahuli ko hahalikan ni Kuya Karlo si Aries nang minsang nakatulog si Aries sa upuan sa may veranda. Buti na lang nagising si Aries bigla. Mula noon, naging ilag na si Aries kay Kuya Karlo.


JERICKA: Akala kasi ni Kuya Karlo ay magugustuhan na siya ni Aries nang umalis kayo.

RAM: Asa naman siya...


Nagtawanan ang lahat habang pinagkukwentuhan si Kuya Karlo...


VOMER: Nga pala, kinakamusta kayo ni Aning Ester. Welcome na welcome pa rin daw kayo sa Hotel Lakandula kung kailanman ninyo naising bumalik...


Nginitian ni Vomer si Katie. Ginantihan din ito ng ngiti ni Katie...


KATIE: Ganun ba? Sige dadalaw kami minsan...nga pala, Vomer, kumusta na kayo ng girlfriend mo ngayon?


*****************

Dumalaw sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa Hotel Lakandula nung birthday ni Victor nung March 17. Nagpahanda kasi si Victor ng spaghetti, chicken, at sisig kay Aling Ester at nagkaroon ng "party"...


Sa cafeteria ginanap ang "party." May videoke na nirenta si Aling Ester...


JR: Hay...anong silbi ng sisig at videoke kung wala ang Empe--

ALING ESTER: Oooppss...ooppss...BAWAL!

VICTOR: Aling Ester naman napaka-unfair! Ba't nung debut ni Katie eh pumayag kayo?!

ALING ESTER: Vic...BAWAL ANG MAG-INUMAN NANG DI AKO KASALI! Hala..ilabas ang Emperador!


At nagsidatingan ang Empe Boys na sina Adan, Domeng, at Ram na may dalang tig-isang bote ng Emperador Brandy...


At nagsimula ang inuman, lasingan, at aminan ng damdamin...tulad ni Ram na umamin kay Celle na mahal niya ito matagal na....


Pagkatapos ng gabing yun, sina Ram at Celle na.. =)

At dahil sa nakainom, mukhang nagkakagustuhan na rin sina Jericka at Domeng... =p


Siyempre, ang conclusion ng lahat ng inuman party ay sukahan at hang-over.. =P


Nag-enjoy sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa pagdalaw sa Hotel Lakandula... Kahit na nandoon si Aries, hindi nagpapahalata ng tensyon sina Katie at Melanie...


Samantala, kakanta si Adan sa videoke...bago siya magsimulang kumanta...


ADAN: Francis Magalona...para sa'yo 'to!


At kinanta ni Adan ang "Kaleidoscope World"


I-CLICK niyo lang sa simula ng song kung gusto niyo ulit simulan..hehehe..



Kaleidoscope World - Francis Magalona Music Code



Habang nakikipag-inuman si Aries sa Empe Boys, hindi maalis sa isip at puso niya kung gaano siya nasaktan kay Melanie...


ARIES: Makaka-move on din ako... I still can get over you...


Ngunit naalala rin ni Aries ang sinabi sa kanya ni Vomer...


VOMER: Ikaw lang ang nakatibag ng pader na binuo ni Katie sa puso niya... Kaya sana...wag mong hayaang magtayo sya ulit ng pader sa puso niya nang dahil naman sa'yo...


At naisip ni Aries kung gaano niya naman nasaktan si Katie...


At may naisip gawin si Aries kinabukasan...


TO BE CONTINUED...


(This episode is a tribute to the late Philippine Master Rapper Francis Magalona)

5 comments:

mAyKeE said...

This episode is a tribute to the late Philippine Master Rapper Francis Magalona...

(October 4, 1964 - March 6, 2009)


"His musical and artistic brilliance, his deep faith in the Filipino and his sense of national pride continue to inspire us."

alai said...

JERICKA: Akala kasi ni Kuya Karlo ay magugustuhan na siya ni Aries nang umalis kayo.

RAM: Asa naman siya...



LOL.:)) ako yung nagdelete ng comment ah.:p

mAyKeE said...

to alai:

JERICKA: Akala kasi ni Kuya Karlo ay magugustuhan na siya ni Aries nang umalis kayo.

RAM: Asa naman siya...


LOL.:)) ako yung nagdelete ng comment ah.:p

-----------------------------------

hahaha..natawa naman ako sa IBIG MONG SABIHIN dito...hehehehe

alai said...

ANO KA BAAAAAA~?!

dito na lang kasi yung comment regarding sa meaning nung pagtawa ko.:)) pag sa blog ko kasi, mababasa. irita ka lang talaga.
IDELETE MO YUNG COMMENT MO!!!!!

alai said...

ako na pala nagdelete.>:)
ibahin mo na lang comment mo. raaaaaaaaarrr~