Monday, May 11, 2009

Episode 36: DotA Wars


Pagkakuha ng bag at gamit sa laboratory, nagmadaling lumabas ng UPEPP si Katie at sumakay ng jeep na nag-aabang sa waiting shed sa tapat ng UPEPP...


Di niya napansin na ang katabi niya pala sa upuan ay si...


VOMER: Katie...


Napatingin si Katie kay Vomer...at napansin ni Vomer na namumugto ang mga mata ni Katie at halatang galing ito sa pag-iyak...


Pagkarating ng jeep sa Clark Main Gate, kumain at nag-usap sina Katie at Vomer sa 7-11. Inorder ni Katie ang Siopao at Slurpee. Hotdog sandwich at Slurpee naman kay Vomer...


Nakaupo sila sa long table sa loob ng 7-11 kung saan tanaw ang labas...


VOMER: Katie, may problema ba?


Hindi alam ni Katie kung paano sisismulan ang sasabihin kay Vomer...


KATIE: Sina Melanie at Aries...


Pero di na naipagpatuloy pa ni Katie ang sasabihin...pero alam na ni Vomer ang gustong sabihin ni Katie...


VOMER: Nagseselos ka para sa kanilang dalawa...dahil mahal mo pa rin si Aries?


Takot si Vomer na malaman ang sagot ni Katie...lalo na nang tumango si Katie...


KATIE: Oo...mahal na mahal...


Napatingin si Vomer sa labas ng 7-11. Iniwas niya ang tingin kay Katie upang hindi ipakita dito ang selos at galit na nararamdaman niya na bumabakas sa kanyang expression ng mukha...


VOMER: Katie...


At ibinaling ulit ni Vomer ang tingin niya kay Katie...


VOMER: Katie...kung talagang mahal mo si Aries...bumibitiw na ako...

KATIE: Bumibitiw?


VOMER: Alam ko na ngayon na hindi ko kayang palitan si Aries dyan sa puso mo. Katie...kahit masakit para sa akin itong gagawin ko... I give up... I'm letting you go...



Click PLAY to hear the song playing...madamdamin yung song..hehehe





I Cant Make You Love Me - Kenny Rogers



Natigilan si Katie sa sinabi ni Vomer....Nagpatuloy naman si Vomer sa pagsasalita...


VOMER: Pero sana, para sa ikabubuti mo, i-let go mo na rin si Aries...para hindi ka na masaktan nang ganyan...marami pang ibang lalake dyan na kaya kang mahalin...


Tumayo si Vomer at lumabas paalis ng 7-11...palayo kay Katie...


Habang naglalakad palayo ng 7-11 si Vomer ay nakasalubong niya si Destiny na kababa lang ng jeep galing UPEPP...


DESTINY: O Vomer...

VOMER: Ate Destiny..

DESTINY: Nakita mo ba si Katie? Umalis na raw kasi siya ng UPEPP...baka sakaling nakita mo siya...

VOMER: Nasa 7-11 si Ate Katie. Sige, alis na ko...


At nagmadaling umalis si Vomer. Nagtaka naman si Destiny sa pagkakabanggit ni Vomer ng "Ate Katie"...


DESTINY: Ate Katie?


Pumunta ng 7-11 si Destiny at nakita niya nga doon si Katie...


DESTINY: Friend!

KATIE: Des...


Umupo si Destiny sa upuan sa tabi ni Katie...


DESTINY: Nasabi sa akin ni Melai...yung...yung away niyo...


Natahimik silang dalawa. Binasag lang ni Katie ang katahimikan...


KATIE: Nagkausap kami ni Vomer kanina bago ka dumating...he's letting me go na raw...


Bumuntong-hininga si Katie at nagpatuloy...


KATIE: Siguro, friend, tama si Vomer. Kailangan ko na ring i-let go si Aries. Sabi nga ng iba, if you love someone, set him free...Ganun nga talaga siguro...


DESTINY: Hay naku, friend! Nagpapaniwala kasi kayo ni Vomer sa mga quotations pareho tuloy kayo ang nasaktan!

KATIE: Pero, Des...

DESTINY: Minsan, Katie, kailangan mo ring ipaglaban ang pag-ibig...

KATIE: Des, ayoko nang ipaglaban...alam kong talo na ako...


Kinahapunan, sa kwarto nila sa Hotel Lakanadula, di nagpapansinan sina Katie at Melanie. May namumuong tensyon sa loob ng kwarto nila...


Nagbubulungan naman sina Lorraine, Destiny, at Izen...


LORRAINE: Magkaroon kaya ng Part 2 ang away nila...

IZEN: Exciting! Baka magsabunutan sila dito...

DESTINY: Mas masaya kung may sampalan effect pa tapos may magbibitiw ng pamatay na linya na: "Kahit kailan hindi siya naging sa'yo..." =p


Nagdo-DotA naman ang mga lalake ng Hotel Lakandula sa kalapit na internet shop...


LINE-UP TEAM "SENTINEL": Aries, GlennLloyd, Domeng, J.R., Rye

LINE-UP TEAM "SCOURGE": Vomer, Adan, Victor, Ram, Kuya Chico


Dahil walang kalaro si Kuya Karlo, nag-NEOPETS na lang siya.. :p


Gamit ni Aries ang Sentinel hero na si "Davion..."


Gamit naman ni Vomer ang Scourge hero na si "Razor..."


Dala ng galit at selos, unang inatake at pinapatay ni Vomer ang hero ni Aries na si Davion...


VOMZ first blood!


At nagpatuloy itong ginawa ni Vomer at paulit-ulit na napapatay niya ang hero ni Aries...


VOMZ is on a killing spree!


At walang habas na pinapatay ni Vomer ang hero ni Aries gamit ang "Radiance" sword...

VOMZ is godlike!

Hindi makabanat ng atake si Aries sa mga tira ni Vomer sa kanya. Napipikon na si Aries...malapit na siyang sumabog...


Samantala, sa canteen naman ng Hotel Lakandula ay nagki-crystal ball gazing si Aling Ester...


ALING ESTER: Hahhh! May nakikita ako sa aking mahiwagang bolang crystal... Maraming hindi makakabayad ng upa ngayon...wala na naman akong perang mapagkukunan...haayy...


Sumilip ulit siya sa bolang kristal...


ALING ESTER: Teka...teka...may nakikita akong...nagbabadyang kaguluhan...may giyera..may patayan..may sapakan..may suntukan..


At may naririnig si Aling Ester na mga nagsisigawan na mga lalake mula sa di kalayuan...at biglang dumating si Adan na humahangos...


ADAN: Aling Ester...sina Aries at Vomer po...nagsasapakan sa computer shop...

ALING ESTER: Ano?!


Patakbong nagpunta sina Aling Ester at Adan sa computer shop...


Nadatnan nila Aling Ester at Adan na nagsasapakan at nagsisigawan sina Vomer at Aries...habang pinipigilan sila ng Hotel Lakandula pipz at ng iba pang nandoon...


ARIES: Kanina mo pa ko pinag-iinitan eh!

VOMER: Ang sabihin mo...bano ka lang sa DotA kaya di mo ko matalo... Bano!


At nagsapakan ulit sina Vomer at Aries. Hanggang sa pareho silang bumagsak sa sahig dahil sa sapakan...Hinihila naman sila palayo sa isa't-isa ng iba pang nandoon... Nag-aalala naman si Kuya Karlo para kay Aries...


ALING ESTER: Pwede ba...itigil niyo na yang away niyo!!!!


Natigilan sina Vomer at Aries na nakataas pa ang mga kamay na akmang sasapakin pa nila ang isa't-isa...



Sa cafeteria ng Hotel Lakandula...lahat ng boarders ng Hotel ay nandoon habang pinapanood nila na pinapagalitan sina Aries at Vomer...pareho silang puno ng pasa sa mukha...


ALING ESTER: Nakakahiya kayo! Sa computer shop niyo pang naisipang mag-away! Paano kung nakabasag kayo ng isang computer dun!? Kaya niyo bang bayaran yon!? Sino ba kasing nagsimula ng away?!


Parehong nagturuan sina Vomer at Aries...


VOMER at ARIES: Si Aries po! / Si Vomer po!

ARIES: Eh..Tita, sira-ulo tong Vomer na 'to...niluluto ako sa laro namin..

VOMER: Hindi ka lang makapalag sa mga tira ko sa'yo kaya ka natatalo! Ugok!


At nagsimula ulit magsigawan ang dalawa na muntik nang humantong ulit sa sapakan kundi lang pinigilan ng mga dormers at ni Aling Ester ang dalawa...


ALING ESTER: Magsitigil nga kayo! Para kayong mga bata! DotA lang eh pinag-aawayan niyo! Ayan ba ang napapala niyo sa paglalaro ng computer games na yan!?

RAM: Aling Ester...ang DotA ay labanan ng dangal, labanan ng talino, labanan ng diskarte...

ALING ESTER: Kaya humahantong kayo sa patayan?! Eh muntik nang magpatayan tong dalawang 'to dahil sa DotA!


Natahimik ang lahat...


ALING ESTER: Kayo dyan, Aries..Vomer..magbati na kayo at magkamay...


Hindi kumibo sina Aries at Vomer...


LAHAT: Kiss...kiss.. *kiss sabay hug (repeat 10x).... :p


Hindi pa rin kumikibo sina Aries at Vomer...


ALING ESTER: Hay naku, bahala kayo kung ayaw niyong magbati! Wag na wag niyo lang gibain ang kwarto niyo pag nagsapakan pa kayo!


At lumisan na si Aling Ester...


Magka-room sina Vomer at Aries...nagdesisiyon ang dormers na paghiwalayin muna ng kwarto sina Aries at Vomer.


Willing si Kuya Karlo na makipagpalit ng kwarto kay Vomer...siyempre para makasama si Aries....hehehe :p



Sa kwarto naman nina Aries, ginagamot ni Melanie ang mga pasa ni Aries...


MELANIE: Ikaw naman kasi! Ano ba kasi talagang nangyari at nag-away kayo ni Vomer?

ARIES: Aba! Tawantado yang Vomer na yun eh! Aray naman!


Pinunasan kasi ni Melanie ng alcohol ang pasa ni Aries malapit sa bibig dahilan para mapasigaw ito...


MELANIE: Tama na! Tumigil ka na...

ARIES: Tss...

KUYA KARLO: Hay naku, Melai! Nasasaktan yang boyfriend mo sa panggagamot mo! Baka di pa gumaling yung pasa niya eh! Ako na nga lang manggamot dyan kay Aries...

ARIES: Tumigil ka Kuya Karlo...baka ikaw naman masapak ko...


Nanahimik na lang si Kuya Karlo...at lumabas ng kwarto...


ARIES: Nakakatuwa namang isipin... Nung may lagnat ka...ako ang gumagamot sa'yo...ngayon namang nasapak ako...ikaw naman ang personal nurse ko... :p


Napangiti na lang si Melanie...pero napawi rin ito nang maalala niya ang naging away nila ni Katie kanina...


MELANIE: Uhm, Aries...may sasabihin sana ako tungkol kay...kay Katie...



Samantala, sinilip naman ni Katie si Vomer sa kwarto nina Victor at Rye. Nakita niyang ginagamot si Vomer ng dalawa...


Hindi napansin ni Vomer na sinilip siya ni Katie dahil sa bintana ito nakatingin habang ginagamot ng dalawa...



Nag-usap sina Destiny at Katie sa kwarto nila...


KATIE: Haayyy..ba't kaya nag-away yang dalawang yun nang dahil lang sa DotA! Napaka-childish!


DESTINY: Alam mo friend, sa tingin ko lang, hindi naman talaga DotA ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang yan...

KATIE: Ha? E ano naman?

DESTINY: Nagseselos si Vomer kay Aries nang dahil sa'yo...pinainit lang ng laro ng DotA nila ang selos na yun...



TO BE CONTINUED...




1 comment:

mAyKeE said...

IMAGES:


* DAVION and RAZOR Images: Courtesy of DotA All-Stars Website http://www.dota-allstars.com/heroes
* RADIANCE sword Image: Courtesy of DotA All-Stars Website http://www.dota-allstars.com/items