Wednesday, April 8, 2009

Episode 32: French Bread




EUNICE: Ay puta?! Totoo ba yang sinasabi mo, Kuya Karlo?

KUYA KARLO: Ay puta?! Ayaw maniwala nito!

GAY FRIEND 1: Talagang nagpapanggap lang na mag-on sina Katie at Aries?!

GAY FRIEND 2: At nagdecide na si Aries na itigil ang pagpapanggap?

KUYA KARLO: Oo nga!

GAY FRIEND 1 & 2: Ay puta?!


Nasa Flints sila habang chini-chismis ni Kuya Karlo ang nangyari kina Aries at Katie.


KUYA KARLO: Ay puta?! Kung ayaw niyo maniwala eh di wag!

EUNICE: Oo na! Sige na...naniniwala na kami!

KUYA KARLO: Buti naman!

EUNICE: Ang galing mo naman makasagap ng chismis ah!

KUYA KARLO: Of course, golf course! Ka-dorm ko yung mga yun eh! Malamang!

GAY FRIEND: You know what, Kuya Karlo....pwede kang sumali sa aming "barkadings"...

GAY FRIEND 2: Trulalu at walang halong eklavu!

KUYA KARLO: Ay puta?! Ba't ako sasali sa inyo? Lalake ako nuh! O siya..babush na ko!

GAY FRIEND 1 & 2: Lalake ka?! WHATEVER?!!!!


Nat Sci 2 class naman ng Psych 2A & B. Si Ma'am Pacita Bognot (ulit) ang prof nila dito...


Magkatabi ng upuan sina Aries at Melanie. Nagdi-discuss na si Ma'am Bognot nang biglang pumasok si Katie sa classroom...


Naghanap siya ng upuan. Pero wala siyang nakitang bakante kundi yung upuan sa kanan ni Aries...nag-alangan pa si Katie...


MA'AM BOGNOT: Miss Katie, would you mind if you take your seat now so I can continue with my discussion?


No choice si Katie kundi umupo sa tabi ni Aries... Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Aries, Katie, at Melanie...


MA'AM BOGNOT: As I was saying, magkakaroon tayo ng field trip on February 28, 2009 sa Hundred Islands in Alaminos, Pangasinan!


LAHAT: Huwaaaaaaawwww!!!!!!!!

MA'AM BOGNOT: Your class, together with the Business Economics and Business Management freshmen, is joining in the said trip...


Nagulat at nanlaki ang mata ni Katie...


KATIE: Ano? Econ?


Pumasok agad sa isip ni Katie si Eunice...


Gusto sanang lingunin ni Katie si Aries at si Melanie... pero pinigilan niya ang sarili...


Kung nilingon lang ni Katie si Aries at si Melanie, makikita niyang may pag-aalala rin sa kanilang mga mukha...



******

Pagkatapos ng klase, dumiretso ng SM Clark sina Detiny at Lorraine...


LORRAINE: Alam mo, napapansin ko lang kina Katie at Melanie...hindi na sila gaanong nagpapansinan ngayon...

DESTINY: Oo nga..napansin ko nga rin yun... Mula nung...alam mo na...dahil kay Aries...

LORRAINE: Hay naku...talaga naman yung Aries na yan. His gift for spreading discord and emnity is very great.

DESTINY: Yes, English! Pa-cheeseburger ka naman... Burger! Burger!

LORRAINE: Hay naku. Burger ka dyan! Mag-French Baker na lang tayo...


At nagpunta nga sila ng French Baker para bumili ng tinapay...


Samantala, nasa kwarto na nila si Katie sa dorm sa Hotel Lakandula at mag-isa nang biglang pumasok si Melanie...


Nagkatinginan lang ang dalawa... pagkatapos ay nag-iwasan ng tingin at di na nagkibuan...


Wala sa mood si Katie na kausapin si Melanie...ngunit di naman ni matiis ni Melanie ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa kaya...


MELANIE: Katie... nabalitaan ko nagkasigawan daw kayo ni Aling Ester kagabi ah?


Di na nagulat pa si Katie na nalaman ito ni Melanie...


MELANIE: Sinabi sa akin ni---ni Aries...

KATIE: My God! Aries...Aries..puro na lang Aries!

MELANIE: Napapansin ko rin na parang...parang iniiwasan mo rin ako...


Napatingin bigla si Katie kay Melanie...


KATIE: Melai, ano ka ba? Hindi ako galit sa'yo...


MELANIE: Pag nandito tayo sa kwarto, di mo ko masyadong kinikibo... Sa lab work, parang di tayo masyadong nagti-teamwork kasi parang ilang ka sa akin... Tapos hindi na tayo madalas magtabi sa upuan di tulad nang dati...


KATIE: Ganun ba? Pasensya ka na kung tingin mo eh nagiging cold na ako sa mga inasal ko sa'yo... May problem lang kasi ako...


MELANIE: Anong problem ba yon? Baka makatulong ako, friend?


Hindi alam ni Katie ang isasagot kay Melanie... alangan namang sabihin niya ang totoo na nagseselos siya sa kaibigan at kay Aries...


Mabuti na lang at biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila at pumasok bigla sina Destiny at Lorraine...


DESTINY: Bonjour le Philippines et le Monde de Bonjour! Mon nom est le Destiny Vallejo et je crois dans la citation que la beauté est dans les yeux du spectateur. Dites merci!


MELANIE: Oh, anong nakain nyan ni Destiny at kung ano-ano ang nasasabi?


LORRAINE: Naku, friend. Na-overdose lang yang ng French bread kaya napapa-Pranses.. :p

DESTINY: Avec précision, mes chers amis!


******

Samantala, nasa loob si Eunice ng kotse niya na naka-park sa UPEPP at may kausap sa cellphone...


EUNICE: Hello, my dear cousin. I have a juicy gossip for you and for sure pati si Tito Boy Abunda ay di kakayanin ang tsismis na ito...


GIRLIE: Tungkol ba saan yan?

EUNICE: Aba'y siyempre...sa mga pinababantayan mo sa akin... tungkol sa bestfriend mong si Katie at ang soon-to-be boyfriend kong si...


Pero biglang bumukas ang pinto ng kotse ni Eunice at...


CELESTINO: Ako ba ang tinutukoy mong soon-to-be boyfriend mo?


Nagdilim ang paningin ni Eunice na parang nagkaroon ng isang malaking eclipse... :p


TO BE CONTINUED...



No comments: