********** SUPER-DOOPER LATE NA VALENTINES DAY SPECIAL..hahahaha ************
FEBRUARY NA!
Love is in the air. At tuwing February sa UPEPP, hindi lang simoy ng pag-ibig ang iyong maamoy, humahalimuyak din ang bangong taglay ng mga sumisibol na bulaklak ng pinagpipitagang "Ebak Tree" na nasa harapan ng UPEPP...
Nasa "Good News Canteen" sina Katie, Melanie at Lorraine at kumakain ng beef steak...
KATIE: Hay naku! Sana nag-gulay na lang ako! Ang tigas naman ng beef steak dito sa canteen! Di ko makain!
MELANIE: Oo nga...nagkaka-muscle na tong panga ko sa kakanguya! :p
LORRAINE: Wa pen! Masias ining beef steak! Masakit kinisan! Ot makanta ining beef steak keni?!
KATIE at MELANIE: Tagalog please!!!!
LORRAINE: Oyta oh, atin subtitle keng lalam... basa yu bangkanita aintindian yu ku... :p
MELANIE: Di ko pa rin gets! Kapampangan din yung subtitle eh! :p
LORRAINE: E di i-set niyo yung sa Tagalog!
KATIE: Tagalog ka dyan! I-French niyo nga! Akala ng Destiny na yan siya lang magaling mag-French ah...hehehehe..
LORRAINE: Oh guys, nga pala... Ano balak niyo sa Valentine's? Malapit-lapit na rin yun ah.... Kami ni Mark (boyfriend ni Lorraine) meron na..kayo ba?
KATIE: Valentine's? Ano yun?! Okasyon ba yun?!
LORRAINE: Itong si Katie napaka-bitter! Sagutin mo na kasi yang si Vomer!
KATIE: Vomer?! Eh hindi naman nanliligaw yun!
LORRAINE: Hindi raw! Laki mong sinungaling! Oh, ikaw naman Melai! Kumusta na kayo ni Ariestotle? Nililigawan ka na rin ba niya?
MELANIE: Ha? Si Aries?! Asa nuh! Ni hindi ko nga alam kung nanliligaw ba yun o hindi... Di naman siya nagsasabi kung nanliligaw ba siya o hindi...
LORRAINE: Ano ba naman kayo?! Hindi na uso ngayon yung nag-aabiso yung lalake kung manliligaw ba siya o hindi! Nasa kilos na nila yun! Ano ba sa tingin niyo kung bakit kayo binibigyan nina Vomer at Aries ng chocolates?
KATIE at MELANIE: Para tumaba kami?! :p
LORRAINE: Naku ewan ko sa inyo! Ano ba sa palagay niyo yung habol ng dalawang iyon sa inyo at bakit sinusuyo nila kayo...FRIENDSHIP?! Idilat niyo nga ang mga mata niyo sa katotohanan! Gumising nga kayo!
KATIE: Ito na po Nay, gising na po ako. Gising na gising na po ako. Ako lang naman itong eengot-engot. Di naman kayo nagkulang ng pagpapaalala sa akin... :p
MELANIE: Opo, Nay... kasing laki na po ng mata ni Eunice itong mata ko sa sobrang dilat... :p Itong si Lorraine parang Nanay kung makapangaral eh!
KATIE: Nga pala, friends. Punta lang akong library ah. Magsosoli lang ako ng books na hiniram ko...
Sabay nilabas ni Katie yung mga libro na hiniram niya at nilapag sa mesa... Marami at medyo makapal yung mga librong ito...
MELANIE: Inaral mong lahat nang books na yan?
KATIE: Asa ka naman, friend! Props ko lang yan kay Mama ko! Kunwari nag-aaral ako para sa midterms para di niya ko utusan sa bahay during weekends...hehehe... Sige, library lang ako sandali...
At umalis na si Katie sa canteen at naglakad papuntang library bitbit sa mga kamay ang mga librong isosoli...
Nang makarating na sa library, bubuksan na sana ni Katie ang pinto ng library nang biglang bumukas ito na ikinagulat ni Katie kaya nabitawan niya ang mga librong hawak...
Di na nakita ni Katie kung sino yung nagbukas ng pinto para lumabas ng library na dahilan ng pagkagulat niya...
Nagmadaling pinulot ni Katie ang mga nahulog na libro. Tinutulungan naman siya ng taong kalalabas lang ng library...
ARIES: Sorry, Katie, kung nagulat kita...
Nagulat si Katie nang mabosesan na si Aries pala ang tumutulong sa kanya na magpulot ng libro...
Nang mapulot na lahat ng libro, iniwasan ni Katie si Aries ng tingin at nagmamadali siyang naglakad papunta sa pinto ng library. Bubuksan na sana ni Katie ang pinto nang...
ARIES: Katie....sandali...
Natigilan si Katie...
KATIE: Bakit ako tinawag ni Aries? May sasabihin ba siyang importante sa akin? May ipagtatapat ba siya sa akin?...Bakit kaya? Hindi pa naman ako ready sa tagpong ito...
Kinakabahan si Katie sa inaasahan niyang sasabihin ni Aries...
ARIES: Katie.....nakita mo ba si Melanie?
Biglang nanlumo ang puso ni Katie...
KATIE: Akala ko pa naman kung ano na! Napaka-assuming ko talaga! Tss..
ARIES: Katie?
KATIE: Nasa canteen siya. Kasama si Lorraine...
ARIES: Sige, salamat.
At umalis na bigla si Aries...at pumasok na si Katie sa library...
***********
Sa canteen naman...
LORRAINE: Uhm, sige friend..maiwan ko muna kayo ni Aries..mukhang may pag-uusapan yata kayo...
At lumabas na ng canteen si Lorraine...
MELANIE: Bakit?
ARIES: May gagawin ka ba sa Sabado?
MELANIE: Sa Sabado? May klase ako hanggang 3 pm nun...bakit?
ARIES: Yayain sana kitang labas tayo nun kung pwede ka...
MELANIE: Labas? Bakit?
ARIES: Valentine's...
MELANIE: Oo nga pala...
Di makasagot si Melanie...
ARIES: Melanie?
MELANIE: Sure..basta libre mo ah!
ARIES: Tss.. Syempre naman..! Nga pala...mag-red ka sa Sabado ah...
MELANIE: Red?! Bakit? Ang baduy kaya!
ARIES: Basta..sundin mo na lang ako! Mag-red ka ah!
***********
Sa library naman... naghahanap ng libro si Katie sa bookshelf nang bigla siyang tapikin ni...
VOMER: Ate Katie...
KATIE: Oh, Vomer...
VOMER: Ah..eh..may gusto sana akong sabihin sa'yo...
Kinuha ni Katie ang makapal na libro na may title na "General Chemistry 6th Edition" sa shelf at umupo sila ni Vomer sa malapit na mesa at upuan...
KATIE: Ano yun, Vomer?
VOMER: May gagawin ka ba sa Sabado?
KATIE: Sabado? Teka... Feb 14 yun ah!
VOMER: ???
KATIE: May class ako nun...hanggang 3:00.. Ayun..
VOMER: Gusto sana kitang yayain..kung pwede...labas tayo... Kung payag ka lang naman...
KATIE: Ok lang naman...Saan ba?
VOMER: Basta...secret muna..
KATIE: Clue naman dyan kung saan...
VOMER: Uhm...sige... Uhm...sa pupuntahan natin, may makikita kang kulay red at kulay yellow...
KATIE: Valentines...Kulay red..kulay yellow.... Huuhhhh! (nagulat si Katie) Wag mong sabihing sa Sog---
VOMER: It's for you to know and for you to find out... Kita tayo sa Sabado... :p
Sabay sibat si Vomer at lumabas ng library...
Nabalisa tuloy si Katie sa sinabi ni Vomer kaya di niya maintindihan ang mga pinagbabasa niya sa "General Chemistry" book...
At dahil di na niya maintindihan ang book, sinara niya na lang ito at ginawang unan para tulugan sa library... :p
*******************
FEBRUARY 14, 2009: Sabado...
Pagkatapos ng klase nila, kanya-kanyang lakad at "date" ang Psych 2A at Psych 2B...
At para sa mga single at walang "date" tulad ni Cherub...
CHERUB: Bakit kaya hanggang 28 lang ang February.... sana hanggang 13 na lang...waaahhh!!!!!
MIGUEL: Cherub, ang pait-pait mo naman ngayon.. Easy lang... dapat nga masaya ka... di ba season mo ngayon.. season ng mga CHERUBin...yung mga nampapana ng puso sa mga lovers para ma-in love! hehehe
CHERUB: Naku..kung sana lang mapana ko yung puso niya at ibigin niya ko...
MIGUEL : Nage-emo ang Cherubin ngayong V-day..hehehe
Sinundo si Melanie ng motor ni Aries... Siyempre... si Vomer naman ay sinundo si Katie gamit ang bike... :p
********************
Sa SM Clark nagpunta sina Aries at Melanie... Parehong naka-red sina Aries at Melanie...
Dinala ni Aries si Melanie sa Pizza Hut kung saan may naka-display na heart-shaped na collage sa glass wall nila...
Pumasok sila sa Pizza Hut. Nilapitan sila ng waiter at binigyan ng Menu...
ARIES: Melai, order ka lang ng kahit anong gusto mo ah.. Sky is the limit... :p
MELANIE: Talaga, Aries?
ARIES: Oo... ako bahala...
WAITER: Ma'am, Sir, may order na po ba sila?
ARIES: After you, Melai... :)
At sinabi ni Melanie ang order niya sa waiter...
MELANIE: Uhm... I'll have Roast Chicken with spaghetti, New Garlic Mushroom Bruschetta, Garlic Bread, French Fries...
WAITER: It's that all, Ma'am?
MELANIE: Oh, add also Mud Pie Sundae and Carribean... That's all...
WAITER: Ok, how about you, sir?
ARIES: Ah...eh... tubig na lang....with ice ah! :p
Pagkalipas ng ilang minuto...
MELANIE: Pa-sky sky is the limit ka pang nalalaman ah! Sa SUPER PANALO Value Meal din pala tayo babagsak! PANALO KA TALAGA Aries! (sarcastic ito)
ARIES: Kumusta ka naman kasi! Wala na ba mas idadami at ikakamahalpa yung mga order mo!
MELANIE: Naku to! Ikaw na rin nagsabi na kahit ano orderin ko tapo ngayon...
ARIES: Akala ko naman kasi magiging considerate ka...
MELANIE: Akala mo lang yon! :p
At dumating na ang order nilang dalawa... Nag-Rice Meal si Aries samantalang nag-Pizza Meal si Melanie...
Pagkatapos kumain sa Pizza Hut, tahimik na naglalakad sa The Meeting Place, ang lover's corner sa SM Clark...
At dahil nasa The Meeting Place sila, kunwaring umuubo na sinabi ni Melanie ang...
MELANIE: Dr. Pearl! Dr. Pearl! (kunwaring umuubong sinabi ni Melanie)
ARIES: Melanie, alam kong gusto mo ng Dr. Pearl kaya kita pinag-red din ngayon...
At nakarating na sila sa Dr. Pearl kung saan may nakalagay na:
Marami ring lovers na magkapareho ng suot ang nasa Dr. Pearl ngayon... Minasid ni Melanie ang mga tao sa Dr. Pearl...
MELANIE: Hayy..buti na lang at walang taga-UPEPP...
Umupo sila sa isa sa mga rattan chairs ng Dr. Pearl habang tinignan ang menu para sa Flavors ng Pearl Shake...
Pagkaupo nila, may lumapit na waitress sa kanila...
WAITRESS: Ma'am, Sir...may I take your order please... (may hawak itong order slip)
Inorder ni Melanie ay Blueberry Shake at Black Forest naman ang kay Aries...
Binigyan ng waitress ang order slip kay Melanie...
WAITRESS: Ma'am, Sir...order na lang po kayo sa counter...
At iniwan na sila ng waitress...
ARIES: Oh, ikaw na umorder... (sabay bigay ng pera kay Melanie)
MELANIE: Aba! Napaka-gentleman mo talaga, Aries!
ARIES: Sige na! Ikaw na umorder. Ako naman manlilibre eh.. Akalain mo yun, libre lang ang isang Pearl Shake... hehehe
MELANIE: Oo na..sige na! Hmmphh!
At umorder na nga si Melanie sa counter. Binigay nya na yung order slip sa kahera...
KAHERA: Iha..nasaan yung kasama mo?
MELANIE: Ayun po oh! (sabay turo kay Aries)
KAHERA: Sabi ko na nga ba...pareho din kayo ng suot.. Ilang years na kayo ng boyfriend mo?
MELANIE: Ha? Hindi ko po boyfriend yun ah!
KAHERA: Ah..ganun ba? E di hindi kayo makaka-avail ng promo namin na "Two Become One"... dalawang Pearl coolers ang babayaran niyo kasi di pala kayo lovers...
MELANIE: Ah..eh...no..no..no..no.. Hindi ko po siya boyfriend...dahil siya ang aking "kaluguran" (mahal) ....
MELANIE: (napakagat-labi) Diyos ko, Lord..ano ba tong napagsasasabi ko...
Makalipas ang ilang minuto, dala na ni Melanie ang Dr. Pearl nila ni Aries...
Sumipsip si Aries sa Dr. Pearl niya at...
ARIES: Aaaahhh (yung feel na feel ang pag-inom...) My best Valentines Date yet...
MELANIE: Ano?! Date 'to?!
ARIES: Obvious ba? :p
**************************
Samantala, sina Katie at Vomer naman... Nasa loob pa rin sila ng Clark...
Habang naka-angkas si Katie sa bike na pinapaandar ni Vomer...naalala ni Katie ang sinabi sa kanya ni Vomer nung niyaya siya ito...
VOMER: Sa pupuntahan natin, may makikita kang kulay red at kulay yellow...
KATIE: (pikit mata) Lord...kung saan man ako dadalhin ni Vomer...sana po hindi doon sa naiisip ko... Lord...
VOMER: Nandito na tayo...
Idinilat ni Katie ang mga mata niya at nagulat siya sa nakita...
VOMER: Oh, di ba, sabi ko sa'yo dadalhin kita kung saan may kulay red...at kulay yellow...
Nasa Hot Air Balloon Festival silang dalawa sa loob ng Omni Aviation sa Clark kung saan maraming RED at YELLOW na HOT AIR BALLOONS... :p
VOMER: Oh, Ate Katie..parang gulat na gulat ka? Ah..alam ko na.. siguro akala mo sa S*g* kita dadalhin nuh? Hehehehe...
KATIE: Syet ka! Pinakaba mo ko! Hehehehe...
VOMER: Tara..pasok na tayo...
Nilibre ni Vomer si Katie ng entrance fee na Php 100. At tumingala sila sa langit para tignan ang mga lumilipad na hot air balloons.
VOMER: Katie, gusto mo ba sumakay sa balloons?
KATIE: Ha? Ah..eh...
VOMER: Libre ko...wag ka mag-alala...
KATIE: Ah..eh..kaya lang takot ako sa height...
VOMER: Ok lang yun...kasama mo naman ako.. (pakanta) I will never let you fall... I'll stand up with you forever...
KATIE: Hehehehe..
Nilapitan nila yung isa sa mga nagpapa-ride sa hot air balloon na may nakalagay na "Tide"..hot air balloon ng Tide Bar kasi ito..
VOMER: Manong, magkano po ba ride sa hot air?
MANONG: 7000 pesos iho...
Parang nabingi si Vomer sa sagot ng Manong...
VOMER: Magkano po ulit?
MANONG: 7000 nga...
Nagulat sina Vomer at Katie...
MANONG: Gulat ka noh?! Ganyan talaga kamahal ang pagsakay sa Hot Air Balloon iho.. 7000 talaga...
VOMER: Ganun ho ba?
MANONG: Oo, iho...
KATIE: Sayang naman...gusto ko pa naman na magkaroon ng picture na nasa hot air balloon ako na lumilipad...
VOMER: Eh..manong...pwede po bang makiusap sa inyo?
MANONG: Ano yon, iho?
Nakasakay ng hot air balloon sina Vomer, Katie at si Manong... pero hindi ito lumulipad...
Nagpa-picture sila sa isang tao dun habang nasa loob sila ng balloon...
Nang matapos silang magpa-picture, iniabot sa kanila nung nag-picture sa kanila yung digicam kay Vomer... Nag-thank you sila sa nag-picture sa kanila...
Nang tignan na nila yung picture nila sa hot air balloon...
KATIE: Vomer, i-Adobe Photoshop mo na lang yan para kunwari lumilipad talaga tayo...hehehehe... :p
At laking gulat naman ni Katie nang biglang lumapit sa kanila ang mga taong pinakahuli niyang gustong makita: sina Eunice and gay friends...at sina Girlie at Iggy!
Si Girlie, na pinsan ni Eunice, ay ang girlfriend ngayon ng ex-boyfriend ni Katie na si Iggy...
EUNICE: Well... well... well...
GAY FRIEND 1 & 2: Balon... balon... balon...
GIRLIE: Hi, Katie... my dear old friend... For sure nagulat ka dahil di mo kami inaasahan na makita ngayon... Inimbita lang naman ako ng aking pinsan na si Eunice dito sa Hot Air Balloon...and we didn't expect na makikita ka rin namin dito...
EUNICE: Well Katie... the wrath of God has come unto you... *evil laugh*
GAY FRIEND 1 & 2: Katie, ang daga ng Diyos ay napasaiyo na... *evil laugh*
GIRLIE: So, kumusta ka na nga pala, Katie, my friend? Balitaan mo naman ako kung kumusta na kayo ng boyfren-boyfrenan mong si Aries... Balita ko...tapos na ang napakaganda niyong palabas... For sure, standing ovation kayo! *evil laugh din*
EUNICE: Oh, Vomer...andito ka rin pala...
GIRLIE: At sino naman yang lalakeng yan?
VOMER: Boyfriend ako ni Katie..bakit?
GIRLIE: Oooohhh... The Best Supporting Actor to the rescue ngayong wala na si Aries... Alam mo, boy, kumita na yang "boyfriend" kuno ni Katie... di na ko nagpapaniwala dyan...
EUNICE: Hay naku, guys... Let's go na nga! Let's not waste our time here. Magska-sky dive pa tayo...
At umalis na nga sina Eunice, Girlie, Iggy at ang gay friends. Bago tuluyang lumayo, nagkatinginan pa sina Iggy at Katie...
Di alam ni Katie ang gagawin dahil sa kahihiyan. Nanliit siya sa ginawang pang-aasar nina Eunice at Girlie sa kanya...
VOMER: Katie...I'm sorry... hindi kita nagawang depensahan man lang...
KATIE: Ok lang yun, Vomer... Makakarma rin sila...
And sure enough, pagkalipas ng ilang minuto, limang sky divers ang panget ang pagkaka-landing...
Ospital ning Angeles ulit ang bagsak ni Eunice...this time kasama na niyang magba-Valentines sa ospital ang gay friends niya, ang pinsang si Girlie..at si Iggy...
TO BE CONTINUED...
2 comments:
hoy.. haha. picture ko pa yung sa Dr. Pearl ah. haha. may bayad yun!!! haha . pero asan na sa ekSENA si jerome?:p
PICTURES:
* HOT AIR BALLOON: Retrieved from: Hot Air Balloon 2009
* PIZZA HUT SUPER PANALO MEALS Images: Courtesy of Pizza Hut Philippines Website. SUPER PANALO MEALS
* SM CLARK THE MEETING PLACE: Courtesy of munsterinc. SM CLark
* HEART COLLAGE Image. Self-made. My Friendster Account
* Dr. Pearl Image. Courtesy of Lany.
Post a Comment