Saturday, January 31, 2009

Episode 26: Jamming




CHRISTMAS BREAK na!


Umaga sa kwarto ni Melanie. Nagising si Melanie sa tunog ng cellphone niya. May nagtetext sa kanya...


Pupungas-pungas pa si Melanie habang nakahiga sa kama niya...


MELANIE: Istorbo naman oh! Simulang-simula ng Christmas break ko nang-iistorbo ng tulog!


At tinignan niya ang cellphone niya at kung sino ang nag-text...si JEROME! Ang kanyang lihim na minamahal...


JEROME: {punta k d2 s studio nina kyle. mag-jam taung banda.geh!}


Nagmadaling kumain, magsipilyo, maligo at magbihis si Melanie. Pagkatapos, nagpaalam siya sa mga magulang niya na may pupuntahahan...


Napadaan ang sinasakyang jeep ni Melanie sa school niya dati nung high school. At may nakita siyang lalake at babaeng estudyante at pumapasok sa school. Napangiti siya...


MELANIE: Parang kailan lang...nagsasabay kami dati ni Jerome sa pagpasok sa school... :)


Nakarating na siya sa studio. Rinig sa labas ng studio ang tunog ng tambol at cymbals.


Pumasok si Melanie sa studio. At nakita niyang nagi-gitara si Jerome. Nandun din ang mga ka-banda niyang sina Migz, Gab at Kyle (ang may-ari ng studio).


JEROME: Buti naman at dumating ka na! Tagal mo!

MELANIE: Sensya naman! Biglaan ka naman kasi kung magpatawag ng jamming!


At ginalugad ni Melanie ng tingin ang studio. Napansin niyang wala si Maricar, ang girlfriend ni Jerome...


MELANIE: Mabuti naman at wala ang kontrabida na yon! Hmmph!


MELANIE: Nga pala, ba't ka bigla kang nagpatawag ng jamming?

JEROME: Kasi po, may gig tayo bukas...

MELANIE: Gig bukas? Biglaan naman ata yun! Saan ba?

JEROME: Sa Off the Grill sa Timog Ave. May nag-invite kasi sa atin na tumugtog para sa Christmas Party dun tomorrow.

MELANIE: Ganun? E sino naman yung nag-invite na yun?

JEROME: E di ang biyenan-to-be ko..heheheh...

MELANIE: Ha? Sino?!

JEROME: Melai, ang slow mo naman! E di yung mama ni Maricar! Ikaw talaga!


Natigilan dun si Melanie. Napansin naman ito ni Jerome...


JEROME: Bakit? May problema ba?

MELANIE: Hindi ako pwede sa gig bukas...

JEROME: Ano?! Bakit naman!

MELANIE: Eh, ano...kasi...kwan... Namamaos ako...


At pinagmukhang paos ni Melanie ang boses niya... :p


MELANIE: (boses paos "kuno") Di ako makakakanta kung ganito boses ko di ba? Ayun..


Vocalist si Melanie ng banda


Napangiti si Jerome. Alam niya kasing nagkukunwari lang na paos si Melanie...


JEROME: Wag mo nang alalahanin iyon!


At may nilabas na bote si Jerome sa bag niya...


JEROME: Tamang-tama at nakapgdala ako ng salabat. Alam ko kasing matinding practice ang kailangan nating gawin ngayon kaya nagdala ako para sa'yo. Inumin mo nang mawala ang paos mo...


Nandiri si Melanie sa itsura ng salabat kaya...


MELANIE: (balik ulit sa dati ang boses) Ah..eh..sige.. OK na pala ulit ang golden voice ko.. :p

JEROME: E di pwede ka na bukas?

MELANIE: Ah..eh..hindi pa rin!

JEROME: Bakit na naman?

MELANIE: Ah..eh... di ba "bar" yon? Ayun...bawal ako kasi i'm still a "minor" :p

JEROME: Naku! Utot mo! Naku, kung ayaw mo e di wag! Sasabihin ko na lang sa Mama ni Maricar na di tayo tutugtog bukas kasi "minor" pa ang vocalist namin at bawal sa mga bar! (medyo galit na ang tono niya)

MELANIE: Oo na! Sige na! Payag na ko bukas!

JEROME: Buti naman! Hihintayin mo pa akong magalit bago ka mapapayag eh!

MELANIE: Lalo ka kasing gumagwapo pag galit ka..hehehehe


At nagsimula na silang mag-jam. Halos Christmas songs ang tinutugtog nila kasi nga Christmas party yung gig nila bukas...


After 1 1/2 hours ng practice...


JEROME: Guys, break muna tayo...


Sa labas sila ng studio nagmeryenda kung saan katulong nina Kyle ang naghanda. Nagmemeryenda sila sa isang bakal na mesa... Magkatabi ng upuan sina Melanie at Jerome...


Habang kumakain ng tinapay, tinitignan ni Jerome ang picture ni Maricar. Napansin ito ni Melanie at nakaramdam ng inis at selos...


JEROME: (habang tinitignan ang picture ni Maricar) Haayyy... sa wakas at magkikita na rin tayo bukas...


Lumapit nang bahagya si Melanie kay Jerome at nakiusyoso sa pagtingin ng picture ni Maricar...


JEROME: Melai, ang ganda niya nuh?

MELANIE: Ha? Ah..eh..ah..teka... I'm thirsty...


At agad kinuha ni Melanie ang isang bote na nakapatong sa mesa at ininom bigla para maiwasang sagutin ang tanong ni Jerome... :p


Pagkainom, napangitan si Melanie sa lasa at binuga ang ininom sa picture ni Maricar..


MELANIE: Blearrrgghhh!


JEROME: Melai! Ano bang---!


Nainis si Jerome kay Melanie dahil nasira ang picture ni Maricar...


MELANIE: Hala...sorry Jerome! Di ko sinasadya... Eh...kasi naman tong salabat mo! Pakalat-kalat! Nainom ko tuloy!


Inis namang pinupunasan ni Jerome sa damit niya ang picture ni Maricar... Nagka-blot ang ilong ni Maricar sa picture...nagmukha tuloy itong "Rudolph the Red-nosed Reindeer! Hahahaha!


TO BE CONTINUED...


No comments: