Tanaw sa bintana ng Coffee Academy ang parking lot ng UPEPP kung nasaan si Aries...
Nang makita ni Aries sina Katie at Vomer sa Coffee Academy mula sa parking lot ng UPEPP, sumakay ito sa motorsiklo niya at pinaharurot nang malakas...
Narinig nina Katie at Vomer ang tunog ng harurot ng motor ni Aries..at napatingin sila sa bintana ng Coffee Academy...
At nakita nila saglit si Aries at ang motor nito na mabilis na umaandar palayo ng UPEPP...
Sa waiting shed naman ng UPEPP, nag-aabang ng jeep sina Eunice at ang gay friends niya...nang matanaw ni Eunice na paparating ang motor ni Aries sa kanila...
EUNICE: OMG! Si Aries ko... (sabay kinilig) Oi, bakla...maganda ba ako? Bilisan mo sumagot..papalapit na si Aries ko..
GAY FRIEND 1: Oo na...maganda ka...sabi ng nanay mo...
EUNICE: Che!
Nang nasa tapat na nila ang humaharurot na motor ni Aries...
EUNICE: Hey, Aries! I'm here...
Ngunit sa halip na tigilan ni Aries, nagpatuloy lang ito sa pagharurot at binugahan pa ng usok mula sa tambutso ng motor ang tatlo...
Naubo sina Eunice at gay friends niya nang mabugahan ng usok..
GAY FRIEND 1 & 2: *ubo *ubo *ubo!
EUNICE: *Cough *cough *cough! Danang Aries yan! Inis-nab ang beauty ko! Di ba ko magandang tignan ngayon? Ha..bruha?
GAY FRIEND 2: Ah...eh...maganda ka naman ngayon, friend. Hawig mo nga si Bella 'eh..
EUNICE: Bella Swan sa Twilight?
GAY FRIEND 2: Nope...Bella...Bella Flores... :p
Samantala, sa Coffee Academy naman, pagkakita kay Aries na kaaalis lang...tumayo si Vomer...
VOMER: Ate Katie...alam kong may magbabago sa samahan natin ngayon..ngayong inamin ko na..pero..tanggap ko man kung magkagayon man..Sige, Ate Katie..una na ako..at happy birthday ulit...
Umalis na si Vomer palabas ng Coffee Academy. Naiwan namang nakaupo si Katie...
Habang naglalakad si Vomer palayo...naalala niya kung pano siya nain-love kay Katie...
FLASHBACK...
October noon... Last semester.. Sa Hotel Lakandula...lumabas siya ng kwarto para hanapin si Aries...
VOMER: Saan na ba yun si Kuya Aries...mahiraman ko nga ng PSP...
At pagbukas ni Vomer ng pinto ng kwarto nila, natanaw niya na natutulog sa mesa sina Katie at Aries dahil sa pag-aaral ng Zoology...
VOMER: Naku 'tong si Kuya Aries oh.
Gigisingin niya sana si Aries...pero napatingin si Vomer kay Katie na natutulog...
Napatingin si Vomer sa mataba-tabang pisngi ni Katie...at sa labi nitong nakangiti pa habang natutulog...
VOMER: Ang cute naman ni Ate Katie matulog...naka-smile pa...Baka napapanaginipan ako kaya nakangiti..hehehe...
At inilapit ni Vomer ang mukha niya sa mukha ni Katie...at dun niya napansin na tulo-laway pala si Katie..
Napangiti na lang si Vomer...naglabas ng panyo at pinunasan ang laway ni Katie...
At habang pinagmamasdan ni Vomer ang mukha ni Katie...nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya...
At mula noon, sa tuwing makikita ni Vomer si Katie sa UPEPP, napapangiti ito...
Minsan, nang makita ni Vomer si Katie sa corridor ng UPEPP nung last day ng first sem...
JR: Hoy! Anong ngingiti-ngiti mo dyan...
VOMER: Ha? Wala!
JR: Chicks nuh? Saan ba? (sabay linga-linga si JR sa paligid)
VOMER: Wala nga! Kulit nito!
JR: Eh, ba't ka nga nakangiti?
VOMER: Wag ka na nga lang makialam.
JR: Nababaliw ka na ata eh. Ngumingiting mag-isa...
Tumindi ang naramdaman ni Vomer kay Katie over the sembreak dahil bini-view nito palagi ang Friendster profile ni Katie...
At nakaramdam din siya ng selos nang biglang i-announce ni Aries noon sa cafeteria ng Hotel Lakandula nung first day of second sem na...
ARIES: Ah..oo nga pala...Tita Ester, my fellow dormers, friends, guests...a pleasant evening to all of you. Ipinapakilala ko nga pala sa inyo ang girlfriend ko...si Miss Katie Madrid...
Di lang nagpahalata nun si Vomer na nagseselos...dahil umeksena noon si Kuya Karlo na nagseselos din....dahil gusto nito si Aries... :p
At sa Hotel Lakandula...panakaw at lihim na tinitignan lagi ni Vomer si Katie pag nag-aaral sila ng sabay sa lounge... na minsan ay nahuhuli ni Destiny...
At naalala rin ni Vomer ang nangyari kaninang madaling-araw sa debut ni Katie...ang pagsasayaw nila ni Katie...at ang huli niyang sinabi kay Katie bago siya nalasing...
VOMER: Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries?
BACK TO PRESENT...
Nilingon ulit ni Vomer ang Coffee Academy...at nasilip niya sa bintana nito na nakatingin sa kanya si Katie...
Nagngitian ang dalawa at pumasok na ng building ng UPEPP si Vomer...
Makalipas ang ilang minuto, nag-uusap sa corridor sina Katie, Melanie at Destiny...
MELANIE: At ano naman ang sinabi ni Vomer sa'yo at mukha yata kayong natagalan?
KATIE: Di ko alam kasi kung dapat ko bang sabihin sa inyo eh...
DESTINY: Bakit naman?
KATIE: Eh..basta..
MELANIE: Ayan ka na naman eh. Naglilihim ka na naman sa amin..una, si Aries nilihim mo..tapos ngayon ulit...
KATIE: Eh..pano ba..kasi ano kwan..tsk..eh..
DESTINY: Umamin sa'yo si Vomer na may gusto siya sa'yo nuh?
Nagulat si Katie..
KATIE: Pano mo nalaman?
DESTINY: Well...let's just say na tini-train na ako ni Aling Ester to be a manghuhula someday... :p
MELANIE: Well, Destiny...bagay nga sa'yo ang panghuhula kasi ang iyong pangalan ay "Destiny"...hawak mo ang "destiny" ng bawat tao..hehehe...
KATIE: Ano ba kasi. Magseryoso na nga kasi. Destiny..pano mo nalaman?
DESTINY: Naku naman kasi Katie. Manhid ka kasi. Minsan, nakikita ko yan si Vomer na tingin nang tingin sa'yo pag kumakain tayo sa cafeteria ng Hotel or pag nag-aaral tayo sa lounge...
MELANIE: Tsaka sa sinabi niya kanina sa debut mo bago siya bumagsak...naku..alam na!
KATIE: Malay ko ba naman kasi kung salitang lasing lang yun o ano...
MELANIE: Nakanang tuts ka naman, Katie! May gusto sa kanya si Vomer...Ang haba ng hair mo ah..sa sobrang haba pwede nang i-ponytail.. :p
Sa waiting shed, nag-aabang pa rin ng jeep sina Eunice...
EUNICE: Ano ba namang mga jeep yan! Ang tagal-tagal! 48 years! Tinutubuan na ko ng ugat dito!
GAY FRIEND 1: Akala ko tinutubuan ka na ng buntot at sungay..
EUNICE: Ano? May binubulong ka ata dyan...pwedeng pakiulit...
GAY FRIEND 1: Sorry...ayoko ng replay... :p
At dumating din sa waiting shed sina Katie, Melanie, at Destiny...
EUNICE: Ooooohhh...look who's here...nandito pala ang birthday girl. Happy Birthday Katie...
KATIE: Galing naman sa ilong ang bati. Plastik.
EUNICE: Alam mo, Katie. Di ko alam kung ano ang nakita sa'yo ni Aries at ikaw ang syinota niya. Di bale...magbe-break din kayo agad...ngayong nakita na niya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa ng UPEPP...siyempre wala nang iba pa kundi ako...
Nag-make face naman si Destiny na nakita ni Eunice...
EUNICE: Ooooohhh...nandito rin pala ang "sumabit" sa awarding ng Miss UP. Akalain mo yun, naging second runner up ka pa..eh halos hindi na kita makita kagabi sa sobrang dilim...
Black beauty (morena) kasi si Destiny kaya ganun siya laiitin ni Eunice...
DESTINY: Well, Miss Brightside. Ito lang ang masasabi ko sa'yo...kili-kili mo lang ang maputi...budhi mo maitim!
Palakpakan naman sina Katie at Melanie. Inis na inis naman sina Eunice at gay friends kaya nagtawag "kuno" ito ng taxi kahit wala namang ganun sa Clark..
EUNICE: Taxi! Taxi! (at umaarteng pumapara ito ng taxi)
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie at Destiny...
Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina sa waiting shed ng UPEPP...
DESTINY: Taxi! Taxi! (ginagaya niya si Eunice)
KATIE: Buti nga sa "matang" yun. Nakahanap siya ng katapat...
MELANIE: With conviction mo pang binitiwan ang award-winning mong linya ah! "Kilikili mo lang ang maputi...budhi mo maitim!"
MELANIE: Kakabugin mo sina Vilma, Nora, at Sharon sa acting mo kanina, Destiny!
Nang nasa lounge na sila ng Hotel Lakandula, nakita nilang nagla-laptop si Aries sa table.
Bago sila makarating ng kwarto nila, madadaanan nila ang daanan sa likod ng kinauupuan ni Aries...
At naglakad nga silang tatlo sa daan na yun papunta sa kwarto nila..nasa pinakalikod si Katie...
Kaya nang magkalapit na sina Katie at Aries..biglang nagsalita si Aries...
ARIES: Oh, kumusta naman ang date sa Coffee Academy?
Natigilan si Katie doon at napatingin kay Aries. Hindi naman nakatingin si Aries sa kanya. Sa halip, ito ay naglalaro ng D.O.T.A. sa laptop niya...
Pumasok naman sina Destiny at Melanie sa kwarto nila...kaya sina Katie at Aries lang ang tao sa lounge...
ARIES: Ang sweet niyo ni Vomer kanina ah...
KATIE: Aries..nag-usap lang kami ni Vo--
ARIES: Wag ka nang magpaliwanag pa...nakita ko kayo..mas matamis pa kayo kanina kesa sa mga kapeng itinitinda sa Coffee Academy...
KATIE: Teka..wala na ba akong karapatan na makipag-usap kay Vomer?! Ikaw nga, nagpapalandi ka sa Eunice na yun sa Comm 2 class niyo!
Si Aries naman ang natigilan. Napatingin siya kay Katie.
ARIES: T---ttt---teka---h--h--hi---hind---
KATIE: Wag ka nang magpaliwanag pa (gayang-gaya niya si Aries dito). Nagsusumbong sa akin sina Lorraine at Jericka. At nakikita nila na sa twing magkakatabi kayo ni Eunice eh lumalaki yang mata mo nang mas malaki pa sa mga mata ni Eunice at tinititigan ang cleavage, ang legs at ang kilikili ng babaeng yon!
Napakamot na lang ng ulo si Aries...
ARIES: Ah..eh..teka..bakit mo sinusumbat sa akin yan? Nagseselos ka nuh?
KATIE: Aba? Ako nagseselos?! Excuse me! Sino bang nauna? Baka ikaw ang nagseselos sa amin ni Vomer...
ARIES: Ganun? Sige...magsama na kayo ng Vomer mo...
KATIE: Talaga!
At nagpatuloy si Aries sa paglalaro ng D.O.T.A. Kaya ang ginawa ni Katie, ginulo-gulo niya si Aries sa pamamagitan ng pagpindot-pindot ng kung anu-ano sa keyboard at ginagalaw-galaw ang mouse...
"Ang Spoiled Mode" ngayon si Katie...
ARIES: Ano ba! Naglalaro yung tao eh ginugulo...!
Tumigil na si Katie sa panggu-gulo...
KATIE: Galit ka ba? Sorry na... Birthday na birthday ko..galit ka sa akin...
ARIES: Eh kasi naman....
KATIE: Kasi naman ano?
ARIES: Eh...basta!
KATIE: Ang labo mo!
ARIES: Malabo ba? Sorry, mahina ang antenna ko eh..kaya malabo..
KATIE: Hehehe...korni!
ARIES: Tsss...
KATIE: Uy, Aries.. sorry na. Nag-usap nga lang kami ni Vomer kanina...nag-sorry lang siya sa ginawa niya kaninang madaling-araw sa mini-debut ko...ayun lang...
ARIES: Yun lang talaga?
Medyo na-guilty si Katie doon...dahil di niya sinabi ang ginawang pag-amin sa kanya ni Vomer...
KATIE: Oo..yun lang..ano pa ba inaasahan mo?
ARIES: Ok...
KATIE: Ano na? Napatawad mo na ba ko?
ARIES: Oo na...
Lumapit si Katie sa likod ni Aries at niyakap ito sa leeg...
KATIE: Ito naman kasing boyfriend ko...ambilis magselos...at ang bilis ding magpalandi sa matang yon! (sabay pingot sa ilong ni Aries)
ARIES: Aray ko naman! Nakapingot ka?!
KATIE: Naku..buti nga ayan lang ginawa ko sa'yo...kulang pa nga yan bilang kaparusahan sa pakikipaglandian mo sa Eunice na yun!
At tinanggal na ni Katie ang kamay niya sa pagkakayakap kay Aries...at nagpatuloy sa paglalaro ng D.O.T.A. si Aries...
KATIE: Ayan ba yung DOTA? Turuan mo naman ako maglaro.
ARIES: Ayoko nga...mahirap tong ituro. Slow ka pa naman...
KATIE: Ang yabang mo! Sige, tignan lang natin. Pag ako natutong maglaro nyan..pustahan pa tayong matatalo kita!
At tinulak ni Katie si Aries sa upuan para siya naman ang makaupo at makalaro ng DOTA..
Pagkatulak kay Aries..
ARIES: Ayos ka ring makatulak ah!
KATIE: Turuan mo kasi ako nitong DOTA. Ito naman eh!
At si Katie na nga ang naglalaro ng D.O.T.A.
Si "Alleria" ang hero na gamit niya...
ARIES: Ayan..ah..Team Sentinel ka..kalaban mo yung mga Scourge..yung mga mukhang kalansay. Kakampi mo yung walking trees..Ang goal mo sa game na yan eh sirain yung building sa gitna ng base ng kalaban na tinatawag na "Ancient"...OK?
KATIE: Oo na...game na. Dami mo pang satsat eh...
ARIES: Ayan...may kalaban na...i-attack mo!
KATIE: Pano ba yung attack dito?!
ARIES: Sigaw mo lang..."Attack! Attack!" ayun...
Tinignan ng masama ni Katie si Aries...
KATIE: Naman 'to 'eh! Pano na kasi?
ARIES: Pindutin mo lang yung "A"...ayun...
At sinugod ng mga kalaban si Katie...
KATIE: Waaahh! Ano ba naman 'tong mga kalaban na'to! Peste! A-attack pa lang ako susugod na! Bakit naman ganito tong mga kalaban na'to? Sugod nang sugod!
ARIES: Malamang kalaban sila. Alangan namang tumunganga yang mga yan! :p
At tinignan ni Aries yung lifeline ng hero na gamit ni Katie...
ARIES: Mamamatay na yung hero mo...balik ka sa base mo tapos magpa-heal ka sa fountain dun..
KATIE: Ha? Mamamatay na? Bakit? Pano mo ba nalalaman pag mamamatay ka na?
ARIES: Pag tinakda na ni Lord na mamamatay ka na..ayun... :p
KATIE: Naman toh eh! Tinatanong nang matino eh!
ARIES: Ako na nga kasi dyan! Sinira mo lang laro ko!
KATIE: Ayoko nga. Hindi ako aalis dito hangga't di ako nagiging game master ng D.O.T.A.
At nagtatawanan sina Aries at Katie..
At nasa ganoon silang pagbibiruan nang biglang dumating si Vomer galing school...nagkatinginan silang tatlo...
TO BE CONTINUED...
4 comments:
nkalimutan ko ung ssbhn ko dpat. ahahaha.:))
haha. mataba-tabang pisngi.. hahaha.. at tulo-laway pa.. comedy na naman! XD
finally nabasa ko na lahat. hehehe.
ayos tong last episode, comedy. haha
PICTURE:
Alleria Image. Courtesy of DoTA All-Stars Website. DoTA Heroes' Page
Post a Comment