Thursday, June 4, 2009

Episode 40: Hospital Wing




Nakasakay si Katie sa ambulansya kung saan nakahiga si Aries na nilalapatan ng first aid ng mga doktor at nurse na nandoon...


KATIE: Aries...kaya mo yan. Wag kang susuko!


Dinala ni Aries sa Clark General Hospital kung saan sinugod siya sa emergency room...


Nang papasok na sa emergency room, hinarang si Katie ng mga nurse upang pigilan siyang makapasok sa ER...




Makalipas ang ilang minuto, nakaupo si Katie sa upuan malapit sa ER nang dumating si Aling Ester...


ALING ESTER: Katie...

KATIE: Aling Ester....


Nagyakapan ang dalawa at nag-iyakan...


Pagkalipas ng ilang sandali, nag-usap silang dalawa sa labas ng emergency room...



ALING ESTER: Balak sanang mag-sorry sa'yo ng pamangkin ko...kaya hinintay ka niyang makalabas ng UPEPP...


KATIE: Kasalan ko....kung alam ko lang...e di sana hindi na 'to nangyari sa kanya...

ALING ESTER: Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pareho nating hindi ginusto ang nangyari. Kung nahulaan ko lang sana sa mga baraha ko ang sasapitin ni Aries...


Biglang lumabas ang doktor sa ER at nilapitan sina Aling Ester...


DOCTOR: Kayo po ba ang nanay ng pasyente?

ALING ESTER: Ako ang tita niya...

DOCTOR: Sumama po kayo sa akin sa opisina ko...


Magpapaiwan sana si Katie pero...


ALING ESTER: Katie, iha. Halika na...samahan mo na ako...


Nasa opisina sila ng doktor kung saan ipinapakita ng doctor ang print-out x-ray ni Aries...


DOCTOR: Dahil sa malakas na pagkakahataw sa kanya sa likuran, nabali ang spinal column ng pasyente...


Nagulat pareho sina Katie at Aling Ester...


KATIE: Doc..wag niyo pong sabihing...


Naalala ni Katie ang ni-lesson nila sa Zoology na kapag nabali ang spinal column ng tao...


DOCTOR: Iha...maaari siyang ma-paralyze at di na makalakad o makatayo man lang....


Nanghina sina Katie at Aling Ester sa sinabi ng doctor...


Bumalik sa alaala ni Katie ang pagmomotor ni Aries, pagbabasketball nito...paano nang lahat ng yon kung mapaparalyze si Aries....


ALING ESTER: Doc, wala ba kayong magagawa?

DOCTOR: Plano naming palitan ng bakal ang mga nasirang bahagi ng kanyang spinal column...pero hindi reassurance yun na makakakilos siya ng normal...


Nasa canteen na ng ospital sina Katie at Aling Ester. Pareho silang kumakain ng brownies at umiinom ng Juicy Pulp... :p


ALING ESTER: Mapapatay ko ang mga gumanyan sa pamangkin ko pag nakita ko sila! Napaka-walang modong mga bata yan. Nananahimik si Aries, ginulpi nila!


KATIE: Aling Ester, nasabi po ng guard sa akin na member ng frat sa Holy at sa UPEPP ang mga bumugbog kay Aries. Kilala ko po yung iba sa kanila...


ALING ESTER: Bakit ba kasi hindi pa ipagbawal sa UP ang mga walang katuturang mga frat-frat na yan! Marami nang namamatay sa pagsali dyan. At ang pamangkin ko...idadamay pa nila!


KATIE: Aling Ester, hindi naman po kasi lahat ng frat sa UPEPP, basag-ulo ang hanap. May ginagawa rin silang proyekto sa ikabubuti ng school at ng mga estudyante. Nagkataon lang na ang mga dumali kay Aries ay isang frat na basag-ulo ang hanap...


Nag-ring ang cellphone ni Aling Ester...


ALING ESTER: Hello? Oh, Ariana. Si Aries? Mabuti naman ang lagay niya kaya lang...


Nag-excuse si Aling Ester kay Katie. Tumayo si Aling Ester at lumayo nang kaunti para kausapin sa cellphone ang ate ni Aries na si Ariana...


**********************


Nailipat na sa isang private room si Aries. Wala pa rin itong malay. Binabantayan siya nina Aling Ester at Katie...


ALING ESTER: Katie, iha. Di ka pa ba uuwi sa Manila? Wala na kayong pasok hanggang Sabado ah.

KATIE: Baka po bukas na ako umuwi. Gabi na po masyado eh

ALING ESTER: Sabagay...


At nagkaroon ng konting katahimikan at...


ALING ESTER: Sige na, iha. Umuwi ka na sa apartment niyo. Parating na rin naman rito sina Ariana at Kuya Augusto ko (dad ni Aries na kapatid ni Aling Ester) galing QC. Ako na lang magbabantay kay Aries...

KATIE: Sige po...

ALING ESTER: Mag-iingat ka...


Lumabas na ng kwarto si Katie at naglakad palabas ng ospital.


Nang makarating na siya sa exit, nagulat siya nang makitang papasok ng entrance ng ospital si Eunice...


Nagkatinginan silang dalawa...


Nilapitan ni Eunice si Katie...


KATIE: Ang kapal ng mukha mo! May lakas ka pa ng loob na magpakita rito!

EUNICE: Katie...alam ko, sina Celestino ang bumugbog kay Aries. Nanggaling ako sa kulungan nila...

KATIE: Kung papayagan lang ng batas, dapat mabulok na sila dun sa kulungan! Hindi lang bugbog ang inabot ni Aries. Sinira na nila pati kinabukasan niya! Malaki ang posibilidad na maparalyze si Aries sa ginawa nila!


EUNICE: Kaya nga nandito ako para humingi ng tawad kay Aries...sa pamilya niya. Dahil din sa akin kaya nangyari kay Aries ang ganyan. Nagseselos sa kanya si Celestino kaya ginulpi nila si Aries...


For the first time, nakaramdam ng sinseridad si Katie sa mga sinabi ni Eunice...


EUNICE: Please, Katie. Gusto kong makausap si Aries o ang pamilya niya...


Sinamahan ni Katie si Eunice sa room ni Aries kung saan nakaupo si Aling Ester sa tabi ng kama ng walang malay na si Aries...


Kumatok si Katie sa pinto saka pumasok kasama si Eunice...


KATIE: Aling Ester...m-may gusto pong kumausap sa inyo...


Tumayo si Aling Ester at lumapit kina Katie at Eunice...


Si Eunice ang nagsimula ng usapan...


EUNICE: Tita...mga k-kaibigan ko po ang gumawa nyan kay Aries. Ako na po ang humihingi ng dispensa...

ALING ESTER: Bakit ikaw ang humihingi ng dispensa para sa kanila? Sila dapat mismo ang humingi ng dispensa. Hindi ikaw!


EUNICE: Kasi po... I felt somehow responsible sa nangyari. Ipinakilala ko po kasing boyfriend ko si Aries sa unwanted suitor kong si Celestino. Dala ng selos, pinabugbog ni Celestino sa mga ka-frat niya si Aries. I'm sorry po...


Sa mga narinig, hindi maiwasan ni Aling Ester na makaramdam ng galit kay Eunice...


ALING ESTER: Lumayas ka rito bago pa kita masaktan! Lumayas ka na dito! Labas!


Pinagtulakan ni Aling Ester si Eunice sa pinto. Sinundan naman si Katie kay Eunice...


Nang nasa labas na sila ng room...


KATIE: Eunice, pagpasensyahan mo na si Aling Ester. Galit lang yun kaya nagawa niya yun sa'yo...

EUNICE: Ok lang. Kung tutuusin, kulang pa yung ginawa niya sa nagawa ko sa pamangkin niyang si Aries...


Nang nasa labas na sila ng ospital...


EUNICE: O, Katie. San ka na nyan?

KATIE: Ah...eh...mag-aabang ng jeep papuntang Main Gate...

EUNICE: Gabi na. Madalang na lang ang jeep na dumadaan dito. Halika, sabay ka na sa akin...


Nag-alangan si Katie. Naninibago siya sa kabaitang ipinapakita ni Eunice...


KATIE: Ah..eh... hindi na lang. Salamat na lang...

EUNICE: Sige na, hwag ka nang mahiya...


Makalipas ang ilang minuto, nakisakay na rin si Katie sa kotse ni Eunice at binabaybay nila ang kalye ng Clark papuntang Main Gate...


Nakaupo sa passenger's seat si Katie habang si Eunice ang nagmamaneho...


Tahimik sina Eunice at Katie. Binasag na lang ni Eunice ang katahimikan...



EUNICE: Katie, pasensya ka na pala sa nagawa ko sa'yo...sa nagawa namin ng pinsan kong si Girlie sa iyo...


Tahimik lang si Katie. Di siya makapaniwala sa paghingi ng tawad ni Eunice...


EUNICE: Pagkatapos ng sem na 'to. I will be leaving Philippines for good..

KATIE: Ha? Bakit?

EUNICE: Napetisyon na ko ng Dad ko sa Amerika. Dun na ko titira. Pagkatapos ng gulo na idinulot ko sa buhay ni Aries...siguro kelangan ko na ring umalis...


Ibinaba ni Eunice si Katie sa Main Gate. Nagpasalamat si Katie at umalis na si Eunice...


Natulog si Katie sa apartment na magaan ang pakiramdam...dahil nalaman niyang may "good side" din pala si Eunice...


*******************************

Kinaumagahan, sa Clark Hospital, nagkamalay si Aries. Una niyang nasilayan sina Aling Ester at ang Ate Ariana niya na natutulog sa sofa na nakaupo...


ARIES: T--Tita...A--Ate...


Nagising sina Aling Ester at Ate Ariana sa mahinang tawag ni Aries...


ATE ARIANA: Aries... ano? Kumusta na pakiramdam mo?

ARIES: Ate..m-masakit katawan ko... Si D-Daddy?

ATE ARIANA: Nililibot ni Gelai (caregiver ni Daddy Augusto) sa labas. Sige...pahinga ka muna. Wag mong pwersahin ang sarili mo...

ARIES: T-Tita... si Katie po?


Samantala, nagliligpit na si Katie ng bagahe sa apartment niya para pauwing Caloocan nang biglang mag-ring ang cellphone niya...


KATIE: Hello? Aling Ester? Napatawag po kayo?

ALING ESTER: Si Aries...

KATIE: Oh, napano po si Aries? Kumusta na po siya?

ALING ESTER: Hinahanap ka niya...pwede ka bang dumaan dito sa ospital?


Makalipas ang ilang sandali, nasa ospital na si Katie. May malay na si Aries...


KATIE: A-Aries?

ARIES: Ka--Katie... sorry...sorry sa lahat...

KATIE: Wag ka na magsalita muna...baka mapagod ka lang. Pahinga ka na lang...


At biglanng pumasok ang taga-dala ng pagkain at nilapag ang tray ng pagkain sa mesa...


Pinakain ng sopas ni Ate Ariana si Aries. Habang pinapakain niya si Aries, biglang kumatok ang ang doktor at pumasok...


DOKTOR: Miss Aranas, Mrs. Eusebio. Maaari ko po ba kayong makausap sa opisina ko?


Nagkatinginan sina Aling Ester at Ate Ariana...


KATIE: Sige po, Ate. Ako na po muna magpapakain kay Aries...


ATE ARIANA: Sige iha. Salamat.


Binigay ni Ate Ariana ang bowl ng sopas kay Katie at sabay silang lumabas ni Aling Ester...


Umupo si Katie sa upuan sa tabi ng kama ni Aries at sinubuan ng sopas si Aries...


KATIE: Kumain ka nang kumain para maging malakas ka pag inoperahan ka na...


Nginitian ni Katie si Aries...at ngumiti rin si Aries kahit hirap...


At habang pinapakain si Aries ni Katie, naamoy ni Aries ang samyo ng buhok nito at ng bango ng katawan ni Katie. May nakita siyang kakaibang pungay at kislap sa mata ni Katie na noon lang niya napansin. Na-cute-an sin si Aries sa medyo malamang pisngi ni Katie at sa "cute" na height nito...


Napansin naman ni Katie na iba ang titig ni Aries sa kanya...


KATIE: Bakit? M-may dumi ba ko sa mukha?

ARIES: A--ang ganda mo pala...


Kinilig naman ng lihim si Katie...pero di niya iyon pinahalata...


KATIE: Aries, alam kong nabalian ka ng buto pero wag mong sabihin na nabulag ka na rin?!


Sa opisina naman ng doktor, mataman na nakikinig sina Ate Ariana at Aling Ester...


DOKTOR: Maipapadala na ang mga stainless na bakal para gamitin pamalit sa spinal column ni Aries. And when the operation becomes successful...konting therapy lang at maaari siyang makalakad... Pero there's a risk na hindi maging successful ang operation... hindi reassurance ang mga braces na ipapalit namin sa spinal column ni Aries na makakalakad siya...


ATE ARIANA: Doc, gawin niyo ang lahat maging successful lang ang operasyon ng kapatid ko...

DOCTOR: Let's hope for the better...



Tapos nang pakainin ni Katie si Aries ng sopas ngunit di pa rin bumabalik sina Aling Ester at Ate Ariana...


Nakaupo lang si Katie sa sofa. Habang nakatulala naman si Aries...


Bigla na lang...


ARIES: Aray...ang sakit ng kanang braso ko...


Tumayo si Katie at nilapitan si Aries...


KATIE: Saan? Saan masakit?

ARIES: Itong...kaliwang braso ko...

KATIE: Ano ba talaga? Kanan o kaliwa?

ARIES: Ah...eh....pareho...


Hinilot ni Katie ang kanan at kaliwang braso ni Aries nang buong ingat...pagkahilot ni Katie...


KATIE: Ano? Di na masakit?

ARIES: Ah...eh..aray! Ang sakit naman ng kanang binti ko...


Siyempre, hinilot naman ni Katie ang kanang binti ni Aries...


ARIES: Aray...ang sakit ng balikat ko..


Medyo irita na si Katie pero hinilot niya pa rin ang balikat ni Aries...


ARIES: Aray..ang sakit ng pisngi ko...Sobra...aray...

KATIE: Sige na...hihilutin ko na yang pisngi mo...

ARIES: Ah...eh... Mas mawawala ang sakit ng pisngi ko kung...kung ...iki-kiss mo...

KATIE: Sapak, gusto mo?

ARIES: Ito naman. Parang di ka na mabiro...


Pumasok naman bigla sina Aling Ester at Ate Ariana...


ALING ESTER: O, Katie, Aries...parang nag-aaway kayo dyan?

KATIE: Eh...kasi po...itong pamangkin niyo, nakaratay na nga eh kung anu-ano pang kalokohan ang pinag-iisip...

ARIES: Ito parang ---

ALING ESTER: Hay naku. O sige na, Katie. Umuwi ka na sa inyo. Alam kong nakakaabala na yang si Aries sa'yo...

KATIE: Hindi naman po... Bilang kaibigan...okay lang po na makatulong ako kay Aries...

ATE ARIANA: Iha, salamat nga pala ah..

KATIE: Wala po yun, Ate.


Tinitignan ni Ate Ariana nang pasalit-salit sina Aries at Katie...


KATIE: A--Ate, bakit po?

ATE ARIANA: Di ba... ex ka ni Aries? And you're his first girlfriend!

KATIE: Ah...eh...parang ganun na rin po... Hindi naman ako ang first-love!


ATE ARIANA: Alam niyo...bagay kayo...sana magkabalikan kayo...


KATIE: Yikes!


Pagkalipas nun, nagpaalam na si Katie. Pagkaalis ni Katie, parang nalungkot si Aries...na parang nakaramdam ng emptiness sa puso niya si Aries habang tinatanaw ang papalabas na si Katie...


TO BE CONTINUED...

No comments: