Thursday, June 4, 2009

Episode 41: Divine Encounter




(TURN ON YOUR SPEAKERS TO HEAR THE SONG PLAYING... MAS MAGANDA KUNG PAKINGGAN NIYO YUNG MUSIC PARA MADAMA NIYO YUNG DRAMA NG EPISODE... hahahaha)



Nabalitaan na ng Hotel Lakandula pipz ang nangyari kay Aries kaya dinalaw nila ito sa ospital ng Monday night...


JR: Kumusta na, Aries? Pag gumaling ka...shot-shot ulit tayo ah...

VOMER: Pag gumaling ka naman... DOTA ulit tayo ah. Sana naman manalo ka na sa akin...hahaha...

KUYA KARLO: Mag-aantay ako sa pagaling mo, Aries...


Nginitian ni Aries si Kuya Karlo...


ARIES: Salamat, Kuya Karlo...


Palihim namang nag-blush si Kuya Karlo..


Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Totz...sinagot niya ito...


TOTZ: Hello, Tita? Ano?! Nasa ospital rin kayo?

TITA NI TOTZ: Ah...eh..Oo..

TOTZ: Napano kayo? Ok lang ba kayo?

TITA NI TOTZ: Ok lang ako. Wala namang nangyari sa akin...

TOTZ: Wala pa lang nangyari sa inyo eh. Ba't nasa ospital rin kayo?

TITA NI TOTZ: Nurse kaya ako! Hello... :p


Dinalaw rin ng Psych pipz si Aries...


MIGUEL: Aries, kelan ka ba papasok? Kulang tayo ng member para sa Interbarkada...

CORRINE: Pagaling ka kaagad, Aries. Para maturuan mo kami sa upcoming difficult finals namin sa CHEM SUCKS-TEEN (Chem 16 yan ah... :p)!


Tawanan naman ang Psych pipz...


Ngunit sa lahat ng dumalaw... parang di pa rin kuntento si Aries. May isa siyang taong inaasahan niyang dumalaw sa kanya...isang taong hinahanap-hanap niya sa twi-tuwina: ang muling pagdalaw ni Katie...


Hinahanap-hanap ni Aries ang ginawang pag-aalaga ni Katie sa kanya nung nagkamalay siya sa ospital...ang biruan nila noon...at ang pagmasahe sa kanya ni Katie...


Nang wala ng bisita si Aries, biglang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ni Aling Ester ito...


ALING ESTER: Aries...isang espesyal sa'yo ang bisita mo ngayon...


Inasahan ni Aries na si Katie na ang bisita niya ngayon pero sa halip, si Melanie ang iniluha ng pinto kasama sina Destiny at Lorraine...


MELANIE: Aries...k--kumusta ka na?

ARIES: Ok lang ako..


Halatang may namumuo pa ring tensyon at kaba sa pagitan nina Aries at Melanie...


MELANIE: Aries... I'm sorry...sa lahat-lahat...

ARIES: You don't need to, Melai. Actually, dapat pa nga ako magpasalamat sa'yo at sa nangyari sa atin... Sa tinakbo ng relasyon natin...marami akong natutunan pagdating sa pasikot-sikot ng pag-ibig...


Nasaktan nang bahagya si Aries si Melanie sa sinabing iyon ni Aries. Pero batid niya na hindi intensyon ni Aries na makasakit sa nasabi...



ARIES: Kumusta na nga pala kayo ni Jerome? Kayo na ba?



Alangan pang sumagot si Melanie. Hindi niya kasi inaasahan na itatanong iyon ni Aries sa kanya...



MELANIE: We're getting there... :p


ARIES: Masaya ako para sa inyo ni Jerome... Sabi nga ng Daddy ko sa akin dati... pag nagmamahal ka...you must learn to follow your heart. At buti, Melanie... sinunod mo ang puso mo...




Napangiti si Aries at si Melanie sa isa't isa...



ARIES: Si Katie nga pala?


LORRAINE: Busy ngayon yun. Gustuhin man daw niyang dumalaw, eh hindi niya magawa. Ginagawa pa kasi nila yung polishing ng final copy ng Frontliner...


DESTINY: Tapos mag-aaral pa siya para sa finals ng Chem Sucks-teen! :p


Nakaramdam ng lungkot si Aries....


MELANIE: Sige, Aries. Mauna na kami...

DESTINY: Pagaling ka para sa operasyon mo...


At sinundan ni Aries ng tingin sina Melanie, Destiny at Lorraine habang palabas na sila sa pinto...


ARIES: Parang kelan lang... Gagong-gago ako sa sarili ko dahil sa ginawa sa akin ni Melanie. Ngayon...parang wala na kong maramdamang kirot sa puso ko...


Kinakausap naman ng doctor sina Aling Ester at Ate Ariana...


DOCTOR: Nakarating na ang mga stainless braces na inorder namin para sa operasyon ni Aries. Bukas ay maaari nang maisagawa ang operasyon...

ALING ESTER: Salamat naman sa Diyos (at napa-krus siya)

DOCTOR: Malaki ang magagastos sa gagawing operasyon... As I said, may risk na di na makalakad si Aries...

ATE ARIANA: Doc, gawin niyo ang lahat maging maayos lang ang kapatid ko...


Kinagabihan, sa apartment, nakatanggap sina Katie ng text mula kay Aling Ester


ALING ESTER: {bukas n ang operasyon ni aries. pls pray d success of d operation.}


DESTINY: Teka... Di ba bukas ang field trip natin sa Araling Kapampangan?

LORRAINE: Oo, bakit?

DESTINY: Sayang... di tayo makakapunta sa operasyon ni Aries which is tomorrow din.

MELANIE: Ipagdasal na lang natin siya. Tutal, may simbahan din tayong pupuntahan bukas sa A.K. field trip...


Kinabukasan, sa A.K. Field Trip, una nilang ruta ang Clark Museum na naglalaman ng World War II memorabilla at iba pang pamana ng mga Kano sa mga Pilipino... nandoon din ang memorabilla ni Diosdado Macapagal at ng pamilya niya...





Nagtungo rin sila sa Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University sa Angeles City. Naglalaman ito ng mga libro, tula, at mga sining na likha ng mga Kapampangan...





Kumain din sila ng sisig Kapampangan sa Dulang Restaurant...





Namangha rin sila sa paggawa ng palayok sa Sto. Tomas, Pampanga pottery at ang wood carving sa Betis, Pampanga...





Last destination nila ang San Guillermo Church sa Bacolor, Pampanga...






A.K. PROF: This church has certainly been through tough times. It was originally constructed in 1576 by friars from the Augustinian order. In 1880, the church was destroyed by an earthquake and was rebuilt in 1886. In 1995, lahar flowed from the slopes of Mt. Pinatubo, the volcano that had earlier erupted in 1991. The volcanic lava, mud and debris buried the church at half its height and caused the evacuation of over 50,000 townfolk. The current doors of the church actually used to be the windows of the choir loft.



Pumasok sila sa makasaysayang simbahan ng San Guillermo. Kamangha-mangha ang loob nito na bakas pa ang pagkakalubog nito sa lahar noong 1995.





Sa paglilibot sa San Guillermo Parish, nakita nila ang estatwa ni....


MELANIE: Oi... si Bro!





Nilapitan ng karamihan si "Bro" at pinunasan ng panyo...


Habang pinagmamasdan si Bro, di sinasadyang magkatinginan sina Melanie at Katie...


LORRAINE: Hoy, Melanie..Katie. Magbati na nga kayo...di ba nga turo ni "Bro" na dapat magmahalan tayong lahat at di nag-aaway...


Nagtawanan ang lahat. Lumapit sa isa't-isa sina Katie at Melanie...


MELANIE: Katie... I'm sorry... I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo...

KATIE: Melai...



At sila'y nagyakapan at nagkaiyakan na daig pa sa drama ni Santino... Napagkamalan tuloy silang nagte-taping ng "May Bukas Pa" :p


Ang tunay na magkaibigan, hindi na kailangan pa ng maraming salita para magkapatawaran. Kapwa naging masaya sina Katie at Melanie sa kanilang pagkaka-ayos...at sa panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan...


Bago umalis ng San Guillermo Parish Church, naisipang magdasal ni Katie sa sanctuary o altar...





Lumuhod si Katie sa luhuran at tahimik na nagdasal sa sanctuary...


KATIE: Lord, Bro... marami pong salamat sa lahat ng mga kasiyahang ibinigay niyo sa akin. Salamat po at nagkabati na po kami ni Melanie.


Huminga ng malalim si Katie at nagpatuloy sa pagdarasal...


KATIE: Lord... ipinagdarasal ko po si Aries na sana maging tagumpay ang kanyang operasyon. Sana po maging maayos ang kanyang kalagayan at makalakad siyang muli. Lord, I lift up to you my prayers and my life. Amen...


Sa pagdarasal ni Katie, bigla niyang nakitang nagliwanag ang buong sanctuary at nasilaw siya sa sobrang liwanag nito...





Nakaramdam ng kung anong malakas ngunit nakakakalma na pwersa... Naramdaman niya ang presensya ng Panginoon... na para bang kinakausap siya ng Panginoon...


Naluha si Katie dulot ng sobrang ligayang nadarama ngayon sa piling ng Panginoon...



********************


Habang nasa shuttle bus na sila paalis ng San Guillermo, kinausap ni Katie si Destiny...


KATIE: Des...

DESTINY: Bakit, Katie?

KATIE: Kanina... habang nagdarasal ako sa San Guillermo Parish... may naramdaman akong kakaiba...

DESTINY: Kakaiba? In what way? Paano? Kinausap ka ba ni Bro?

KATIE: Medyo. Kasi... habang pinagdarasal ko si Aries... nagliwanag bigla ang paligid ko. I felt in my heart something powerful and divine force.


Namamangha at nagtatakang tinignan ni Destiny si Katie...


KATIE: Destiny... narinig ko na ang tawag ng Panginoon... Itutuloy ko na ang pagmamadre ko...


TO BE CONTINUED...



Jesus Take The Wheel - Carrie Underwood Music Code

1 comment:

mAyKeE said...

IMAGES CREDITS:

* CLARK MUSEUM PHOTOS, STO.TOMAS POTTERY, BETIS WOODCARVING, SAN GUILLERMO PARISH ALTAR, PRAYING KATIE: Courtesy of Kraning. http://kraning03.multiply.com/photos/album/74/AK_10_Field_Trip#




* DULANG PICTURES, KAPAMPANGAN CENTER STUDIES: Courtesy of Michelle Barcenas. http://michbalistik.multiply.com/photos/album/61/FA_30_Art_Pleasures_Field_Trip_in_Pampanga#




* SAN GUILLERMO EXTERIOR: Courtesy of Lilita Bada. http://www.flickr.com/photos/lilitabada/1313413293/




* SAN GUILLERMO INTERIOR: Courtesy of Aaron Paggabao. www.flickr.com/photos/spumpie/2375556265/




* BRO Image. Courtesy of Jherald Tuazon. www.flickr.com/photos/jheraldtuazon/3289761565/