Thursday, June 4, 2009

Episode 42: Katie's Goodbye Poem to Aries


Tapos na ang finals ng Psych pipz sa Chem Sucksteen. Hahahahaha...


MIGUEL: Yehey! Bakasyon na!

DESTINY: I can almost feel the summer heat!

LORRAINE: School's out! Hahahaha... Mababawi ko na rin ang pinuyat ko sa pag-aaral sa Chem Sucksteen! Makakasunod na rin ako sa parents ko sa Amerika!


Dinistribute na rin ang Frontliner sa lahat ng estudyante. Tuwang-tuwa si Katie nang mabasa ng mga Psych pipz ang sinulat niya sa Frontliner...


CHERUB: Yes naman, Katie. Napakamakabagbag-baging naman itong sinulat mo!

KATIE: Grabe ka naman, Cherub. Ginawa mo pa akong unggoy! Makapagbag-baging ka dyan! Hahahaaha...

CORRINE: Gusto kong maiyak dito sa sinulat mo kaya lang...wala talaga akong mapiga sa mga mata ko eh...hehehehe...

KATIE: Mag-Eye Mo ka na lang friend, para maiyak ka...hehehehe...


Sa entrance ng UPEPP, inaantay nina Melanie si Katie...


MELANIE: Katie... Let's go! Uwi na tayo...

KATIE: Ah..eh...mauna na kayo.. May pupuntahan pa ko...


Nabasa naman ni Melanie ang nasa isip ni Katie...


MELANIE: Si Aries pupuntahan mo nuh?


Namula si Katie... at napayuko...


KATIE: Gusto ko lang sana siyang puntahan... para bigyan ng kopya nitong Frontliner... tsaka para na rin makapagpaalam sa kanya bago ako pumasok ng kumbento...


MELANIE: Katie... sigurado ka na ba talaga sa pagma-madre mo?

KATIE: Oo, Melai. Sigurado na ako...


Niyakap ni Melanie si Katie...


MELANIE: Ma-mimiss kita... (at naluha si Melanie...pati na rin si Katie...)

KATIE: O siya.. Mauna ka na. Dito pa tayo nag-iyakan. Umalis ka na agad...baka ma-late ka pa sa "date" niyo ni Jerome...

MELANIE: Ganun? Hahahaha... Ikaw talaga. Sige. Ingat ka ah. Ikamusta mo na rin ako kay Aries...

KATIE: Sige...sasabihin ko na rin sa kanya na magiging ninong siya sa kasal niyo ni Jerome...hehehehe

MELANIE: Sira 'to!


Nakarating na ng ospital si Katie at kumatok sa pinto ng kwarto ni Aries. Pinagbukasa siya ng caregiver ng Daddy ni Aries na si Ate Gelai...


Tulog si Daddy Augusto sa wheelchair niya...


KATIE: Si--si Aries po?


ATE GELAI: Nasa physical therapist kasama nina Ate Ester at Ariana... Naga-undergo si Aries ng physical therapy. Tine-train siyang maglakad ngayon dun. Naging successful ang operasyon niya.

KATIE: Mabuti naman po kung ganun. Buti po naging successful ang operasyon...

ATE GELAI: Upo ka muna, iha. Baka pabalik na rin sila ngayon dito...


Nag-alangan si Katie kung aantayin niya pa ba si Aries. Pagkatapos ng ilang segundong pagdedesisiyon...


KATIE: Ay, hindi na po. Una na po ako. Iiwan ko na lang po kay Aries itong ibibigay ko sana sa kanya...


Sinulatan ni Katie sa front page ang Frontliner at inilagay sa bedside table sa kama ni Aries...


KATIE: Pakisabi na lang po kay Aries na dumaan ako rito.

ATE GELAI: Sige, iha. Makakarating sa kanya...


Palabas na si Katie ng kwarto ni Aries nang biglang may tumawag sa kanya sa mahina at garalgal na boses...


Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at napansing gising na si Daddy Augusto at tinatawag siya nito...


DADDY AUGUSTO: K--Katie...


Nilapitan ni Katie si Daddy Augusto, ang dad ni Aries na may Alzheimer's disease...


KATIE: B-bakit po?

DADDY AUGUSTO: N--nand--dito k--ka b--ba p--para kay A--ries?

KATIE: Opo...

DADDY AUGUSTO: M--mahal mo ba s--si Aries?


Nagulat si Katie sa tanong na iyon ni Daddy Augusto...di siya nakasagot...


DADDY AUGUSTO: N--na--ikwento k--ka sa a--kin dati ni Aries. N--nag--sisi siya at---na--nasaktan k--ka niya...


Naluha si Katie...


KATIE: Napatawad ko na po siya, Tito. Magkaibigan na po kami ulit..

DADDY AUGUSTO: M--mahal mo ba s--si A---ries?


Hinawakan ni Katie ang mga kamay ni Daddy Augusto... Ngunit di niya masagot ang tanong nito...


DADDY AUGUSTO: Lagi kong tinuturo kay Aries... na lagi niyang susundin ang puso niya sa pagdedesisiyon...lalo na sa pag-ibig.


Matamang nakikinig si Katie habang naluluha...


DADDY AUGUSTO: Mahal ko pa rin ang nanay nila kahit na sinaktan niya ako...kami. Nagagalit na nga sina Aries sa akin dahil di ko pa rin malimutan ang Nanay nila. Pero sinusunod ko lang ang puso... Lumalaban pa rin ako sa sakit kong ito alang-alang kina Aries at Ariana... alang-alang sa Nanay nila...alang-alang sa pag-ibig...


Napisil ni Katie ang kamay ni Daddy Augusto. Tumatagos sa puso niya ang pangaral ng matanda...


Tinignan ni Katie si Daddy Augusto... sa pagtingin niya rito, hindi niya nakita ang masasakiting Daddy Augusto... sa halip, ang nakita niya ay isang masigla, makisig, at binatang Daddy Augusto na puno ng pag-ibig....


******************************


ATE GELAI: Aries, dumaan nga pala rit si Katie... at may ipinabibigay siya sa'yo.


Sabay tinuro ni Ate Gelai kay Aries ang Frontliner sa bedside table.


Hindi na naabutan pa nina Aries si Katie pagbalik niya mula sa pag-undergo niya physical therapy...


Inalalayan ni Ate Ariana si Aries sa paglalakad papuntang bedside table...


Kinuha ni Aries ang Frontliner at saka umupo...



Nakita niya ang sulat ni Katie sa upper right hand corner ng dyaryo. Maikli lamang ito...



Aries,


Solo Dios Basta!

- Katie




Binuklat ni Aries ang dyaryo para hanapin ang article na sinulat ni Katie sa Frontliner...


Nakita niya ito sa "Feature". Isa itong poem. Binasa ito ni Aries ng tahimik...



ALMOST LOVER

It's such A pleasure to be near you.
How my heart flips when I'm with you.
Even if you don't talk to me,
Just to know you're near suffices me.


I can't explain the Reason why
When you're away I want to cry.
To you of course this means nothing
But for me it is everything.


You talk to me. you call my name.
I see your eyes glow time and again.
Now I feel so lonely in vain
Cause for you I'm just a mere friend.


I can't tell you what I feel
Being a girl there's no chance to reveal.
Except perhaps you will find out when you open my heart
For only you are thEre.


You are mine but not really.
I never really had you so I never really lost you.
Almost lover, I guess this is how we'll always be.
I had you, you had me,
But then again, there'S no "us" really.





Sa pagbabasa ni Aries, napansin niyang naka-bold ang mga letrang A-R-I-E-S... ang kanyang pangalan...


Naluha si Aries nang binasa ang tulang gawa ni Katie. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Melanie...



MELANIE: Aries...nagseselos si Katie sa atin...m--mahal ka niya...


Dun lang na-realize si Aries na mahal nga siya talaga ni Katie... napangiti siya kahit na naluluha... Dahil ngayon...alam na niya ang nararamdaman niya para kay Katie...


Mahal na niya ito...


**************************************************


Nang maayos na ang kalagayan ni Aries at dinischarge na siya sa ospital, paulit-ulit niyang tine-text at mini-missed call si Katie. Ngunit di nagrereply si Katie at di rin sinasagot nito ang tawag niya...



Tinext ni Aries si Melanie. Nagulat si Aries nang matanggap ang reply ni Melanie...


MELANIE: {aries, npagdesisyunan na ni Katie na magmadre. Niyaya cia ng tita Catherine niya kaya sya napapayag,she would not study sa upepp ngaung sem at mrahil sa mga susunod pang sem kung m2loy xa s pgmamadre}


Tinanong ni Aries kung saang kumbento at kailan nagsimulang pumasok ng kumbento si Katie. Nung una ay ayaw pang sabihin ni Melanie kung saang kumbento pumasok si Katie sa bilin na rin ng kaibigan.


Ngunit dahil sa pagpupumilit ni Aries, napilitan na rin si Melanie na sabihin kung saang kumbento pumasok si Katie.



Sa Carmelite Missionaries Convent sa Quezon City pumasok si Katie. Isang Sabado ng umaga, pinuntahan ito ni Aries upang kumustahin si Katie. Alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit nagmadre si Katie.



Tanaw mula sa kinatatayuan ni Aries ang garden ng kumbento kung saan nagwawalis si Katie na nakaputing t-shirt at brown na palda kasama ng iba pang novices na gusto rin magmadre.


Mababa lamang kasi ang bakod ng garden ng kumbento at grills na bakal pa ang bakod nito.



ARIES: Katie! Katie!


Di makapaniwala si Katie nang nilingon ang tumatawag sa kanya: si Aries na hanggang ngayon ay mahal niya at di niya mawaksi sa isipan niya kahit na magmamadre na siya.


Kaya kahit na bawal sa patakaran ng kumbento…kahit na nakabantay pa ang tiyahin niyang si Sister Catherine, binitiwan ni Katie ang walis-tingting na hawak niya at nilabas si Aries para kausapin…para maberipika kung totoo nga bang si Aries iyon o isa lamang ilusyon dala ng pagkasabik niya nang husto sa lalaking nagpalambot nang bato na niyang puso.



Nang marating ni Katie ang kinatatayuan ni Aries, di alam ni Katie ang sasabihin…gayundin si Aries.


KATIE: Ba’t ka nandito? Paano mong nalaman na nandito ako? (maluha-luhang pang tanong ni Katie.)

ARIES: Si Melanie…


At muli silang binalot ng katahimikan. Pinagmasdan nang husto ni Aries si Katie at saka binaling ang tingin sa kabuuan ng kumbento kung saan nasilayan niya si Sister Catherine na mataman na nakatingin sa kanila at pinagbabawalan ang iba pang novices na makiusyoso sa kanila.



ARIES: Katie, bakit mo kailangang gawin ito? Dahil ba sa akin? Dahil ba hindi ko nasuklian ang pag-ibig mo sa akin?! Alam kong hindi mo talaga ‘to gusto!


Ngunit umiling si Katie sa sinabi ni Aries.


ARIES: Ginusto ko rin ito kahit papaano, Aries. Nang masaktan ako sa panloloko sa akin ng una kong naging boyfriend, nangako ako nun sa sarili ko na magmamadre dahil sa tinding sakit na naramdaman ko noon. Noong una ‘eh akala ko ‘eh di ako seryoso noon sa pangako kong pagmamadre.


Naluha si Katie at siya'y nagpatuloy habang naiiyak...


KATIE: At nakilala kita. Noong makilala kita, pinigilan ko ang puso ko na ibigin ka…dahil natatakot akong masaktan muli. Pero nangibabaw ang pag-ibig ko sa’yo. Minahal kita nang lihim. Ngunit sinabi ko sa sarili ko na sakaling masaktan lang ako sa’yo na alam kong mangyayari ‘eh seseryosohin ko na ang pagbabalak kong pagmamadre.”


ARIES: Pero, Katie...


KATIE: Dalawang beses na akong nasaktan dahil sa pag-ibig. Gusto ko namang maranasan ngayon ang isang klase ng pag-ibig na hindi nakakasakit at di nag-iiwan ng masasaklap na peklat sa puso---ang pag-ibig para kay Hesus



Hinawakan ni Aries ang mga kamay ni Katie... pawang nangugusap ang kanilang mga mata...


Gustong sabihin ni Aries na "mahal na niya si Katie...ngunit hindi niya magawa dahil naunawaan ni Aries na buo na nga ang desisyon ni Katie sa binabalak nitong pagmamadre.




Nagbitiw ng kamay sina Katie at Aries. Pagkatapos niyon, lumakad sa magkabilang direksyon ang dalawa: si Katie pabalik ng kumbento at si Aries palayo naman dito.



Gusto sanang lingunin ni Katie si Aries, ngunit pinigilan niya ang sarili dahil baka sa paglingon niyang iyon ay umurong pa siya sa pagpasok niya sa kumbento at maging isang ganap na madre.



Habang lumalakad, pinunasan ni Katie ang mga luha niya gamit ang panyong may imahe ng Our Lady of Mount Carmel, ang patronesa ng kumbento.



Malungkot namang naglalakad palayo ng kumbento si Aries.



TO BE CONCLUDED...

No comments: