Nilingon ni Aries si Katie... Lumingon din si Katie...
At bigla na lang, tumakbo silang pareho palapit sa isa't-isa...
At natigilan sila nang sila'y magkaharap...
ARIES: Tinuro sa akin ng Daddy Augusto ko... na sundin ko ang puso ko...lalo na sa pag-ibig... At lumaban alang-alang sa pag-ibig... Katie... sumpain man ako ng Diyos sa gagawin ko... babawiin kita sa Kanya... MAHAL NA KITA...
Natigilan si Katie sa rebelasyong ginawa ni Aries... sa pag-aming mahal na siya nito...
Nag-alala naman si Aries sa nababasang ekspresyon sa mukha ni Katie...
ARIES: Katie... mahal kita... Hindi mo na ba ako mahal?
Di makasagot si Katie. Naguguluhan siya.. Napalingon siya sa kumbento kung saan pinagmamasdan sila ng tita niyang si Sister Catherine... di mawari ang ekspresyon sa mukha ng madre..
KATIE: Aries... ikinasisiya ng Diyos ang ginawa kong pag-submit ko ng sarili ko sa Kanya... pasensya na...
Natigilan si Aries sa pahayag ni Katie...
KATIE: Pasensya na Lord... pero susundin ko ang sinasabi ngayon ng puso ko...
At niyakap ni Katie si Aries... nabigla si Aries sa pagyakap na iyon ni Katie..
KATIE: Mahal kita, Aries... matagal na...
At parehong umagos ang luha nina Aries at Katie sa sobrang kasiyahan... luhang punong-puno ng nag-uumapaw na pag-ibig sa isa't-isa...
Hinalikan ni Aries si Katie sa labi... Halik na nagsasabi ng damdaming maalab sa kanyang puso: ang pagmamahal niya kay Katie....
Ikinasaya nang husto ni Katie ang halik na iyon ni Aries... ang halik ng lalakeng nagpalambot ng bato niyang puso... ng lalakeng matagla niyang inasam na mahalin din siya....
Patuloy na pinagmamasdan ni Sister Catherine sina Katie at Aries... may mga ngiti sa labi nito. Alam niyang hindi na itutuloy ng pamangkin niya na mag-madre... pero masaya siya para kay Katie...dahil natagpuan na ni Katie ang tunay na magmamahal sa kanya...
*******************************
Makalipas ang ilang araw, isang hapon, magkahawak kamay na naglalakad sa cobbled steps sa Salakot Park malapit sa Clark Main Gate sina Katie at Aries...
KATIE: Aries?
ARIES: Hmmmm?
KATIE: Mahal mo ba talaga ako?
ARIES: Tsss... Katie! Tinatanong pa ba yan?!
KATIE: Ano nga kasi?!
ARIES: Malamang Oo!
KATIE: Sige nga.. paano mo mapapatunayan na mahal mo talaga ako?!
ARIES: Katie...
KATIE: Patunayan mo...
Natigil sa paglalakad sina Katie at Aries. Nilapit ni Aries ang mukha niya sa mukha ni Katie.... Napapikit naman si Katie... at kinakabahan..
KATIE: OMG! Aries... hahalikan mo ba ako sa harap ng maraming tao!!?
Ngunit, hindi dumating ang inaasahang halik ni Katie mula kay Aries.. Nang matagalan si Katie, idinilat na niya ang mga mata niya at nakitang nakataas ang kaliwang kamay ni Aries na medyo naka-curve...
Nagtaka naman si Katie sa ginagawa ni Aries. Nginitian siya ni Aries...
KATIE: Anong ginagawa mo?
ARIES: Pinapatunayan ko kung gaano kita kamahal...
KATIE? Ha? Eh, ano yan? Ba't nakataas kamay mo?
ARIES: Gayahin mo kasi ako... Itaas mo ang kanang kamay mo...tapos idikit mo mga daliri mo sa nakataas kong kamay....
Kahit nagtataka, itinaas ni katie ang kanang kamay niya at dinikit ang mag daliri niya sa nakataas na kamay ni Aries...
KATIE: Oh, ginawa ko na! Ano ngayon yan?
ARIES: Tumingin ka sa sahig...
Tinignan ni Katie ang sahig at namangha siya sa nakita. Nakita niya ang kanilang anino ni Aries na nag-form ng:

ARIES: Ganyan kita kamahal, Katie...
T H E E N D
9 comments:
IMAGE CREDIT.
HEART SHADOW Image. Courtesy of Mara Cristobal. http://www.facebook.com/photo.php?pid=30235568&id=1147271893#/album.php?aid=2004048&id=1147271893&page=3
Magically romantic!
This [blog-nobela] is one hell of a blog. Intriguing...suspenseful, and imaginative. As for the ending... WOW!
I'm smitten like a vampire. Its heartbreaking romance and suspenseful twists made it hard for me to stop reading the blog.
A master story teller! Captivating and romantically written!
A beautifully written blog of great clarity and wisdom that lovingly captures the simplicity beyond love's complexities.
An exquisite jewel of a love story... Romantic!
A work of art! It stirs the soul and touches hearts.
Enthralling, Delightful and Romantic! Read with all your heart!
Post a Comment