SUMMARY:
Sa paghahanap nina Katie at Melanie ng boarding house sa Mabalacat, Pampanga ay hindi nila inaasahan na mapapadpad sila sa Hotel Lakandula boarding house na pag-aari ni Aling Ester. Kung inaakala niyo na mukha itong hotel....pwes tama kayo ng inaakala...mukha nga siyang hotel noong kapanahunan pa ni Raha Lakandula!
Puro mga taga-UPEPP ang nakatira sa boarding house na ito, ngunit may ilan-ilan din na mga nagtatrabaho na.
Sa bahay rin na ito ay kasama nilang titira ang gwapo ngunit supladong pamangkin ni Aling Ester na si Aries.
Nagkakilala sina Katie at Aries sa CR. Namali ng pasok si Katie ng CR kaya nakapasok siya sa CR ng Boys at nakita niya si Aries na naliligo.
Bad trip si Aries kay Katie. Bad trip din sina Katie at Melanie kay Aries dahil nayabangan agad sila dito. Nalaman nila kay Aling Ester na galing si Aries sa UP Diliman at nag-transfer sa UPEPP at ka-course nila ito...
Dahil sa inis sila kay Aries, pinagpustahan pa nila na bading ito.
Si Katie...nasaktan sa una niyang pag-ibig na nagdulot ng pagiging bato ng puso nito pagdating sa pag-ibig. Ayaw na niyang umibig dahil nasaktan siya sa pag-ibig niya kay Iggy. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na muling magmamahal pa. Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon...nakilala niya ang taong di niya akalaing magpapalambot ng bato na niyang puso... si Aries.
Si Aries...may isa siyang lihim na nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Iniwan sila ng Mommy niya sa batang edad. Dahil sa ginawa ng Mommy niya, nagka-Alzheimer's disease ang Daddy niya dahil sa sobrang kalungkutan. Ang nangyari sa Daddy niya ang nagdulot sa kanya kung bakit nangako siya sa sarili niya na hindi siya iibig. Ngunit mukhang nagbago ang kanyang pananaw na ito nang makilala niya sina Katie at Melanie.
Nagpanggap na multo si Aries para mapaalis sina Katie, Melanie at mga kaibigan nito sa Hotel Lakandula. Dahil sa pananakot niya, nagkasakit si Melanie. Habang pinapaalagaan ni Aling Ester si Melanie kay Aries...parang may kakaibang naramdaman si Aries kay Melanie.... pag-ibig ba ito?
Mula noon, naging mabait na si Aries kina Katie at lalo na kay Melanie. Ngunit nagalit sa kanya si Melanie nang mahalikan niya si Melanie sa bar dahil sa inaasar siyang bading ni Melanie. Para patunayang di siya bading...hinalikan niya si Melanie.
Dahil dun, humingi ng tulong si Aries kay Katie kung paano mapapalapit kay Melanie. Naisip nilang magpanggap na mag-boyfriend para pagselosin si Melanie. Pumayag si Katie sa kasunduang iyon dahil lihim niyang iniibig si Aries at upang ipamukha sa ex niyang si Iggy na naka-move on na siya...
Medyo nagkagusto na si Melanie kay Aries kaya itinigil na nina Aries at Katie ang pagpapanggap. Nasaktan nang husto si Katie at nakarating sa punto na nagka-away sila ng kaibigang si Melanie...
Sinubukang ligawan si Katie ni Vomer na boardmate niya sa Hotel Lakandula ngunit di tinanggap ni Katie ang pag-ibig nito.
Samantala, nakipag-break naman si Melanie kay Aries para sa kapakanan ni Katie at dahil na rin alam niya sa sarili niyang di pa siya nakaka-move on nang husto kay Jerome--ang highschool sweetheart niyang di naman siya mahal.
Si Eunice naman ay mayroon ding pagnanasa kay Aries ngunit di siya gusto ni Aries. Ginawa niya ang lahat mapatunayan lang na hindi totoo ang pagiging "mag-on" nina Katie at Aries. May unwanted suitor si Eunice na si Celestino. Dahil sa selos ni Celestino, pinabugbog ni Celestino si Aries.
Dahil sa ginawa ni Celestino, humingi ng tawad si Eunice kina Katie at Aries at umalis na ng bansa.
Sino ang magkakabalikan? Sino ang babalikan ni Aries? Si Katie ba na lihim na nagmamahal sa kanya o si Melanie na first love niya?
NABITIN KA BA? Basahin mo na ang katuloy: Episode 40: Hospital Wing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment