Tuesday, October 28, 2008

Episode 11: Behind the Bars



ALING ESTER: Hindi ako makapaniwalang magagawa mo yon sa kanila?


Nasa lounge sina Katie, Destiny, Lorraine, Izen, Melanie, Aries, at Aling Ester. Kagagaling lang ng iba sa school. Galit na galit si Aling Ester kay Aries...


Nakikiusyoso rin ang ibang dormers. Nakayuko naman sa kahihiyan si Aries...


ALING ESTER: Ano bang klaseng demonyo ang sumapi sa'yo at nagawa mo yun?!

DESTINY (pabulong): Siya na po mismo ang demonyo, Aling Ester... :p

ALING ESTER: Hay! Sumasakit ang ulo ko sa'yo, Aries! Humingi ka ng tawad sa kanila ngayon, Aries...

ARIES: S-sorry sa inyo...lalo na sa'yo, Melanie...

IZEN: Yun lang? Halos wala man lang kaming maramdamang sincerity sa sorry mo...

LORRAINE: Oo nga...at after magkasakit si Melanie nang dahil sa kagagawan mo! Yun lang??

ARIES: Arte niyo naman! Ano bang gusto niyo...ganito?


At bigla na lang, tumayo si Aries at kumanta ng..


ARIES (pakanta): Sorry.. I never told you..what I wanted to say...


Nagma-macho dance pa si Aries habang kumakanta...Natawa at pumalakpak lahat ng nandoon sa lounge..


Patuloy pa rin sa pagkanta ng One Sweet Day si Aries habang nagma-macho dance...


MELANIE: Oh..sige na, Aries...napatawad na kita! Itigil mo na lang yang kahihiyang ginagawa mo at baka lalo akong magkasakit sa'yo...

ARIES: Ganun? Sige nga...kung napatawad mo na talaga ako...kiss mo nga ako...

LAHAT: Hiki! Hiki!

MELANIE: Tse! Manahimik nga kayo! Ikaw, Mr. Ariestotle Aranas..kiss-kiss-in mo mukha mo!


At nang makapgsarili na sa kwarto nila sina Melanie...


KATIE: I told you, hindi bading si Aries! Tama kami ni Destiny!

DESTINY: Corrected by!

MELANIE: Bading yun!


Kasalukuyang kumakain ng sopas galing kay Aling Ester si Melanie...


LORRAINE: Pero guys, alam niyo, napansin ko lang...habang kumakanta si Aries...nakatingin siya kay Melanie...

IZEN: Ay oo nga, Ate Melai! Tsaka parang iba yung tingin niya sa'yo...parang may kasamang "L"

MELANIE: Hoy! Hoy! Hoy! Ibuhos ko sa inyo tong sopas ko eh! At ikaw naman Izen..kabata-bata mo pa may pa-"L" "L" ka pang nalalaman dyan... Abg bastos mo!

IZEN: Ate, anong bastos dun? May kasama naman talagang "L" yung tingin sa'yo kanina ni Kuya Aries ah...may kasamang "Lib---" I mean "LOVE"

MELANIE: Naku, tigilan niyo nga ako! Lalo akong nagkakasakit sa inyo eh!

*****

Isang araw...habang nagtitinda si Aling Ester sa cafeteria ng Hotel Lakandula...napansin niyang nagmamadaling bumababa ng hagdanan sina Katie, Lorraine, Izen at Destiny..


ALING ESTER: Oh...mga iha...Di ba kayo kakain muna bago umalis?

KATIE: Naku, Aling Ester...hulaan niyo na lang kung anong sagot namin sa tanong niyo dahil nagmamadali na kami ni Destiny....

ALING ESTER: Ganun ba, Katie? Sige...pag hinulaan ko bayaran niyo ko mamaya pag uwi niyo nuh? Mahal magpahula sa akin...

KATIE: Ah ganun po ba, Aling Ester? Sige po, bahala kayo. Pero siguro po nahuhulaan niyo na rin na asa namang babayaran namin kayo... Tara na nga, Des...


Yun lang at nagmadali na silang umalis ...Late na kasi sila sa klase nila...


ALING ESTER: Hay naku, ang mga batang iyon talaga...Pero, teka...ba't di nila kasama si Melanie?


Sa kuwarto naman nina Melanie: nagmamadaling magbihis at mag-ayos ng gamit niya si Melanie...


MELANIE: Naku naman...late na late na talaga ako... Hay...di man lang ako nahintay nina Destiny...para namang hindi sila friends...


Pagkababa ni Melanie sa cafeteria, napansin niyang kumakain pa si Aries dun...


ALING ESTER: Melanie, iha...

MELANIE: Opo, Aling Ester...tama po ang hula niyo na hindi ako kakain ngayon at mali-late na ako sa klase ko...


At nagmadali nang umalis si Melanie...


ALING ESTER: Aba...magaling! Mukhang may future si Melanie bilang isang manghuhula! Maaari siyang sumunod sa aking mga yapak...

ARIES: Tita, aalis na rin po ako...

ALING ESTER: Aba...teka...Aries...di pa ubos ang pagkain mo...Hoy! Bumalik ka ditong bata ka!


Naabutan pa ni Aries si Melanie na nagmamadaling naglalakad papuntang sakayan ng jeep sa Clark Main Gate...


Para mang-inggit, pinaharurot ni Aries ang motor niya nang malapit na siya kay Melanie...nang makalayo na si Aries...


MELANIE: Grrr...nang-iinggit pa ang unggoy! Sige...mawalan ka sana ulit ng gas ngayon! Grrr....


At nang nakarating na si Melanie sa Clark Main Gate, nakita niya si Aries doon na nakatambay sa motorsiklo niya...


MELANIE: A--anong ginagawa mo rito?

ARIES: Sakay ka na! (sabay turo sa backseat ng motorsiklo niya)


MELANIE: Naku, Aries, huwag na lang! Ikaw? Pasasakayin mo ko? Ni sa panaginip ata di ka na magiging mabait sa akin! Ahh...teka...baka naman kidnapin mo lang ako at tawagan mo ang mga magulang ko at sabihin mong "Kailangan ko ng 5 milyong piso kapalit ang magandang anak ninyong si Melanie..."


ARIES: Tsss...ano ba namang kalokohan yang pinag-iiisip mo! Melai, sa gwapo kong 'to..mukha ba akong kidnapper?

MELANIE: Manahimik ka nga, Aries. Baka pag sumakay ako sa'yo...maheadline sa mga dyaryo bukas: "ISANG SIKAT AT MAGANDANG ARTISTA...KINIDNAP!"

ARIES: Ng isang gwapong kidnapper!! Andami mo pang satsat! Halika na nga...


Bigla na lang binuhat ni Aries si Melanie at isinakay sa motor niya. Nang makaupo na si Melanie sa motor, sinuutan siya ng helmet ni Aries...


Hindi na nakapagsalita at nakapalag si Melanie dahil nabigla ito sa mga pangyayari.


At biglang pinaandar ni Aries ang motor nang pagkabilis-bilis. Dahil sa bilis nito, napayakap si Melanie kay Aries...


MELANIE: Panginoon ko! Sta. Maria! San Jose! San Martin! Santa Quiteria! Aries....bagalan mo!


Natatawa lang si Aries kay Melanie. At nakapasok na sila Clark.... At napalakas ang preno ni Aries nang biglang mag-red ang stop light sa isang intersection...(yung papasok ng Friendship Village)...


At sa lakas ng preno ni Aries, napa-forward nang husto si Melanie at nabangga ng helmet na suot niya ang ulo ni Aries...


ARIES: Awwww! Aray naman! Melanie, nananadya ka ba?

MELANIE: Ay sorry...Eh kasi naman ang lakas ng pagkakapreno mo! Kasalanan mo rin kung bakit ka nauntog! At pwede ba, Aries, bagalan mo yung pagpapatakbo mo ng motor kundi tatalon ako dito...


At biglang nag-green ang stoplight...


ARIES: Sorry, Melanie....pero ito na ang pinakamabagal kong patakbo...


At lalo pang binilisan ni Aries ang pagpapatakbo ng motor niya... Harurot na nga iyon kung tutuusin...


MELANIE: Aries...ano ba? Wala ka na bang mas maibibilis pa rito?! (sarcastic yang pagkakasabi ni Melanie ah..)

ARIES: Ganun ba? Sige po, ma'am...You're the boss...


Hinarurot ulit ni Aries ang motor...at ilang sandali pa...napansin nilang may sumusunod sa kanilang mga naka-motor na mga pulis...may megaphone yung isa...


MELANIE: Aries! Aries! May mga pulis! Ba't ganun? Parang sinusundan nila tayo...

ARIES: Ha? Shit!

PULIS NA MAY MEGAPHONE: Oy...yung nagmamaneho ng motor na may plakang CX 2764... Itigil mo ang motor mo sa tabi sandali...


At tinabi ni Aries ang motor niya...at kinausap sila ng isang pulis...


ARIES: Eh...ano po bang problema, bossing?

PULIS: Iho...hindi mo ba alam na overspeeding ka? At bawal dito sa Clark ang overspeeding na sasakayan. Naka-motor pa man din kayo ng kasama mo...


ARIES: Ah...ganun po ba? Eh kasi po...sabi sa kin dito ng kasama kong babae na mabagal raw ako magpatakbo...Bago lang po kasi ako dito sa Clark...pero po 'tong kasama ko eh..matagal na. Sabi niya mag-overspeeding na raw ako..


MELANIE: A---a--a--aba! Ang kapal din ng mukha mong ituro ako? Mamang Pulis...pinagbawalan ko po siya at sinabi kong bagalan niya lang ang pagpapatakbo niya...

ARIES: Talaga? Sino kayang nagsabi ng "Aries...ano ba? Wala ka na bang mas maibibilis pa rito?!"


Gayang-gaya ni Aries ang pagkakasabi ni Melanie...


MELANIE: H---hindi po, Mamang Pulis...hindi po iyon ang ibig kong sabihin! Wag kayong maniwala sa unggoy na 'to...

PULIS: Naku, mga iho, iha... Sa presinto na lang kayo magpaliwanag...Men...bantayan niyo sila...


At makalipas ang ilang minuto, nasa presinto sila ng Clark...kinakausap sila ng pulis na nasa desk...


ARIES: Kasi po. kaya po mabilis ang patakbo ko sa motor eh dahil mali-late na po sa klase niya itong kasama ko...ayun po...

MELANIE: Aba...at ako pa sinisisi mo? Di ko naman sinabi na bilisan mo patakbo mo! Sinabi ko pa nga na bagalan mo kasi natatakot ako...


At nagsimula nang mag-away at magsisihan sina Melanie at Aries...


PULIS: Teka...SANDALIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Napatigil sina Aries at Melanie sa pag-aaway...


PULIS: Eh, iho...matanong ko lang kung saan ba kayo nag-aaral nitong girlfriend mo?

ARIES at MELANIE: HUUUUWAAAAAAATTTTTTTT????????

ARIES: Di ko po siya girlfriend nuh!

MELANIE: Over my dead body!

PULIS: Eh, san ba kayo nag-aaral?

MELANIE: Dyan po sa U.P.

PULIS: U.P.? Tsk..tsk..tsk..tsk... UP pa man din kayo eh lumalabag kayo sa traffic rules...

MELANIE: Hindi po ako kasangkot dyan! Siya! (sabay turo kay Aries) Siya ang lumalabag!

ARIES: Ako na naman?! Aba..pasalamat ka at sinabay pa kita kahit labag sa kalooban ko...blah...blah..blah...


At nagsimula ulit mag-away sina Aries at Melanie...


PULIS: Ano ba..awat na...awat na... TIIIIGGGIIIILLLLLLLL!!!!!!!!!!!!


Pero di pa rin nagpaawat sina Melanie at Aries kaya...


PULIS: Men...ikulong sa kulungan 'tong dalawang 'to...


At makalipas ang ilang minuto, nasa parehong kulungan sina Melanie at Aries. Nakatingin sila sa magkaibang direksyon at nagi-isnaban...


ARIES: Melanie?

MELANIE:

ARIES: Melanie?

MELANIE:

ARIES: Melanie, ano ba? Ang bingi ng ilong mo ah!

MELANIE: Oh, sige, ano na? Bakit?

ARIES: Sorry nga pala...


Natigilan si Melanie...


ARIES: Sorry at di ako nakinig sa'yo kanina na bagalan ko kaya tayo nandito sa kulungan ngayon...

MELANIE: Sorry, Aries, It's too late to apologize...Nandito na tayo... And we're stuck here for eternity...at sigurado bukas, sa laki ba naman ng UPEPP, laman tayo ng tsismis...


At naiyak na lang si Melanie...kaya inalo siya ni Aries...


ARIES: Melanie...wag ka nang umiyak...tutulungan tayo ni Tita Ester at makakalabas din tayo dito...Tsaka,kanina, di ba sabi mo artista ka? Kaya hindi mo talaga maiiwasan na mapagtsismisan ka...di ba bahagi na ng showbiz yun?


Natawa nang bahagya si Melanie sa sinabi ni Aries...


ARIES: Oh, ano, OK ka na ba?

MELANIE: Ikaw kasi eh...nag-eemote ako tapos pinapatawa mo ko! Hhehehe

ARIES: Hahaha...ganun?


At natahimik silang dalawa...at...


MELANIE: Aries...

ARIES: Uhm?

MELANIE: Hindi ka ba nilalagnat?

ARIES: Ha? Bakit?

MELANIE: Kasi...dati...parang ang supla-suplado mo...tapos ngayon para mas mabait ka pa kay San Lorenzo Ruiz sa kabaitan...

ARIES: Mabait naman talaga ako..kayo nga suplada dyan eh..projection yang ginagawa mo...sinasabihan niyo kong suplado pero ang totoo kayo ang suplada..

MELANIE: Projection your face! Mr. Aranas...baka nag-uulyanin na kayo...parang last week lang eh may nagpanggap yatang multo para mapaalis kami sa Hotel Lakandula...at nung first day----

ARIES: Oh...sige na...Talo na ako! Tsaka sorry na kung nasupladuhan ko kayo nun...


At natahimik ulit sila...


MELANIE: Oo nga pala..di ba taga-QC ka? Saan ka sa QC?

ARIES: Bakit, bibisitahin mo ko?

MELANIE: Ang kapal mo ah! Hindi nuh! Curious lang...taga-QC rin kasi ako..

ARIES: Biro lang...sa may Cubao kami...si Tatay, si Ate...ako...

MELANIE: Eh, nasaan ang mommy mo?

ARIES: Wala na akong mommy... Iniwan niya kami noong 8 years old ako...dahil sa ibang lalake...


Nabigla si Melanie...di niya kasi inaasahan na maishi-share ni Aries pati ang maselan na kwento ng pamilya niya...


MELANIE: Sorry to hear that...

ARIES: Ok lang...tanggap ko na naman yung nangyari. Matagal na rin naman kasi yun..ikaw ba...saan ka sa QC?

MELANIE: Sa may Fairview...

ARIES: Ah...


At natahimik ulit sila...maya-maya pa...


PULIS: Oh, kayong mag-jowa dyan! Laya na kayo!


At nakita nina Aries at Melanie si Aling Ester...


ARIES: Tita...

MELANIE: Aling Ester...


Niyakap nila si Aling Ester...


ALING ESTER: Naku...itong mga batang 'to oh!

ARIES at MELANIE: Si Melanie po kasi! / Si Aries po kasi!

ARIES: Anong ako! Kung di mo ko pinapabilis kanina ng takbo ng motor---

MELANIE: Aba! Aba! Binabaligtad mo ko eh! Ako nga ang nagsasabing bagalan mo dahil natatakot ako---


At nagsimula na namang magtalo sina Aries at Melanie...


PULIS: Ay naku, misis... Mabuti pang iuwi niyo na lang yang mga batang yan bago ko sila makulong ulit...


Nanahimik na sina Aries at Melanie...


Kinagabihan sa Hotel Lakandula, kalat na sa lahat ng dormers ang pagkakakulong nina Aries at Melanie...


KATIE: Uuuuyyy...nag-bonding sila sa loob ng bilangguan.. Ano naman nangyari sa inyo?

MELANIE: Naku! Wag niyo na nga ipaalala sa akin yan...

DESTINY: Naku, Melanie ah...baka sa tinagal niyong mag-bonding sa kulungan, baka naman pati puso mo nabilanggo na kay Aries...


Binato ni Melanie ng unan si Lorraine...


MELANIE: Loko!

LORRAINE: Aray ko naman!





Di nila alam, nasa labas lang si Aries ng kwarto nila at narinig ang usapan nila...at napangiti si Aries...


TO BE CONTINUED...



No comments: