Hingal na hingal at masakit ang mga paa nang makarating sa Hotel Lakandula galing Clark Main Gate sina Katie, Melanie at Destiny.
Mula sa Clark Main Gate, kailangan nilang maglakad sa isang mahabang street bago makarating ng Hotel Lakandula...unless kung gusto na lang nilang mag-tricycle...
MELANIE: Kasi naman 'eh, sabi ko sa inyo mag-tricycle na lang tayo...ayaw niyo naman...
DESTINY: Naku! Pagkamahal-mahal ng mga tricycle dito nuh! Sa presyo nila eh para na kong nakarating sa bansang Liechtenstein!
KATIE: Anong spelling nun, Destiny?
DESTINY: Ay...sa bansang Japan na nga lang pala ako nakarating... :p
At napansin ni Katie ang tarpaulin ng Hotel Lakandula na nakapaskil sa pader...
Looking for a nice place to stay?
You’ve got a place at HOTEL LAKANDULA!
Your home away from home
Comfortable, Safe, and Secure
Comfortable, Safe, and Secure
TEN-MINUTE WALK FROM CLARK MAIN GATE
Contact ESTER: (045)6339999 or 09064875710
Contact ESTER: (045)6339999 or 09064875710
KATIE: Ten-minute walk ka dyan! Eh naka ten-year walk na kami kakalakad bago kami nakarating! <-_->
Pumasok na sila sa Hotel Lakandula at umakyat ng second floor. Nasa second floor ang room nilang tatlo...
Pag-akyat ng second floor, nakita nilang nagtitipon sa lounge ang iba pang UP students na ka-dorm nila. May ibang nagbabasa sa mesa na nasa gitna at may mga ibang nagtetext at nagkwekwentuhan sa sofa...
CO-ED ang Hotel Lakandula... sa isang kwarto ay anim na katao ang naka-okupa. Hindi magkasama sa isang kwarto ang lalake at babae dahil pag nagtagal ay maging daycare center ang Hotel Lakandula..get it? get it!
Nakatayo pa sa lounge sina Katie, Melanie at Destiny nang biglang...
ARIES: Pwedeng tumabi kayo? Ang laki niyong harang sa daan 'eh...
Napatingin ang lahat ng tao kay Aries dahil sa lakas ng boses niya. Pawis na pawis siya at medyo marumi...marahil ay dahil sa kakatulak...
MELANIE: Oh...sorry for the inconvinience because we're blocking the driveway! :p
ARIES: Tsss... Corny!
At pagkadaan ni Aries, nag-"LOSER" sign sina Katie, Melanie, at Destiny...
At nagulat sila nang biglang napalingon sa kanila si Aries at nahuling naka-LOSER sign silang tatlo...
ARIES: Ano yang ginagawa niyo?
KATIE: Uhm...ano..ah..kwan...uhm...naka-LAKANDULA sign kami. Di ba ang Lakandula ay nagsisimula sa letter "L"? hehehe...
ARIES: Whatever!
At nag-form ng dalawang "W" ang mga kamay ni Aries... :p
Pagkatapos magligpit ng gamit at magpalit ng damit, lumabas sina Katie, Melanie, at Destiny sa room nila at nagpunta sa lounge para gumawa ng assignment at makipagkilala na rin sa ibang dormers...
Lumapit si Katie sa isang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalake sa mesa...
KATIE: Hi! May nakaupo ba rito?
LALAKE: Wala..sige, upo ka lang
Pagkaupo ni Katie, sinimulan na niyang gawin ang assignment niya...nang...
LALAKE: Ano nga palang pangalan mo?
KATIE: Ako si Katie, second year Psych student...ikaw ba?
LALAKE: Ako si Rye...freshie BM (Business Management) course ko....tga-saan ka nga pala bale?
KATIE: Sa Caloocan City, sa Vicas...lam mo yun?
RYE: Ay, ate...taga dun din ako eh...sa may South Caloocan nga lang ako...sa may Monumento...
KATIE: Ah...yung mga naninirahan ba sa Monumento hindi gumagalaw?
RYE: Huh? Gumagalaw kami..bakit naman mo naitanong yan?
KATIE: Eh kasi akala ko puro mga monumento nakatira dun... :p
RYE: Hehehehe....
KATIE: Sensya na, corny ah...hehehe...O kumusta naman UPEPP para sa'yo?
RYE: Ok lang...masaya naman kahit first day pa lang....Ikaw ba, Ate Katie? Masaya ka siguro sa UPEPP nuh? Kasi nandito ka pa 'eh...ang alam ko karamihan gusto lumipat sa UP Diliman...
KATIE: Hay naku, Rye...kung alam mo lang kung gaano ko ninais na makalaya sa anino ng UPEPP!
At habang nakikipag-usap si Katie kay Rye, biglang tumugtog ang isang kanta sa radyo....
At bumalik sa gunita niya ang alaala ng kanyang unang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng matinding sakit sa puso....
Click PLAY to hear the song...
Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com
..........................FLASHBACK.........................
Summer vacation ng 2008. Reunion outing ng mga high school classmates ni Katie sa isang beach resort....
Isa sa mga kaklase ni Katie na sumama sa reunion ay ang boyfriend niyang si Iggy...
Isang dapit-hapon, magkahawak-kamay na naglalakad sina Katie at Iggy sa tabing dagat...
KATIE: Oh, kumusta na pag-aaral mo, Iggy?
Ngunit imbes na sagutin ang tanong, niyakap ni Iggy si Katie at hinalikan bigla...
Nabigla si Katie...ito ang kanyang "first kiss"...
FIRST KISS: ito ang kanyang pinakaaasam-asam na sandali.
Ang paligid ay talagang "romantic" tignan. May mga ibong lumilipad, lumalagaslas ang alon ng dagat, at kay ganda ng paglubog ng araw...
At naalala ni Katie ang mga "eksenang halikan" na napapanood niya sa mga pelikula at telebisyon kaya ginaya niya ito. Kiniskis ni Katie ang labi niya sa labi ni Iggy...
Maya't maya....nararamdaman ni Katie na dumidikit ang dila ni Iggy sa ngipin niya at nasarapan siya dito...
At bigla na lang, tumigil si Iggy sa paghalik kay Katie...
IGGY: Ayaw mo ba?
Naguluhan si Katie sa tanong ni Iggy...
KATIE: Ha? Anong ayaw ko? Na halikan mo ako? Siyempre, gusto ko. Ano bang ibig sabihin ni Iggy?
Umiling na lang si Katie. At hinalikan siya ulit ni Iggy ngunit malamyang halik na lamang ito...
At tumigil muli sa paghalik si Iggy. Namumula si Iggy at mukhang galit...
KATIE: Teka...may mali ba akong nasabi o nagawa? Pangit ba akong humalik?
Ngunit takot siyang tanungin ito kay Iggy. Kaya hinawakan na lang ni Katie ang kamay ni Iggy at nagpatuloy sila sa paglalakad sa tabing-dagat na parang walang nangyari...
Kinabukasan, pagkauwi nila ng Caloocan, kinikilig na kinuwento ni Katie sa mga kaibigan niyang babae ang tungkol sa "first kiss" niya kay Iggy...
KATIE: At yung pinakagusto kong part eh nung dinidikit ni Iggy yung dila niya sa ngipin ko...
Tumawa ang mga kaibigan niyang babae...
KATIE: Oy, bakit kayo tumawa?
Ang kaibigan niyang si Girlie ang sumagot kay Katie...
GIRLIE: Ibig sabihin, hindi mo binuka ang bibig mo?
KATIE: Ha? Bakit naman? Kelangan ba ibuka?
GIRLIE: Oo kaya...
KATIE: Bakit kelangan?
GIRLIE: Para magdikit ang mga dila niyo...
KATIE: Kelangan pala nun? Bakit naman ganun? Ano pinagkaiba nun?
GIRLIE: Basta...hindi mo mai-explain yung feeling. After all, ganun talaga maghalikan ang mga mag-boyfriend.
At dun luminaw ang lahat....Sa puntong iyon na-realize ni Katie kung bakit mukhang galit at disappointed si Iggy pagkatapos nilang maghalikan...
Hindi sila nagkita ni Iggy ng tatlong araw. Hindi rin nagtetext sa kanya si Iggy. Nag-aalala na si Katie...
At inimbita si Katie ng kaibigan niyang si Mae sa kanyang birthday party.
At pagkarating ni Katie sa bahay ni Mae, nakita niyang magkahawak-kamay, magkakandong, at malambing na nag-uusap sina Iggy at Girlie...
Nagkunwari na lang si Katie na di niya napapansin sina Iggy at Girlie hanggang matapos ang party at makauwi siya sa bahay nila.
Pagkauwi ng bahay...bumaha ng luha sa kwarto ni Katie. Alam niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Iggy... Sa sobrang sakit na naramdaman niya...nangako siya sa sarili niya na hindi na siya muling magmamahal pa...
At mula rin noon...nangako siya na ilalaan niya na ang kanyang buhay sa isang klase ng pag-ibig na hindi nakakasakit at di nag-iiwan ng masasaklap na peklat sa puso---ang pag-ibig para kay Hesus...
Ilalaan na niya ang sarili sa pagmamadre...
.........................BACK TO PRESENT...........................
Bumalik lang ang gunita ni Katie sa kasalukuyan nang biglang may pumatay ng radio at natigil ang kanta...
TURN-OFF YOUR SPEAKERS TO STOP THE MUSIC
Napatingin si Katie, Rye at iba pang dormers sa direksyon ng radyo...
Nakatayo dun si Aries na bagong ligo at nakapindot ang isang daliri sa "POWER" button ng radyo...
ARIES: Ayokong nakakarinig ng love song kapag nandito ako, maliwanag?
TO BE CONTINUED...
7 comments:
who's girlie and mae??? nakakatuwa nman ito! hahaha. extra pa si iggy! kamusta nman yun... dapat di na kasali yun eh..haha.. salamat sa episode na ito! napasaya mo ko mike. hehe
si GIRLIE...basta yung "new friend" ni iggy...hehehe... si Mae...si Monique na lang para masaya...hehehehe...
Online ka pala, hehehe..pinakinggan mo yung kanta? hehehe...
haha. nice mike! :)
more! haha.
naknam! natawa ako sa episode na to ng bonggang bongga! ayos mike.
wahaha,
may halikan portion pa.
waahaha. i bet masaya yung isa jan dahil dun. kaya lang..parang mashadong mahalay??!! hehe. joke.
anyway, natawa at natuwa naman ako.
haha.
*ansarap tlga batukan ni Aries*
:)
ah sila pala yun.. hahaha.. tama si lany.. mjo mahalay nga.. wahahaha.. oi nga pla follwer na ko ng blog mo.. hehe
follower din ako nung iyo...anonymous follower yata ako eh...di ko alam panu palitan yun...hehehe,,,
sensya na kung mahalay...yung halikan at break up scene kasi ay based sa "eleven minutes" ni paulo coelho...ayun...hehehe
(Elefante, 2008)
mike, ndi ko pa tapos ung UPEPP beautiful disaster.. pero natatawa ako hbang bnbasa ko, haha.
parang naiimagine ko tlga. haha
Post a Comment