Wednesday, October 22, 2008

Episode 7: Ang Pustahan


Nag-aaral sa table sa lounge ng second floor ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie, Destiny, Rye, Izen, Victor at GlennLloyd nang biglang dumating si Aries...


Napatingin sa kanya ang lahat pero umiwas din ng tingin pagkatapos...


ARIES: Ang bilis talaga ng karma nuh, GlennLloyd, Izen?

GLENNLLOYD at IZEN: Huh? (nagtataka)

ARIES: Um-oo na lang kayo...

GLENNLLOYD at IZEN: Ah..eh..Oo nga, Aries..Hehehe...


Sa inis, nag-walk out sa lounge sina Katie, Melanie, at Destiny. Binangga nila si Aries, na tumatawa-tawa pa, at pumasok sa kwarto nila...

Nang makapagsarili na sila sa kwarto nila...




KATIE: Nakita niyo yun! Ugali talaga ng unggoy na yun! Nakakayamorotskotskots! Kanina pa siyang laboratory ah!

MELANIE: Yung lalake na yan..ipinanganak nang may angking kayabangan talaga!

DESTINY: Sinabi mo pa!


KATIE: Naku, talaga! Buti na lang at medyo mahaba pa ang pisi ko sa Ariestotle with an E na 'yan! Kung di lang nasusulat sa Bible na kailangan mong patawarin ang kaaway mo ng seventy times seven (70 x 7) times...napatay ko na siya matagal na!

DESTINY: Yes..nangaral na naman po si Mother Teresa...


MELANIE: So, ibig sabihin...kung 70 x 7 mo kailangang patawarin ang kaaway mo..that would be 70 x 7...carry 2...minus 5...plus 7...remainder 3...raise to the power of 5...bring down 8...add 1863..... Hay naku...ayoko na ngang magcompute! Pati ba naman sa Bible may Math?! Ano ba yan!


DESTINY: Hay naku....kahit ano pang sagot dyan sa 70 x 7 na yan...mas marami pa rin ang kasalan nung Aries na yun sa atin! Hmmmppphh....!


At bigla...natahimik silang tatlo. Binasag lang ni Melanie ang katahimikan...


MELANIE: Alam niyo, guys...Tingin ko bading yang si Aries...

KATIE at DESTINY: Haaa?!!!? (gulat)

MELANIE: Bading yan si Aries. Tignan niyo...sige...kahit galit tayo dyan, di naman natin maipagkakaila na gwapo siya....sa level nga lang ng mga unggoy...


Natawa silang tatlo...


MELANIE: Pero naalala niyo nung Wednesday night, sinabi niya kay Kuya Karlo that he never had a girlfriend!

KATIE: Mayabang kasi yun kaya wala pang nagiging girlfriend! Pero tingin ko naman hindi siya bading...Hindi naman lahat ng walang girlfriend eh bading...masyado ka naman.

DESTINY: Oo nga...Tsaka mahahalata naman siguro natin kung bading siya...


MELANIE: Naku, pustahan pa tayo...Bading yang Aries na yan! I can feel it!

KATIE: O sige ba...anong prize pag nanalo sa pustahan?

MELANIE: Uhmmm....libre niyo ko ni Des ng Sbarro...

DESTINY: Sbarro?! Mahal naman nun!

MELANIE: Siyempre nuh! Kung talagang pinaninindigan ninyo yang pusta niyo ni Katie na "hindi bading si Aries" handa kayong mag-risk... Ako rin naman eh..if ever na matalo ako..ililibre ko naman kayo...


KATIE at MELANIE: O, sige...game!

MELANIE: Sige...abangan lang natin at di magtatagal at lalabas din ang tunay na kulay ni Aries... <*evil laugh*>


TO BE CONTINUED...

No comments: