Tuesday, October 28, 2008

Episode 10: Haunted Hotel Lakandula



Isang gabi, nasa table lounge ang EMPE Boys: sina Vomer, GlennLloyd, Domeng, JR, Ram, Rye, at Victor...


Kasama rin nila sina Jericka at Winxel..


Nagbabasa ang karamihan sa kanila...


RAM: Ano inaaral mo, Rye?

RYE: Math 14. Exam namin bukas kay Sir Sumido eh. Ikaw?

RAM: Math 11 naman kami. Kay Sir Almario.

RYE: Sir Almario? Yung nalaglag daw yung pustiso habang nagtuturo...

RAM: Oo...kumalat pala yun sa inyo?

RYE: UPEPP pa...sa laki ba naman ng school natin eh walang sikretong di nabubunyag...


DOMENG: Ito pa raw ang grabe...noong nahulog pustiso niya sa sahig, tumalikod lang siya at kinabit ang pustiso niya at nagpatuloy sa pagtutro na parang walang nangyari...

JERICKA: Yuccckk!!!!

LAHAT: HAHAHAHAHAHAHAHA!


At patuloy pa rin sila sa pagtawa...nang biglang may lumabas na lalake sa isang kwarto at nilapitan sila...


LALAKE (galit): Hey! Could you please tone down your voices? I just came from work and I need sleep so please! Be quiet and shut up your mouths!


At binagsakan sila ng pinto ng lalake...


VICTOR: Yabang nun ah! Porket call center lang siya ganun na siya kung magalit!

WINXEL: In-english pa tayo. San ba siya nag-aral. UP tayo at "other school" lang siya kaya huwag niya tayong sinisigawan!

JR: Pagbigyan niyo na. Alam niyo naman yang mga call center agent na yan...Allergic sa ingay nating mga estudyante...


May nangungupahan din kasing mga call center agent sa palapag nila...


At nanahimik na lang sila at nagpatuloy na lang sa pag-aaral...


Kaya laking gulat nila nang nilabas ulit sila ng lalake at...


LALAKE (galit): How many times do I have to tell you to tone down your voices? You're distracting my sleep..blah...blah..blah...


Tinitigan nilang lahat yung lalake at sabay-sabay silang nagsabi ng...


LAHAT: Ssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! (nakalagay index fingers nila sa lips nila)


At bumalik sila sa pagbabasa ng libro at...


VOMER: Hindi na nga tayo nagdadaldalan sinabi pang maingay tayo...

JERICKA: Pati yata paghinga natin naririnig niya eh...

JR: Nanigaw pa! Nawala tuloy ako sa binabasa ko...


Dahil pahiya konti, umalis na lang yung lalake na namumula...


At nagtawanan silang lahat...


Just then, dumating na from UPEPP sina Katie, Melanie, Destiny, Izen at Lorraine...


At natulala na naman ang mga lalake kay Lorraine, kaya nginitian ni Lorraine ang mga ito...


LORRAINE: Hi, boys.. :D


Nahimatay lahat ng boys...takang-taka ang mga babae...


IZEN: Yes, Ate Lorraine...killer smile ka pala...


At naglakad na silang lima papuntang kwarto nila. At pagkabukas nila ng pinto ng kwarto nila...


LAHAT: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!


Nagkamalay ang boys na nahimatay at nagpunta sa kanila...


Nagsilabasan din ang ibang dormers at boarders at nakiusyoso...


At umakyat sina Aling Ester at Ate Cherry, ang taga-linis ng dorm...


ALING ESTER: Excuse me, paraanin niyo ko...Sino ba yang mga sumigaw? Ano bang nangyayari?


DESTINY: I--i--ipis po...

KATIE: S--sa mga kama namin...


Tinignan ng lahat ang kwarto...at bawat kama nga ay may mga ipis...


ALING ESTER: At papaanong nagkaroon ng mga ipis dyan sa mga kama niyo?

MELANIE: Di po namin alam, Aling Ester... Ba't di niyo na lang po hulaan kung sino?

ALING ESTER: O sige..pero may pambayad ba kayo sa hula ko?

LORRAINE: Aling Ester naman eh...

ARIES (humihikab-hikab pa): Ano bang ingay yan?


Kalalabas lang ni Aries sa kwarto nila at halatang kagigising lang nito...


KUYA CHICO: May mga ipis kasi sa mga kama nina Katie...

ARIES: Mga burara kasi kayo eh! Hindi niyo yata nililinis yang kwarto niyo kaya kayo iniipis!

MELANIE: Hoy! Hoy! Hoy! Naglilinis kami ng kwarto noh!

ALING ESTER: Cherry, ikaw ang naatasang maglinis dito ng mga kwarto...Nililinis mo ba talaga 'tong kwartong ito?

ATE CHERRY: Wa, Ate (Oo, Ate). Nililinis ko pong mabuti 'tong mga kwarto dito nuh...

ALING ESTER: O siya, sige, Cherry, linisin mo na lang ulit itong kwarto nina Melanie at mag-spray ka ng Baygon...

ATE CHERRY: Sige po, Ate...


ALING ESTER: Hay...panu ba'to? Wala nang bakanteng room ngayon dito eh. Saan ko kayo patutulugin niyan?

JERICKA: Aling Ester, may apat pa pong bakanteng kama sa room namin nina Winxel...

ALING ESTER: Ah, ganun ba? Sige, Lorraine, Izen, Melanie, Destiny...dun muna kayo matulog ngayong gabi sa kwarto nina Jericka, nuh?...

KATIE: Eh, Aling Ester...paano po ako?

ALING ESTER: Ay, oo nga pala nuh! Uhm...sa room ka muna nina Aries...Aries, pamangkin, dito ka muna sa sofa ng lounge matulog..

ARIES: Ano? Tita, hindi pwede yan!!

ALING ESTER: Sige na, pamangkin. Ngayong gabi lang naman...

ARIES: Eh..sa bahay niyo, Tita? Wala na bang matutulugan?

ALING ESTER: Naku, iho...jam-packed din ngayon dun. Death Anniversary kasi ngayon ng Tito Rudy (asawang namatay ni Aling Ester) mo kaya nandun yung mga kamag-anak niya dahil dadalaw sa sementeryo.

ARIES: Tss...ano ba yan!


At nag-walk out si Aries. Nag-appear ng kamay nang palihim sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine at Izen...


9:00 PM...Wala nang ibang tao sa lounge kundi sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine, at Izen... Nagbabasa sila ng libro...


Nakaupo rin si Aries sa sofa sa lounge na tutulugan niya ngayong gabi...


ARIES: Nag-aaral ba talaga kayo o nananadya? Anong oras ba kayo matatapos magbasa dyan nang mapatay ko na 'tong ilaw at makatulog na ako!

MELANIE: Oh, dear, kasalanan mo rin naman kasi, Aries. Kung di mo na lang sana nilagyan ng ipis yung mga kama namin, e di sana mahimbing kang matutulog sa kama mo..

ARIES:Hoy! Hoy! Hoy! Pinagbibintangan niyo ba ako? Kita niyo na ngang himbing na himbing ako sa pagtulog kanina tapos bigla akong nagising sa sigaw niyo...

KATIE: Oy, oo nga pala, ba't niyo naman pinagbibintangan si Aries? Wala naman tayong ebidensya na siya naglagay ng mga ipis...

DESTINY: Hoy, Sister Katie....sino lang ba ang may galit sa atin dito sa dorm?!

IZEN: At imposibleng lumitaw na lang bigla yung mga ipis at saktong sa kama pa natin naglagi?!

LORRAINE: Aamin na yung isa dyan...

ARIES: Ano ba? Sinabi ngang hindi ako naglagay nun eh!


At nag-walk-out si Aries...


At habang naglalakad palayo sa kanila si Aries...


DESTINY: May ipis pa sa bulsa mo!


Nagpa-panic na tinanggal ni Aries ang ipis...


ARIES: Ipis! Ipis! Ipis!


Bakas sa mukha ni Aries ang takot at gulat habang tinatanggal ang ipis na di niya naman makita...


DESTINY: Joke lang...walang ipis! Panic ka naman agad...


Tumawa sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine at Izen habang galit at padabog na bumaba si Aries sa hagdan patungong cafeteria...


MELANIE: Bading talaga!


Natahimik lang sila nang mag--"Ssssssshhhhhh" nang malakas sa kanila ang isang boarder na call center agent...


At naisipan na rin nilang matulog sa mga pansamantala nilang mga kama...



Halatang puyat na puyat at di masyadong nakatulog kinabukasan sa History 1 class nila. Nakanganga pa ito habang natutulog sa klase...


Si Ma'am Bunye ang teacher nila dito, ang prof na ayaw na ayaw inuulit ang lesson niya...na in her words...


MA'AM BUNYE: Ok class, ayoko ng replay, noh? Hmmmm...


At nagle-lesson na nga si Ma'am Bunye...


MA'AM BUNYE: Ang pag-garote sa tatlong paring martir at ang pagsusulat ni Jose Rizal ng Noli at El Fili ay ilan lamang sa mga dahilan nang pagkagising ng nasyonalismo ng mga Pilipino...noh? Hmmmmmm...


After 10 minutes ng kanyang pagpapaliwanag ng iba pang mga bagay-bagay…


MA'AM BUNYE: So ngayon, ang pag-garote sa tatlong paring martir at ang pagsusulat ni Jose Rizal ng Noli at El Fili ay ilan lamang sa mga dahilan nang pagkagising ng nasyonalismo ng mga Pilipino...noh? Hmmmmmm...


MELANIE (pabulong): You know Ma’am, dapat yata kayo ang sinasabihan namin ng "ayoko ng replay…" Haayyy…

KATIE: Oo nga, Melanie, noh? Hmmm...

DESTINY: Tumahimik na lang kayo dyan, noh? Hmmm...

LORRAINE: Uy, guys, tignan niyo si Aries matulog oh...


At nakita nga nilang naka-nganga matulog si Aries....


IZEN: Picture-an natin...dali!


At nang na-picture-an na nila si Aries sa cellphone, biglang binato ni Ma'am Bunye si Aries ng chalk at sapol sa ngipin ni Aries yung chalk kaya nagising ito bigla...


MA'AM BUNYE (galit): Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na ayoko nang may natutulog sa klase ko!

FELIX: Ma'am...yung ginawa niyo po yata ang mas effective na pang-gising sa nasyonalismo ng mga Pilipino kesa sa ginawa ng mga bayani natin noon.. :p


Hapon...sa Hotel Lakandula...kumalat sa mga cellphone ng dormers dahil sa bluetooth ang picture ni Aries na natutulog nang naka-nganga sa Histo 1 class...



KUYA CHICO: Ilang langaw kaya ang nakapasok sa bibig nitong si Aries...


At bigla na lang dumating si Aries sa second floor lounge...


Pinigilan ng lahat ang tawa nila nang makita siyang nandyan na...


Parang nahulaan naman ni Aries na siya ang pinagtatawanan nila at in-assume niya na pinagkalat na nina Melanie yung picture niyang natutulog siya sa Histo 1 kaya...


ARIES: Tsss...pinigilan niyo pa! Sige pagtawanan niyo pa ako... Go ahead Laugh!


Nagtatakang nagtinginan sila sa isa't isa at...


LAHAT: BWAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!


Nakabalik na sa dati nilang kwarto sina Katie...


MELANIE: Naku, buti nga sa Ariestotle na yun. Karma is working against him! Hahahahaha!

KATIE: Uy, hindi na ba sobra ginagawa natin sa kanya?

IZEN: Ate Katie...napapansin kong parang nag-aalala ka kay Kuya Aries these days? Hiki!

KATIE: Huh? Ako? Hindi nuh! Kasi kahit naman sinong tao pag ginanun..medyo sobra na di ba?

DESTINY:Naku, umiral na naman ang kabaitan ni Sister Katie... Eh, ang kaso, ang tinutukoy natin eh si Aries na mas marami pa sa mga butil ng buhangin ang kasalanang nagawa sa atin kaya he deserves it!


Two o'clock ng madaling araw...nagising si Melanie mula sa pagkakatulog nang may narinig siyang isang iyak...


IYAK: Umalis na kayo rito!! Umalis na kayo rito!


At nakita ni Melanie sa pinto ng kwarto nila ang isang tao na nakaputi pero walang mukha...isang MULTO!


Takot na takot si Melanie...gusto niyang tumili pero di niya magawa.


Sa takot, nahimatay na lang siya...


Kinaumagahan, pagbaba nina Melanie, Katie, Destiny, Lorraine at Izen sa cafeteria ng Hotel Lakandula...


ALING ESTER: Oh, good morning my dear young ladies? Kumusta ang tulog niyo na? Oh, Melanie...para kang puyat?

MELANIE: Aling Ester, sabi niyo noon sa amin walang multo dito sa Hotel Lakandula?

ALING ESTER: Wala nga. Di ba sinabi ko naman sa inyo noon na hindi naman nagmumulto ang namatay kong asawa?

MELANIE: Aling Ester...minulto ako kagabi...at sure akong asawa niyo yun at pinapaalis niya kami dito...

ALING ESTER: Baka naman guni-guni mo lang yun? Di magagawa yun ng asawa ko. Sa tagal na nitong Hotel Lakandula eh wala pang nagrereklamong may nagmumulto dito...pero baka kasi Death Anniversary ni Rudy kaya siya nagmumulto...

MELANIE: Pwes, pakisabi po sa asawa niyo na huwag niya kong pakitaan dahil ayoko siyang makita! Kundi...aalis kami dito...


Yun lang at umalis na sina Melanie...


ALING ESTER: Hoy...di man lang kayo bibili ng pagkain? Hay...mga batang yon talaga..kuripot! Kaya siguro kayo minumulto eh...


Sa UPEPP...Zoology Lecture with none other than Ma'am Pacita Bognot ang klase ng Psych 2A. About Plants ang lesson nila...


MA'AM BOGNOT: Plants are normally variable, do you agree class?

PSYCH 2A: *tulog* :p


Pagkauwi nila ng dorm kinahapunnan...


LORRAINE: Hay, nakauwi rin sa wakas! Kaantok talaga si Pacita!

KATIE: Oo nga eh, makakatulog na rin tayo sa wakas!


Pagkabukas ni Melanie sa pinto ng kwarto nila...


MELANIE: Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

DESTINY: Oh, ba't ka sumigaw?


At nakita nila na may sulat sa pader ng kwarto nila na:



LUMAYAS NA KAYO DITO!



Para itong nakasulat sa dugo...


Makalipas ang ilang minuto, kinausap sila ni Aling Ester sa lounge...


MELANIE: Ayoko na talaga dito, Aling Ester. I'm having creeps!

DESTINY: Aling Ester, minumulto na po kami at ayan na po ang ebidensya..sasabihin niyo pa rin po ba na walang multo?

ALING ESTER: O sige, para mapalagay na ang loob niyo, ipapa-blessing ko ulit itong Hotel Lakandula....ok?


Gabi na...nasa cafeteria si Aling Ester nang bumaba si Aries mula second floor...


ARIES: Good evening, Tita. Ano pong ulam?

ALING ESTER: Pork Tonkatsu, Korean Chicken, Mongolian Vegetables...

ARIES: Wow naman...may lahi yung mga pagkain niyo Tita ah! :p


At nang kumakain na si Aries...


ALING ESTER: Aries, pamangkin?

ARIES: Bakit po, Tita?

ALING ESTER: Ano kasi...pwede bang masamahan mo muna sina Melanie sa pagtulog sa kwarto nila?

ARIES: Ha?! Bakit na naman po?! Ayoko!


Samantala, sa kwarto nina Melanie, nilinis na ni Ate Cherry yung sulat sa pader...


IZEN: Naku talaga, I'm feeling goosebumps na sa room na 'to. Grabe...


At nagulat sila nang biglang bumukas ang pinto at nakita nilang agad pumasok si Aries at humiga sa bakanteng kama...


MELANIE: Aber, at ba't ka naman nandito at kung makaasta ka eh room mo 'to...

ARIES: Inutusan ako ni Tita Ester na dito muna ako matulog para samahan kayo..

KATIE: Himala, sumunod ka...

ARIES: Kasi, gusto kong makita kung pano kayo magsisisigaw sa takot (nakangiting pang-aasar nito)

LORRAINE: Aba, baka nga ikaw pa unang tumili sa amin sa takot! Maihi ka pa sa salawal mo...


At nagtawanan sila...


ARIES: Naku..Sige...magtawanan lang kayo. Kung ako sa inyo, hindi na ko magdadalawang isip na umalis na dito nang matahimik na ang kaluluwa ni Tito Rudy. Baka kung ano pa ang magawa ng multo ni Tito Rudy sa inyo...


Alas dos ulit ng madaling araw...this time nagising na silang lahat sa tunog ng isang iyak...


MELANIE: Guys...naririnig niyo ba yun?

LORRAINE: Hala..nakakatakot...

KATIE: Guys...si Aries wala na dito...


Napansin nilang bukas ang pinto ng kwart nila. Tatakbo sana sila palabas ng kwarto nila nang may biglang lumitaw sa pinto ang multong nakaputi at labas ang isang mata nito...


MULTO: Lumayas na kayo dito! Di ako matatahimik hanggang di kayo umaalis dito!


Nagsisisigaw at nagtalukbong ng kumot silang lahat sa kama ni Katie...


At habang nagsisisgaw sila at nakatalukbong, bumukas ang ilaw ng kwarto nila at...


ARIES: Hoy, ano na naman bang ingay yan? Rinig ko kayo hanggang sa CR...

LORRAINE: Aries...nagpakita na naman ang multo...hindi mo ba nakita?


Umaga na...pagkagising nilang lahat, nakita nilang nanginginig at nagdedeliryo sa kama niya si Melanie...


Hinawakan ni Lorraine ang noo ni Melanie...


LORRAINE: Guys, mukhang mataas ang lagnat ni Melanie...


Lumabas bigla si Aries at pagbalik niya, kasama niya na si Aling Ester na may dalang cold compress, batya, paracetamol at isang basong tubig...


ALING ESTER: Diyos ko! Napano 'tong si Melanie at nilaganat ng ganito kataas?

IZEN: Aling Ester...minulto na naman po kami kaninang madaling-araw...

ALING ESTER: Naku, naku...mukhang kailangan ko na ngang ipa-bless agad itong Hotel Lakandula...


Makalipas ang ilang minuto, nakaligo at nakabihis na sina Katie, Destiny, Lorraine at Izen...


ALING ESTER: Sige na, mga iha...ako na ang bahala rito kay Melanie...pumasok na kayo sa school niyo...

DESTINY: Sige po, Aling Ester...salamat po...


At umalis na sila...habang pinupunasan ni Aling Ester ng cold compress si Melanie...


ARIES: Tita?

ALING ESTER: Oh, Aries, iho. Ba't di ka pa pumapasok? May klase ka ngayon ah...

ARIES: Uhm...maya-maya na po ako papasok, Tita. Uhm...ako na po muna magpunas kay--kay Melanie...

ALING ESTER: Mabuti pa nga at nang maikuha ko siya ng sopas sa cafeteria...


At umalis na si Aling Ester. At sinimulan na ni Aries punasan si Melanie na himbing na himbing na natutulog...


Unang pinunasan ni Aries ang mukha ni Melanie nang buong ingat...


ARIES: Ang ganda pala ni Melanie...napakaamo ng mukha...at ang taglay niyang ganda ay yung di madaling pagsawaan...hay...ano ba taong pinag-iisip ko...


Nagpatuloy si Aries sa pagpupunas mula sa mukha pababa ng leeg...


Sinubukan ni Aries na huwag masyadong tignan ang mga dibdib ni Melanie...


ARIES: Wow cleavage! Wahh!! Hindi ko dapat makita yan. Masama yan!


At habang pinupunasan ni Aries si Melanie, nagdeliryo bigla si Melanie...


MELANIE: Mang Rudy...wag na po! Aalis na po kami nang di na po namin kayo magambala! Mang Rudy...aalis na po kami...

ARIES: Melanie? (ginigising niya si Melanie) Melanie, gising!


Ngunit hindi magising si Melanie at patuloy sa pagdedeliryo...


ARIES: Kasalanan ko 'to...hindi ko alam na ang paraan ko para mapalayas ko kayo ay hahantong sa ganito. Melanie...patawarin niyo ako...nilagyan ko nga ng ipis ang kama niyo...at...at...nagpanggap akong multo para mapalayas ko kayo...patawad...


TO BE CONTINUED...




1 comment:

KRANiNG said...

nice! tambalang aries at melanie foreber! wooooo