Monday, December 22, 2008

Episode 18: Reminisces...




Pagpasok ni Katie sa bahay nila, narinig niya pa ang harurot ng motor ni Aries na papaalis...


Napasandal siya sa pinto...may ngiti sa mga labi niya at kislap sa mga mata niya habang inaalala ang mga nangyari sa kanila ni Aries...


At lumabas mula sa kusina ang Mama ni Katie...


MAMA NI KATIE: Oh, dumating ka na! At sino naman yung lalakeng naka-motor na naghatid sa'yo dito?

KATIE: Wala yun, Mama! He's just a friend!

MAMA NI KATIE: Friend ka dyan! Eh, ba't parang ang saya-saya mo ngayon...boyfriend mo yun nuh?

KATIE: Ma, hindi ah!


At biglang pumasok sa isip ni Katie ang usapan nila ni Aries tungkol sa pagpapanggap nilang mag-boyfriend sila...


ARIES: Kahit na nuh! Kahit na wala tayo sa UPEPP, kelangan na nating sanayin ang sarili natin para maging realistic ang pagpapanggap natin sa second sem. Tsaka sa laki ba naman ng mata ng Eunice na yon eh baka nakikita niya tayo ngayon... Di mo rin masasabi...


At naisip din ni Katie ang posibilidad na baka maitanong ni Girlie sa Mama niya kung may boyfriend ba talaga siya sakaling magkasalubong sila. Magkalapit lamang kasi ang tirahan nina Girlie at Katie...


MAMA NI KATIE: Ano..aamin ka na ba sa akin? (may tonong pang-iintriga ito)

KATIE: Sige na, Ma. Yung lalakeng naghatid sa akin kanina ay yung bago kong boyfriend. Aries ang pangalan niya...

MAMA NI KATIE: Talaga?! Ba't di mo man lang pinapasok o pinakilala man lang nang makilatis ko. Baka ma-"Iggy" ka na naman sa lalakeng yan ah!


Nakwento kasi ni Katie sa Mama niya ang dahilan ng break-up nila ni Iggy... Nangiti na lang si Katie nang sabihin iyon ng Mama niya...


KATIE: Eh, Ma..nagmamadali na kasi siya kaya di ko na napapasok. Tsaka sa Cubao pa nakatira yun...malayo mula rito kaya yun...

MAMA NI KATIE: Ikaw ah! Ba't di mo man lang nabanggit sa akin na may bf ka na? Nakakatampo ka ah...di ka na nagsasabi sa akin...

KATIE: Eh, Mama..kasi... ngayong araw lang kaming naging "official" na kami...kaya yun...

MAMA NI KATIE: Oh..siya..sige na... at panu mo naman nakilala ang lalakeng yan?


At sinimulan na ni Katie kwentuhan ang Mama Melba niya ng tungkol kay Aries. Ngunit hindi binunyag ni Katie sa Mama niya na isa lamang "pagpapanggap" ang relasyon nila ni Aries...



MAMA NI KATIE: It's good at naka-move on ka na rin sa Iggy boy na yun! At least medyo kampante ako na hindi ka na magmamadre....


Makalipas ang ilang sandali, nakahiga na si Katie sa kama niya...at masayang inaalala ang nangyari sa kanila ni Aries kanina: ang pagkain nila sa Food Court (date yun sa tingin ni Katie) at ang paghahatid sa kanya ni Aries sa motorsiklo niya...


Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ni Katie nang maalala niya ang usapan nila ni Aries na...


KATIE: Oo na...sige na...payag na ko sa pagpapanggap natin na mag-bf tayo. At kapalit noon ay tutulungan kitang mapalapit kay Melanie..tama ba ko?

ARIES: Very well said! OK! Ayos!



Ngunit bumalik din ang mga ngiti ni Katie nang magunita ang huling sinabi ni Aries bago ito umalis...


ARIES: Katie...salamat nga pala for being with me on my special day...


Napatingin si Katie sa bintana niya kung saan tanaw ang langit na puno ng mga bituin...


KATIE: May gusto na nga kaya si Aries sa kin? Ayokong mag-assume...at kanina...sa mga tingin niya...tingin ko may pagtingin siya kay Melanie... Ayokong umasa... dahil alam ko namang walang pag-asa...


At napapikit na si Katie at nahimbing na natulog... Siguradong kinabukasan...ikukwento niya kina Mae at Darell ang nangyari sa kanila ni Aries...


At sa loob-loob ni Katie...mukhang lumalambot na nga ang puso niyang naging bato dahil kay Iggy...


Samantala, nakahiga rin sa kama niya si Aries at nagmumuni. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya...at malalim ang iniisip...


Ume-echo sa isipan niya ang tanong kanina sa kanya ni Katie...


KATIE: Teka...parang may kakaibang spark dyan sa mga mata mo... In-love ka ba kay Melanie?


Naguguluhan si Aries sa nararamdaman niya para kay Melanie...


ARIES: Mahal ko na ba talaga si Melanie? Masaya ako pag naiisip ko siya. Maligaya ako pag nakikita ko siya...at parang napaka-empty ng mundo kapag di ko siya nakikita... Pero natatakot ako...Nasaktan na si Daddy nang todo sa pag-ibig niya kay Mommy...ayokong mangyari sa akin 'yon...hindi ko kaya...


At biglang may nag-text kay Aries ng:


{Happy Birthday, Aries... May God shower you with all the blessings...}


Si Aling Ester, ang tita niya at landlady ng inuupahan niyang Hotel Lakandula sa Mabalacat, Pampanga, ang nagtext sa kanya ng birthday greeting na yun. Nagpasalamat si Aries sa tita niya at natulog na rin...


******************

Samantala...nasa kwarto niya si Melanie at nagbubura ng mga message sa cellphone niya. Binubura niya ang mga mensahe na galing kay Jerome na halos pumuno ng inbox niya...


At sa kahuli-hulihan....binura niya ang number ni Jerome....para di na siya ma-tempt na itext ito...


MELANIE: Asus...bubura-bura pa kong nalalaman eh kabisado ko naman yung number ng lalakeng yon! Pero....ngayon...nangangako na ko na kakalimutan ko na siya...magmomove on na ko at di ko na siya itetext kahit kelan...


At nagulat siya nang makitang may nagtext sa kanya...


1 New Message from
+6392128223**


Kahit na hindi nakaregister, alam ni Melanie na number iyon ni Jerome...gusto niya sana itong burahin kahit na di pa nababasa...pero nangibabaw ang pag-ibig kaya binasa niya ito...


{Hoy, Melanie...bt d kn nagtetext? musta k n nga pla?}


At nakikita na lang ni Melanie ang sarili niya na tine-text si Jerome...


Laging si Jerome ang nagdadal ng usapan. Todo kwento siya tungkol kay Maricar na girlfriend na niya ngayon...


{Alam mo, Melanie...nagpunta kmi ni Maricar sa.....}

{namimiss ko n c maricar...ang gnda nya pla pg naka-pink syang blouse....}

{alam mo, melanie...magdidate kmi ni maricar bukas sa....}


Napuyat si Melanie kakareply kay Jerome. Ang mga madalas i-reply ni Melanie ay...


{o tlga? tpos?}

{ganun? sya nman...}

{gudluck sa date...}

(wow naman...}


Dahil pare-pareho lang naman ang reply niya kay Jerome, naka-template na ito sa cellphone ni Melanie...


Di niya aakalain na matatagalan niya ang usapan nilang yon ni Jerome na puro si Maricar na lang ang bukang bibig sa text...


Ala-una na ng madaling araw nang i-text ni Melanie si Jerome ng:


MELANIE: {jerome, cge 22log n ko...salamat sa txt...nyt}

JEROME: {cge, gudnyt din,,,switdreams...}


Ngunit dahil sa kadurugan ng nararamdaman na iyon ni Melanie...nagawa niya pang mag-GM sa iba ng quote...


{nkktuwang icpin ngtxt ung mhal mo....moment mo un eh, kwentuhan 2d max kya inabot kyo ng umaga....knabukasan my nagtanong....puyat ka ah?! at cno na nman ktxt mo kgbe??!...sgot ko nman: "ung mhal ko"..ngtanong xa ulit: "kya nman pla...kilig k naman!? eh anong png-usapan nyo?"...malungkot kong sagot: "ung mhal niya...."}


************************


EUNICE: Hay naku, pinsan...di ko aakalain na boyfriend ng Katie na yun si Aries!

GIRLIE: Lalo naman ako nuh!


Nasa San Fernando, Pampanga si Girlie. Nagbabakasyon siya sa bahay ng pinsan niyang si Eunice...


First year college si Eunice. Business Economics ang kurso nito sa UPEPP...


Nag-uusap silang mag-pinsan habang nanonood ng Mean Girls...


EUNICE: I can't believe na papatulan ng Aries na yun si Katie! Mas maganda naman ako dun...

GIRLIE: Hay naku, pinsan...kaya nga ako 'eh di convince na talagang mag-on yung dalawang yon! Kaya nga pinapabantayan ko sa'yo, di ba?

EUNICE: Naku 'to! Eh, ba't ba parang napaka-big deal sa'yo nun?

GIRLIE: Basta! Ayokong maging maligaya si Katie. I want her to be miserable all her life!

EUNICE: Eh ba't ba kasi galit na galit ka sa babaeng yon?


At kinuwento ni Girlie kay Eunice ang nangyari sa kanila ni Katie nung high school pa sila...


....FLASHBACK....


Magkaklase at magkaibigan noon sina Girlie at Katie...


Lihim na iniibig noon ni Girlie si Iggy na kaklase nila. Sa tuwing klase nila, sa halip na nakikinig sa teacher, nakatitig lang si Girlie kay Iggy...


Wala siyang pinagsabihan nito ninuman...


Kaya laking gulat ni Girlie nang malaman niya sa ibang kaibigan na mag-boyfriend na sina Iggy at Katie...


Kaya kahit na nasasaktan...nagpanggap na OK lang si Girlie. At mula noon, pinlastic na niya ang kaibigang si Katie...hanggang maka-graduate sila ng high school...


Summer vacation ng 2008. Reunion outing nilang mga high school classmates sa isang beach resort....


Sumama si Girlie sa reunion outing na ito. Nandun din sina Katie at Iggy...


Isang dapit-hapon, nakita ni Girlie na magkahawak-kamay na naglalakad sina Katie at Iggy sa tabing dagat...


Nagselos si Girlie sa eksenang nakikita...


At siya'y naluha nang makitang niyakap ni Iggy si Katie at hinalikan bigla...


At dahil di na matagalan pa ang nakikita, lumuluhang umalis si Girlie sa tabing dagat at nagpatuloy na umiyak sa likod ng isang puno ng niyog...


Kinabukasan, isa siya sa mga kinuwentuhan ni Katie tungkol sa halikang naganap sa kanila ni Iggy...


KATIE: At yung pinakagusto kong part eh nung dinidikit ni Iggy yung dila niya sa ngipin ko...


Tinawanan nilang lahat si Katie...


KATIE: Oy, bakit kayo tumawa?

GIRLIE: Ibig sabihin, hindi mo binuka ang bibig mo?

KATIE: Ha? Bakit naman? Kelangan ba ibuka?

GIRLIE: Oo kaya...

KATIE: Bakit kelangan?

GIRLIE: Para magdikit ang mga dila niyo...

KATIE: Kelangan pala nun? Bakit naman ganun? Ano pinagkaiba nun?

GIRLIE: Basta...hindi mo mai-explain yung feeling. After all, ganun talaga maghalikan ang mga mag-boyfriend.


Natuwa si Girlie sa nalamang iyon kay Katie...hindi marunong humalik si Katie at for sure...disappointed si Iggy kay Katie...


Sa birthday party ng kaibigan nilang si Mae, nasulot ni Girlie si Iggy. Lihim silang naghahalikan pag walang nakatingin sa kanila...


At lubos-lubos pa ang kasiyahan ni Girlie nang maabutan sila ni Katie sa party ni Mae na magkahawak-kamay, magkakandong, at malambing na nag-uusap sila ni Iggy...


Naging "officially" sila ni Iggy pagkatapos ng party na iyon ni Mae...


....BACK TO PRESENT....


EUNICE: Grabe 'to! Kayo na naman ni Iggy 'ah! Ba't ba gusto mo pang gantihan si Katie?! Insecure ka siguro kasi parang ang bilis nakahanap ni Katie ng kapalit nuh? Ayaw mo siyang lumigaya nuh?!


Tama si Eunice...ayaw ngang lumigaya ni Girlie si Katie...pero itinago na lang ni Girlie iyon sa sarili...


GIRLIE: Basta! Bantayan mo sila! At kung sakali mang totoo silang mag-syota....e di sirain mo relasyon nila!

EUNICE: Grabe kang pinsan ko..oo! Hindi naman ako ganun kasama!

GIRLIE: Aba..talaga lang ah! Sa pagkakatanda ko yata eh lahat ng naging boyfriend mo 'eh "sinulot" mo lang sa mga dati nilang girlfriend...

EUNICE: Hoy..nakakasakit ka nang magsalita ah!

GIRLIE: Cousin...coz truth hurts!


At natahimik silang dalawa. Pagkalipas ng ilang minuto...


EUNICE: Pero lam mo, pinsan. Sa totoo lang...type ko si Aries 'ah. Tamang-tama at single ako ngayon...and it would be an easy job for me to seduce him...


At humalakhak ang dalawang mag-pinsan kasabay ng paghalakhak ng mga kontrabida sa pinapanood nilang Mean Girls...


TO BE CONTINUED...







SEASON ONE ENDER


Abangan ang Season 2: New Semester, New Endeavors
















1 comment:

KRANiNG said...

may exposure na rin c mama.. wow bidang bida ang buhay ko.. hehe