Wednesday, May 27, 2009

Episode 39: UP Pampanga Musical


Naliligo si Katie sa CR ng bago nilang apartment kinabukasan ng umaga nang kinatok siya nina Destiny at Lorraine...


DESTINY: Hoy, bilisan mo dyan! Male-late na tayo nyan sa klase natin eh. Hurry up!


Napakanta tuloy si Lorraine...


LORRAINE: Hurry up and wait...So close, but so far away...Everything that you’ve always dreamed of...Close enough for you to taste...But you just can’t touch... ( One Step at a Time by Jordin Sparks )


Samantala, nasa dresser naman si Melanie...


DESTINY: Oh, ikaw naman, Melai...ba't ba hindi ka pa nakabihis?

MELANIE: Hay...nahihirapan akong mamili ng isusuot na damit. Haayy..hirap kasi sa UP walang uniform...mag-iisip pa ko tuloy kung anong isusuot ko...

LORRAINE: Ito na lang... (hawak ang sleeveless na blue ni Melanie)

MELANIE: Ayoko nyan...nasuot ko na yan nung isang araw. Baka okrayin ako sa UPEPP kasi umulit ako ng damit sa isang linggo...


Napabuntong-hininga si Melanie at napatingin sa mga damit sa cabinet nya...at napakanta...


MELANIE: Trying to decide, trying to decide if I really wanna go out tonight. I never used to go out without ya, not sure i remember how to. Gonna be late gonna be late but, all my girls gon have to wait cause, I don't know if I like my outfit.I tried everything in my closet... ( T-Shirt by Shontelle )


Makalipas ang ilang minuto, pumasok na silang apat sa UPEPP para sa klase nila sa Araling Kapampangan...


Pagpasok nila sa AVR para sa A.K. class..nakita nila agad si Aries kasama sina Felix...


Nagkunwari naman sina Melanie at Katie na hindi nakita si Aries...


Samantala, sina Aries at Efren naman...


EFREN: Oh...ang mga ex-girlfriend mo...hehehehe

ARIES: Tss...

EFREN: Alam mo...nagulat talaga ako na nag-break agad kayo ni Melanie?! Three days pa lang kayo break na kayo.... (at napakanta siya) Tatlong araw lang pala ako naging maligaya...di ko man lang napuna...tatlong araw ko'y tapus na... ( Tatlong Araw by Parokya ni Edgar )


ARIES: Ingay mo!

EFREN: Bakit ba kasi kayo nag-break nyan ni Melanie?


ARIES: Basta... napaka-wala niyang puso... (at napakanta si Aries) In the night I hear 'em talk...The coldest story ever told...Somewhere far along this road... I lost my soul...to a woman so heartless...How could SHE be so heartless... How could SHE be so heartless?....
( Heartless by Kris Allen )


Napanganga na lang si Efren...


Nasa AVR na sila para sa A.K. class. Habang wala pa yung professor...


KATIE: Oh, Miguel...parang puyat na puyat ka 'ata...

MIGUEL: Halata na ba eyebags ko?

KATIE: Medyo..bakit ba napupuyat ka?

MIGUEL: Finals week na next week...andami pang papers na gagawin...di na ko makatulog ng maayos... (at napakanta si Miguel) Feels like insomnia ah ah, Feels like insomnia ah ah...Feels like insomnia ah ah, Feels like insomnia ah ah... ( Insomnia by Craig David )


Nang dumating na ang prof nila sa A.K.


A.K. PROF: Agpang king alamat, menibat la reng Kapampangan ketang metung a princesang Seleucid a menukanangan king lugal a makikilala nang Pampanga ngeni. Bayu la datang deng Castila, deng memalen a Kapampangan ing bibilug king keraklan kareng manuknangan ketang awsan dang Kayaryan ning Lusong deng kasulatan ning Ming Dynasty. Kilala la antimong negosyanti ampong talapaglibut...



Siyempre...nose bleed ang mga hindi Kapampangan..heheheh


A.K. PROF: Naintindihan niyo ba yung lesson? I hope... (napakanta rin siya).. I hope you comprehend...and I wanna fall from the stars...Straight into your arms...and I... feel you...I hope you comprehend... ( Stars by Simply Red )


Samantala, sa CR naman ng boys sa UPEPP, nananalamin si Kuya Karlo...


KUYA KARLO: Tamang-tama...ako lang ang nandito sa CR...magagawa ko na ang balak ko...


At nilabas ni Kuya Karlo sa bag niya ang make-up kit niya at siya'y naglagay ng foundation sa mukha niya...


Habang busy siya sa paglalagay ng foundation, biglang narinig niya ang pag-flush ng toilet sa isang cubicle...napalingon siya at nakita niyang lumabas ng cubicle si...


GLENNLLOYD: Kuya Karlo? (gulat) Anong ginagawa mo?


Pinagpawisan ng malamig si Kuya Karlo...nabitiwan niya ang hawak na make up kit at foundation...


KUYA KARLO: Ginagawa ko? Ah..eh..nananalamin..Ah..I--I (at napakanta siya) I'm staring at the man in the mirror...I'm asking him to change his ways... And no message could have been any clearer... If you wanna make the world a better place... Take a look at yourself and then make a change, yey.... Na na na, na na na, na na na na oh ho... ( Man in the Mirror by Kris Allen )


Samantala, sunod nang sunod si Celestino kay Eunice sa corridor ng UPEPP...


Naka-Holy Angel uniform pa si Celestino kaya pinagtitinginan siya ng mga estudyante ng UPEPP...


EUNICE: Ano ba? Ba't ba sunod ka nang sunod sa akin? Body guard ba kita or guradian devil?!!

CELESTINO: Naiinip na ako! Antagal-tagal ko nang nanliligaw sa'yo di mo pa rin ako sinasagot!

EUNICE: Ten years ka pa lang nanliligaw sa akin matagal na ba yun?! :p

CELESTINO: Kelan mo ba ako balak sagutin..ha?

EUNICE: Sasagutin kita pag pumuti na ang uwak...pati ikaw.. :p


At nagsimulang maglakad palayo si Eunice pero nahabol pa rin siya ni Celestino...


EUNICE: Ano ba!? Tigilan mo na nga ako! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na boyfriend ko na si Aries kaya tigilan mo na ako! Wala kang pag-asa sa akin!


CELESTINO: Ah..ganun... Pwes, balaan mo yang "boyfriend" mo na maghanda-handa na siya dahil hindi na siya sisikatan ng araw isa sa mga araw na ito...


At umalis na si Celestino palabas ng UPEPP...kinabahan naman si Eunice sa banta ni Celestino...


Sa klase sa Nat Sci 2, ang last class nila, nang pumasok si Aries sa classroom, nakita niyang walang katabi si Katie sa kanang upuan nito...


Naalala niya ang balak niyang gawin para kay Katie sa araw na ito...hihingi siya ng tawad dito....


May dala siyang malaking brownies na nakatago sa bag niya...


ARIES: Ano ba? Tatabihan ko ba si Katie o hindi? Hihingi na ba ako ng tawad ngayon o hindi?! Try to decide....try to decide...ano ba yan...napapa-musical na naman ako... Sige na nga...go...go...go...!


Papalapit na siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Katie nang biglang may nakatabig sa kanya mula sa likuran at iyon ang umupo sa tabi ni Katie...si Destiny...


DESTINY: Katie, friend! Alam mo ba....blah...blah...blah...


Dismayadong umupo si Aries sa pinakadulong upuan sa classroom....


DESTINY: Ang saya pa nga...wala nang pasok mula bukas hanggang Saturday. Makakauwi tayo agad...

KATIE: Naku...baka hanggang bukas pa ko. Ile-layout pa namin yung issue ng Frontliner para marelease na on Monday...ayun...

DESTINY: Ah, ganun ba! Hehehehe...nice naman... malalagay na pangalan mo sa dyaryo ng UPEPP...hehehe


Just then, pumasok na sa classroom si Ma'am Bognot pero may iba pa ring nagdadaldalang estudyante kaya...


MA'AM BOGNOT: Class...wag na maingay...maglelesson na ko...makinig na... Class...listen na... (at napakanta si Ma'am Bognot) Listen, to the song here in my heart... A melody I start... But can't complete... ( Listen by Beyonce )


Nang matapos na ang Nat Sci 2 class...


MELANIE: Haay..makakapagpahinga rin...matagal-tagal ding walang pasok..hehehe

DESTINY: O pano ba yan, friend...di ka namin makakasabay pauwing Manila? Mauna na kami...

KATIE: Sige..ingat.


Inabangan talaga ni Aries na makaalis na sina Destiny, Lorraine at Melanie para makausap nang sarilinan si Katie...


Nang makaalis na nga ang mga ito, agad nilapitan ni Aries si Katie..


ARIES: Katie...


Siyempre nagulat si Katie at nagtataka...at nahihiya dahil nga alam niya nang alam ni Aries ang "feelings" niya para dito...


KATIE: A---ano yun?! (nakayuko ito kay Aries)

ARIES: A---ano kasi..uhm...may gusto...sana akong---

KUYA LEWIS: Katie!


Napalingon sina Katie at Aries kay Kuya Lewis...


KATIE: Kuya...

KUYA LEWIS: Tapos na ba yung klase mo? Punta ka na agad sa Press Office..para makapgsimula na tayo agad makapag-layout for Frontliner

KATIE: Opo, sige, sunod na ko, Kuya... (kay Aries) Aries...sige...may gagawin pa ko...


At magkandatisud-tisod pang umalis si Katie papuntang press office ng UPEPP...


Pagkaalis naman ni Katie, napa-padyak ito ng kanang paa sa inis...


ARIES: Naman...ba't ba simpleng sorry lang di ko masabi kay Katie... Tsk...para naman akong torpeng manliligaw nyan eh!



Naglakad papuntang motor niya sa parking lot si Aries....


ARIES: Hay... ang mabuti pa antayin ko na lang lumabas si Katie...nang mamaya makapag-sorry na ako...


Sa bus station naman....kasabay nina Destiny at Melanie si Miguel na nag-aabang ng bus papuntang Cubao...


Nang biglang umulan nang malakas...


DESTINY: Tsk...naman...kung kelan naman pauwi tayo umulan oh!

MELANIE: Bad trip naman!

MIGUEL: Naku...ang malas naman oh! (at napakanta si Miguel) Blame it on the weather, but i'm a mess...and this February darkness has me hating everyone... ( Call it Karma by Silverstein )



Samantala, sa press office ng UPEPP, masigasig na nagbe-brainstorm, nagle-layout, at nagpo-proofread for the last time sina Katie at iba pang editorial staff ng Frontliner...


Walang kaalam-alam si Katie na hinihintay siya ni Aries sa parking lot ng UPEPP...


Gumagabi na... medyo naiinip na rin si Aries sa pag-aantay habang nakaupo sa motorsiklo niya...


ARIES: Ouch! Aray! Aray! Ouch!


Napansin bigla ni Aries na kinakagat siya ng mga langgam.. Tinanggal ni Aries ang bag niya...binukasan ito...


Nakita niyang medyo pisat na at nilalanggam ang brownies sa bag niya na ibbigay niya sana kay Katie...


ARIES: Tss...mga pesteng langgam naman...


Sa inis at sa gutom na rin, kinain na lang niya ang brownies with langgam toppings! :p


Madilim na ang langit pero nag-aantay pa rin si Aries...kinausap siya ng security guard...


GUARD: Totoy...antyaga mo naman mag-antay....gerlpren mo ba inaantay mo?


Napangiti si Aries...


ARIES: Hindi po chief, kaibigan ko lang po...

GUARD: Ah...babae siguro yan nuh? Alangan namang lalake, di ba?


Nakitawa na lang si Aries sa guard...


Samantala, nagjo-joyride naman si Celestino kasama ang frat nito sa buong Clark sakay ng kotse ni Celestino...


Kakaibang trip ang ginagawa nila sa Clark: mag-vandal ng mga traffic signs, magnakaw ng mga orange na pa-triangle na nakalagay sa mga daan...


CELESTINO: Mga tol, daan muna tayong UPDEPP...sa tambayan... shot tayo!

TOL 1: Sige brod!


At dinrive ni Celestino ang kotse papuntang UPEPP...


Samantala sa parking lot ng UPEPP...


GUARD: Totoy, ikaw muna sandali magbantay ah... CR muna ako..

ARIES: Sige, chief!


At nag-CR ang guard...at siya namang pag-park ng isang kotse sa tabi ng motor ni Aries...kotse ni Celestino...


Iniluwa ng kotse si Celestino at mga kasama nito...


CELESTINO: Mga tol...akalain niyo nga naman... kung sinuswerte oh...ito yung sinasabi ko sa inyong kinaba-badtripan ko dito sa school niyo eh! Siya ang gumugulo sa amin ng Eunice ko eh!


Nakaramdam ng kaba si Aries habang tinitignan ang mga kasamahan ni Celestino: member ng isang frat sa UPEPP ang iba sa mga ito...nakilala niya ang dalawa na sina Muraja at Mukstang...


MURAJA: Tino, mukha namang bading 'to, puta! Pinatulan ni Eunice ang baklang 'to?! Gago!


Naging Muraja ang pangalan nito dahil palamura ito. Nagiging period ng bawat sabihin niya ang mga mura na inuusal niya sa dulo ng mga sinasabi niya. :p


MUKSTANG: Waaahhh..bading!


Naging Mukstang naman ang pangalan nito bilang pagpapaikli ng “mukhang tanga” dahil mukha itong tanga... :p


CELESTINO: Mga tol...alam niyo na siguro gagawin...


Nagulat na lang si Aries nang biglang sikmuraan siya ni Celestino...sinapak ng iba pang lalakeng kasama nito, pinagtatadyakan naman siya nina Muraja at Mukstang nang mapatumba siya sa sahig...


Hindi na nakalaban si Aries dahil mag-isa lang siya...masakit niyang tinatanggap ang bawat suntok, tadyak, siko ng mga kasamahan ni Celestino at ni Celestino mismo...


Nakita ni Celestino sa desk ng guard ang isang mahabang batuta nito...kinuha niya ito at malakas na hinataw sa likod ni Aries dahilan upang mapasigaw si Aries sa sakit at mawalan ng malay...


Narinig ng guard mula sa CR ang sigaw ni Aries kaya nagmadali siyang isara ang zipper ng pantalon niya at tumakbo papuntang parking lot...


Nang makarating ang guard sa parking lot, nasaksihan niyang humarurot ang kotse ni Celestino paalis ng UPEPP...


Agad na kinuha niya ang walkie-talkie at ni-radyo ang isang guard sa Clark para paabangan ang kotse nina Celestino...


Biglang sumigaw ang guard habang binubuhat si Aries...


GUARD: Tulong! Tulong!


Narinig ng lahat ng nasa press office ang paghingi ng saklolo ng guard kaya agad nila itong pinuntahan...


Di makapaniwala si Katie nang makitang buhat ng guard ang duguang at walang-malay na katawan ni Aries....


TO BE CONTINUED....

Wednesday, May 20, 2009

Episode 38: Kaleidoscope

**********************************
ka·lei·do·scope

n.
1. A tube-shaped optical instrument that is rotated to produce a succession of symmetrical designs by means of mirrors reflecting the constantly changing patterns made by bits of colored glass at one end of the tube.

2. A constantly changing set of colors.

3. A series of changing phases or events

- Answers.com

**************************************************************


(Please turn on your speakers to hear the song playing..kailangan talaga pakinggan yung kanta para madama niyo yung episode...hehehe...)


Kinabukasan, nasa UPDEPP canteen sina Katie at Lorraine...


LORRAINE: Nakipag-break na si Melanie kay Aries...


Tahimik lang si Katie...alam niya na ang balitang iyon.


LORRAINE: Sabi sa akin ni Melanie, nakipag-break daw siya kay Aries dahil sa'yo...


Nasorpresa si Katie sa sinabi ni Lorraine...


KATIE: Ako?! (taas-kilay)


LORRAINE: Alang-alang daw sa friendship ninyo kaya niya gina--

KATIE: Whatever!

LORRAINE: Tsaka friend, nasabi raw ni Melanie kay Aries na...na mahal mo siya...si Aries...


Pinamulahan si Katie at nakaramdam ng galit sa binalitang iyon ni Lorraine...


KATIE: Ba't niya ginawa yun! Wala siyang karapatan para sabihin yun kay Aries!

LORRAINE: Nasabi niya lang iyon kay Aries para tantanan na siya nito..para makipag-break na si Aries sa kanya...

KATIE: Sikreto ko yun at wala siyang karapatang sabihin yun sa ibang tao! (galit na ito)

LORRAINE: Friend, hindi mo na ba siya mapapatawad? Si Melanie?

KATIE: Sa ginawa niya ngayon... hindi ko pa alam...


Sabay walk-out si Katie sa canteen....


Sa pagwo-walk out ni Katie, nakasalubong niya sa lobby si Kuya Lewis ang schoolmate niya nung high school at ang editor-in-chief ng college organ ng UPEPP: ang Frontliner


KUYA LEWIS: Katie...

KATIE: Kuya Lewis..bakit?


Graduating na si Kuya Lewis ng kursong Psychology.


KUYA LEWIS: Di ba nagsusulat ka dati sa dyaryo ng school natin nung high school?

KATIE: Opo..bakit po?

KUYA LEWIS: Magrerelease kasi kami ng editorial staff ng Frontliner bago magtapos ng klase....at iniimbitahan kitang magsulat ng article. Ok lang ba sa'yo?


Napangiti si Katie...


KATIE: Ok na ok!

KUYA LEWIS: Good! Sabihan na lang kita mamaya kung ano ang isusulat mo at kung kelan deadline...


**************************

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng mga aminang pag-ibig na naganap, naisipang umalis ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine at maghanap ng bagong mauupahan..


Ikinalungkot ng boardmates ang napipinto nilang pag-alis. Paano’y naging malalapit na silang magkakaibigan.


DESTINY: Ang dadrama niyo naman dyan! Magkikita pa naman tayo sa unibersidad kahit di na kami nakatira rito!


Nagpaalam sila nang maayos kay Aling Ester na hindi naman tutol sa pag-alis nila ngunit nalulungkot naman sa pag-alis nila.


Nalulungkot din naman silang apat nang magpaalam sila kay Aling Ester sa cafeteria. Paano’y napalapit na sila rito.


LORRAINE: Wag po kayong mag-aalala, Aling Ester. Minsan po dadalaw kami rito pag nagkaroon ng pagkakataon.


ALING ESTER: Mami-miss ko kayo... (may sinseridad na winika niya)


Ngumiti na lang silang apat kay Aling Ester.


Samantala, tinignan ni Aling Ester sina Katie at Melanie. Halata niyang hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang magkaibigan...


ALING ESTER: Pagpasensyahan niyo na si Aries ah. Alam ko namang si Aries ang dahilan ng pag-alis niyo rito...


MELANIE: Wala pong kasalanan si Aries sa pag-alis namin, Aling Ester. Sarili po naming desisyon ito....at isa pa...may kasalanan ako kay Aries...


ALING ESTER: Katie...alam kong minsan nagkakasagutan tayo nang dahil kay Aries... sana mapatawad mo ko sa mga alitan nating iyon...

KATIE: Aling Ester...kahit kelan po hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo.


ALING ESTER: Oh, siya, mag-iingat kayo sa lilipatan niyo, ah...at sana Katie, Melanie...magkaayos na kayo...


Nakadungaw si Aries sa bintana ng kwarto nila habang umaandar na palayo ang jeep na nirentahan nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine para maglipat ng gamit.


Labis na ikinalungkot ni Aries ang pag-alis ng apat. Aalis sila sa Hotel Lakandula nang dahil sa mga nangyari sa kanilang tatlo nina Katie at Melanie...


ARIES: Pero mabuti na rin siguro yun... Baka sakaling sa paglayo nila...makapag-move on ako...


Ngunit sa kaibuturan ng puso ni Aries, alam niyang hindi niya madaling makakalimutan si Melanie...


VOMER: Aries...


Napalingon si Aries kay Vomer na nasa pinto ng kwarto nila...lumapit naman si Vomer sa bintana at sinilip din ang papalayo ng jeep...


VOMER: Minsan ang pag-ibig, naisip ko...parang pulitika...napakagulo! Tulad ng sitwasyon natin: yung mahal ko, mahal ka...ikaw naman may iba kang mahal, yung mahal mo naman, may iba ring mahal...


Napangiti si Aries sa sinabi ni Vomer...


VOMER: Napakaswerte mo, tol! May taong nagmamahal sa'yo... ikaw ang nakadurog sa isang matigas na bato...


ARIES: Anong ibig mong sabihin?

VOMER: Naikwento minsan sa akin ni Katie ang tungkol sa nangyari sa kanila ng ex niyang si Iggy... Mula nung nag-break sila ni Iggy, nangako siya sa sarili niyang hindi na siya muling iibig... Naging manhid at bato ang puso niya nang dahil kay Iggy...


Napaisip si Aries habang nakikinig kay Vomer...


VOMER: Ikaw lang ang nakatibag ng pader na binuo ni Katie sa puso niya... Kaya sana...wag mong hayaang magtayo sya ulit ng pader sa puso niya nang dahil naman sa'yo...


Tinapik ni Vomer si Aries sa balikat... at alam nilang dalawa na magkabati na sila...


Binalikan nina Katie, Melanie, at Destiny sa apartment na inupahan nila nung first year sila. BAKANTE ITO. Ang apartment na iyon ay minumulto kaya umalis sila rito noon at lumipat ng Hotel Lakandula. Natakot naman si Lorraine nang malaman ito...


MANG ELMER (may-ari ng apartment na may lahing Intsik): Wak kayo alala.. hindi na minumulto ito apatment ko. Pina-feng shui ko na ito...Wala na masama espiritu..layas na sila...


Ilang araw pagkatapos nilang lumipat sa apartment na iyon...


DESTINY: Friends, totoo nga ang sinabi ni Mang Elmer. Ilang araw na tayo rito pero wala na ngang nakakaramdam ng multo.


At sa usapang multo, naalala nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine nang minsang magpanggap na multo si Aries para mapaalis sila sa Hotel Lakandula.


Natatawa na lang sila pag naaalala nila kung gaano sila katakot noon.


Samantala, hindi pa rin nagpapansinan sina Katie at Melanie sa apartment... may tensyon pa ring namumuo sa kanila...


Ilang eskinita lang naman ang layo ng apartment nila mula sa Hotel Lakandula kaya minsan, dumadalaw sa apartment nila ang ilan-ilang ex-boarmates para makipagkwentuhan...isa sa mga dumadalaw ay si Vomer....


IZEN: Naging roommate ko sina Jericka at Celle mula nang umalis kayo...sa kwarto na nila ako lumipat..


KATIE: Eh, kumusta naman sina Totz at Adan? Balita ko pareho silang nanliligaw sa'yo ah...hehehe


IZEN: Hay naku, Ate Katie...naguguluhan ako kung sino ang sasagutin ko sa dalawang mokong na yun... Hirap talaga pag maganda ka! =)


RYE: Tapos mga Ate, alam niyo ba...mula nang umalis kayo sa Hotel Lakandula, palihim na nilalandi ni Kuya Karlo si Aries sa tuwing sila lang dalawa sa veranda.


DOMENG: Isang gabi kasi, nahuli ko hahalikan ni Kuya Karlo si Aries nang minsang nakatulog si Aries sa upuan sa may veranda. Buti na lang nagising si Aries bigla. Mula noon, naging ilag na si Aries kay Kuya Karlo.


JERICKA: Akala kasi ni Kuya Karlo ay magugustuhan na siya ni Aries nang umalis kayo.

RAM: Asa naman siya...


Nagtawanan ang lahat habang pinagkukwentuhan si Kuya Karlo...


VOMER: Nga pala, kinakamusta kayo ni Aning Ester. Welcome na welcome pa rin daw kayo sa Hotel Lakandula kung kailanman ninyo naising bumalik...


Nginitian ni Vomer si Katie. Ginantihan din ito ng ngiti ni Katie...


KATIE: Ganun ba? Sige dadalaw kami minsan...nga pala, Vomer, kumusta na kayo ng girlfriend mo ngayon?


*****************

Dumalaw sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa Hotel Lakandula nung birthday ni Victor nung March 17. Nagpahanda kasi si Victor ng spaghetti, chicken, at sisig kay Aling Ester at nagkaroon ng "party"...


Sa cafeteria ginanap ang "party." May videoke na nirenta si Aling Ester...


JR: Hay...anong silbi ng sisig at videoke kung wala ang Empe--

ALING ESTER: Oooppss...ooppss...BAWAL!

VICTOR: Aling Ester naman napaka-unfair! Ba't nung debut ni Katie eh pumayag kayo?!

ALING ESTER: Vic...BAWAL ANG MAG-INUMAN NANG DI AKO KASALI! Hala..ilabas ang Emperador!


At nagsidatingan ang Empe Boys na sina Adan, Domeng, at Ram na may dalang tig-isang bote ng Emperador Brandy...


At nagsimula ang inuman, lasingan, at aminan ng damdamin...tulad ni Ram na umamin kay Celle na mahal niya ito matagal na....


Pagkatapos ng gabing yun, sina Ram at Celle na.. =)

At dahil sa nakainom, mukhang nagkakagustuhan na rin sina Jericka at Domeng... =p


Siyempre, ang conclusion ng lahat ng inuman party ay sukahan at hang-over.. =P


Nag-enjoy sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa pagdalaw sa Hotel Lakandula... Kahit na nandoon si Aries, hindi nagpapahalata ng tensyon sina Katie at Melanie...


Samantala, kakanta si Adan sa videoke...bago siya magsimulang kumanta...


ADAN: Francis Magalona...para sa'yo 'to!


At kinanta ni Adan ang "Kaleidoscope World"


I-CLICK niyo lang sa simula ng song kung gusto niyo ulit simulan..hehehe..



Kaleidoscope World - Francis Magalona Music Code



Habang nakikipag-inuman si Aries sa Empe Boys, hindi maalis sa isip at puso niya kung gaano siya nasaktan kay Melanie...


ARIES: Makaka-move on din ako... I still can get over you...


Ngunit naalala rin ni Aries ang sinabi sa kanya ni Vomer...


VOMER: Ikaw lang ang nakatibag ng pader na binuo ni Katie sa puso niya... Kaya sana...wag mong hayaang magtayo sya ulit ng pader sa puso niya nang dahil naman sa'yo...


At naisip ni Aries kung gaano niya naman nasaktan si Katie...


At may naisip gawin si Aries kinabukasan...


TO BE CONTINUED...


(This episode is a tribute to the late Philippine Master Rapper Francis Magalona)

Sunday, May 17, 2009

Episode 37: Love Hurts




(Please turn on your speakers to hear the song playing..kailangan talaga pakinggan yung kanta para madama niyo yung episode...hehehe...)


Kasalukuyang ginagamot ni Melanie si Aries sa mga pasa nito....


MELANIE: Uhm, Aries...may sasabihin sana ako tungkol kay...kay Katie...

ARIES: Ha? Ano yun?


Di alam ni Melanie kung paano sasabihin kay Aries ang naging away nila ni Katie...na si Aries ang dahilan...


MELANIE: Aries...nagkaroon kami ng away ni Katie...

ARIES: Ha? Bakit naman?

MELANIE: Kasi...ka---dahil sa'yo...

ARIES: Dahil sa akin?! Ano naman kinalaman ko dyan?!

MELANIE: Aries...nagseselos si Katie sa atin...m--mahal ka niya...


Natigilan si Aries sa sinabi ni Melanie. Di makapaniwala si Aries sa narinig...


MELANIE: Aries, ayokong magkasira kami ng kaibigan ko. Kaya sana...sa sasabihin ko sa'yo, maintindihan mo ako...


ARIES: Melai...

MELANIE: Aries...alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Katie... I'm letting you go...


ARIES: Hindi!

MELANIE: Aries..kaibigan ko si Katie at ayokong masaktan siya nang dahil sa akin...mahalaga siya sa akin...

ARIES: Ako ba hindi mahalaga sa'yo? Melai...paano naman ako...paano naman "tayo"? Paano ang sarili mong kaligayahan?

MELANIE: Aries...pareho kayong mahalaga sa akin ng kaibigan ko... at kung mahalaga man ako sa'yo, sana maunawaan mo ako sa desisyong gagawin ko...


ARIES: Mahalaga ka sa akin pero di ko maunawaan ang pagsasakripisyong gagawin mo alang-alang lang kay Katie... Melanie, wag mo naman akong bitawan...wag mo namang bitawan ang relasyon natin...


MELANIE: Aries, mahal ka ni Katie kaya subukan mong ibaling na lang sa kanya ang pag-ibig mo...


ARIES: Melai, hindi ganun kadali yun! Hindi madaling turuan ang puso na mahalin ang taong hindi mo mahal...

MELANIE: Aries, hindi mahirap mahalin si Katie...sana ma-realize mo yun...


At lumabas ng kwarto si Melanie at naiwang nakatingin si Aries sa kawalan...


Nagtungo si Melanie sa veranda. Sakto namang nakita siya ni Lorraine na kalalabas lang ng kwarto nila at nakita niya si Melanie na papuntang veranda kaya sinundan niya ito...


Naabutan ni Lorraine si Melanie sa veranda na nakatingin sa kalayuan...


LORRAINE: Melanie...


Napalingon si Melanie...


LORRAINE: Melanie...


Umupo silang dalawa sa bench ng veranda...


MELANIE: Lorraine, tingin mo ba masama ako?

LORRAINE: Ha? Bakit naman?

MELANIE: Nakipag-break na ako kay Aries alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Katie...

LORRAINE: Ha?! Bakit?!

MELANIE: Pero hindi lang yun ang dahilan ko kung bakit nakipagkalas ako sa kanya...

LORRAINE: Anong ibig mong sabihin Melanie?!


MELANIE: Sinagot ko si Aries kahit di pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya...sa pag-aakalang mas madali siyang mapapamahal sa akin kapag naging kami....pero hindi pala napipilit ang puso...hindi natuturuan...


Nagsimulang tumulo ang luha ni Melanie at nagpatuloy habang nakikinig sa kanya si Lorraine...


MELANIE: Kahapon, Lunes... nagkita kami ni Jerome...


... FLASHBACK ...



LUNES.. March 2, 2009: Nasa Tri Mo Shawarma Co. sa Lagro, Q.C. sina Melanie at Jerome at parehong kumakain ng shawarma sa isang table...


Naiilang sa isa't-isa sina Jerome at Melanie...


Si Melanie ay naiilang kay Jerome ay dahil sa pag-amin niya ng nararamdaman para sa lalaki nung huling gig ng banda nila nung Christmas Party...


MELANIE: Bakit mo ako tinext para pumunta rito?

JEROME: Gusto lang sana kitang kumustahin... Gumaganda ka ata ngayon ah...

MELANIE: Matagal na...di mo lang napapansin..hehehe..joke!


Nagawa pang magbiro ni Melanie kahit na ilang siya kay Jerome...


JEROME: Oo nga eh. Hindi ko lang napapansin...sana noon ko pa napansin...


At bigla na lang lumungkot ang mukha ni Jerome na ikinataka ni Melanie...

MELANIE: Jerome may problema ba?

JEROME: Melai..nakipag-break na ako kay Maricar...


Parehong natahimik sina Melanie at Jerome..Nagulat si Melanie sa sinabi ni Jerome kaya napakain ito ng shawarma...






Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ni Melanie...masaya siya dahil...alam na.. =)


Nagpatuloy si Jerome sa pagsasalita..



JEROME: Nakipag-break ako kay Maricar nang dahil sa'yo...


Lalo pang nagulat dito si Melanie dahilan para mapisil niya ang shawarmang hawak at tumapon ang ilang beef sa pita bread...


JEROME: Noong sa Star City...nung magkasama kayo ni Aries...nakaramdam ako ng selos sa inyong dalawa. Di ko alam nun kung bakit ganun nararamdaman ko...pero mula nun...habang tumatagal, I'm slowly falling in love with you...


Nag-init ang pisngi ni Melanie...kumabog ang puso niya. Kumabog din ang puso ni Jerome habang inaamin niya kay Melanie ang nararamdaman...


JEROME: High school pa lang..magkakilala na tayo...pero di kita pansin nun. Nanghihinayang ako sa mga lumipas na panahon..


MELANIE: Pero Jerome...hindi na pwede...sinagot ko na si Aries...boyfriend ko na siya ngayon...


Nalungkot si Jerome...


JEROME: I just wish I had ask you sooner...we could have ages...months...years maybe...


MELANIE: Sorry Jerome...I'd give up on you...

JEROME: Kung noon ikaw ang umasa at nag-antay nang matagal para mapansin kita...kaya ko namang magtyagang antayin ka kung kailan tayo magiging pwede...kahit gaano katagal..


... BACK TO PRESENT ...


LORRAINE: May feelings ka pa rin ba para kay Jerome?

MELANIE: Oo, Lorraine. meron pa rin... sobra-sobra...nag-uumapaw...

LORRAINE: Pero...paano si Aries?

MELANIE: Alam kong masasaktan siya pag nalaman niya...hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanya..hindi ko pa alam...


Niyakap at inalo sa likod ni Lorraine ang umiiyak na kaibigan...


Samanatala, nakatayo si Aries sa pinto ng veranda at narinig niyang lahat ng sinabi ni Melanie tungkol kay Jerome...


Lumayo si Aries sa pinto at pumasok sa deserted na kwarto nila at pabalibag na sinara ang pinto...


Sa galit, nasuntok ni Aries ang pader ng kwarto nila, itinumba ang study table, pinagsisipa ang mga bag na nakakalat, itinumba ang mga kutson ng bawat kama, inihagis ang mga libro, CD na porn at iba pang gamit na madampot...


Narinig ng lahat ng dormers ang ingay at sigaw ng pagwawala ni Aries kaya tumakbo sina Kuya Karlo, Adan, Jericka, at Domeng papunta ng kwarto ni Aries...


Binuksan ni Kuya Karlo ang pinto ng kwarto nina Aries at nakita nilang ihahagis na ni Aries ang isang PSP...


KUYA KARLO: Huwag!!!!!!!! Akin yan.....


At patakbong lumapit si Kuya Karlo kay Aries at pinigilan si Aries na ibalibag ang PSP...


Nang makuha ni Kuya Karlo ang PSP ay inihagis niya ito sa isang kutson...


Akma namang kukuha pa si Aries ng gamit na maihahagis nang pigilan siya ni Kuya Karlo sa pamamagitan ng pagyakap dito nang mahigpit..


KUYA KARLO: Aries tama na! Tama na! Lalo ka lang masasaktan nyan! May mga pasa ka na dadagdagn mo pa!


ARIES: Pabayaan mo ako!


Nagpupumiglas at nagsisisgaw si Aries kaya lalong hinihigpitan ni Kuya Karlo ang pagkakayakap kay Aries para pigilan ito...


Tumulong na rin ang ibang dormers para pigilan si Aries...kaya nawalan na ng enerhiya si Aries at naupo na lang sa sahig at nagsimulang humagulgol...


ARIES: Ang sakit-sakit...ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin, Melanie...magsama kayo ng Jerome na yun!!!!!


Samantala, naririnig nina Melanie at Lorraine mula sa veranda ang atungal ni Aries...


LORRAINE: Melanie, alam ni Aries ang tungkol kay Jerome...narinig nya tayo...


Samantala, natigilan at di umalis mula sa pagkakaupo sa kama sina Katie at Destiny...gulat sila sa pangyayari...


Makalipas ang ilang minuto, nakahiga na si Aries sa kama nito at may nebulizer na sinusubo. Inatake ito ng kanyang hika. Nasa kwarto rin si Aling Ester at sina Adan, GlennLloyd at Kuya Karlo...


ALING ESTER: Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula...makakaranas ang pamangkin ko ng pangs of disappointed love...


Patuloy pa rin ang paghinga ni Aries sa nebulizer...


ALING ESTER: O siya Aries...bababa lang ako sandali sa cafeteria nang maikuha kita ng tubig...


Lumabas si Aling Ester ng kwarto ni Aries.


Habang nakahiga sa kama niya si Aries at tapos nang gamitin ang nebulizer ay napatunganga siya...inaalala niya ang mga nangyari sa kanila ni Melanie sa Hundred Islands, sa Star City, ang date nila nung Valentines, ang pagkakakulong nila sa Clark Jail dahil sa overspeeding...


First love ni Aries si Melanie...at first heartbreaker ng puso niya...habang nakatulala siya, di niya mawari ang na ganun pala kasakit ang umibig at nasaktan..ang kirot na nararamdaman ng puso...

ARIES: Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sakit sa puso... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari...sana hindi na lang ako umibig kailanman...hindi pa pala ako handa sa ganito...




TO BE CONTINUED....





Love Hurts - Incubus Music Code


Monday, May 11, 2009

Episode 36: DotA Wars


Pagkakuha ng bag at gamit sa laboratory, nagmadaling lumabas ng UPEPP si Katie at sumakay ng jeep na nag-aabang sa waiting shed sa tapat ng UPEPP...


Di niya napansin na ang katabi niya pala sa upuan ay si...


VOMER: Katie...


Napatingin si Katie kay Vomer...at napansin ni Vomer na namumugto ang mga mata ni Katie at halatang galing ito sa pag-iyak...


Pagkarating ng jeep sa Clark Main Gate, kumain at nag-usap sina Katie at Vomer sa 7-11. Inorder ni Katie ang Siopao at Slurpee. Hotdog sandwich at Slurpee naman kay Vomer...


Nakaupo sila sa long table sa loob ng 7-11 kung saan tanaw ang labas...


VOMER: Katie, may problema ba?


Hindi alam ni Katie kung paano sisismulan ang sasabihin kay Vomer...


KATIE: Sina Melanie at Aries...


Pero di na naipagpatuloy pa ni Katie ang sasabihin...pero alam na ni Vomer ang gustong sabihin ni Katie...


VOMER: Nagseselos ka para sa kanilang dalawa...dahil mahal mo pa rin si Aries?


Takot si Vomer na malaman ang sagot ni Katie...lalo na nang tumango si Katie...


KATIE: Oo...mahal na mahal...


Napatingin si Vomer sa labas ng 7-11. Iniwas niya ang tingin kay Katie upang hindi ipakita dito ang selos at galit na nararamdaman niya na bumabakas sa kanyang expression ng mukha...


VOMER: Katie...


At ibinaling ulit ni Vomer ang tingin niya kay Katie...


VOMER: Katie...kung talagang mahal mo si Aries...bumibitiw na ako...

KATIE: Bumibitiw?


VOMER: Alam ko na ngayon na hindi ko kayang palitan si Aries dyan sa puso mo. Katie...kahit masakit para sa akin itong gagawin ko... I give up... I'm letting you go...



Click PLAY to hear the song playing...madamdamin yung song..hehehe





I Cant Make You Love Me - Kenny Rogers



Natigilan si Katie sa sinabi ni Vomer....Nagpatuloy naman si Vomer sa pagsasalita...


VOMER: Pero sana, para sa ikabubuti mo, i-let go mo na rin si Aries...para hindi ka na masaktan nang ganyan...marami pang ibang lalake dyan na kaya kang mahalin...


Tumayo si Vomer at lumabas paalis ng 7-11...palayo kay Katie...


Habang naglalakad palayo ng 7-11 si Vomer ay nakasalubong niya si Destiny na kababa lang ng jeep galing UPEPP...


DESTINY: O Vomer...

VOMER: Ate Destiny..

DESTINY: Nakita mo ba si Katie? Umalis na raw kasi siya ng UPEPP...baka sakaling nakita mo siya...

VOMER: Nasa 7-11 si Ate Katie. Sige, alis na ko...


At nagmadaling umalis si Vomer. Nagtaka naman si Destiny sa pagkakabanggit ni Vomer ng "Ate Katie"...


DESTINY: Ate Katie?


Pumunta ng 7-11 si Destiny at nakita niya nga doon si Katie...


DESTINY: Friend!

KATIE: Des...


Umupo si Destiny sa upuan sa tabi ni Katie...


DESTINY: Nasabi sa akin ni Melai...yung...yung away niyo...


Natahimik silang dalawa. Binasag lang ni Katie ang katahimikan...


KATIE: Nagkausap kami ni Vomer kanina bago ka dumating...he's letting me go na raw...


Bumuntong-hininga si Katie at nagpatuloy...


KATIE: Siguro, friend, tama si Vomer. Kailangan ko na ring i-let go si Aries. Sabi nga ng iba, if you love someone, set him free...Ganun nga talaga siguro...


DESTINY: Hay naku, friend! Nagpapaniwala kasi kayo ni Vomer sa mga quotations pareho tuloy kayo ang nasaktan!

KATIE: Pero, Des...

DESTINY: Minsan, Katie, kailangan mo ring ipaglaban ang pag-ibig...

KATIE: Des, ayoko nang ipaglaban...alam kong talo na ako...


Kinahapunan, sa kwarto nila sa Hotel Lakanadula, di nagpapansinan sina Katie at Melanie. May namumuong tensyon sa loob ng kwarto nila...


Nagbubulungan naman sina Lorraine, Destiny, at Izen...


LORRAINE: Magkaroon kaya ng Part 2 ang away nila...

IZEN: Exciting! Baka magsabunutan sila dito...

DESTINY: Mas masaya kung may sampalan effect pa tapos may magbibitiw ng pamatay na linya na: "Kahit kailan hindi siya naging sa'yo..." =p


Nagdo-DotA naman ang mga lalake ng Hotel Lakandula sa kalapit na internet shop...


LINE-UP TEAM "SENTINEL": Aries, GlennLloyd, Domeng, J.R., Rye

LINE-UP TEAM "SCOURGE": Vomer, Adan, Victor, Ram, Kuya Chico


Dahil walang kalaro si Kuya Karlo, nag-NEOPETS na lang siya.. :p


Gamit ni Aries ang Sentinel hero na si "Davion..."


Gamit naman ni Vomer ang Scourge hero na si "Razor..."


Dala ng galit at selos, unang inatake at pinapatay ni Vomer ang hero ni Aries na si Davion...


VOMZ first blood!


At nagpatuloy itong ginawa ni Vomer at paulit-ulit na napapatay niya ang hero ni Aries...


VOMZ is on a killing spree!


At walang habas na pinapatay ni Vomer ang hero ni Aries gamit ang "Radiance" sword...

VOMZ is godlike!

Hindi makabanat ng atake si Aries sa mga tira ni Vomer sa kanya. Napipikon na si Aries...malapit na siyang sumabog...


Samantala, sa canteen naman ng Hotel Lakandula ay nagki-crystal ball gazing si Aling Ester...


ALING ESTER: Hahhh! May nakikita ako sa aking mahiwagang bolang crystal... Maraming hindi makakabayad ng upa ngayon...wala na naman akong perang mapagkukunan...haayy...


Sumilip ulit siya sa bolang kristal...


ALING ESTER: Teka...teka...may nakikita akong...nagbabadyang kaguluhan...may giyera..may patayan..may sapakan..may suntukan..


At may naririnig si Aling Ester na mga nagsisigawan na mga lalake mula sa di kalayuan...at biglang dumating si Adan na humahangos...


ADAN: Aling Ester...sina Aries at Vomer po...nagsasapakan sa computer shop...

ALING ESTER: Ano?!


Patakbong nagpunta sina Aling Ester at Adan sa computer shop...


Nadatnan nila Aling Ester at Adan na nagsasapakan at nagsisigawan sina Vomer at Aries...habang pinipigilan sila ng Hotel Lakandula pipz at ng iba pang nandoon...


ARIES: Kanina mo pa ko pinag-iinitan eh!

VOMER: Ang sabihin mo...bano ka lang sa DotA kaya di mo ko matalo... Bano!


At nagsapakan ulit sina Vomer at Aries. Hanggang sa pareho silang bumagsak sa sahig dahil sa sapakan...Hinihila naman sila palayo sa isa't-isa ng iba pang nandoon... Nag-aalala naman si Kuya Karlo para kay Aries...


ALING ESTER: Pwede ba...itigil niyo na yang away niyo!!!!


Natigilan sina Vomer at Aries na nakataas pa ang mga kamay na akmang sasapakin pa nila ang isa't-isa...



Sa cafeteria ng Hotel Lakandula...lahat ng boarders ng Hotel ay nandoon habang pinapanood nila na pinapagalitan sina Aries at Vomer...pareho silang puno ng pasa sa mukha...


ALING ESTER: Nakakahiya kayo! Sa computer shop niyo pang naisipang mag-away! Paano kung nakabasag kayo ng isang computer dun!? Kaya niyo bang bayaran yon!? Sino ba kasing nagsimula ng away?!


Parehong nagturuan sina Vomer at Aries...


VOMER at ARIES: Si Aries po! / Si Vomer po!

ARIES: Eh..Tita, sira-ulo tong Vomer na 'to...niluluto ako sa laro namin..

VOMER: Hindi ka lang makapalag sa mga tira ko sa'yo kaya ka natatalo! Ugok!


At nagsimula ulit magsigawan ang dalawa na muntik nang humantong ulit sa sapakan kundi lang pinigilan ng mga dormers at ni Aling Ester ang dalawa...


ALING ESTER: Magsitigil nga kayo! Para kayong mga bata! DotA lang eh pinag-aawayan niyo! Ayan ba ang napapala niyo sa paglalaro ng computer games na yan!?

RAM: Aling Ester...ang DotA ay labanan ng dangal, labanan ng talino, labanan ng diskarte...

ALING ESTER: Kaya humahantong kayo sa patayan?! Eh muntik nang magpatayan tong dalawang 'to dahil sa DotA!


Natahimik ang lahat...


ALING ESTER: Kayo dyan, Aries..Vomer..magbati na kayo at magkamay...


Hindi kumibo sina Aries at Vomer...


LAHAT: Kiss...kiss.. *kiss sabay hug (repeat 10x).... :p


Hindi pa rin kumikibo sina Aries at Vomer...


ALING ESTER: Hay naku, bahala kayo kung ayaw niyong magbati! Wag na wag niyo lang gibain ang kwarto niyo pag nagsapakan pa kayo!


At lumisan na si Aling Ester...


Magka-room sina Vomer at Aries...nagdesisiyon ang dormers na paghiwalayin muna ng kwarto sina Aries at Vomer.


Willing si Kuya Karlo na makipagpalit ng kwarto kay Vomer...siyempre para makasama si Aries....hehehe :p



Sa kwarto naman nina Aries, ginagamot ni Melanie ang mga pasa ni Aries...


MELANIE: Ikaw naman kasi! Ano ba kasi talagang nangyari at nag-away kayo ni Vomer?

ARIES: Aba! Tawantado yang Vomer na yun eh! Aray naman!


Pinunasan kasi ni Melanie ng alcohol ang pasa ni Aries malapit sa bibig dahilan para mapasigaw ito...


MELANIE: Tama na! Tumigil ka na...

ARIES: Tss...

KUYA KARLO: Hay naku, Melai! Nasasaktan yang boyfriend mo sa panggagamot mo! Baka di pa gumaling yung pasa niya eh! Ako na nga lang manggamot dyan kay Aries...

ARIES: Tumigil ka Kuya Karlo...baka ikaw naman masapak ko...


Nanahimik na lang si Kuya Karlo...at lumabas ng kwarto...


ARIES: Nakakatuwa namang isipin... Nung may lagnat ka...ako ang gumagamot sa'yo...ngayon namang nasapak ako...ikaw naman ang personal nurse ko... :p


Napangiti na lang si Melanie...pero napawi rin ito nang maalala niya ang naging away nila ni Katie kanina...


MELANIE: Uhm, Aries...may sasabihin sana ako tungkol kay...kay Katie...



Samantala, sinilip naman ni Katie si Vomer sa kwarto nina Victor at Rye. Nakita niyang ginagamot si Vomer ng dalawa...


Hindi napansin ni Vomer na sinilip siya ni Katie dahil sa bintana ito nakatingin habang ginagamot ng dalawa...



Nag-usap sina Destiny at Katie sa kwarto nila...


KATIE: Haayyy..ba't kaya nag-away yang dalawang yun nang dahil lang sa DotA! Napaka-childish!


DESTINY: Alam mo friend, sa tingin ko lang, hindi naman talaga DotA ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang yan...

KATIE: Ha? E ano naman?

DESTINY: Nagseselos si Vomer kay Aries nang dahil sa'yo...pinainit lang ng laro ng DotA nila ang selos na yun...



TO BE CONTINUED...




Monday, May 4, 2009

Episode 35: Discord and Enmity


*********************

" Hay naku...talaga naman yung Aries na yan. His gift for spreading discord and enmity is very great." (Lorraine Manliclic, 2009) *

* see Episode 32: French Bread

********************

Umuusad na ang bus paalis ng mainland ng Hundred Islands...ang mga islang nagdulot ng "hundred" shattered dreams and "hundred" sad memories kay Katie bunga ng tagpong nakita niya kanina...


Malungkot na nakadungaw lang si Katie sa bintana habang unti-unting nawawala sa view ang dagat at ang mga isla...


KATIE: Aries...ano bang meron ka at ikaw pa rin ang hanap ng puso..kahit na alam kong hindi ako ang hanap mo...


Samantala, napansin ni Vomer na walang imik ang katabing si Katie. Alam ni Vomer ang bumabagabag kay Katie: ang halikan nina Aries at Melanie...


Lihim na nasasaktan si Vomer...nagseselos si Vomer...nagseselos siya dahil sa mga ipinapakita ni Katie na si Aries pa rin ang mahal nito...


VOMER: Katie...ano bang meron kay Aries kung bakit patuloy mo pa rin siyang minamahal?


Habang sa likod na upuan naman nina Katie at Vomer ay magkatabing natutulog sina Aries at Melanie habang magkahawak ng kamay. Nakahiga si Melanie sa balikat ni Aries...


************************


MARCH na!!!


Isang Tuesday ng umaga sa UPEPP canteen...


GAY FRIEND 1: It's official, girl! Sina Aries at Melanie na...noong field trip pa...

GAY FRIEND 2: Kay Kuya Piloto lang umubra ang "Mummy-inspired Fashion Statement" mo nung Saturday pero wa-epek naman kay Aries...

EUNICE: Ay puta, mga par?! Manahimik nga kayo! May magagawa pa ko para mapag-break yang sina Melanie at Aries nuh! Alam niyo naman, what Eunice wants...Eunice gets!

GAY FRIEND 1: Par, may binabalak kang masama nuh?

GAY FRIEND 2: Natural! Parang di mo naman kilala yang par nating si Eunice! E likas na salbahe yan!


EUNICE: Hoy, bakla! Hindi ako salbahe nuh! Hindi ko lang ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga mababait na tao! :p

GAY FRIENDS 1 & 2: Whatever!


At nagulat si Eunice at nanlaki ang mga malalaki na nitong mga mata nang may biglang humalik sa kanya sa kanang pisngi...kaya nilingon niya ito at nasampal.


CELESTINO: Aray! Ang sakit naman nun!

EUNICE: Paano ka nakapasok dito sa UPEPP?!

CELESTINO: Tinatanong pa ba yan?! E napaka-lax ng security dito sa school niyong bulok! Ilang beses na nga akong nakakapasok dito di ba?!


Si Celestino ang "maitim" na manliligaw ni Eunice na nag-aaral sa Holy Angel.

GAY FRIENDS 1 & 2: (pabulong) Tsaka sa itim niyang yan...inakala siguro ng guard na anino lang siya kaya di napansing pumasok!

CELESTINO: Ano?! May sinasabi ba kayong dalawa dyan?!

GAY FRIENDS 1 & 2: Secreeeeet!!!!!!

CELESTINO: Lumayas nga kayong dalawa dito! Sapakin ko kayo eh!

GAY FRIENDS 1 & 2: E di sapakin mo...sasabunutan ka na--


Pero nahintakutan ang dalawa nang biglang sinuntok ni Celestino ang table nila kaya nagmadaling luumabas ang gay friends...


Nagsitinginan din ang ibang tao sa canteen sa ginawang ingay ng suntok ni Celestino...


EUNICE: Ano ba kasing kailangan mo at nandito ka?!

CELESTINO: Yayayain lang sana kitang manood ng sine..."Date" kung baga...

EUNICE: Ayaw nga kitang kasama! Andilim-dilim sa sinehan...hindi kita makikita.. :p

CELESTINO: Ito naman..masyado ka ah! Sige na...nood tayong "You Changed My Life."

EUNICE: He! You Changed My Life..You Changed My Life ka dyan! YOU CHANGE YOUR COLOR muna! :p


Sabay sibat si Eunice sa canteen...


*******************

Samantala, nagsasagot ng Teacher's Evaluation Sheet sa laboratory room ang Psych 2A.. Chem 16 class kasi nila ngayon...


Si Ma'am Fermions ang ine-evaluate nilang teacher. Habang nagsasagot ng evaluation sheet ang Psych 2A, nilalatag ni Ma'am sa bawat sink ng estudyante ang mga chemical na gagamitin sa Chemistry Experiment ngayon...


Nang pumunta si Ma'am Fermions sa sink nina Miguel para ilagay ang chemicals, napatingin si Ma'am Fermions sa evaluation sheet ni Miguel.


Kasalukuyang sinasagutan ni Miguel ang question na ito:

******************

What grade do you expect to get from this course? Encircle one.

1.0 1.25 1.5 1.75 2.0 2.25 2.5 2.75 3.0 4.0 5.0 DRP. INC.

******************

At binilugan ni Miguel ang:





MA'AM FERMIONS: Uno?!! Nagpapatawa ka ba? =)


Napatingin naman sina Katie at Melanie kay Miguel...ganun din ang buong Psych 2A na nasa lab din...


Napakamot na lang ng ulo si Miguel...


MIGUEL: Ma'am naman eh! Minsan naman libreng mangarap kahit paano. :p


Pagkatapos magsagot ng teacher's evaluation ng lahat, nagsimula na sila sa kanilang experiment...iniwanan muna sila ni Ma'am Fermions habang ginagawa nila ang experiment...


Habang naghahalo ng chemicals ang lab partners na sina Katie at Melanie...


MELANIE: Friend...may sasabihin ako sa'yo...


Excited ang tono ni Melanie kaya nahulaan na ni Katie ang sasabihin ng kaibigan sa kanya...kaya natigilan siya sa paghahalo ng chemical...


MELANIE: Kami na ni Aries...noong field tr--

KATIE: Congrats sa inyong dalawa (labas sa ilong)


Napansin ni Melanie na hindi nakatingin sa kanya si Katie. Nagpatuloy naman sa paghahalo ng chemical si Katie na parang galit...


At isa pa sa napansin ni Melanie ay ang malamig at parang labas sa ilong na pagkakasabi ng kaibigan ng "Congrats sa inyo"


Tumigil sa paghahalo si Katie ng chemical pero nakatingin pa rin siya sa beaker ng chemical na hinahalo niya kanina.


Napatingin din si Melanie sa beaker at napansin niyang may likidong pumapatak sa itaas ng chemical...mga luha ni Katie...



KATIE: Labas lang ako sandali. Nakakaiyak kasi 'tong chemical na 'to. Ang sakit sa mata...


At dali-daling lumabas si Katie habang pinangpupunas sa mga luha ang kanyang mga kamay...


Alam ni Melanie na hindi dahil sa "xenon tetrafluoride" naluluha si Katie kaya sinundan niya ito palabas...


MELANIE: Katie?!


Ngunit wala si Katie sa corridor sa labas ng lab...


Nakita ni Melanie si Katie sa bakanteng classroom sa kanan ng ng laboratory. Nakaupo si Katie sa teacher's table at umiiyak...nilapitan ito ni Melanie...


MELANIE: Katie...

KATIE: Ba't ka nandito?!

MELANIE: Bigla ka kasing umalis kanina at nag-aalala ako kasi umiiyak ka...baka kasi may problema ka---

KATIE: Wala akong problema!! Naiyak ako dahil sa reaction ng xenon tetrafluoride sa mata ko!

MELANIE: Friend, wag ka nang magsinungaling. Hindi nakakaiyak ang chemical reaction ng xenon tetrafluoride!! Katie...ano bang problema mo?!


KATIE: Problema ko?! Anong problema ko!? Gusto mo talagang malaman!?! Pwes...nagseselos ako sa inyo ni Aries dahil mahal ko si Aries!! At higit sa lahat...inagaw mo sa akin si Aries...


Natigilan si Melanie sa pag-amin ng kaibigan. Ganun din si Katie dahil di niya inaasahan na masasabi niya ang mga katagang iyon kay Melanie dala ng matinding selos at galit sa kaibigan...


Nag-walk out si Katie palabas ng classroom...


Sa paglabas ni Katie, nanatiling nakatayo si Melanie sa classroom at nage-echo sa kanya ang sinabi ni Katie...


KATIE: Nagseselos ako sa inyo ni Aries dahil mahal ko si Aries!! At higit sa lahat...inagaw mo sa akin si Aries...


Ayon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng matinding away ang magkaibigang sina Katie at Melanie...at ayun ay dahil kay Aries...



TO BE CONTINUED....