Saturday, January 10, 2009

Episode 24: Northern Downpour




Nginitian ni Vomer sina Katie at Aries. Ngumiti naman si Katie. Di naman maipinta ang expression ni Aries...


At pumasok na si Vomer sa room nila...


Napansin naman ni Katie ang expression ni Aries na parang...


KATIE: Alam mo, Aries... para yatang nagseselos ka...


Sa isip-isip ni Katie habang tumitibok ang puso niya...


KATIE: Hindi kaya..kaya nagseselos si Aries ay dahil...dahil...


At binulungan ni Aries si Katie...


ARIES: Oh..iniisip mo siguro na nagseselos na naman ako? Siyempre..dahil nagpapanggap tayo eh kailangan kong umakting...tabi na dyan..maglalaro na ko...


Medyo disappointed na umalis si Katie dahil sa sinabi ni Aries...pero di niya ito pinahalata kay Aries...at wala rin namang pake si Aries kahit nahalata niya ito...


*************

Isang gabi kinabukasan, nag-aaral ang halos lahat ng dormers ng Hotel Lakandula sa table lounge...


CELLE: Uy, Jericka. Ang hiraps naman ng problems na 'to. Please helps me to finds what's the rights answers...

JERICKA: Ba't naman may "s" lahat ng sinabi mo? Sige, tuturuan kita..


CELLE: THANK TO YOU.. :p

JERICKA: "Thanks" to you dapat! Ngayon naman kung kelan kelangan ng "s" yung salita wala ka namang "s"

CELLE: Naubusan na ko ng "s" eh... :p


Naglilinis naman ang tagalinis ng Hotel Lakandula na si Ate Cherry sa lounge gamit ng vacuum cleaner....


At bigla na lang, tinawag si Ate Cherry ni Aling Ester mula sa cafeteria sa ibaba...


ALING ESTER: Cherry! Tipa ka keni keng cafeteria! Atin ku sabyan keka. (Baba ka dito sa cafeteria. Meron akong sasabihin sa'yo)

ATE CHERRY: Patipa na ken, Atse! (Pababa na dyan, Ate)


At bumaba na si Ate Cherry...


Napatingin naman si Victor sa vacuuum cleaner... At may naisip si Victor na gawin sa vacuum cleaner...


Tumayo si Victor at tumayo sa ibabaw ng vacuum cleaner. At pinaandar niya ito... at umikot-ikot ang vacuum habang nakasakay dito si Victor...nakatagal siya sa vacuum ng mga 3 seconds


Tawa naman ng tawa ang mga dormers...Inulit pa ito ni Victor...



VICTOR: Hotel Lakandula pipz! Watch and learn!


Nakatingin naman si Aries sa ginagawa ni Victor.. At na-elibs siya rito...


At napansin niyang elibs na elibs din si Melanie sa ginagawa ni Victor kaya...


At para na rin magpasikat kay Melanie...



ARIES: Ako nga, Victor, pasubok nyan...


At sumakay nga si Aries sa vacuum at pinaikot. Pero di siya nakatagal sa vacuum... mga 1 second lang siya sa vacuum...


ARIES: Ang hiwap naman nito... (at bumaba ito sa ibabaw ng vacuum)

MELANIE: Nagmamagaling kasi!

VICTOR: Ako nga dyan, Kuya Aries. Hina mo! Di ka pa karapat-dapat na maging Hokage Ninja! Hindi mo pa natututunan ang Vacuum Cleaner Technique!


At sumakay ulit si Victor sa vacuum. Nang pagsakay niya sa vacuum...


ARIES: Ate Cherry!


Kabadong napalingon naman si Victor...


ARIES: Joke lang! Hehehe...


At pinagpatuloy naman ni Victor ang pagsakay at pagpapaikot niya sa vacuum... Kumaway-kaway pa si Victor bago pinaikot ang vacuum...


At pinaikot niya ang vacuum...at nakatagal si Victor sa umiikot na vacuum ng 6 seconds...


Tuwang-tuwa naman ang lahat...


OPEN YOUR SPEAKERS AT PANUORIN NIYO YUNG VIDEO NG "VACUUM CLEANER ESCAPADE NG HOTEL LAKANDULA DORMERS"...hehehe...




***********

AUTHOR'S NOTE:
Pag ayaw gumana ng video dyan sa blog, punta kayo sa link na to para mapanood nyo yung video..hehehe. Mas nakakaaliw kasi pag napanood niyo yung video...hehehehe:

LINK: Ang Vacuum Cleaner

*************

DECEMBER NA!

Isang gabi ng December 1... bumili sa cafeteria ng Hotel Lakandula si Katie..


KATIE: Aling Ester, isa nga pong Pulpy Orange...


Binigay ni Aling Ester ang Pulpy Orange na drink kay Katie at binayaran ito ni Katie...


KATIE: Thank you po, Aling Ester...


Paakyat na sana ng hagdan si Katie nang...


ALING ESTER: Katie, iha. May gagawin ka ba?

KATIE: Wala naman po, bakit po?

ALING ESTER: Pwede ba kitang makausap?

KATIE: Naku, Aling Ester...sorry po at hindi pa ko nakakapagbayad ng upa rito. Gipit pa kasi si Mama. Di pa namin natatanggap padala ni Papa galing Dubai..

ALING ESTER: Hindi...hindi tungkol sa upa mo...

KATIE: Eh, tungkol saan po?

ALING ESTER: Sa...sa...relasyon niyo ng pamangkin ko...


Di maitatago ni Katie ang gulat niya kay Aling Ester...


At pagkalipas nga ng ilang minuto, nakaupo sila sa isa sa mga table ng cafeteria...di mapakali si Katie...nakasarado ang dalawa niyang mga kamay at ginagalaw-galaw ito...


ALING ESTER: Paano ba kayo nagkaligawan ni Aries?

KATIE: Ah..eh...mabilis po kasi ang lahat eh. Basta po nung sembreak, nagkita kami sa Gateway sa Cubao nang di sinasadya...tapos nag..nagbonding kami nun...tapos ano po...kami na nung araw na yun...birthday niya po nun... Actually, noong November 24 ang monthsarry namin...


Sa isip-isip naman ni Katie...


KATIE: Whew! Feel na feel ko namang kami ni Aries! May monthsarry pa kong nalalaman! Ang dami namang kasing nagtatanong tungkol sa min ni Aries! Pati ba naman si Aling Ester inintriga ako! Naku talaga...


Tumango-tango naman si Aling Ester at ginugunam-gunam ang mga kinuwento ni Katie...


ALING ESTER: Mabilisan nga talaga yung sa inyo ni Aries nuh...

KATIE: Ganun na nga po...


Sabay ngiti si Katie kay Aling Ester. Pero di siya nginitian ni Aling Ester, sa halip, seryoso ang mukha nito...


ALING ESTER: Katie, iha. Kilala ko yang pamangkin ko. Di pa nagka-girlfriend yan...natakot makipagrelasyon yan dahil sa nangyari sa Daddy at Mommy niya... Kaya sana..wag mo siyang saktan...


Hinintay ni Aling Ester na sumagot si Katie. Pero nang di nagsalita si Katie, nagpatuloy si Aling Ester...


ALING ESTER: Nakapag-usap na kami ni Aries dati...nung hinalikan niya nang di sinasadya si Melanie. Inakala ko nun na si Melanie ang napupusuan niya... pero bigla na lang na naging kayo...


Natigilan si Katie sa sinabing iyon ni Aling Ester...


ALING ESTER: Katie, wag mong masamain itong sasabihin ko ah. Pero pinag-iingat din kita na baka saktan ka rin ni Aries. Naisip ko na kaya ka niya niligawan ay para...para kalimutan si Melanie...dahil di siya mahal ni Melanie...


Nagpantig ang tenga ni Katie sa sinabing iyo ni Aling Ester.


KATIE: So, pinapalabas niyo po na ginagawa akong panakip-butas ng pamangkin niyo?

ALING ESTER: Hindi naman sa ganun pero...

KATIE: May gagawin pa po ako, Aling Ester. Pasensya na.


At tumayo si Katie sa kinauupuan at umakyat na sa hagdan patungo ng kwarto nila...


Ngunit hindi tumuloy ng kwarto si Katie, sa halip, nagpunta ito ng veranda, umupo sa bench at napaisip siya sa sinabi ni Aling Ester habang tinutungga ang Pulpy Orange niya...


KATIE: Tama nga si Aling Ester...Ginagawa lang akong "panakip-butas" ni Aries... Alam ko namang hindi ako mahal ni Aries at nagpapanggap lang kami. Ako lang 'tong si assuming na umaasa na sa pagpapanggap namin...magustuhan niya ako...


At narinig ni Katie na bumukas ang pinto ng veranda kaya napalingon siya dito...


Si Aries ang nasa pinto at may dala itong gitara...


ARIES: Oh, ba't nag-iisa ka dyan sa veranda? Para kang naglalasing dyan ah! Ano yang iniinom mo? Red Horse?

KATIE: Oo..Red Horse 'to na Orange flavor! :p

ARIES: Oh, ba't ka naman nagsesenti dyan?

KATIE: Ah...eh..wala... Gusto ko lang mapag-isa sana... Ikaw?

ARIES: Ito...nanghiram ako ng gitara kay Victor. Walang magawa eh...

KATIE: Marunong ka palang magitara?

ARIES: Oo naman! Tugtugan pa kita ng composition ko eh!


At umupo si Aries sa tabi ni Katie... Napatingin si Aries sa langit...


ARIES: Ang ganda pala ng buwan ngayon oh...parang nakangiti...


Napatingin si Katie sa langit...at natuwa nga siya sa nakita..parang nakangiti ang buwan...


MoonSmiling


ARIES: Anong gusto mong tugtugin ko? (sabay posisyon ng gitara)

KATIE: Ha? Ah..eh..kahit ano...


ARIES: Oh, ito na lang..tungkol sa buwan 'tong tugtog ko. Dahil sa ganda ng buwan ngayong gabi akalain mong naka-compose agad ako ng kanta tungkol dito... Composition ko 'to ah!

KATIE: Maniwala ako! Asa!


ARIES: Tsss! E di wag kang maniwala! Yan na, tutugtugan na kita...


At nag-strum na ng gitara si Aries at nagsimula nang tumugtog...


Click PLAY to hear the song. Maganda yung song promise. Basahin niyo na rin yung lyrics habang pinapakinggan yung song...




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com







SmartLyrics | Northern Downpour



Habang tumutugtog si Aries at kumakanta, di maiwasang kiligin si Katie...nakatingin siya sa nakangiting buwan sa langit habang nakikinig kay Aries...


Sa sobrang kilig, halos nalimutan na niya ang mga bumabagabag sa kanya kanina...na ginagawa lang siyang panakip-butas ni Aries...


Si Aries naman, habang tinutugtog at kumakanta, ang nasasaisip niya ay si Melanie...na sana siya ang kasama niya sa mga panahong ito..na napakaromantic ng gabi dahil sa kakaibang formation ng buwan na parang nakangiti...



Nang matapos ang kanta, pumalakpak naman si Katie.


KATIE: Wow naman.. Anong title ng kantang yun tsaka sino kumanta?

ARIES: Compose ko nga! Kulit nito!

KATIE: Naman 'to eh! Sino na kumanta?

ARIES: Northern Downpour yung title, Panic! At the Disco kumanta...pero ako compowser!

KATIE: Oo na..ikaw na compowser! :p


Nagsimula ulit tugtugin ni Aries yung kanta...at biglang may naalala si Katie...


KATIE: Teka...Panic! yung kumanta nyan?

ARIES: Yep!

KATIE: Paborito ni Melanie ang Panic!

ARIES: Ganun?

KATIE: Oo...halos nga mawakwak na lalamunan nun kakanta ng mga kanta ng Panic! pag kami lang sa kwarto namin... :p


Naglabas ng cellphone si Aries at inilapag sa bench ito. Nakita ni Katie na nasa "voice recorder" na icon ang cellphone ni Aries...


ARIES: Irerecord ko ulit yung kanta sa cellphone ko...tapos ibluetooth ko sayo...tapos ipakinig mo kay Melanie...ok ba?


Natigilan dun si Katie. Gusto niyang sigawan si Aries na nagseselos siya...pero naalala niyang "nagpapanggap" lang sila kaya pinigilan niya ang sarili...


Napansin naman ni Aries na nakatulala si Katie kaya...


ARIES: Katie?

KATIE: Ay..ano na nga pala?

ARIES: Payag ka bang irecord yung kanta ko tapos ipapakinig mo kay Melanie sa cellphone..


KATIE: Uhm... oo naman.. Sa cellphone ko na lang magrecord. May recorder din naman cellphone ko...

ARIES: Ok...sige..game! Recording na!


At habang tumutugtog at kumakanta na ulit si Aries at nirerecord ni Katie sa cellphone niya ang kanta...


KATIE: Sinasabi ko na nga ba....para talaga kay Melanie ang kinanta niya at hindi para sa akin...



At sa tingin ni Katie, parang bumaligtad ang nakangiting buwan at sumimangot mula sa kalangitan...


TO BE CONTINUED...

4 comments:

mAyKeE said...

AUTHOR'S NOTE:

The song Northern Downpour means:

The song is all about the loneliness felt by the boy everytime it rains. Because when it rains, he could remember his girl. The moon was mentioned because in the prehistoric times, they believe that it may bring a supernatural phenomenon. In spite of his solitude, he wishes that she will be fine. (Hey moon, please forget to go down.) Clear?

(nagmamagaling! :p)

mAyKeE said...

THE SMILING MOON PHENOMENON:

The smiling moon phenomenon happens every 48 years. The planets Jupiter and Venus closed in along with the earth’s only lone satellite, which we know as our moon forming a smile.

Three celestial objects crowded together will be merely an illusion of perspective: the moon will be only about 251,400 miles (403,900 km) from Earth, while Venus is nearly 371 times farther away, at 93.2 million miles (149.67 million km). Meanwhile, Jupiter is almost 2,150 times farther away than our natural satellite at 540.3 million miles (869.0 million km).

(isa pang nagmamagaling! :p)

KRANiNG said...

natawa ko sa pulpy orange.. saka ung vdeo ng vacuum... ang saya alalahanin.. haha

mAyKeE said...

VIDEOS. LYRICS, PICTURES.


* Vaccum Cleaner Escapade Video. Courtesy of Bryan. Ang Vacuum Cleaner

* Smiling Moon Image. Courtesy of donmeurett. Moon Smiling

* Northern Downpour Scroller Lyrics. Retrieved from SmartLyrics.com. Website: Northern Downpour