Tuesday, October 28, 2008

Episode 9: The New Dorm Mate




Sa UPEPP...di na maikakaila na maraming nagkaka-crush kay Aries...




Bilang transferee sa UPEPP, um-attend din siya sa Freshmen Orientation na ginanap last week na ng June sa gym ng UPEPP...


Nakatayo sa likod ng gym sina Katie at ang mga kaibigan niyang sina Corrine at Phey kasama ng kanilang orgmates na Association of Economics Students (AES).


Pinaghahandaan nila ang gagawin nilang presentation sa Freshmen Orientation Program...


PHEY: Katie, Corrine...kilala niyo ba yung Aries daw?


Nainis si Katie sa pagkabanggit ng pangalang Aries...pero di niya na lang pinahalata kina Faye at Corrine...


KATIE at CORRINE: Hindi...bakit?

PHEY: Naku...crush daw ng mga blockmates ko...Pinag-uusapan nga nila kanina eh...gwapo raw yun.


KATIE: Gwapo?! Eh mukha kayang unggoy yun! Hoy...sabihin mo sa mga blockmate mo na mag-eyeglasses sila at sa halip na pagtsismisan nila yung Aries na yun eh pag-usapan na lang nila kung pano paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas! Mga Business Economics pa man din kayo...


CORRINE: Hoy, Katie..easy ka lang naman...

PHEY: Teka...akala ko ba hindi mo kilala yung Aries na yun?!

KATIE: ...


PHEY: Uyyy..kilala niya... Nandito ba sa gym? Freshie rin ba yun?

KATIE: Hindi...transferee lang...

CORRINE: Hoy, Katie..ituro mo naman...nandito ba siya sa gym?

KATIE: Ayun...katabi nung naka-red na lalake na nakasalamin...


At tinuro ni Katie si Aries na katabi ni GlennLloyd. Malapit sina Aries at GlennLloyd sa pwesto ng org na SAKANA (Samahang Kapampangan na Nagkakaisa)...


PHEY: Ahhh..yun pala si Aries...

KATIE: Yah! O di ba sabi ko sa'yo mukhang unggoy? At hindi siya gwapo...

CORRINE: Oo nga, Katie...hindi siya gwapo...

KATIE: Kitam!

PHEY: Dahil siya ay gwapong-gwapo... Oh, Lord...mahihimatay na ko... Aries..catch me...I'm falling...

KATIE: ANO BA?????? Ba't lahat kayo ang lalabo ng mga mata niyo pagdating kay Aries...???????

CORRINE: Fren, ikaw yata ang malabo ang mata at kailangang mag-eyeglasses...

PHEY: Nga pala, pano mo nakilala yang Aries na yan at parang galit ka dyan...


At kinuwento ni Katie na boardmate nila ito at ubod ito ng suplado...


CORRINE: Naku...hayaan mo na...Ganyan talaga lahat ng gwapo....mga suplado...

KATIE: Ano ba? Hindi nga siya gwapo para magsuplado!!

PHEY: Teka...teka...teka... Tignan niyo yun guys oh! Kung makatingin sa Aries ko eh para na niyang hinuhubaran sa tingin si Aries...


At tinuro ni Phey ang isang babaeng member ng org na SAKANA na kung makatingin kay Aries ay ganito:













At nagsimula na ang Freshmen Orientation Program sa gym...




Nang patapos na ang program...pumunta sina Katie, Corrine at Phey sa pwestong malapit kay Aries...nakita nila dun sina Melanie at Destiny...







DESTINY: Uuuyyy...nandito rin pala kayo?



KATIE: Oh, kayo rin...teka...mukhang naisip niyo rin ang naisip namin???



MELANIE: Tingin ko nga rin, Katie..



CORRINE at PHEY: Wicked!




Pareho nga sila ng naiisip lahat...nang ending na ng Freshmen Orientation Program...binuhusan lahat ng freshie ng harina at gawgaw ng bawat members ng Org/Frat/Sorro. At dahil na-carried away pa sila sa paglaganap ng terorismo, nagbuhos pa sila ng tubig. Sabay sigaw sila ng “Welcome Freshies!”





Siyempre...sinabuyan nina Katie, Melanie, Destiny, Phey at Corrine ng harina nang bonggang-bongga si Aries at sabay tago sila bago sila mahuli ni Aries...





ARIES: Syet naman oh! Naka-itim pa man din ako ngayon...

MELANIE: Buti nga sa'yo! Mukha ka nang espasol na tinubuan ng amag!!!


Pagkatapos ng Freshmen Orientation...nag-internet sina Katie, Phey at Corrine sa laptop ni Corrine...


PHEY: Hoy, Katie...anong buong pangalan ni Aries??

KATIE: Bakit na naman ba?

CORRINE: Hanapin namin siya sa Friendster...add namin... :p

KATIE: Naku...ako na magta-type dyan...


At tinype sa user search ni Katie:



Ariestotle Aranas




CORRINE: Ariestotle pangalan niya?

KATIE: Oo...

PHEY: Medyo mabantot...pero buti na lang gwapo siya...hihihihi


At nakita nga nila sa Friendster si Aries...kaya lang...


CORRINE: Ano ba 'yan...private profile! Kabanas!

KATIE: Eh, feeling artista eh!

PHEY: Hayaan mo na...i-add na lang natin...


At in-add nina Phey at Corrine si Aries...


PHEY: Ikaw ba, Katie? Hindi mo ia-add?

KATIE: Huwag na nuh! Isipin niya pa crush ko siya! Yuuuckk! At hindi na ko mag-aaksaya ng panahon para i-add siya nuh!

CORRINE: Ok... patayin ko na 'tong laptop ah...


At umuwi na sila sa kani-kanilang boarding house at apartment. Ngunit nang mapag-isa na si Katie...dumaan siya sandali sa isang internet shop at in-add si Aries sa Friendster at saka umuwi sa Hotel Lakandula... :p

******

Lumipas ang maraming araw na naging mga linggo...na naging buwan. In short...JULY na! (taenang intro yan....pinahaba pa..hehehehe)


As usual, wala pa ring pagbabago kina Katie, Melanie, at Destiny sa pakikitungo nila kay Aries...


Habang tumatagal, napapansin nilang palakaibigan naman pala si Aries.....sa mga lalake nga lang sa dorm...


MELANIE: I'm telling you, he's gay! Di niyo ba napapansin na halos lahat ng babae dito sa dorm eh sinusupladuhan niya? Pero yung mga lalake kaibigan niya?! Naku! Naku!


Nasa loob silang tatlo sa kwarto nila at nag-uusap...


KATIE: May ganun namang ibang lalake di ba? Tsaka sa gwapo niyang yun...


Napakagat-labi si Katie at di na tinuloy ang sasabihin pa...


DESTINY: Oyyy...si Sister Katie...slip of the tongue...nagagwapuhan pa rin siya kay Aries...

MELANIE: Hiki! Hiki!


KATIE: As I was saying-- (nilakasan niya boses niya para tabunan ang pang-aasar nina Melanie at Destiny) Hindi maaring--


MELANIE: Naku, Katie, hindi lahat ng "gwapo" eh straight! Tingin ko nga, ang straight na lang ngayon..."ruler"...

Just then, pumasok si Izen, ang Psych freshie nilang roommate.


DESTINY: Oh, ba't nandito ka na? Akala ko ba mag-aaral kayo sa lounge nina Adan at Totz para sa Soc Sci 1 exam niyo?


IZEN: Si Kuya Aries...pinaalis ako sa table!

KATIE: Ano?!


IZEN: Wala na kasing upuan sa table. At ako lang yung babae dun at ako pa ang pinaalis niya para makaupo siya! Ayos siya kung makapagpaalis ah! Porket Tita niya lang may-ari nito?!


MELANIE: See?!? Bading yang si Aries! Pinaalis niya si Izen para masolo niya ang mga boys dun!

IZEN: Ate Melai, bading si Kuya Ariestotle?

MELANIE: Oo...

KATIE at DESTINY: Hindi!

IZEN: Ano ba talaga, mga ate?!?!



DESTINY: Ganito na lang...tingin mo ba lalake si Aries or lalake ang hanap? :p

IZEN: Sa ginawa niya ngayon sa akin...I therfore conclude na bading nga ata siya!

MELANIE: See? Pareho kami ng suspetya ni Izen...

KATIE: Siyangapala, Izen...magkakaroon tayo ng bagong roommate mula bukas...si Lorraine, blockmate namin...

IZEN: Ah..si Ate Lorraine? Yung classmate natin sa History 1? Eh di ba taga-Angeles lang siya? Ba't siya mangungupahan dito?

KATIE: May pupuntahan kasing business trip mga magulang niya sa America. Magtatagal sila ng ilang buwan doon. E only child siya at walang nagbabantay sa kanya...so dito muna siya habang nasa America parents niya...


ZOO Lab Class nila... May sinisilip na naman silang slide sa microscope: ang Pseudostratified Columnar Ciliated Epithelial Tissue (woooh! nakakahingal basahin!hehehe)


Turn na ni Katie ang sumilip sa microscope at nagsasagot na ng lab manual si Aries...







Sumisilip din sa sarili nilang microscope sina Melanie at Destiny nang dumaan si Ma'am Bognot...


MA'AM BOGNOT: Oh, Miss Madrid (Katie), Miss Cena (Melanie), Miss Vallejo (Destiny), may nakita na ba kayo sa mga microscope ninyo? Baka mag-imagine na naman kayo ah!


Medyo natawa si Aries...


MA'AM BOGNOT: Tatawa-tawa ka dyan, Mr. Aranas. Dapat tinutulungan mo 'tong "IMAGINATIVE GROUP" na 'to! Lalo na 'tong lab partner mong si Katie. Kung anu-ano tuloy nai-imagine!


MELANIE (pabulong): Ma'am, lalake gustong tulungan niyan... :P

MA'AM BOGNOT: May sinasabi ka, Miss Cena?

MELANIE: Ay, wala po, Ma'am...sabi ko po...ang ganda niyo ngayon, Ma'am. You look younger today...

MA'AM BOGNOT: Ganun? Hihihi...kasi...only Belo touches my skin, who touches yours?

MELANIE: Ma'am... I, too, have been touched by Belo... :p


Hapon na...kasama na ngayong umuwi sa Hotel Lakandula nina Katie, Melanie at Destiny si Lorraine na may dalang bagahe...


Pag-akyat nila sa second floor, jam-packed ang lounge ng mga lalakeng naglalaro ng PSP, nagla-laptop, at nagi-gitara..


Isa sa mga lalakeng yon si Aries...


DESTINY: Guys, ito nga pala si Lorraine...blockmate namin. Dito na rin siya titira mula ngayon...

LORRAINE: Hi guys...uhm...musta?


Natulala at na-starstruck lahat ng mga lalake sa lounge...nagandahan sila kay Lorraine...


Nabagsak ni Victor ang nilalaro niyang PSP sa ulo ni JR at napanganga kay Lorraine...


Nabigla naman si Domeng sa ganda ni Lorraine kaya pagka-strum niya sa gitarang tinutugtog niya, napatid ang string nito at tumama sa kanyang mukha...


DOMENG: Awww...ang sakit!


At yung iba naman....nilapitan si Lorraine at..


ADAN: Ate Lorraine...ako na magbibitbit ng mga gamit mo...

VOMER: Hoy! Hoy! Hoy! Adan..tumabi ka dyan at ako ang gustong pagbitbitin ni Ate Lorraine ng gamit niya...

RYE: Hindi! Ako ang gusto ni Ate Lorraine kaya magsilayas kayo dyan!

TOTZ: Hoy! Hoy! Hoy! Magsialis kayo dyan dahil kami ang itinakda ng mga magulang ni Ate Lorraine... Sige na, Ate, ako na magbubuhat ng mga gamit mo...

LORRAINE:Ah...sige...thank you na lang sa inyo, guys. Ako na lang magbibitbit...di naman siya heavy... :p


At bigla na lang, dumating si Kuya Karlo na maraming bitbit na groceries...


KUYA KARLO: Hoy, kayo dyan, hindi ba kayo magkakandarap dyan na tulungan akong bitbitin tong groceries ko?!


Naglaro na lang ng PSP at tumugtog ng gitara ang mga lalake at dinedma lang si Kuya Karlo...


Sa kwarto naman nina Katie...


KATIE: Yes...muse na muse ang dating mo dito ah...

DESTINY: Hoy, Lorraine, baka sa dami ng naakit sa'yo dito eh malimutan mong si Mark ang boyfriend mong nasa Diliman na...

LORRAINE: Grabe naman kayo, di naman! Mahal ko yun nuh!

KATIE at DESTINY: Yes naman!

MELANIE: Guys, teka...wala ba kayong napansin sa lounge kanina?!

LAHAT: Ano naman yun?!

MELANIE: Kanina, pagkadating natin sa lounge, lahat halos ng lalake eh nagkakandarapang tulungan si Lorraine...

DESTINY: Ngayon?

MELANIE: Pero deadma lang sa nangyayari si Aries...Napansin kong hindi nga nya tinitignan si Lorraine...

KATIE: So dahil lang dun---

MELANIE: Exactly! Di man lang tumalab kay Ariestotle na yan ang ganda nitong si Lorraine! That means... tama nga ang hinala kong bading siya...

DESTINY: Here we go again... Baka naman kasi hindi niya lang type tong si Lorraine. I doubt pa rin na bading siya!

LORRAINE: Teka...teka...ba't niyo ba pinagtatalunan kung bading si Aries o hindi?


At sinabi nila kay Lorraine ang pustahan nilang tatlo tungkol kay Aries...







Makalipas ang ilang araw...sa UPEPP...nakita ni Katie sina Phey at Corrine na nag-iinternet sa isa sa mga computer terminal ng library...



CORRINE: Naku...ang yabang-yabang talaga niya! Akala niya artista siya! Kung ganunin niya tayo! Naku!

PHEY: Mas marami pang gwapo dyan nuh! Feeling niya naman talaga! Naku..

KATIE: Oh, Corrine, Phey, ano namang minamaktol niyo dyan?!

PHEY: Naku, Katie...tama ka nga...hindi gwapo si Aries at mukha siyang unggoy at ugaling unggoy!

KATIE: Naku..nung isang araw lang parang diyos na tingin niyo kay Aries ngayon parang sukang-suka na kayo sa kanya...ba't nagbago tingin niyo dun?

CORRINE: Ang unggoy na yun...ni-reject kami sa Friendster! Naku talaga... Ubod niya ng yabang!

KATIE: Pa-log in nga rin ako sandali sa Friendster dyan sa computer niyo..


At nag-log in si Katie sa Friendster...at..


KATIE: Ang yabang mo talaga, Aries... isa kang REJECTOR MOTION!

LIBRARIAN: Ssssssssssssshhhhhhhhhhhhh!!!!!! (sabay patunog ng bell)


TO BE CONTINUED...




3 comments:

KRANiNG said...

wahahaha.. todo puri kay LORRAINE! Wooo..


nlagay mo pa talaga yung pic ni ate paula ha! haha


naging c aries ang rejector motion ah. dapat c met to eh. hehe

Anonymous said...

hahaha.
at pati pic ng pinsan ko anjan? hahaha!
(don't worry, di naman kita isusumbong. hahahaha :D)
nice.. :)

mAyKeE said...

ACKNOWLEDGMENTS:



* UPEPP Facade Image: UPEPP from Wikipedia Article: UPEPP



* Freshmen Orientation Image: FRESHMEN ORIENTATION 2008courtesy of ate kring's multiply account