Sabado, sa bahay nina Melanie sa QC... Habang nanonood siya ng TV, biglang may kumakatok sa bahay nila...
JEROME: Tao po!! Melanie???
Nang tinignan ni Melanie kung sino ang kumakatok, nataranta at nagulat siya...
MELANIE: Syet...si Jerome!!
Si Jerome...band-mate ni Melanie nung high school sila. Lead Guitarist si Jerome...vocalist naman si Melanie...
At si Jerome din ang lihim nitong minamahal simula pa lang nung high school sila...
Nilabas ni Melanie si Jerome at pinapasok sa bahay nila...
MELANIE: Oh, ba't ka naman naligaw dito?
JEROME: Ha? Akala ko ba pinapapunta mo ko dito kasi magpapaturo ka tumugtog ng gitara?
MELANIE: Ay...oo nga pala...sige pasok ka muna... Oh, ito kain ka muna... (sabay bigay ng pan de sal)
JEROME: Wag ka nang mag-abala pa. Kumain na ako sa amin...
MELANIE: Ok lang ba talaga? Sensya na ah... Nalimutan ko kasi na pinapapunta nga pala kita dito ngayon... Di tuloy kita napaghandaan...
Pero hindi naman talaga nalimutan ni Melanie na pinapapunta niya si Jerome.
Makalipas ang ilang minuto, tinuturuan na ni Jerome si Melanie mag-gitara...
MELANIE: Paano nga pala ulit yung chords ng "The Scientist" ng Coldplay?
JEROME: A-F-C-B...
MELANIE: Eh, paano yung "B" na chords?
JEROME: Ganito lang...
At hinawakan ni Jerome ang mga daliri ni Melanie para iposisyon ang mga daliri nito sa chord na "B" sa gitara...
Nakaramdam ng kilig si Melanie nang mahawakan ni Jerome ang mga kamay niya...
MELANIE: Haaaayyyy...Jerome... Kung alam mo lang...kung marunong ka lang magbasa ng isip...matagal mo nang nalaman na matagal na kitang lihim na minamahal... di mo nga lang iyon napapansin...
JEROME: O, Melanie, i-strum mo nga...
At ini-strum ni Melanie and gitara...
JEROME: Galing mo na pala eh!
MELANIE: Naman to! Parang yun lang eh! Anong kinagaling nun!
At bigla na lang...tumunog ang cellphone ni Jerome...may nagtext sa kanya...
Tenk! Tenk! Tenk! Tenk!
JEROME: Teka lang sandali, Melanie ah...basahin ko lang tong message...
MELANIE: Sige lang...take your time...
At habang binabasa ni Jerome ang text message sa cellphone niya, napansin ni Melanie na nakangiti ito...
MELANIE: Oh, ba't nangiti ka dyan? Si Maricar yang nagtext nuh?
Pagkasabi nun, nakaramdam ng pagseselos si Melanie...Si Maricar na klasmeyt rin nila nung highschool ang dahilan kung bakit hindi napapansin ni Jerome ang pag-ibig niya...
Matagal nang mahal ni Jerome si Maricar...At sa pagkakaalam ni Melanie... MU na ang dalawa...
MELANIE: Naku, nangiti na sa kawalan 'tong si Jerome! Ano bang tinext sa'yo ni Maricar at ngiti abot anit ka?
JEROME: Blank message... :P
Nangiti na lang si Melanie kahit na nasasaktan siya nang palihim...
TO BE CONTINUED...
2 comments:
i grabe tong blog mo!!!
haha. da best! natawa tlaga ako..tsaka ang ganda.. wahaha
natawa ako dun sa episode 5...
pero walng tatalo sa episode 8!!!
wahaha. maricar ba yun? nyahahaha.
ayos talaga!
may migraine pa na kanta! woohoo!! the best ka tlaga mike!:)
nice! it's your time to shine lany! wahahaha
Post a Comment