Wednesday, October 22, 2008

Episode 6: LAB Life...



Thursday...Zoo Lab Class na nila Katie, Melanie, Destiny, Aries at iba pang Psych 2A.


Nagro-roll call ng pangalan si Prof. Pacita Bognot at dinidistribute ang mga Zoology Laboratory Manual nila...


MA'AM BOGNOT: Where is Miss Aristotle ba 'to?


Nagtinginan ang Psych 2A sa isa't-isa. Nagtataka lahat kung sino si Miss Aristotle...


KATIE: Sino yon?

MELANIE: Malay ko...never heard ah...

MA'AM BOGNOT: Nandito ba si Miss Aristotle nga yata 'to (habang binabasa ang classcard)


Bigla na lang, tumayo si Aries, pumunta kay Ma'am Bognot para kunin ang Zoology Laboratory Manual niya...


ARIES: Ma'am... "Mister" po ako...Mister Ariestotle po ako. And my name is spelled with an E...

MA'AM BOGNOT: Ay...sowry...


Medyo nagtawanan ang Psych 2A...


ARIES: May nakakatawa ba? (medyo galit ito)


Natahimik na lang ang buong klase. Nang pabalik na si Aries sa pwesto niya, nadaanan niya si Felix, ang blockmate nilang malaki ang katawan, at narinig niyang may binulong ito...


FELIX: Yabang naman... "MISS" kasi siya..hehehe


Gusto sanang sumagot ni Aries pero tumahimik na lang siya dahil alam niyang wala siyang laban sa malaking katawan ni Felix...


Magkatabi sa isang table sina Katie at Aries dahil nga sila ang na-assign na laboratory partners... Nasa katabing table nila sina Destiny at Melanie...


Nang nadistribute na lahat ng laboratory manual, binuksan ni Katie ang sarili niyang manual at napansin niya sa front page ang:





Halata ni Katie na dinikit lang ang pangalan ni Ma'am Pacita Bognot sa front page...At nahalata rin ni Katie na sa likod ng dinikit na pangalan ni Ma'am Bognot ang co-authors niya sa Laboratory Manual...


KATIE: Wala na bang mas ilalaki pa yung pangalan dito ni Ma'am? Ayaw niya namang ipagduldulan na siya yung author ng book na 'to. Tinabunan pa niya pati mga pangalan ng co-authors niya at nilagyan na lang ng "ET. AL." para siya maging bida! Selfish! Hmmpph!


ARIES: Hoy, ano ba? Start na ng activity! Kumilos ka na nga dyan!

MELANIE: Oo nga, Katie. Huwag mo nang binibwisit yang "lab" partner mo...

KATIE: Yes, Aries---totle! Hahaha!

ARIES: Tsss... (pabulong) Inggit ka lang maganda pangalan ko...


Ang activity nila ngayon ay tignan sa microscope ang prepared slide ng Animal Cell at idrawing ang itsura nito sa laboratory manual nila at identify the parts...


Si Katie ang unang tumingin sa microscope. Ito lamang ang nakita niya...






KATIE: Ay ano ba 'to?! Kalangitan na yata 'tong nasisilayan ko eh!!


Ilang beses nang inikot ni Katie ang lahat ng pwedeng maiikot na pyesa sa microscope... Nagka-improvement naman nang sumilip siya ulit sa microscope...




KATIE: Oh...ano naman yung gray na yun? Si San Pedro? Naman oh...wala akong makitang matino!

ARIES: Tumabi ka nga dyan...


Hinawi nang bahagya ni Aries si Katie palayo sa microscope para siya naman ang makasilip.


Nagulat si Katie sa inasal ni Aries...


KATIE: Aba! Kung makapanghawi ka...


Pero dinedma lang siya ni Aries. In-adjust ni Aries ng konti ang fine adjustment knob at nagsimula nang tumingin sa microscope.


Makalipas ang ilang minuto, nagsimula nang mag-drawing si Aries sa lab manual niya....


Nang matapos si Aries...


ARIES: O, ikaw naman sumilip...


Nagmadali si Katie...pero nang saktong sumilip na si Katie sa microscope, in-adjust ulit ni Aries ang fine adjustment knob at "kalangitan" ulit ang nakita ni Katie...


ARIES: Ooooppss....sowry...di ko sinasadyang i-adjust... :p

KATIE: Raarr! Ano ba, nananadya ka bang talaga?


Pero nginitian lang siya ni Aries. At nang-inggit na nagligpit si Aries ng bag at gamit niya at sabay lapit kay Ma'am Bognot para i-submit ang lab manual niya...


ARIES: Ma'am...tapos na po ako...


Pagkabigay ni Aries ng lab manual niya kay Ma'am Pacita Bognot, lumabas na ng laboratory si Aries...


KATIE: Grrrr!!!!!!!!! Ang kapal talaga ng mukha ng bwiset na paksyet na panget na kupal na leche na gago na si...si...si......ano na nga pala ulit pangalan ng bwiset na paksyet na panget na kupal na leche na gago na 'yon?


DESTINY: Yan kasi, sa dami mong murang binitiwan kay Ariestotle with an E na yun eh pangalan niya nalimutan mo na... :p

KATIE: Naku naku nuh! Pangalan pa lang niya eh isa nang malaking MURA...!!!


At tinignan ulit ni Katie ang microscope niya pero kalangitan pa rin ang nakita niya, kahit na i-adjust niya nang i-adjust ito...


KATIE: Uy, kayo ba, Melanie, Destiny...wala pa kayong nakikita dyan sa microscope niyo?

DESTINY: Naku wala nga rin eh!

MELANIE: Defective yata tong microscope namin eh! Mga gamit talaga rito sa UPEPP...bulok! Defective!


At paunti-unti...nagsisialisan na ang iba nilang blockmates...pero di pa rin nakikita nilang tatlo ang animal cell sa microscope.


MELANIE: Naku...panu na yan? Tayo na lang nandito sa lab? Di pa rin natin nakikita yung lintik na animal cell na yan...

DESTINY: Ah...may naisip ako...


At makalipas ang ilang minuto, nagpa-check na sina Katie, Melanie, at Destiny kay Ma'am Bognot...


Halatang kinakabahan ang tatlo...


MA'AM BOGNOT: Kayong tatlo... In-imagine niyo lang 'tong drawing niyo sa animal cell nuh?

MELANIE: Hindi po, Ma'am. Ayan po yung nakita namin sa microscope namin...

MA'AM BOGNOT: Ganun? O sige, lubus-lubusin niyo na ang imagination niyo na makakakuha kayo ng mataas na grade sa activity na 'to 'ah... Magi-imagine na nga lang kayo napakalayo pa... :p


Ganito kasi ang tunay na itsura ng animal cell:





At ang drawing nilang tatlo ay...





Nang matapos nilang magpa-check kay Ma'am Bognot at nakalabas na sila ng laboratory room...


KATIE: Naku...wala talagang kwentang "lab" partner yung Ariestotle with an E na yun! Grrr...


Hanggang makarating sila sa Flintstones, ang tambayan slash open canteen ng UPEPP, bukang bibig pa rin ni Katie si Aries...


KATIE: Naku talaga... Wag na wag lang magpapakita yung unggoy na yun sa akin at baka kung ano pa magawa ko sa kanya!



MELANIE: Ang tindi ng galit mo kay Aries ah!

KATIE: Malamang! "Lab partner" ko siya pero di niya ko tinutulungan! Ang kapal talaga!



MELANIE: Alam mo, Katie, baka sa tindi ng galit mo kay Aries...baka di magtagal...maging "lab life" mo na siya...You know, the more you hate, the more you "lab"... :p



KATIE: Whatever, Melanie! Isang malaking asa!


Pero pinamulahan ng bahagya si Katie...


TO BE CONTINUED...

1 comment:

mAyKeE said...

Images here are self-made by the author...hehehehe