Sa Hotel Lakandula, iba iba ang tao. May corny kid, may maganda, may cute, may gwapo, may madaldal, may masungit, may suplada at may ubod ng bait.
KILALANIN MUNA NATIN ANG IBA PANG DORMERS NA ESTUDYANTE NG HOTEL LAKANDULA...
Ang grupo ng PSYCHOTTIE na binubuo ng mga Psychology students...
--Si IZEN, freshie Psych student, roommate nina Katie, beautiful girl na maalam sa HTML at overlay sa Friendster, Multiply at kahit ano pa... Gusto mo magpagawa sa kanya ng overlay? Call her up at 0916*******... :P
--Si ADAN, freshie Psych student, makulit, masayahin, mahilig mag-joke kahit madalas corny at puro replay na joke...
--Si TOTZ, freshie Psych student, singer, composer, songwriter, playwright, poet, scriptwriter, director, lighting director, artista...sige na...lahat na siya na! :p
--Siyempre, di mawawala sa grupo sina Katie, Melanie, at Destiny... (pero honorary na rin si Aries kahit di xa madalas sumama sa grupo dahil Psych din xa)
Sunod naman ang EMPE Boys... Ang grupo ng Business Management (BM) freshmen na ginagawang tubig na lang ang Emperador Brandy...hehehe
--Si GLENNLLOYD, simple guy, mabait, at higit sa lahat: Certified John Lloyd Cruz addict...
--Si RYE, ayon sa ABOUT ME ng Friendster niya: siya ay... pasaway, chabi,maingay,makulit,matalino nman,lastly--cute..hehehe..mahilig din siya sa green..especially green jokes..hehehe..joke!
--Si VOMER, halimaw sa Math..dinaig pa si Sir Sumido, ang Math slash Theology teacher ng UPEPP...
--Si DOMENG, sporty ang dating...
--Si JR, ang may killer smile..
--Si RAM, silent-type guy pero deep...
--Si VICTOR, ang tanging member ng EMPE Boys na Business Economics student... chickboy...pero kung magmahal...tunay!!
Nariyan din ang mga Business Management Girls...
--Si WINXEL, freshie, ang sweet and lovable girl from Bulacan...
--Si JERICKA, ang freshie at bubbly girl na mahilig mang-surprise...tulad nito:
(open your speakers to hear the message of the video)
Nariyan din ang mga "senior citizens group" na tumatayong guardian sa mga bata:
--Si KUYA CHICO, third year Business Economics (BABE) student. He has a dream in life: To wake up one beautiful morning to the sound of small rocks being thrown in his bedroom window, and see the person he love standing in the rain asking him for eternal love......Joke lang! Ang dream lang niya ay yumaman at magkaroon ng maraming pera! Pero siya ay hopeless romantic.
--Si KUYA KARLO, fourth year Business Management (BM) student...ang walking encyclopedia ng dorm. Alam niya lahat: mapa-showbiz, current events, politics, lifestyle, business world...basta lahat under the sun (pati yata over the sun alam niya...hehehe). Pag may tanong ka, siguradong may kasagutan diyan si Kuya Karlo. Tinagurian siyang Alamat...kasi alam niya lahat... :p
Pero siymepre, sa sobrang dami nyang mga pangalan na yan...as if naman matandaan niyo lahat ng names nila...
May mga nagtatrabaho rin sa mga call center na nangungupahan sa second floor ng Hotel Lakandula. Sila yung mga uri ng tao na allergic sa ingay na ginagawa na mga UPEPP students...hehehehe...
***************
Nasa lounge ang halos lahat ng student dormers ng Hotel Lakandula... Gumagawa sila ng assignment at nagbabasa sa table sa gitna ng lounge...
RYE: Hay...nakakatamad na gumawa ng assignment...Nakakaburo na kaya...
DESTINY: Ay guys...may naisip akong laro...
LAHAT: O sige, game!
At pinaliwanag ni Destiny ang game at ang mechanics nito... Concentration ang tawag sa larong lalaruin nila. Silang lahat ay naka-circle formation...
Sa larong ito, kanya-kanyang signature move ang bawat kasali. Unang gumawa ng signature move niya si Destiny...
At kailangang magtawag ni Destiny ng iba sa pamamagitan ng paggawa ng signature move niya at pagkatapos ay gagawin niya ang signature move ng gusto niyang tawagin...
Yung tinawag naman ni Destiny kunwari ay gagawin muna ang sarili niyang signature move bago gawin ang signature move ng gusto niyang tawagin...
DESTINY: Pag di naka-react agad or unang naggawa ng tinawag ang signature move ng gusto niya namang tawagin o mali siya ng nagawang signature move..dapat maglagay ng gamit sa gitna...ok?
At kung di mo na-gets ang mechanics dahil kakapanganak mo lang kahapon...pakamatay ka na lang..hehehe..joke!
At nagsimula na silang maglaro. Una muna si Destiny sa paggawa ng kanyang signature move. Tapos ginawa niya ang signature move ni Victor para tawagin si Victor. Tinawag naman ni Victor si Jericka, si Jericka naman si Winxel.
Tinawag naman ni Winxel si Domeng, si Domeng si Vomer...si Vomer naman si GlennLloyd...si GlennLLoyd naman si Adan...
Unang nagawa ni Adan ang signature move ng gisto niyang tawagin na si Vomer kaya nagkamali siya kaya tinanggal niya ang kwintas niya at inilagay sa gitna...
At nagpatuloy ang laro. Nagkamali rin ang karamihan kaya nagtatanggal sila ng gamit nila at nilalagay sa gitna...
Marami nang beses nagkakamali si Kuya Karlo kaya natanggal niya na lahat ng gamit niya sa katawan: sapatos, medyas, bracelet, cellphone,...At nang wala na talaga siyang mailalapag pang ibang gamit...
LAHAT: Wala na, Kuya Karlo...hubad na! Hubad na! Take it off! Take it off!
Dahil wala na ngang mailalapag, wala nang nagawa si Kuya Karlo kundi hubarin ang t-shirt niya at ilagay sa gitna...
Nagtawanan ang lahat at kinantyawan si Kuya Karlo...
ADAN: Yes, Kuya Karlo...pang-macho dancer sa Fields Avenue! Hehehehe...
Just then, napadaan si Aries sa kanila... At na-curious siya kung anong pinag-uusapan nila sa lounge kaya medyo nakiusyoso siya...
KUYA KARLO: Hay naku... Itigil na nga lang natin ang kalokohang ito! Mag-inuman na lang tayo sa veranda! (sabay suot sa kanyang damit) . O sinong gustong sumama? Oh, Aries..ikaw ba sasama sa session?
ARIES: Inuman? Sige ba...
Nagulat ang lahat sa himalang pagsama ni Aries. Madalas kasi itong loner...
Maingat na tinago nila ang bote ng Emperador palabas ng veranda upang di makita ng taga-linis na si Ate Cherry. Bawal kasi ang inuman sa Hotel Lakandula...
Nang nasa veranda na sila. Nag-jamming sila habang nag-iinuman ng tubig a.k.a. Emperador Brandy... :D
Sa veranda, tumutugtog ng gitara ang iba at nakikita sina Katie, Melanie, Destiny at iba pa...at inuman session naman ang EMPE Boys, Kuya Karlo, at Aries.
Di nagtagal, nagsimula na ang usapang lasing...
KUYA KARLO: Pareng Aries (sabay akbay kay Aries). Matanong ko lang..may girlfriend ka na ba?
ARIES: Huh? Ah..eh..wala pa...
KUYA ARIES: Eh...nagka-girlfriend ka na ba?
ARIES: Wala...hindi pa, Kuya...
KUYA KARLO: Ah, ganun ba, Aries? P--pwedeng ako ang maging first mo?
Natigilan ang lahat sa sinabi ni Kuya Karlo at napatingin sa kanya ang lahat...kaya...
KUYA KARLO: Biro lang, pareng Aries! Ano ka ba?! Lalake ako nuh! :p
At lalo pang tumindi ang usapang lasing...
VOMER: Alam niyo, mga pare. Bukas...bibilhin ko ang buong San Miguel Corporation!
VICTOR: Wala yan sa akin pare! Ako...bukas na bukas din...bibilhin ko ang Amerika!
ADAN: Eh...mga loko pala kayo eh!
VOMER at VICTOR: Bakit naman?
ADAN: Sinong nagsabing ibebenta ko sa inyo yung mga yon?!
TO BE CONTINUED...
1 comment:
ACKNOWLEDGEMENTS:
* Video's website:
MULTO SA TAPING NG DYESEBEL...NAKUNAN
PICTURES:
* Hotel Lakandula Exterior: self-made
* Hotel Lakandula Lounge: courtesy of KRANING. A.K. Field Trip
hehehehe
Post a Comment