Nakauwi na silang lahat sa Hotel Lakandula... Doon lang nila nalaman kay Aling Ester na may hika pala si Aries kaya hinimatay...
Nakahiga si Aries sa kama niya at may nebulizer siya sa bibig...
VOMER: Naku, Aling Ester...todo-bigay sumayaw kasi yang si Kuya Aries sa Dance Freak! Ayan tuloy...
GLENNLLOYD: Kay Ate Katie pa nga siya himimatay...
ALING ESTER: O, sige... Baba muna ako at aasikasuhin ko muna yung cafeteria. Ok ka na ba, Aries?
ARIES: Opo, Tita...
ALING ESTER: Sige, kayo muna bahala kay Aries, neh?
LAHAT: Sige po, Aling Ester...
At bumaba na si Aling Ester sa cafeteria...
At naisipan na ring umalis nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa kwarto nina Aries...
Nang paalis na sila...
ARIES: Katie?
Nilingon ni Katie si Aries...
ARIES: Sorry sa kanina...sa Quantum...sa'yo pa ko natumba
KATIE: Wala yun... Di naman ako masyadong nasaktan...
Hindi alam ni Aries at ng iba pa na aksidenteng nahalikan ni Aries si Katie nung mahimatay ito sa Quantum... Si Katie lamang ang nakakaalam nun...At balak ni Katie ilihim ito hanggang sa hukay...
At lumabas na sila ng kwarto at nagpunta na sa kanilang kuwarto...
Masayang nagdadaldalan ang lahat maliban kay Katie na nakahiga lang sa kama niya...
LORRAINE: Izen, ito yung block shirt para sa Candaba Immersion niyo sa Soc Sci 1? (hawak niya yung block shirt ni Izen)
IZEN: Oo, Ate. Di ko nga gusto yung design eh...
MELANIE: Naku, sana, Izen, ikaw na lang pinag-design nila ng block shirt niyo. E di sana, gumagalaw-galaw pa design ng block shirt niyo... nagamitan mo pa ng HTML 'tong block shirt niyo...
Nagtawanan sila...
MELANIE: Pero ok na rin 'tong blockshirt niyo. Di tulad nung sa amin nung first year kami...pang-LOSER...hehehe
DESTINY: Uy, Katie...ba't ang tahimik mo? Ok ka lang ba?
KATIE: OK lang ako...
IZEN: Ate, baka may problema ka?
KATIE: Ok lang talaga ako...Wag niyo na akong alalahanin. Sige guys, tutulog na ako...
At tumalikod sa kanila si Katie. Pagtalikod niya, naalala niya ang nangyari sa Quantum...
FLASHBACK ...
Pinagmasdan ni Katie ang pawisan at maputlang mukha ni Aries...
First time ni Katie na mapagmasdan nang malapitan ang mukha ni Aries... May mapupungay na mata si Aries, matangos ang ilong, mapulang labi...
At bigla na lang...tumumba si Aries papunta kay Katie...kaya parehong natumba sina Aries at Katie...
Sa pagkahimatay na iyon ni Aries, aksidenteng nahalikan niya si Katie sa lips...
At naramdaman ni Katie ang malakas na pagtibok ng puso niya...
BACK TO PRESENT ...
KATIE: Ano ba 'to? Ba't nagkakaganito ako kay Aries? Ba't ba ganito nararamdaman ko sa kanya? Panginoon ko...nagmamakaawa ako...hindi maaaring tumibok ang puso para kay Aries...dahil nakalaan na ito para sa Inyo...
At naramdaman ni Katie ang pagtibok-tibok ng akala niyang bato na niyang puso...
******
Friday at uwian time na... Magkasabay sa bus papuntang QC sina Katie at Melanie...
Nasa bus terminal sila ng Dau...
Tingin nang tingin sa relo niya at di mapakali si Melanie... Napansin ito ni Katie...
KATIE: Ba't parang di ka mapakali dyan?
MELANIE: May Battle of the Bands kasi ngayon sa school ko nung high school. Guest band kami...baka ma-late ako...Di pa kasi umalis 'tong bus eh! Anong petsa na!
KATIE: Hindi ka mali-late nyan...tignan mo...
KUNDOKTOR: Sa mga minamahal naming pasahero...mangyari po lamang na i-fasten niyo ang inyong seatbelt...
MELANIE: Sosyal! Parang eroplano ang dating ah!
KUNDOKTOR: And we will take off in 5--4--3--2--1...
At umandar na ang bus nang pagkabilis-bilis...
KATIE: Lord God...ayoko pa pong mamatay!!!
MELANIE: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya...
Ngunit kahit naging mala-roller coaster ang biyahe ng bus nina Katie at Melanie, maluwalhati silang nakarating ng QC...
At makalipas ang ilang oras, nakarating na sa school niya nung high school si Melanie...
Maraming tao sa quadrangle...at may banda na ring tumutugtog...
Hinanap niya sa back stage ang band-mates niya...
At nasilayan niya si Jerome at iba pa niyang bandmates..
JEROME: Oh, Melai... andito ka na pala.. :)
MELANIE: Sorry kung medyo na-late ako...
JEROME: Hindi naman. Nga pala, pwedeng palit muna tayo? Ikaw muna tumugtog ng lead guitar...ako muna vocalist...
MELANIE: Ha? Hala...eh di pa ko masyadong magaling mag-gitara...
JEROME: Kaya mo yan... Ngayon lang naman...may gagawin lang kasi ako...
MELANIE: At ano namang gagawin mo kasi? Naku pag tayo pumalpak dahil sa akin...
JEROME: Basta abangan mo na lang... Pagbutihan mong mag-gitara ah. Di ka papalpak nyan...alalahanin mo lang mga tinuro ko sa'yo... :)
Ngumiti na lang din si Melanie at naalala niya yung mga moment na tinuruan siya ni Jerome mag-gitara..
At nakaramdam siya ng kilig habang naaalala ang mga iyon...
Pero...na-curious din siya sa gagawin ni Jerome mamaya...
Maya-maya, kinausap at kinamusta ni Melanie ang iba pa niyang ka-banda...
Pagkalipas ng ilang sandali, nagulat siya nang...
MARICAR: Oi, Melanie!
MELANIE: Maricar, nandito ka pala... Sino kasama mo?
MARICAR: Mga dati nating classmates kasama ko...Oi, na-miss kita...
MELANIE: Ikaw din...na-miss kita nang boonggang-bongga...
MELANIE: Ang plastik ko! Hayaan mo na...minsan lang naman..hehehe
Si Maricar kasi kasi ang napapabalitang- MU ni Jerome...
MARICAR: Uy, good luck sa inyo ah...
MELANIE: Salamat...
Nginitian din ni Maricar si Jerome at umalis na ng back stage...
EMCEE: Now, for our intermission number, let's call on stage the winner of the 2006 Battle of the Bands here in Lagro High School...Let's give a big hand to...the Apocalypse Band!
Nagpalakpakan ang mga tao... Kinakabahan na lumabas ng back stage si Melanie kasama ang bandmates niya.
First time niyang magi-gitara sa harap ng maraming tao...
Tinignan niya si Jerome na may hawak na mic... At sinenyasan sila ni Jerome na simulan na ang pagtugtog...
Click PLAY to hear the song the band is playing...
Medyo na-carry naman ni Melanie ang pagtugtog ng gitara...dahil inaalala niya ang pagtuturo sa kanya dati ni Jerome...
At habang kumakanta si Jerome, feeling niya ay siya ang kinakantahan nito...
At nang nasa kalagitnaan na ng song...
JEROME: Uhm...maaari po bang umakyat sa stage ang pinakamamahal kong si Maricar Garcia...
Naghiyawan ang audience... Nagulat naman si Maricar. Nahihiya pa siyang umakyat pero hinila siya ng mga kaklase niya at tinulak paakyat ng stage...
Pagkaakyat ni Maricar ng stage, inakbayan siya ni Jerome at nagpatuloy sa pagkanta...
JEROME (pakanta): Free your mind...Don't let me down...We'll find a way to make it all go away...Free your mind...Don't let me down...We'll find a way to make it all go away... I'll make it go away... My Dragonfly...
Nawala ang pantasya ni Melanie na siya ang inaawitan ni Jerome... Kaya kahit nasasaktan, pinilit pa ring tumugtog ni Melanie ng gitara...
At nang matapos ang kanta...
JEROME: Maricar, would you be my girlfriend?
MELANIE: ...
Naghiyawan ang audience...
MARICAR: Jerome...y--yes...
At naghalikan sina Jerome at Maricar sa harap ng maraming tao habang patuloy na naghihiyawan ang audience...
Nagpatugtog naman yung rhythm guitarist nila ng "Wedding March" (yung tugtog sa kasal habang naglalakad sa aisle yung bride)
Patakbong nag-walk out si Melanie habang saganang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata niya pababa ng kanyang pisngi...
TO BE CONTINUED...
3 comments:
AWTS! yun yun eh! kawawang melanie!!
ano ba yan mike!!! bakit sila???!!!!
waahh. to nman oh. tsss. haha, bakit ganon? BAKIT????!!!!!!!!
wahaha. badtrewp.
kailangan talaga minsan sa buhay ng tao na magkaroon ng heart-breaking moment...
makakatagpo rin si melanie ng love life...soon..hehehe
Post a Comment