Isang Sabado ng tanghali, dinalaw ni Katie ang tita niyang si Sister Catherine sa kumbento ng mga Carmelite sisters sa QC...
Nag-usap sila sa garden ng kumbento...
KATIE: Tita, musta na po kayo?
SISTER CATHERINE: Ok naman ako, Katie. Oh, napadalaw ka?
KATIE: Wala lang po...Nga po pala...pinabibigay sa inyo ni Mama.
Binigay ni Katie ang pagkain na nasa styrofoam...Binuksan ito ng tita niya.
SISTER CATHERINE: Uy, maja blanca...hay...si Ate Melba (Mama ni Katie) talaga...alam pa rin niya ang paborito ko...
KATIE: Ay oo nga po pala...Tita...si Mama...
Biglang lumungkot ang tono ni Katie...
KATIE: Parang di siya pabor sa balak kong pagmamadre...
SISTER CATHERINE: Nauunawaan ko naman si Ate kung ba't di siya pabor sa gusto mong pagmamadre...
Natahimik sila sandali at...
KATIE: Alam kasi ni Mama kung ano talaga ang nag-udyok sa akin kung ba't gusto ko mag-madre... Yun ay dahil nasaktan ako nun sa first boyfriend kong si Iggy...pero tingin ko...blessing in disguise ang break-up namin...dahil mula nung nag-break kami...dun ko narinig ang tawag ng Panginoon sa akin...
SISTER CATHERINE: Ganun talaga ang Panginoon, tinatawag tayo sa panahong di natin inaasahan...
KATIE: Tama po kayo, Tita...hayaan niyo po...tutuloy po ako sa oras na mapapayag ko na si Mama...
SISTER CATHERINE: Sige, Katie, iha... Pero pag-isipan mo ring mabuti ang desisyon mo ah..
KATIE: Opo, Tita Catherine...
*******
Matulin na lumipas ang mga araw at AUGUST na...
Nagda-dissect na ng palaka ang Psych 2A sa Zoo Lab class nila. Naka-lab gown na sila this time...
Live frogs pa ang binigay sa kanila ni Ma'am Pacita Bognot...
At kailangan nila itong patayin sa pamamagitan ng pag-aalog sa palaka sa container na may lamang formalin...
Pagkaalog ni Aries sa palaka nila ni Katie...nilagay nila ang palaka sa dissecting pan. Di na ito gumagalaw...
KATIE: P-patay na ba 'yan?
ARIES: Tingin ko...di na gumagalaw 'eh...
Lumilibot-libot sa kanila si Ma'am Bognot...
MA'AM BOGNOT: Ok, class, pagkalagay niyo ng mga palaka niyo sa dissecting pan, tusukin niyo ng pin yung kamay at paa ng palaka so you can dissect well...
KATIE: Uy, Aries...ikaw na mag-pin sa palaka natin...Natatakot ako...baka biglang tumalon...
ARIES: Oh...sige na...ako na.. :)
KATIE: Teka...parang...parang may nagbago kay Aries...
Isa sa napansin nilang pagbabago kay Aries ang pagiging mabait na nito sa kanila...
Lagi nang tinutulungan ni Aries sa laboratory exercises si Katie...pati na rin sina Melanie at Destiny...
At pagka-pin ni Aries sa kamay ng palaka...gumalaw ang palaka nila at...
ARIES: Katie...tabi... (sabay nayakap ni Aries at iniwas si Katie na nakatayo malapit sa palaka)
Bigla na lang tumalon ang palaka nila...sakto namang paraan si Ma'am Bognot sa kanila at...
MA'AM BOGNOT: Ok class...What the---??
Tumalon at nag-landing sa mukha ni Ma'am Bognot ang palaka nina Katie at Aries...
PSYCH 2A: BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
At dun lang napansin ni Aries na nakayakap pa siya kay Katie...kaya dagli niyang binitiwan si Katie na para bang napaso siya dito..
ARIES: S--sorry...
Nginitian lang siya ni Katie...
MA'AM BOGNOT: Mr. Aranas, Miss Madrid...is this your frog? (natanggal na niya ang palaka sa mukha niya sa tulong ni Felix na blockmate nila)
ARIES at KATIE (kabado): Y--yes ma'am...
MA'AM BOGNOT (galit): You get automatically a grade of "5" for this exercise...
ARIES: Pero, Ma'am...di naman po namin sinasadya---
MA'AM BOGNOT: Di niyo man lang sinigurado na patay na 'tong palaka ninyo bago niyo i-pin... Blah--blah--blah---
Nang matapos na ang Zoo Lab Class nila...nagliligpit ng gamit sina Katie, Melanie, at Destiny nang biglang padabog na lumabas ng lab si Aries...
DESTINY: Hay....for sure bitter ngayon si Aries...
KATIE: Eh, sino ba namang hindi magiging bitter...naka-singko ba naman ngayon sa lab exercise. Alam mo naman yun...always on top dito sa lab class...Ngayon lang nagka-singko...
MELANIE: Sus! Ayun lang?! Pasalamat siya at ngayon lang siya nagka-singko! Samantalang tayo...di ko na mabilang sa daliri ng mga kamay at paa ko kung ilang singko na tayo dito sa lab...
Just then, may nag-text sa kanilang tatlo...si Rye...
RYE: {Ate katie, melanie, destiny...punta kayo sa quantum sa sm clark after class niyo, ok? cge}
At nagpunta nga sila sa Quantum...Nandun lahat ng dormmates nila...
RYE: Sina Kuya Aries at Ate Lorraine, di niyo kasama?
KATIE: Si Lorraine...sunod siya after class niya. Si Aries..ewan...asa naman sigurong sasama yun...
At nagulat sila nang magkasabay na dumating sa Quantum sina Aries at Lorraine...
DESTINY: Aba, himala, Aries, sumama ka?
ARIES: Pampatanggal badtrip...
At alam nina Katie, Melanie, at Destiny ang tinutukoy ni Aries na "badtrip"...
Kaya ang unang tinungo ni Aries sa Quantum ay ang Punch Machine... Ito yung machine na sinusuntok para matanggal ang stress mo...
Sina Rye, Victor, Kuya Chico, at ang iba pa ay nagpunta sa Indiana Jones: yung gambling machine na may bubuuing pattern to win free tokens...
Pinanood naman nina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine, at iba pa si Aries sa Punch Machine...
At sinimulan nang suntukin ni Aries ang punch machine. At na-imagine ni Aries na mukha ni Ma'am Bognot ang susuntukin kaya....
WAAAAAAPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!
Inulit-ulit pa ito ni Aries suntukin
Nagulat naman si Katie nang...
ARIES: Katie, ikaw, gusto mong sumuntok? Imagine-nin mo na si Ma'am Bognot ang sinusuntok mo para malakas....hehehe
KATIE: Ah..eh...
DESTINY: Naku, Aries...mabait yang si Katie...sasabihin nyan, "Masamang gumanti sa kapwa. Sabi sa Bible ek..ek..."
KATIE: Hoy..hoy..hoy..Des...pagdating kay Ma'am Bognot...ibang usapan na... Sige, Aries....akin na yung gloves at nang mawasak ko na yang punch machine na yan! Ma'am Bognot talaga ginagalit ako!
MELANIE at DESTINY: Oy....sunod kami sa'yo Katie ah...
LORRAINE: Ako rin...pasubok...
At nag-enjoy sa pagsuntok sa Punch Machine sina Katie, Melanie, Destiny, at Lorraine...
Samantala, habang pinapanood sila ni Aries...
KUYA KARLO: Oy, Aries...masakit ba braso mo kakasuntok? Akin na...i-massage ko na...Saan ba masakit?
Sabay pinisil ni Kuya Karlo ang braso ni Aries...
ARIES: Tigilan mo ko, Kuya Karlo! Baka ikaw ang sunod kong masuntok!
Pagkatapos, nag-duet sina Destiny at Victor sa stage ng Quantum...
DESTINY (pakanta):I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on!
VICTOR (pakanta): I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need them again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind!
DESTINY at VICTOR (pakanta): All I wanna do is find a way back into love. I can't make it true without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!
JERICKA: Yes...bagay kayo!!! Hehehehe...
LAHAT: Hiki! Hiki!
Nag-duet din sina Totz at Izen...
TOTZ (pakanta): Bakit ngayon ka lang...Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y meron nang laman...
IZEN (pakanta): Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko...Di sana’y naghintay ako...
ADAN: Hoy...itigil niyo yan! Selos ako! T_T
VOMER: Wala ka na, tol! No match ka na kay Totz para kay Izen...
Sunod naman ang Dance Freak... Ito yung parang Dance Revo. Dito naman, parehong kamay at paa ang sumasayaw...
Unang sumayaw sina Katie at Kuya Chico sa kantang "Locomotion..."
Everybody's doin' a brand new dance now(C'mon baby do the loco-motion)...I know you'll get to like it...If you give it a chance now...(C'mon baby do the loco-motion)
Sunod naman si Aries at umulit naman si Kuya Chico... Sinayaw nila ang "The Twist"
Come on baby let's do the twist...Come on baby let's do the twist...Take me by my little hand and go like this...Ee-oh twist baby baby twist...Oooh-yeah just like this...Come on little miss and do the twist
Nagulat at namangha ang lahat kay Aries. Di nila aakalain na magaling sumayaw si Aries...May angas itong sumayaw...pero swabe yung moves...
Nagmistulang back-up dancer lang si Kuya Chico...
At nang matapos ang sayaw...Pumalakpak ang lahat...Pawis na pawis si Aries na lumapit sa kanila...
At nagulat si Katie nang hawakan siya ni Aries sa dalawang balikat...
Hingal na hingal si Aries...
KATIE: Aries...OK ka lang?
Patuloy pa rin sa paghingal si Aries...
ARIES: K---Katie...
KATIE: Ano yun?
Nakahawak at nakatukod pa rin si Aries sa mga balikat ni Katie... At pinagmasdan ni Katie ang pawisan at maputlang mukha ni Aries...
First time ni Katie na mapagmasdan nang malapitan ang mukha ni Aries... May mapupungay na mata si Aries, matangos ang ilong, mapulang labi...
At bigla na lang...tumumba si Aries papunta kay Katie...kaya parehong natumba sina Aries at Katie...
Sa pagtumbang iyon ni Aries, aksidenteng nahalikan niya si Katie sa lips...
Nahimatay pala si Aries...lumapit ang mga lalake at binuhat si Aries. Itinayo naman ni Destiny si Katie...
Nang pagkatayo kay Katie...
DESTINY: Katie, ok ka lang ba?
At hinawakan ni Katie ang mga labi niya...
At naramdaman ni Katie ang malakas na pagtibok ng puso niya...
TO BE CONTINUED...
3 comments:
ang banal ni katie ha! madre??? hahaha.. naalala mo pa pla name ng nanay ko. haha
oi ayus ending nito ah. kiss n nman? hahaha
love it...adik ka kuya..im a fan....grbe..haha..bakit ngayon ka lang......whaha
PICTURE:
FROG Image self-made by the author. in LABoratory room
Post a Comment