Saturday, January 31, 2009

Episode 26: Jamming




CHRISTMAS BREAK na!


Umaga sa kwarto ni Melanie. Nagising si Melanie sa tunog ng cellphone niya. May nagtetext sa kanya...


Pupungas-pungas pa si Melanie habang nakahiga sa kama niya...


MELANIE: Istorbo naman oh! Simulang-simula ng Christmas break ko nang-iistorbo ng tulog!


At tinignan niya ang cellphone niya at kung sino ang nag-text...si JEROME! Ang kanyang lihim na minamahal...


JEROME: {punta k d2 s studio nina kyle. mag-jam taung banda.geh!}


Nagmadaling kumain, magsipilyo, maligo at magbihis si Melanie. Pagkatapos, nagpaalam siya sa mga magulang niya na may pupuntahahan...


Napadaan ang sinasakyang jeep ni Melanie sa school niya dati nung high school. At may nakita siyang lalake at babaeng estudyante at pumapasok sa school. Napangiti siya...


MELANIE: Parang kailan lang...nagsasabay kami dati ni Jerome sa pagpasok sa school... :)


Nakarating na siya sa studio. Rinig sa labas ng studio ang tunog ng tambol at cymbals.


Pumasok si Melanie sa studio. At nakita niyang nagi-gitara si Jerome. Nandun din ang mga ka-banda niyang sina Migz, Gab at Kyle (ang may-ari ng studio).


JEROME: Buti naman at dumating ka na! Tagal mo!

MELANIE: Sensya naman! Biglaan ka naman kasi kung magpatawag ng jamming!


At ginalugad ni Melanie ng tingin ang studio. Napansin niyang wala si Maricar, ang girlfriend ni Jerome...


MELANIE: Mabuti naman at wala ang kontrabida na yon! Hmmph!


MELANIE: Nga pala, ba't ka bigla kang nagpatawag ng jamming?

JEROME: Kasi po, may gig tayo bukas...

MELANIE: Gig bukas? Biglaan naman ata yun! Saan ba?

JEROME: Sa Off the Grill sa Timog Ave. May nag-invite kasi sa atin na tumugtog para sa Christmas Party dun tomorrow.

MELANIE: Ganun? E sino naman yung nag-invite na yun?

JEROME: E di ang biyenan-to-be ko..heheheh...

MELANIE: Ha? Sino?!

JEROME: Melai, ang slow mo naman! E di yung mama ni Maricar! Ikaw talaga!


Natigilan dun si Melanie. Napansin naman ito ni Jerome...


JEROME: Bakit? May problema ba?

MELANIE: Hindi ako pwede sa gig bukas...

JEROME: Ano?! Bakit naman!

MELANIE: Eh, ano...kasi...kwan... Namamaos ako...


At pinagmukhang paos ni Melanie ang boses niya... :p


MELANIE: (boses paos "kuno") Di ako makakakanta kung ganito boses ko di ba? Ayun..


Vocalist si Melanie ng banda


Napangiti si Jerome. Alam niya kasing nagkukunwari lang na paos si Melanie...


JEROME: Wag mo nang alalahanin iyon!


At may nilabas na bote si Jerome sa bag niya...


JEROME: Tamang-tama at nakapgdala ako ng salabat. Alam ko kasing matinding practice ang kailangan nating gawin ngayon kaya nagdala ako para sa'yo. Inumin mo nang mawala ang paos mo...


Nandiri si Melanie sa itsura ng salabat kaya...


MELANIE: (balik ulit sa dati ang boses) Ah..eh..sige.. OK na pala ulit ang golden voice ko.. :p

JEROME: E di pwede ka na bukas?

MELANIE: Ah..eh..hindi pa rin!

JEROME: Bakit na naman?

MELANIE: Ah..eh... di ba "bar" yon? Ayun...bawal ako kasi i'm still a "minor" :p

JEROME: Naku! Utot mo! Naku, kung ayaw mo e di wag! Sasabihin ko na lang sa Mama ni Maricar na di tayo tutugtog bukas kasi "minor" pa ang vocalist namin at bawal sa mga bar! (medyo galit na ang tono niya)

MELANIE: Oo na! Sige na! Payag na ko bukas!

JEROME: Buti naman! Hihintayin mo pa akong magalit bago ka mapapayag eh!

MELANIE: Lalo ka kasing gumagwapo pag galit ka..hehehehe


At nagsimula na silang mag-jam. Halos Christmas songs ang tinutugtog nila kasi nga Christmas party yung gig nila bukas...


After 1 1/2 hours ng practice...


JEROME: Guys, break muna tayo...


Sa labas sila ng studio nagmeryenda kung saan katulong nina Kyle ang naghanda. Nagmemeryenda sila sa isang bakal na mesa... Magkatabi ng upuan sina Melanie at Jerome...


Habang kumakain ng tinapay, tinitignan ni Jerome ang picture ni Maricar. Napansin ito ni Melanie at nakaramdam ng inis at selos...


JEROME: (habang tinitignan ang picture ni Maricar) Haayyy... sa wakas at magkikita na rin tayo bukas...


Lumapit nang bahagya si Melanie kay Jerome at nakiusyoso sa pagtingin ng picture ni Maricar...


JEROME: Melai, ang ganda niya nuh?

MELANIE: Ha? Ah..eh..ah..teka... I'm thirsty...


At agad kinuha ni Melanie ang isang bote na nakapatong sa mesa at ininom bigla para maiwasang sagutin ang tanong ni Jerome... :p


Pagkainom, napangitan si Melanie sa lasa at binuga ang ininom sa picture ni Maricar..


MELANIE: Blearrrgghhh!


JEROME: Melai! Ano bang---!


Nainis si Jerome kay Melanie dahil nasira ang picture ni Maricar...


MELANIE: Hala...sorry Jerome! Di ko sinasadya... Eh...kasi naman tong salabat mo! Pakalat-kalat! Nainom ko tuloy!


Inis namang pinupunasan ni Jerome sa damit niya ang picture ni Maricar... Nagka-blot ang ilong ni Maricar sa picture...nagmukha tuloy itong "Rudolph the Red-nosed Reindeer! Hahahaha!


TO BE CONTINUED...


Monday, January 26, 2009

Episode 25: Trojan War




Nasa kwarto sina Katie at Melanie. Pinapakinggan nila ang kanta ni Aries na "Northern Downpour" na ni-record ni Katie sa cellphone niya kani-kanina lang sa veranda.


MELANIE: Hay naku! Ang ganda-ganda ng kanta binaboy lang ng Aries na yan!

KATIE: Grabe ka namang makapanglait kay Aries. May boses naman siya kahit paano.

MELANIE: Naku...pagsabihan mo yang boyfriend mo ah! Boses niya pang-suspend ng klase! Babagyo na bukas!

KATIE: Sayang naman...dedicated pa naman sa'yo 'tong kanta na ito ni Aries..


Natigilan si Melanie...


MELANIE: Ha? Ano? Pakiulit?

KATIE: Sabi ko dedicated 'to sa'yo ni Aries.

MELANIE: Ano? Sa akin? At bakit naman sa akin? Hindi naman niya ako gf or something! Dapat sa'yo niya dinedicate yan!


Napayuko si Katie. Noong mga oras na 'yon, gusto niyang aminin na kay Melanie ang "pagpapanggap" nila ni Aries...


Pero pinigilan niya ang sarili...


KATIE: Bale...ano...peace offering nya 'to sa'yo. Alam niyang mahilig ka sa Panic! na kanta..ayun.

Pero sa mga tingin ni Melanie kay Katie, may suspetsa si Melanie na di iyon ang ibig sabihin ni Katie...


May itinatago si Katie sa kanya...pero di na lang niya ito inusig pa...


MELANIE: Ganun? Pakisabi sa boyfirend mo..thanks...but no thanks!


Isang Wednesday ng umaga...P.E. class ng merge class ng Psych 2A at 2B pati na mga BM na freshies...at mga Econ na freshies (siyempre di mawawala si Eunice dito). Basketball ang P.E. nila.


CHERUB: Grabe nuh! Biglaan ang pagkamatay ni Marky Cielo! Nakakagulat.

CORRINE: Oo nga eh. Idol ko pa naman siya...

MIGUEL: Sus! At least nanalo naman ako sa pustahan na mananalo si Pacquiao sa boxing! Hahaha!

DESTINY: Teka...guys...naalala ko nung mini-debut ni Katie sa dorm...parang...parang na-predict ni Aling Ester ang pagkamatay ni Marky Cielo...di ba, Katie?

KATIE: Oh? Talaga?

MELANIE: Ay..oo nga..Naalala ko! Noong nagpapahula nun si Vomer kung sino ba mananalo sa laban ni Pacquiao at Dela Hoya...


ALING ESTER: Pero teka...may trahedya akong nakikita...isang kilalang tao ang mamamatay...ngayong darating na December...


ARIES: Naku! Wag nga kayong magpapaniwala dun sa Tita kong yon! Naka-tsamba lang na tumama hula niya nuh!


ROSE ANN: Ano nga kaya ikinamatay nun ni Marky Cielo?

GWYNETH: Feeling ko nagpakamatay yun eh!

KATIE: Or baka pinatay?

LAHAT: Ha? Sino namang papatay dun kay Marky Cielo?

KATIE: Ah...eh...si Aling Ester?...para magkatotoo ang hula niya.. :p


At nagsimula na nga ang lesson nila sa P.E. Naisipan ng P.E. instructor nila na si Sir Samson na paglabanin sila sa isang laro...


SIR SAMSON: Ok, class... Magkakaroon tayo ng one-on-one na labanan. Mga lalake muna maglalaro.


SIR SAMSON: Aries...ikaw ang isasalang ko sa unang laro ah!

ARIES: OK sir. Sige po!

SIR SAMSON: Ok...sino gustong lumaban kay Aries?

VOMER: Sir ako po!


Napatingin ang lahat kay Vomer...lalo na sina Katie.


SIR SAMSON: OK...sige Vomer!


Nagkatinginan sina Aries at Vomer. May galit na tinignan ni Vomer si Aries. Samantalang nakangiti lang si Aries...


At naramdaman ni Sir Samson na nangangamoy-away sa gym kaya pinigilan niya na ito.


SIR SAMSON: Boys, don’t conduct unsporstmanship here in gym.


Hawak ni Sir Samson ang bola sa kanang kamay niya. Nakatingin lahat ng estudyante sa mga maglalaro.


ARIES: Hindi, sir. Huwag kayong mabahala. Ipapakita namin sa mga kaklase namin ang malinis at walang bahid ng kadayaang paglalaro ng basketball.


At bigla na lang, kinuha ni Aries ang bola kay Sir Samson at sinimulan na niya itong i-dribble. Naisipan naman ni Sir Samson na maging referee ng laban.


Mataman namang nanonood sina Katie sa laban...


LORRAINE: Mukhang magiging interesting ang laban na ito. This game would be a fight for love... di ba, Katie?

KATIE: Ha?! Ano?!

MELANIE: Tama! Aries vs. Vomer. Iaalay nila ang puso nila sa laban kaalit ay tagumpay!

KATIE: Hih! Tigilan niyo nga yang pinagsasasabi niyo!


Sinubukan ni Vomer na agawin ang bola kay Aries. Habang binabantayan si Aries...


VOMER: Ngayon Kuya Aries...alam kong nilalaro mo ang laban na ito para kay Ate Katie...pwes...hinding-hindi ako magpapatalo sa'yo! Tatalunin kita sa harap mismo ni Ate Katie...


Habang dinidribol naman ni Aries yung bola...


ARIES: Melanie...ipapanalo ko ang larong 'to para sa'yo...


At sinubukan agawin ni Vomer ang bola kay Aries kaya binalibag ni Aries ang bola palayo. Hinabol ni Vomer ang bola ngunit mabilis din itong nahabol ni Aries.


Nang makuha ni Aries ang bola, tumakbo nang mabilis si Aries papunta sa ring at sabay shoot ng bola. Palakpakan ang mga tao…lalo na ang mga babae.


Kahit irita naman si Melanie kay Aries, di niYa naiwasang mamangha at makipalakpak din sa galing ni Aries.


Di naman alam ni Katie kung sino ang papanigan sa dalawa.


Si Vomer naman ngayon ang may hawak ng bola. Dinidribol ni Vomer ang bola papasok sa pagitan ng kanyang dalawang binti papunta sa likod niya habang binabantayan siya ni Aries.


Napa-WOW si Katie kay Vomer...


At akmang isho-shoot na ni Vomer ang bola kaya hinarang siya ni Aries...pero "fake" ang ginawa ni Vomer. Sa halip na i-shoot, dinribol niya ulit ito palayo kay Aries at papunta sa ring at nag-lay up ito. Pasok ang tira ni Vomer.


Palakpakan ulit ang mga kaklase nila. Marami na ring iba pang estudyante ang nakiusyoso sa laban nila. Ang iba sa mga ito ay ang mga ka-boarding house nila sa Hotel Lakandula.


Habang kasagsagan naman ng laban nina Aries at Vomer, nasa gilid ng court sina Eunice at gay friends niya. Nagchi-cheer sina Eunice para kay Aries...


EUNICE: Go! Go Aries! Go! Go! Go!


At may hagis effect pang nalalaman sina Eunice. Hinagis si Eunice ng dalawang gayfriends niya sa ere habang nagchi-cheer...


Pagkahagis kay Eunice sa ere...


GAY FRIEND 1: Yehey! Uwian na!

GAY FRIEND 2: Tara, sistah! Uwi na tayo...


At umalis na ang dalawa...


EUNICE: Hoy! Mga gaga kayo! Saluhin niyo ko! Hoy! Hoy! Bumalik kayo dito!


OSPITAL NING ANGELES ang kinabagsakan ni Eunice pagkatapos ng insidenteng iyon.. :p


Samantala...marami pang maaksyon na nangyari sa laban nina Aries at Vomer...nagkatapalan ng bola, nagka-foul ang dalawa... Ngunit sa huli...si Aries pa rin ang nanalo sa laro sa score na 13-10.


Parehong pawisan ang dalawa pagkatapos ng laban nilang iyon.


Kinagabihan, sa Hotel Lakandula, habang nagdedecorate ng mga Christmas decoration si Ate Cherry, naging usap-usapan sa lounge ang laban nina Aries at Vomer...


RYE: Halimaw ka pala sa basketball, Kuya Aries!

ARIES: Di naman masyado..hehehe...

GLENNLLOYD: Magaling din yung naging laro ni Vomer kahit paano...

VICTOR: Ang aksyon ng laban niyo kanina ah! Pareho kayong inspired kay Ate Katie..hahaha!

JERICKA: Para kayong sina King Menelaus at Paris na pinag-aagawan si Helen sa Trojan War sa Greek Mythology ah!


At dahil medyo napipikon si Vomer sa usapan, lumabas ito at nagpunta sa veranda para mapag-isa...


ARIES: Hay...si Vomer talaga. Akala niya siguro eh si Katie ang pinapakitaang-gilas ko kanina sa laban kaya masyadong kinarir ang laro. Tsss...


Samantala, nasa cafeteria naman si Katie dahil magbabayad ito ng upa kay Aling Ester...


KATIE: Aling Ester...ito na po yung bayad ko sa upa. Sensya na po at natagalan...


Malamig ang tono ni Katie kay Aling Ester. Di niya pa rin kasi nalilimutan ang naging usapan nila ni Aling Ester noong isang linggo.


Kinuha ni Aling Ester ang pera at ginawan ng resibo si Katie. Ngunit di agad binigay ni Aling Ester ang resibo at sa halip ay kinausap si Katie...


ALING ESTER: Katie, iha... Galit ka ba sa akin dahil sa nasabi ko nung isang linggo sa'yo?

KATIE: Hulaan mo!!!


Ngunit di ito naiwika ni Katie at pinanatiling tikom ang bibig...


ALING ESTER: Pagpasensyahan mo na yung nasabi kong yon. Nakita ko naman na mukhang OK kayo ni Aries...you get along well together...ayun...


Nanatiling tahimik si Katie...


ALING ESTER: At masaya ako at kahit paano ay di na traumatized si Aries sa pag-ibig nang dahil sa'yo...


Ngumiti si Aling Ester kay Katie at sabay abot ng resibo. Nginitian naman din ni Katie si Aling Ester tanda ng pagpapatawad niya rito...


At napansin ni Katie na may 100 pesos na kalakip sa resibong binigay sa kanya ni Aling Ester...


Bago pa man makapagsalita si Katie...


ALING ESTER: Pamasko ko na yan sa'yo, Katie. (sabay ngumiti ito). Advance Merry Xmas...


KATIE: Advance Merry Xmas din po, Aling Ester! :)


TO BE CONTINUED...


Saturday, January 10, 2009

Episode 24: Northern Downpour




Nginitian ni Vomer sina Katie at Aries. Ngumiti naman si Katie. Di naman maipinta ang expression ni Aries...


At pumasok na si Vomer sa room nila...


Napansin naman ni Katie ang expression ni Aries na parang...


KATIE: Alam mo, Aries... para yatang nagseselos ka...


Sa isip-isip ni Katie habang tumitibok ang puso niya...


KATIE: Hindi kaya..kaya nagseselos si Aries ay dahil...dahil...


At binulungan ni Aries si Katie...


ARIES: Oh..iniisip mo siguro na nagseselos na naman ako? Siyempre..dahil nagpapanggap tayo eh kailangan kong umakting...tabi na dyan..maglalaro na ko...


Medyo disappointed na umalis si Katie dahil sa sinabi ni Aries...pero di niya ito pinahalata kay Aries...at wala rin namang pake si Aries kahit nahalata niya ito...


*************

Isang gabi kinabukasan, nag-aaral ang halos lahat ng dormers ng Hotel Lakandula sa table lounge...


CELLE: Uy, Jericka. Ang hiraps naman ng problems na 'to. Please helps me to finds what's the rights answers...

JERICKA: Ba't naman may "s" lahat ng sinabi mo? Sige, tuturuan kita..


CELLE: THANK TO YOU.. :p

JERICKA: "Thanks" to you dapat! Ngayon naman kung kelan kelangan ng "s" yung salita wala ka namang "s"

CELLE: Naubusan na ko ng "s" eh... :p


Naglilinis naman ang tagalinis ng Hotel Lakandula na si Ate Cherry sa lounge gamit ng vacuum cleaner....


At bigla na lang, tinawag si Ate Cherry ni Aling Ester mula sa cafeteria sa ibaba...


ALING ESTER: Cherry! Tipa ka keni keng cafeteria! Atin ku sabyan keka. (Baba ka dito sa cafeteria. Meron akong sasabihin sa'yo)

ATE CHERRY: Patipa na ken, Atse! (Pababa na dyan, Ate)


At bumaba na si Ate Cherry...


Napatingin naman si Victor sa vacuuum cleaner... At may naisip si Victor na gawin sa vacuum cleaner...


Tumayo si Victor at tumayo sa ibabaw ng vacuum cleaner. At pinaandar niya ito... at umikot-ikot ang vacuum habang nakasakay dito si Victor...nakatagal siya sa vacuum ng mga 3 seconds


Tawa naman ng tawa ang mga dormers...Inulit pa ito ni Victor...



VICTOR: Hotel Lakandula pipz! Watch and learn!


Nakatingin naman si Aries sa ginagawa ni Victor.. At na-elibs siya rito...


At napansin niyang elibs na elibs din si Melanie sa ginagawa ni Victor kaya...


At para na rin magpasikat kay Melanie...



ARIES: Ako nga, Victor, pasubok nyan...


At sumakay nga si Aries sa vacuum at pinaikot. Pero di siya nakatagal sa vacuum... mga 1 second lang siya sa vacuum...


ARIES: Ang hiwap naman nito... (at bumaba ito sa ibabaw ng vacuum)

MELANIE: Nagmamagaling kasi!

VICTOR: Ako nga dyan, Kuya Aries. Hina mo! Di ka pa karapat-dapat na maging Hokage Ninja! Hindi mo pa natututunan ang Vacuum Cleaner Technique!


At sumakay ulit si Victor sa vacuum. Nang pagsakay niya sa vacuum...


ARIES: Ate Cherry!


Kabadong napalingon naman si Victor...


ARIES: Joke lang! Hehehe...


At pinagpatuloy naman ni Victor ang pagsakay at pagpapaikot niya sa vacuum... Kumaway-kaway pa si Victor bago pinaikot ang vacuum...


At pinaikot niya ang vacuum...at nakatagal si Victor sa umiikot na vacuum ng 6 seconds...


Tuwang-tuwa naman ang lahat...


OPEN YOUR SPEAKERS AT PANUORIN NIYO YUNG VIDEO NG "VACUUM CLEANER ESCAPADE NG HOTEL LAKANDULA DORMERS"...hehehe...




***********

AUTHOR'S NOTE:
Pag ayaw gumana ng video dyan sa blog, punta kayo sa link na to para mapanood nyo yung video..hehehe. Mas nakakaaliw kasi pag napanood niyo yung video...hehehehe:

LINK: Ang Vacuum Cleaner

*************

DECEMBER NA!

Isang gabi ng December 1... bumili sa cafeteria ng Hotel Lakandula si Katie..


KATIE: Aling Ester, isa nga pong Pulpy Orange...


Binigay ni Aling Ester ang Pulpy Orange na drink kay Katie at binayaran ito ni Katie...


KATIE: Thank you po, Aling Ester...


Paakyat na sana ng hagdan si Katie nang...


ALING ESTER: Katie, iha. May gagawin ka ba?

KATIE: Wala naman po, bakit po?

ALING ESTER: Pwede ba kitang makausap?

KATIE: Naku, Aling Ester...sorry po at hindi pa ko nakakapagbayad ng upa rito. Gipit pa kasi si Mama. Di pa namin natatanggap padala ni Papa galing Dubai..

ALING ESTER: Hindi...hindi tungkol sa upa mo...

KATIE: Eh, tungkol saan po?

ALING ESTER: Sa...sa...relasyon niyo ng pamangkin ko...


Di maitatago ni Katie ang gulat niya kay Aling Ester...


At pagkalipas nga ng ilang minuto, nakaupo sila sa isa sa mga table ng cafeteria...di mapakali si Katie...nakasarado ang dalawa niyang mga kamay at ginagalaw-galaw ito...


ALING ESTER: Paano ba kayo nagkaligawan ni Aries?

KATIE: Ah..eh...mabilis po kasi ang lahat eh. Basta po nung sembreak, nagkita kami sa Gateway sa Cubao nang di sinasadya...tapos nag..nagbonding kami nun...tapos ano po...kami na nung araw na yun...birthday niya po nun... Actually, noong November 24 ang monthsarry namin...


Sa isip-isip naman ni Katie...


KATIE: Whew! Feel na feel ko namang kami ni Aries! May monthsarry pa kong nalalaman! Ang dami namang kasing nagtatanong tungkol sa min ni Aries! Pati ba naman si Aling Ester inintriga ako! Naku talaga...


Tumango-tango naman si Aling Ester at ginugunam-gunam ang mga kinuwento ni Katie...


ALING ESTER: Mabilisan nga talaga yung sa inyo ni Aries nuh...

KATIE: Ganun na nga po...


Sabay ngiti si Katie kay Aling Ester. Pero di siya nginitian ni Aling Ester, sa halip, seryoso ang mukha nito...


ALING ESTER: Katie, iha. Kilala ko yang pamangkin ko. Di pa nagka-girlfriend yan...natakot makipagrelasyon yan dahil sa nangyari sa Daddy at Mommy niya... Kaya sana..wag mo siyang saktan...


Hinintay ni Aling Ester na sumagot si Katie. Pero nang di nagsalita si Katie, nagpatuloy si Aling Ester...


ALING ESTER: Nakapag-usap na kami ni Aries dati...nung hinalikan niya nang di sinasadya si Melanie. Inakala ko nun na si Melanie ang napupusuan niya... pero bigla na lang na naging kayo...


Natigilan si Katie sa sinabing iyon ni Aling Ester...


ALING ESTER: Katie, wag mong masamain itong sasabihin ko ah. Pero pinag-iingat din kita na baka saktan ka rin ni Aries. Naisip ko na kaya ka niya niligawan ay para...para kalimutan si Melanie...dahil di siya mahal ni Melanie...


Nagpantig ang tenga ni Katie sa sinabing iyo ni Aling Ester.


KATIE: So, pinapalabas niyo po na ginagawa akong panakip-butas ng pamangkin niyo?

ALING ESTER: Hindi naman sa ganun pero...

KATIE: May gagawin pa po ako, Aling Ester. Pasensya na.


At tumayo si Katie sa kinauupuan at umakyat na sa hagdan patungo ng kwarto nila...


Ngunit hindi tumuloy ng kwarto si Katie, sa halip, nagpunta ito ng veranda, umupo sa bench at napaisip siya sa sinabi ni Aling Ester habang tinutungga ang Pulpy Orange niya...


KATIE: Tama nga si Aling Ester...Ginagawa lang akong "panakip-butas" ni Aries... Alam ko namang hindi ako mahal ni Aries at nagpapanggap lang kami. Ako lang 'tong si assuming na umaasa na sa pagpapanggap namin...magustuhan niya ako...


At narinig ni Katie na bumukas ang pinto ng veranda kaya napalingon siya dito...


Si Aries ang nasa pinto at may dala itong gitara...


ARIES: Oh, ba't nag-iisa ka dyan sa veranda? Para kang naglalasing dyan ah! Ano yang iniinom mo? Red Horse?

KATIE: Oo..Red Horse 'to na Orange flavor! :p

ARIES: Oh, ba't ka naman nagsesenti dyan?

KATIE: Ah...eh..wala... Gusto ko lang mapag-isa sana... Ikaw?

ARIES: Ito...nanghiram ako ng gitara kay Victor. Walang magawa eh...

KATIE: Marunong ka palang magitara?

ARIES: Oo naman! Tugtugan pa kita ng composition ko eh!


At umupo si Aries sa tabi ni Katie... Napatingin si Aries sa langit...


ARIES: Ang ganda pala ng buwan ngayon oh...parang nakangiti...


Napatingin si Katie sa langit...at natuwa nga siya sa nakita..parang nakangiti ang buwan...


MoonSmiling


ARIES: Anong gusto mong tugtugin ko? (sabay posisyon ng gitara)

KATIE: Ha? Ah..eh..kahit ano...


ARIES: Oh, ito na lang..tungkol sa buwan 'tong tugtog ko. Dahil sa ganda ng buwan ngayong gabi akalain mong naka-compose agad ako ng kanta tungkol dito... Composition ko 'to ah!

KATIE: Maniwala ako! Asa!


ARIES: Tsss! E di wag kang maniwala! Yan na, tutugtugan na kita...


At nag-strum na ng gitara si Aries at nagsimula nang tumugtog...


Click PLAY to hear the song. Maganda yung song promise. Basahin niyo na rin yung lyrics habang pinapakinggan yung song...




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com







SmartLyrics | Northern Downpour



Habang tumutugtog si Aries at kumakanta, di maiwasang kiligin si Katie...nakatingin siya sa nakangiting buwan sa langit habang nakikinig kay Aries...


Sa sobrang kilig, halos nalimutan na niya ang mga bumabagabag sa kanya kanina...na ginagawa lang siyang panakip-butas ni Aries...


Si Aries naman, habang tinutugtog at kumakanta, ang nasasaisip niya ay si Melanie...na sana siya ang kasama niya sa mga panahong ito..na napakaromantic ng gabi dahil sa kakaibang formation ng buwan na parang nakangiti...



Nang matapos ang kanta, pumalakpak naman si Katie.


KATIE: Wow naman.. Anong title ng kantang yun tsaka sino kumanta?

ARIES: Compose ko nga! Kulit nito!

KATIE: Naman 'to eh! Sino na kumanta?

ARIES: Northern Downpour yung title, Panic! At the Disco kumanta...pero ako compowser!

KATIE: Oo na..ikaw na compowser! :p


Nagsimula ulit tugtugin ni Aries yung kanta...at biglang may naalala si Katie...


KATIE: Teka...Panic! yung kumanta nyan?

ARIES: Yep!

KATIE: Paborito ni Melanie ang Panic!

ARIES: Ganun?

KATIE: Oo...halos nga mawakwak na lalamunan nun kakanta ng mga kanta ng Panic! pag kami lang sa kwarto namin... :p


Naglabas ng cellphone si Aries at inilapag sa bench ito. Nakita ni Katie na nasa "voice recorder" na icon ang cellphone ni Aries...


ARIES: Irerecord ko ulit yung kanta sa cellphone ko...tapos ibluetooth ko sayo...tapos ipakinig mo kay Melanie...ok ba?


Natigilan dun si Katie. Gusto niyang sigawan si Aries na nagseselos siya...pero naalala niyang "nagpapanggap" lang sila kaya pinigilan niya ang sarili...


Napansin naman ni Aries na nakatulala si Katie kaya...


ARIES: Katie?

KATIE: Ay..ano na nga pala?

ARIES: Payag ka bang irecord yung kanta ko tapos ipapakinig mo kay Melanie sa cellphone..


KATIE: Uhm... oo naman.. Sa cellphone ko na lang magrecord. May recorder din naman cellphone ko...

ARIES: Ok...sige..game! Recording na!


At habang tumutugtog at kumakanta na ulit si Aries at nirerecord ni Katie sa cellphone niya ang kanta...


KATIE: Sinasabi ko na nga ba....para talaga kay Melanie ang kinanta niya at hindi para sa akin...



At sa tingin ni Katie, parang bumaligtad ang nakangiting buwan at sumimangot mula sa kalangitan...


TO BE CONTINUED...

Monday, January 5, 2009

Episode 23: D.O.T.A.




Tanaw sa bintana ng Coffee Academy ang parking lot ng UPEPP kung nasaan si Aries...


Nang makita ni Aries sina Katie at Vomer sa Coffee Academy mula sa parking lot ng UPEPP, sumakay ito sa motorsiklo niya at pinaharurot nang malakas...


Narinig nina Katie at Vomer ang tunog ng harurot ng motor ni Aries..at napatingin sila sa bintana ng Coffee Academy...


At nakita nila saglit si Aries at ang motor nito na mabilis na umaandar palayo ng UPEPP...


Sa waiting shed naman ng UPEPP, nag-aabang ng jeep sina Eunice at ang gay friends niya...nang matanaw ni Eunice na paparating ang motor ni Aries sa kanila...


EUNICE: OMG! Si Aries ko... (sabay kinilig) Oi, bakla...maganda ba ako? Bilisan mo sumagot..papalapit na si Aries ko..

GAY FRIEND 1: Oo na...maganda ka...sabi ng nanay mo...

EUNICE: Che!


Nang nasa tapat na nila ang humaharurot na motor ni Aries...


EUNICE: Hey, Aries! I'm here...


Ngunit sa halip na tigilan ni Aries, nagpatuloy lang ito sa pagharurot at binugahan pa ng usok mula sa tambutso ng motor ang tatlo...


Naubo sina Eunice at gay friends niya nang mabugahan ng usok..


GAY FRIEND 1 & 2: *ubo *ubo *ubo!

EUNICE: *Cough *cough *cough! Danang Aries yan! Inis-nab ang beauty ko! Di ba ko magandang tignan ngayon? Ha..bruha?


GAY FRIEND 2: Ah...eh...maganda ka naman ngayon, friend. Hawig mo nga si Bella 'eh..

EUNICE: Bella Swan sa Twilight?

GAY FRIEND 2: Nope...Bella...Bella Flores... :p


Samantala, sa Coffee Academy naman, pagkakita kay Aries na kaaalis lang...tumayo si Vomer...


VOMER: Ate Katie...alam kong may magbabago sa samahan natin ngayon..ngayong inamin ko na..pero..tanggap ko man kung magkagayon man..Sige, Ate Katie..una na ako..at happy birthday ulit...


Umalis na si Vomer palabas ng Coffee Academy. Naiwan namang nakaupo si Katie...


Habang naglalakad si Vomer palayo...naalala niya kung pano siya nain-love kay Katie...


FLASHBACK...


October noon... Last semester.. Sa Hotel Lakandula...lumabas siya ng kwarto para hanapin si Aries...


VOMER: Saan na ba yun si Kuya Aries...mahiraman ko nga ng PSP...


At pagbukas ni Vomer ng pinto ng kwarto nila, natanaw niya na natutulog sa mesa sina Katie at Aries dahil sa pag-aaral ng Zoology...


VOMER: Naku 'tong si Kuya Aries oh.


Gigisingin niya sana si Aries...pero napatingin si Vomer kay Katie na natutulog...


Napatingin si Vomer sa mataba-tabang pisngi ni Katie...at sa labi nitong nakangiti pa habang natutulog...


VOMER: Ang cute naman ni Ate Katie matulog...naka-smile pa...Baka napapanaginipan ako kaya nakangiti..hehehe...


At inilapit ni Vomer ang mukha niya sa mukha ni Katie...at dun niya napansin na tulo-laway pala si Katie..


Napangiti na lang si Vomer...naglabas ng panyo at pinunasan ang laway ni Katie...


At habang pinagmamasdan ni Vomer ang mukha ni Katie...nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya...


At mula noon, sa tuwing makikita ni Vomer si Katie sa UPEPP, napapangiti ito...


Minsan, nang makita ni Vomer si Katie sa corridor ng UPEPP nung last day ng first sem...


JR: Hoy! Anong ngingiti-ngiti mo dyan...

VOMER: Ha? Wala!

JR: Chicks nuh? Saan ba? (sabay linga-linga si JR sa paligid)

VOMER: Wala nga! Kulit nito!

JR: Eh, ba't ka nga nakangiti?

VOMER: Wag ka na nga lang makialam.

JR: Nababaliw ka na ata eh. Ngumingiting mag-isa...



Tumindi ang naramdaman ni Vomer kay Katie over the sembreak dahil bini-view nito palagi ang Friendster profile ni Katie...


At nakaramdam din siya ng selos nang biglang i-announce ni Aries noon sa cafeteria ng Hotel Lakandula nung first day of second sem na...


ARIES: Ah..oo nga pala...Tita Ester, my fellow dormers, friends, guests...a pleasant evening to all of you. Ipinapakilala ko nga pala sa inyo ang girlfriend ko...si Miss Katie Madrid...


Di lang nagpahalata nun si Vomer na nagseselos...dahil umeksena noon si Kuya Karlo na nagseselos din....dahil gusto nito si Aries... :p


At sa Hotel Lakandula...panakaw at lihim na tinitignan lagi ni Vomer si Katie pag nag-aaral sila ng sabay sa lounge... na minsan ay nahuhuli ni Destiny...


At naalala rin ni Vomer ang nangyari kaninang madaling-araw sa debut ni Katie...ang pagsasayaw nila ni Katie...at ang huli niyang sinabi kay Katie bago siya nalasing...


VOMER: Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries?


BACK TO PRESENT...


Nilingon ulit ni Vomer ang Coffee Academy...at nasilip niya sa bintana nito na nakatingin sa kanya si Katie...


Nagngitian ang dalawa at pumasok na ng building ng UPEPP si Vomer...


Makalipas ang ilang minuto, nag-uusap sa corridor sina Katie, Melanie at Destiny...


MELANIE: At ano naman ang sinabi ni Vomer sa'yo at mukha yata kayong natagalan?

KATIE: Di ko alam kasi kung dapat ko bang sabihin sa inyo eh...

DESTINY: Bakit naman?

KATIE: Eh..basta..

MELANIE: Ayan ka na naman eh. Naglilihim ka na naman sa amin..una, si Aries nilihim mo..tapos ngayon ulit...

KATIE: Eh..pano ba..kasi ano kwan..tsk..eh..

DESTINY: Umamin sa'yo si Vomer na may gusto siya sa'yo nuh?


Nagulat si Katie..


KATIE: Pano mo nalaman?

DESTINY: Well...let's just say na tini-train na ako ni Aling Ester to be a manghuhula someday... :p

MELANIE: Well, Destiny...bagay nga sa'yo ang panghuhula kasi ang iyong pangalan ay "Destiny"...hawak mo ang "destiny" ng bawat tao..hehehe...


KATIE: Ano ba kasi. Magseryoso na nga kasi. Destiny..pano mo nalaman?

DESTINY: Naku naman kasi Katie. Manhid ka kasi. Minsan, nakikita ko yan si Vomer na tingin nang tingin sa'yo pag kumakain tayo sa cafeteria ng Hotel or pag nag-aaral tayo sa lounge...


MELANIE: Tsaka sa sinabi niya kanina sa debut mo bago siya bumagsak...naku..alam na!

KATIE: Malay ko ba naman kasi kung salitang lasing lang yun o ano...

MELANIE: Nakanang tuts ka naman, Katie! May gusto sa kanya si Vomer...Ang haba ng hair mo ah..sa sobrang haba pwede nang i-ponytail.. :p


Sa waiting shed, nag-aabang pa rin ng jeep sina Eunice...


EUNICE: Ano ba namang mga jeep yan! Ang tagal-tagal! 48 years! Tinutubuan na ko ng ugat dito!

GAY FRIEND 1: Akala ko tinutubuan ka na ng buntot at sungay..

EUNICE: Ano? May binubulong ka ata dyan...pwedeng pakiulit...

GAY FRIEND 1: Sorry...ayoko ng replay... :p


At dumating din sa waiting shed sina Katie, Melanie, at Destiny...


EUNICE: Ooooohhh...look who's here...nandito pala ang birthday girl. Happy Birthday Katie...

KATIE: Galing naman sa ilong ang bati. Plastik.


EUNICE: Alam mo, Katie. Di ko alam kung ano ang nakita sa'yo ni Aries at ikaw ang syinota niya. Di bale...magbe-break din kayo agad...ngayong nakita na niya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa ng UPEPP...siyempre wala nang iba pa kundi ako...


Nag-make face naman si Destiny na nakita ni Eunice...


EUNICE: Ooooohhh...nandito rin pala ang "sumabit" sa awarding ng Miss UP. Akalain mo yun, naging second runner up ka pa..eh halos hindi na kita makita kagabi sa sobrang dilim...


Black beauty (morena) kasi si Destiny kaya ganun siya laiitin ni Eunice...


DESTINY: Well, Miss Brightside. Ito lang ang masasabi ko sa'yo...kili-kili mo lang ang maputi...budhi mo maitim!


Palakpakan naman sina Katie at Melanie. Inis na inis naman sina Eunice at gay friends kaya nagtawag "kuno" ito ng taxi kahit wala namang ganun sa Clark..


EUNICE: Taxi! Taxi! (at umaarteng pumapara ito ng taxi)



Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie at Destiny...


Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina sa waiting shed ng UPEPP...


DESTINY: Taxi! Taxi! (ginagaya niya si Eunice)

KATIE: Buti nga sa "matang" yun. Nakahanap siya ng katapat...

MELANIE: With conviction mo pang binitiwan ang award-winning mong linya ah! "Kilikili mo lang ang maputi...budhi mo maitim!"

MELANIE: Kakabugin mo sina Vilma, Nora, at Sharon sa acting mo kanina, Destiny!


Nang nasa lounge na sila ng Hotel Lakandula, nakita nilang nagla-laptop si Aries sa table.


Bago sila makarating ng kwarto nila, madadaanan nila ang daanan sa likod ng kinauupuan ni Aries...


At naglakad nga silang tatlo sa daan na yun papunta sa kwarto nila..nasa pinakalikod si Katie...


Kaya nang magkalapit na sina Katie at Aries..biglang nagsalita si Aries...


ARIES: Oh, kumusta naman ang date sa Coffee Academy?


Natigilan si Katie doon at napatingin kay Aries. Hindi naman nakatingin si Aries sa kanya. Sa halip, ito ay naglalaro ng D.O.T.A. sa laptop niya...


Pumasok naman sina Destiny at Melanie sa kwarto nila...kaya sina Katie at Aries lang ang tao sa lounge...


ARIES: Ang sweet niyo ni Vomer kanina ah...


KATIE: Aries..nag-usap lang kami ni Vo--

ARIES: Wag ka nang magpaliwanag pa...nakita ko kayo..mas matamis pa kayo kanina kesa sa mga kapeng itinitinda sa Coffee Academy...


KATIE: Teka..wala na ba akong karapatan na makipag-usap kay Vomer?! Ikaw nga, nagpapalandi ka sa Eunice na yun sa Comm 2 class niyo!


Si Aries naman ang natigilan. Napatingin siya kay Katie.


ARIES: T---ttt---teka---h--h--hi---hind---


KATIE: Wag ka nang magpaliwanag pa (gayang-gaya niya si Aries dito). Nagsusumbong sa akin sina Lorraine at Jericka. At nakikita nila na sa twing magkakatabi kayo ni Eunice eh lumalaki yang mata mo nang mas malaki pa sa mga mata ni Eunice at tinititigan ang cleavage, ang legs at ang kilikili ng babaeng yon!


Napakamot na lang ng ulo si Aries...


ARIES: Ah..eh..teka..bakit mo sinusumbat sa akin yan? Nagseselos ka nuh?

KATIE: Aba? Ako nagseselos?! Excuse me! Sino bang nauna? Baka ikaw ang nagseselos sa amin ni Vomer...

ARIES: Ganun? Sige...magsama na kayo ng Vomer mo...

KATIE: Talaga!


At nagpatuloy si Aries sa paglalaro ng D.O.T.A. Kaya ang ginawa ni Katie, ginulo-gulo niya si Aries sa pamamagitan ng pagpindot-pindot ng kung anu-ano sa keyboard at ginagalaw-galaw ang mouse...


"Ang Spoiled Mode" ngayon si Katie...


ARIES: Ano ba! Naglalaro yung tao eh ginugulo...!


Tumigil na si Katie sa panggu-gulo...


KATIE: Galit ka ba? Sorry na... Birthday na birthday ko..galit ka sa akin...


ARIES: Eh kasi naman....

KATIE: Kasi naman ano?

ARIES: Eh...basta!

KATIE: Ang labo mo!

ARIES: Malabo ba? Sorry, mahina ang antenna ko eh..kaya malabo..

KATIE: Hehehe...korni!

ARIES: Tsss...

KATIE: Uy, Aries.. sorry na. Nag-usap nga lang kami ni Vomer kanina...nag-sorry lang siya sa ginawa niya kaninang madaling-araw sa mini-debut ko...ayun lang...

ARIES: Yun lang talaga?


Medyo na-guilty si Katie doon...dahil di niya sinabi ang ginawang pag-amin sa kanya ni Vomer...


KATIE: Oo..yun lang..ano pa ba inaasahan mo?

ARIES: Ok...

KATIE: Ano na? Napatawad mo na ba ko?

ARIES: Oo na...


Lumapit si Katie sa likod ni Aries at niyakap ito sa leeg...


KATIE: Ito naman kasing boyfriend ko...ambilis magselos...at ang bilis ding magpalandi sa matang yon! (sabay pingot sa ilong ni Aries)


ARIES: Aray ko naman! Nakapingot ka?!

KATIE: Naku..buti nga ayan lang ginawa ko sa'yo...kulang pa nga yan bilang kaparusahan sa pakikipaglandian mo sa Eunice na yun!


At tinanggal na ni Katie ang kamay niya sa pagkakayakap kay Aries...at nagpatuloy sa paglalaro ng D.O.T.A. si Aries...


KATIE: Ayan ba yung DOTA? Turuan mo naman ako maglaro.

ARIES: Ayoko nga...mahirap tong ituro. Slow ka pa naman...

KATIE: Ang yabang mo! Sige, tignan lang natin. Pag ako natutong maglaro nyan..pustahan pa tayong matatalo kita!


At tinulak ni Katie si Aries sa upuan para siya naman ang makaupo at makalaro ng DOTA..


Pagkatulak kay Aries..



ARIES: Ayos ka ring makatulak ah!

KATIE: Turuan mo kasi ako nitong DOTA. Ito naman eh!


At si Katie na nga ang naglalaro ng D.O.T.A.

Si "Alleria" ang hero na gamit niya...


ARIES: Ayan..ah..Team Sentinel ka..kalaban mo yung mga Scourge..yung mga mukhang kalansay. Kakampi mo yung walking trees..Ang goal mo sa game na yan eh sirain yung building sa gitna ng base ng kalaban na tinatawag na "Ancient"...OK?


KATIE: Oo na...game na. Dami mo pang satsat eh...

ARIES: Ayan...may kalaban na...i-attack mo!

KATIE: Pano ba yung attack dito?!

ARIES: Sigaw mo lang..."Attack! Attack!" ayun...


Tinignan ng masama ni Katie si Aries...


KATIE: Naman 'to 'eh! Pano na kasi?

ARIES: Pindutin mo lang yung "A"...ayun...


At sinugod ng mga kalaban si Katie...


KATIE: Waaahh! Ano ba naman 'tong mga kalaban na'to! Peste! A-attack pa lang ako susugod na! Bakit naman ganito tong mga kalaban na'to? Sugod nang sugod!

ARIES: Malamang kalaban sila. Alangan namang tumunganga yang mga yan! :p


At tinignan ni Aries yung lifeline ng hero na gamit ni Katie...


ARIES: Mamamatay na yung hero mo...balik ka sa base mo tapos magpa-heal ka sa fountain dun..

KATIE: Ha? Mamamatay na? Bakit? Pano mo ba nalalaman pag mamamatay ka na?

ARIES: Pag tinakda na ni Lord na mamamatay ka na..ayun... :p

KATIE: Naman toh eh! Tinatanong nang matino eh!

ARIES: Ako na nga kasi dyan! Sinira mo lang laro ko!

KATIE: Ayoko nga. Hindi ako aalis dito hangga't di ako nagiging game master ng D.O.T.A.


At nagtatawanan sina Aries at Katie..


At nasa ganoon silang pagbibiruan nang biglang dumating si Vomer galing school...nagkatinginan silang tatlo...


TO BE CONTINUED...





Sunday, January 4, 2009

Episode 22: Coffee Academy

VOMER: Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries?


Natigilan sina Katie at Aries at napatingin ang lahat kay Vomer...


At bigla na lang, nagsuka si Vomer, bumagsak, at nawalan ng malay dahil sa kalasingan...


Binuhat siya ng mga lalakeng dormers at inihiga sa kama niya...


Nang matapos na ang party dahil sa nangyari kay Vomer, nag-usap sa kanilang kwarto sina Katie...


MELANIE: Di ko aakalain na ganyan pala malasing si Vomer.

LORRAINE: For sure, sa nangyari ngayon kay Vomer, di na ulit papayag si Aling Ester na mag-inuman dito...

IZEN: Pero, Ate Katie, mukhang type ka ni Vomer..uuyyy..

DESTINY: Uuuuyyy..nagagandahan sa kanya si Vomer.

KATIE: Naku, tumahimik nga kayo. Lasing lang yun kaya nagandahan sa akin...


Sa kwarto naman nina Aries. Ka-room ni Aries sina Vomer, Adan at GlennLloyd. Pinupunasan ni Adan si Vomer para linisin ito habang himbing ito sa pagtulog.


Nagbibihis naman si Aries nang biglang nagsalita si Vomer...


VOMER: Ate Katie...ang ganda mo talaga...hmmm... (at balik ito sa pagkakatulog)


At umecho sa isip ni Aries ang sinabi ni Vomer kanina kay Katie...


VOMER: Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries?


GLENNLLOYD: Kuya Aries...buti di mo nasapak si Vomer kanina?

ADAN: Sabihan ba naman sa harap mo na siya na lang ang mahalin ni Ate Katie...kung ako yun masasapak ko yung lalakeng yun..

ARIES: Lasing si Vomer. Di niya alam pinagsasabi niya...naintindihan ko yun...


Pero tingin ni Aries..."meant" talaga ni Vomer na sabihin iyon kay Katie...


At naalala ni Aries ang usapan nila ni Vomer sa kwarto nila itong mismo...one week na ang nakakaraan...


FLASHBACK...


Nakaupo si Aries sa kama niya at naglalaro ng PSP. Nang bigla siyang kausapin ni Vomer...


VOMER: Kuya Aries...ang alam ko birthday na ni Ate Katie sa November 26 ah.

ARIES: Oh, talaga?

VOMER: Ha? Di mo alam?

ARIES: Ah...hindi...alam ko..nawaglit lang sa isip ko...

VOMER: May gift ka na ba sa kanya? Or plano na gagawin sa birthday niya?

ARIES: Eh...wala pa nga eh...

VOMER: May gusto sana akong i-suggest sa'yo...

ARIES: Ano naman yun?

VOMER: Debut na niya kasi nun sa 26. Ayun...naisip ko na ipaghanda natin siya kahit konti lang. Sorpresahin natin siya para sweet tignan... ayun...


BACK TO PRESENT...


Napaisip si Aries...


ARIES: Posible kayang may gusto tong kolokoy na Vomer na 'to kay Katie?


Kinabukasan, pagpasok sa room ng Comm 2 class niya si Aries, wala siyang makitang bakanteng upuan...


Hinanap niya sina Lorraine at Jericka na mga kaklase niya sa Comm 2 pero wala ring bakanteng upuan sa tabi nila...


Nang makita ni Eunice si Aries, tinulak ni Eunice ang katabi niyang gay friend sa upuan at plakda si gay friend sa sahig...


Sabay kaway si Eunice kay Aries...


EUNICE: Aries...dito sa tabi ko bakante...


At dahil nga wala nang ibang bakante, umupo doon si Aries. At sabay naman tayo si gay friend.


GAY FRIEND: Gaga ka! Saan naman ako uupo niyan?

EUNICE: Di ko na problema yun...

GAY FRIEND: Ah..ganun...


At bigla na lang kumandong si gay friend kay Aries at nag-beautiful eyes pa kay Aries...


Nagulat naman si Aries at lalong lumaki ang mga malalaki nang mata ni Eunice...


EUNICE: Dana! GET LOST!


Sabay tulak kay gay friend para umalis na sa pagkakakandong kay Aries...


GAY FRIEND: Che! Go to hell!


At bago umalis si gay friend, nagpa-cute muna ito kay Aries sabay labas ng room...


At kinausap na ni Eunice si Aries...


EUNICE: Hi Aries...maganda ba ko kagabi?

ARIES: Ha? Ah..eh..hindi---


EUNICE: Ano? Nag-diet ako't lahat-lahat, nagpatahi ng gown sa Versace, Dolce and Gavanna, nagparetoke kay Dra. Viki Belo at higit sa lahat...ako ang itinanghal na Miss UP 2008 tapos sasabihin mo lang.. (sabay umakting ito na parang naiiyak) ...hindi ako maganda...Huhuhu...


ARIES: Pwede ba kasi patapusin mo muna ako!

EUNICE: Wag ka nang magpaliwanag pa...huhuhu..

ARIES: Hindi ako nakanood kagabi..ok?


Natigil sa pag-akting si Eunice..


EUNICE: Ha? Hindi ka nanood?

ARIES: Hindi..kasi pinaghandaan ko ng mini-debut ang girlfriend kong si Katie kagabi. Birthday niya ngayon eh...

EUNICE: Ganun?

ARIES: Oo..


EUNICE: E di kung ganun pala...sayang lang ang pagpapagandang ginawa ko para sa'yo kagabi...Nag-diet ako't lahat-lahat, nagpatahi ng gown sa Versace, Dolce and Gavanna, nagparetoke kay Dra. Viki Belo at higit sa lahat...ako ang itinanghal na Miss UP 2008 tapos sasabihin mo lang.. (sabay umakting ito na parang naiiyak) ...hindi ka nagpunta...Huhuhu...


ARIES (pabulong): Kahit naman anong paganda mo mukha ka pa ring bading...

EUNICE: Ano? May sinasabi ka?

ARIES: Ang sabi ko ang laki ng mga mata mo ang bingi mo naman...

EUNICE: Hoy, excuse me! Hindi malaki ang mata ko...it's "protuberant"

ARIES: Pinaganda mo lang.."malaki" lang naman din ang ibig sabihin nun...


At dumating na ang prof nila sa Comm 2 class na si Ma'am Santos...


MA'AM SANTOS: Ok class, i will pass the attendance sheet. You will write your name and beside that, write your favorite line in a song... if you do not write any line, you will be mark as absent for this class..


Habang lumilibot ang attendance sheet, nagdi-discuss na si Ma'am Santos..


Kanya-kanyang lagay ang mga tao ng favorite line nila ng song..tulad ng...


"One Look and I'm mesmerize by your eyes"

"P.S. I Love You...Forever Ends Today"

"Tell me how I'm supposed 2 breathe with No Air?"

"You're on my heart just like a tattoo"


Nag-uusap naman sina Lorraine at Jericka ng ilalagay nila...


LORRAINE: Naiinis na talaga ako sa kalandian ng Eunice na 'yan. Boyfriend pa ng kaibigan natin ang nilalandi...

JERICKA: Malandi eh. Wala tayong magagawa...

LORRAINE: Ay, eto para sa babaeng malandi na yan..ito ang isusulat ko..


At ang sinulat niyang linya ng kanta sa attendance sheet:


"I hate the way you smile.. I hate those BIG BROWN EYES" (Crazy Love - Kim Chiu)


Nang na kay Eunice na ang attendance sheet, ito ang sinulat niya:


"I'm going crazy now. My mind is in disturbia."


At nakarating na kay Aries ang attendance sheet... Nang mabasa niya ang sinulat ni Eunice...natawa ito..


ARIES: Sabi ko na nga ba takas 'tong si Eunice sa mental hospital eh..hehe.



At sinulat niya ang favorite line niya sa isang kanta sa tabi ng pangalan niya..


"Mamase mamasa mamakusa. Mamase mamasa mamkusa" (Please Don't Stop The Music.. :p)


Samantala, kumakain naman sina Katie at Destiny sa Coffee Academy, isang canteen na isang pader lang ang pagitan sa parking lot ng UPEPP...


May radio na tumutugtog sa Coffee Academy...


KATIE: Alam mo Melai. Di pa rin ako makapaniwala sa sorpresa sa akin ni Aries kaninang hatinggabi. Parang fairy tale lang ang nangyari kagabi na debut ko...


MELANIE: Oo..fairy tale nga yung nangyari sa iyo kaninang hatinggabi. Yung Beauty and the Beast ba...ikaw si Beauty tapos si Aries yung Beast...hahaha


KATIE: Ang sama naman nito. Ba't ba galit ka pa rin kay Aries? Matagal na yung halikan blues na yun ah!


MELANIE: Kahit na..bastos pa rin ang ginawa niyang yun! Halikan ba ko sa harap ng maraming tao!


KATIE: Kalimutan mo na yun. Patawarin mo na siya. Alam mo Melai, mabait naman yun si Aries eh. Tsaka gwapo naman siya di ba? Swerte mo nga nahalikan ka na niya eh..

MELANIE: Tigilan mo nga yang sinasabi mo, Katie...kinikilabutan ako!


KATIE: Alam mo, bagay kayo ni Aries...maganda ka naman..gwapo naman siya..tapos pareho kayong mahilig sa music ng Panic! Magkakasundo nga kayo sakali mang maging magboyfriend kayo...

MELANIE: Teka..teka nga..ba't mo ba pinagduduldulan na bagay kami ni Aries? Boyfriend mo yun ah!

KATIE: Ah..eh..wala lang. Gusto ko lang naman kasi na magbati kayo. Gusto ko lang makita mo ang bright side ni Aries. Tulad nga ng sabi ni Eunice, Aries admits he have a dark side..but he have a bright side, too. Thank you!


MELANIE: Hay naku, gaya naman ng sabi ni Victor, ni-reregard ko sa buhay ko ang black na kulay para sa mga malulungkot at madidilim na karanasan ko sa buhay..tulad nang makilala ko si Ariestotle Aranas. Thank you!

KATIE: Grabe ka naman kay Aries...


At iniba ni Melanie ang usapan...


MELANIE: Maiba nga lang ako. Paano ba kayo nagkaligawan ni Aries ha? Nagulat na lang ako na kayo na pala nung first day ng second sem. Hindi ka man lang nagsasabi sa amin...


KATIE: Eh..basta...

MELANIE: SIge na...kwento mo na...para namang hindi ako friend nyan...

KATIE: Sige..kasi ganito yun...nagkita kami sa Gateway Mall nang di sinasadya nung birthday niya...tapos ayun kami na..

MELANIE: Ganun lang? Parang ang bilis...

KATIE: Eh, ganun talaga...


At um-echo sa isip ni Katie ang naging usapan nila ni Aries sa Gateway Mall noon..


KATIE: Oo na...sige na...payag na ko sa pagpapanggap natin na mag-bf tayo. At kapalit noon ay tutulungan kitang mapalapit kay Melanie..tama ba ko?

ARIES: Very well said! OK! Ayos!



At ayun nga ang ginagawa ni Katie...ibinibida niya kay Melanie si Aries... kahit na nasasaktan siyang gawin ito...


MELANIE: OMG.. look who's coming...


Napalingon si Katie sa pinto ng Coffee Academy. Kakapasok lang ni Vomer at papunta ito sa kanila.


Nang nasa table na nina Katie at Melanie si Vomer...


VOMER: Ate Melai..pwede po bang iwan niyo muna kami ni Ate Katie..may sasabihin lang ako sa kanya...

MELANIE: Ok... :)


At umalis nga si Melanie na nakangiting pang-asar. Nabalisa naman si Katie.


Umupo si Vomer sa kinauupuan kanina ni Melanie...


VOMER: Ate Katie...galit ka ba sa akin? Dahil sa kaninang madaling araw?

KATIE: Ha? Hindi. Lasing ka nun..kaya naiintindihan ko...

VOMER: Gusto ko sanang humingi ng sorry kahit paano..

KATIE: Ok lang yun. Ano ka ba..

VOMER: Tungkol nga pala sa nasabi ko kaninang madaling-araw...sorry pala dun..pakisabi na rin kay Kuya Aries.

KATIE: Oo..makakarating..


At natahimik silang dalawa. Napansin naman ni Katie na balisa si Vomer at parang may gusto pa itong sabihin pero hindi masabi...


KATIE: May sasabihin ka pa ba Vomer?

VOMER: Oo sana...

KATIE: Oo sana? Bakit?

VOMER: Di ko masabi eh..baka may mangyari pag sinabi ko...

KATIE: Ano ba kasi yun?

VOMER: Alam ko namang mali eh..pero ewan, Ate..

KATIE: Di kita ma-gets, Vomer..

VOMER: Yung tungkol sa huli kong sinabi sa iyo bago ako natumba kanina...yung kung pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries...

KATIE: Ano yung tungkol dun?


Bumuntong hininga si Vomer at sabay sabing..


VOMER: Kahit lasing ako nun..SERYOSO ako sa pagkakasabi ko dun...


Natigilan si Katie...


At tumugtog bigla sa radyo ang isang kanta...


Click PLAY to hear the song. I-play niyo para mas maka-relate kayo sa eksena..tsaka para may background music..hehehe..




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com




Nagpatuloy si Vomer...


VOMER: Alam ko namang mali 'tong nararamdaman ko kasi...kasi "kayo" ni Kuya Aries..kaya mangangako akong di ako manghihimasok sa relasyon niyo...Ang sa akin lang..gusto ko lang ipaalam ang nararamdaman ko para sa'yo...na mahalaga ka sa akin...na ikaw ang tinitibok ng puso ko...


At mula naman sa parking lot ng UPEPP, nakasilip si Aries kina Katie at Vomer...


TO BE CONTINUED...

Saturday, January 3, 2009

Episode 21: Birthday Surprises




Nasorpresa si Katie. Hindi niya inaasahan na paghahandaan siya ni Aries ng ganito sa 18th birthday niya...


Kasabwat lahat ng dormers ng Hotel Lakandula sa sorpresang ito ni Aries kay Katie. Pati pala sina Phey at Corrine kasabwat dito...


At nagulat si Katie na nasa Hotel Lakandula rin ang mga ka-block niyang sina Miguel at Felix...


ARIES: Pasensya na Destiny, Victor...at hindi ako nakanood ng Mr. and Ms. UP. Na-busy ako dito eh..

VICTOR: Ok lang yun, tol!

ARIES: Hotel Lakandula pipz, tsaka kina Corrine, Phey, Migz, Fex...salamat sa tulong niyo...kundi dahil sa contribution niyo..di 'to magaganap.

LAHAT: Ok lang yun, Aries...


At naglakad palapit si Aries kay Katie. Tilian ang lahat...pati mga lalake tumitili..hehehe..


LAHAT: Aaaaahhhhh! Hiki! Hiki!


Nang magkalapit na sina Aries at Katie...binigay ni Aries ang rose na hawak niya kay Katie at...


ARIES: Happy 18th Birthday, Katie...


Sabay halik si Aries sa pisngi ni Katie...


At inilahad ni Aries ang kanang kamay kay Katie. Hinawakan ito ni Katie at naglakad sila papunta sa gitna ng veranda...


At pinatugtog ni Aling Ester ang CD player at nagsimula silang sumayaw...


Click PLAY to hear the song na sinasayaw nila...mas maganda pag may music para feel mo yung eksena..hehehe...




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com




Naluluha pa si Katie habang isinasayaw siya ni Aries...


ARIES: Ba't ka umiiyak? Di mo ba nagustuhan?

KATIE: Ano ka ba! Nagustuhan ko siyempre. Naiiyak lang ako sa sobrang saya..unexpected kasi 'eh! Di ko aakalain na gagawin mo 'to.

ARIES: Nag-contribute kaming dormers at yung iba nating ka-block para dito. Tapos si Tita Ester, nagluto ng Pork Tonkatsu at Italian Spaghetti. Tapos nagpatulong ako kina Miguel at Felix para ayusin 'tong veranda...


KATIE: Aries...salamat ng marami...

ARIES: Tignan mo, sa halip na mamboso ako ng mga naka-swimwear na babae sa Miss UP, nag-effort ako para sa mini-debut mo...


Natawa si Katie...


KATIE: Tapos naka-americana ka pa. Para tuloy akong nasa Pond's Dream Date with Dingdong Dantes... :p

ARIES: Gwapo ba boyfriend mo ngayon?

KATIE: Di lang ngayon....palagi. :p


At pinunasan ni Aries ang mga luha ni Katie...na ikinakilig naman ni Katie...at ikina-selos ni Kuya Karlo.. :p


ALING ESTER: Oh, kayong mag-boyfriend dyan, tama na ang sayaw. Yung ibang lalake naman...masyado kayong nag-enjoy dalawa eh...


At nakasayaw rin ni Katie sina Kuya Chico, Totz, Rye.


Nang si Vomer na ang kasayaw ni Katie...


VOMER: Happy birthday, Ate Katie. Dalaga ka na ah.

KATIE: Salamat...

VOMER: Ate Katie...ang ganda mo ngayon...

KATIE: Ngayon lang yan...

VOMER: Ah...hindi...ang ganda mo pala. Ngayon ko lang na-realize. Ngayong nakita na kita ng malapitan...

KATIE: Wala akong pera ngayon, Vomer, sensya ka na.. :p

VOMER: Seryoso ako, Ate Katie. Maganda ka naman talaga...'eh kung wala ka lang boyfriend eh...

KATIE: Ganun? Sige, salamat sa papuri, Vomer.


At hinalikan ni Vomer si Katie sa pisngi...


Sunod naman niyang nakasayaw si Victor...


KATIE: Swerte ko naman, nakasayaw ko si Mr. UP...hehehe

VICTOR: At ang swerte ko rin kasi nakasayaw ko ang pinakamagandang dormer dito sa Hotel...

KATIE: Naku...magsama nga kayo ni Vomer... mga bolero. Sinabi nang wala akong pera eh... :p


Nakasayaw rin ni Katie sina Adan, GlennLloyd, JR, Ram, Domeng, Miguel, Felix at ang bitter na si Kuya Karlo... :p


Habang nagsasayaw sina Katie at Kuya Karlo, natapakan ni Kuya Karlo ang paa ni Katie..


KUYA KARLO: Oh..sorry, Katie. Di ko sinasadya...

KATIE: Ok lang..di naman masyadong masakit.

KUYA KARLO: Sayang! Di ko napuruhan!


Ang mga babae naman ang sa 18 cupcakes na may kandila sa ibabaw. Isa-sa silang magsasabi ng wish nila para kay Katie habang hawak ang cupcakes...


CORRINE: Ayun, Katie. Sana maging successful ka sa gagawin mo ngayon. At salamat din sa friendship. For we have a bond stronger than friendship, we may not always be together but we will never be apart... :p


MELANIE: Friend, wish ko sa'yo sana mag-flourish ka ngayon...at good luck sa love life mo...


Sabay tingin si Melanie kay Aries. Nginitian ni Aries si Melanie pero inirapan lang ni Melanie si Aries...


DESTINY: Ako naman...ito ang wish ko sa'yo. Godd health, long life...bagong-bago wish ko nuh? Di masyadong gasgas..hehehe...

LORRAINE: Happy Birthday Katie. May you have more birthdays to come. And as God adds years to your life, may he also add life to your years...


At nang matapos na ang mga message at wish, hinipan na ni Katie ang mga kandila sa cupcake...


At nagsimula na ang kainan...


ALING ESTER: Tutal, birthday ni Katie ngayon...sige pwede kayong mag-inuman...

LAHAT: Yehey!


Siyempre, bumili ang Empe Boys ng Emperador Brandy...


DOMENG: Oi, Adan...gawa ka ngang chaser..

ADAN: Anong chaser ba gust niyo?

VICTOR: Iced Tea na lang...

ADAN: Anong klaseng iced tea? Red Tea, Black Tea, Green Tea...

RAM: Ano ba yan? Power Rangers? Kulang na lang Pink Tea eh!

ADAN: May Yellow pa kaya..hehehe...


At nag-inuman na nga ang Empe Boys. Samantala, nagsasarili sina Katie at Aries...


KATIE: Salamat nga pala ulit dito sa party...

ARIES: Wala yun.

KATIE: Pero parang nasosobrahan ako sa ginawa mo. Ang effort kaya nito...eh hindi naman tayo tunay na magboy---

ARIES: Sssshhh. Wag ka nang maingay. Siyempre..kahit di naman talaga "tayo"... gagawin ko 'to kasi friends naman tayo di ba?

KATIE: Ganun?

ARIES: Pero sa totoo lang, si Vomer ang nag-suggest nito sa akin. Alam niya kasi na ngayon ang birthday mo. Mas alam niya pa ang birthday mo kesa sa akin...


Napatingin sina Katie at Aries kay Vomer na medyo lasing na at kinakausap si Aling Ester...


VOMER: Aling Ester...hulaan niyo naman si Ate Katie kung ano ang magiging kapalaran niya ngayon...

ALING ESTER: Teka... (sabay tingin si Aling Ester sa bolang krystal niya) Katie...Katie... ngayong birthday mo... it is a great day for achievement--there should be no obstacles to slow your progress. Your personal and business goals are within reach. Events make it easy for you to be original, have breakthroughs and find new solutions to old problems. You may find yourself able to put your ideas into practice now. Independence, originality and eccentricity are to the fore. On the home front, however, there is a chance to understand those around you and to have a special time with someone you love. Harmony prevails....


KATIE: Teka...parang nabasa ko yan sa horoscope ko sa dyaryo kanina...hmmmm...


VOMER: Ang nosebleed naman ng hula mo kay Ate Katie...ako naman po pahula... Pupusta kasi ako sa laban nina Pacquiao at Dela Hoya eh...sino po ba ang mananalo para alam ko na ang pupustahan ko...


Tingin ulit si Aling Ester sa bolang krystal at...


ALING ESTER: Malabo...malabo ang nakikita ko sa bolang krystal...di ko mawari kung sino ang mananalo...pero teka...may trahedya akong nakikita...isang kilalang tao ang mamamatay...ngayong darating na December...


Natigilan ang lahat sa hula ni Aling Ester...


VOMER: Hay naku...si Aling Ester talaga...kahit kailan pulpol kung manghula...

ALING ESTER: Eh wala ka namang pambayad eh! Buti sana kung binabayaran mo ko...


At bigla na lang, lumapit si Vomer na susuray-suray na kina Katie at Aries...


VOMER: Ate Katie...happy birthday...hic!

KATIE: Salamat Vomer...

VOMER: Ate Katie...happy birthday ulit! hic!

KATIE: Oo na..salamat na...

VOMER: Ate Katie...happy birthday again and again and again! Hic!

KATIE: At thank you again and again and again!

VOMER: Ate Katie...

KATIE: Ano? Happy birthday na naman?

VOMER: Hindi...iba na 'to..hic!

KATIE: Ano?

VOMER: Ang ganda mo talaga...

KATIE: Naku, Vomer..lasing ka na nga...

VOMER: Hindi ako lasing nuh! Hic!

KATIE: Sige..sabi mo eh...

VOMER: Ate Katie..may isa pa pala akong importanteng sasabihin sa'yo..

KATIE: Ano naman yun?


Tinignan ni Vomer si Aries pansumandali at sabay tingin ulit kay Katie...


VOMER: Pwede bang ako na lang ang mahalin mo at hindi na lang si Kuya Aries?


Natigilan sina Katie at Aries at napatingin ang lahat kay Vomer...


TO BE CONTINUED...


Friday, January 2, 2009

Episode 20: Mr. and Ms. UP 2008

GIRL 1: Ano? Sasali si Eunice sa Miss UP ngayon?

GIRL 2: Oo.. at ire-represent niya ang block namin...


Nasa CR ng UPEPP ang dalawang babae ito. Sila'y nananalamin habang pinagtsitsismisan si Eunice...


GIRL 1: What? E ba't siya ang pinili nyo mag-represent ng block niyo? Mukha kayang bading yun si Eunice..nagiging kamukha na niya mga bading nyang kaibigan kakasama niya sa kanila...Ang laki pa ng mata...

GIRL 2: Anong pinili? Siya mismo ang nagsali sa sarili niya nuh!

EUNICE: Ako ba ang pinag-uusapan niyo?


Nagulat at natigilan ang dalawang babae. Kakapasok lang ni Eunice kasama ng dalawang gay friends niya na nagpapanggap na mga babae sa CR...


EUNICE: Hoy, ikaw, babae (sabay duro kay Girl 2) ...anong pinagsasabi mong hindi ako pinili ng block nating BABE 1-B? Ang sabihin mo...insecure ka lang kasi ang gusto mo...ikaw ang kasali sa Miss UP...


At dinuro naman ni Eunice si Girl 1...


EUNICE: At ikaw naman...kung makapanlait ka akala mo kagandahan ka. For your information...mas maganda pa ko sa'yo...


GIRL 1: Ai sus, Eunice...aanhin mo pa ang yong kagandahan...kung pumapanget ka naman pag tinabihan na kita... :p


Sabay nagmadaling umalis ang dalawang babae bago pa sila masabunutan ng dalawang gay friends ni Eunice...


EUNICE: Grrrrr! Mga bruhang yon! Laitin ba naman ako nang ganun ganun na lang! Grrr!!!!

GAY FRIEND 1: Oh, Eunice...wag masyadong magalit. Lalong lumalaki mga mata mo nyan eh...baka malaglag.. :p

GAY FRIEND 2: Don't worry, sistah. Sasaluhin ko naman pag nalaglag.. :p

EUNICE: Che! Mga pesteng mga kaibigan kayo! Hmmppph!

GAY FRIEND 1: Ito naman...nagbibiro lang kami...

GAY FRIEND 2: Ang ganda kaya ng mga mata mo... Asset mo nga 'yan eh. You have protuberant eyes...

EUNICE: Ganun? Sige nga...define "protuberant"

GAY FRIEND 2: Ah...eh...ah...ayoko nga! Di naman ako yayaman pag dinefine ko sa'yo ang "protuberant" eh! Wag na lang...


Ang "protuberant" kasi ay other word sa "big" Kaya pag sinabihan kang "protuberant eyes"..ibig sabihin malaki ang mata mo gaya ng mga mata ni Eunice..hehehe...


GAY FRIEND 1: Hay naku, sistah! Kung ako sa'yo...paghandaan mo na yang Miss UP na yan. Magpaganda ka at kabugin mo lahat ng contestants!

EUNICE: Oo naman..paghahandaan ko yun! At magpapaganda ako ng bonggang-bongga! At sisiguraduhin kong sa gabing iyon... (at nag-acting pa si Eunice)...mahuhumaling sa akin ang lahat ng mga lalake at maaakit ko lalo na si Aries...


Napataas ng kilay ang dalawang gay friends ni Eunice...


GAY FRIEND 1: Ano...type mo si Aries?

EUNICE: Oo naman...at bakit?

GAY FRIEND 2: Mang-aagaw kang babae ka! Akin si Aries!

GAY FRIEND 1: Anong iyo! Kami na ni Aries! Nagsumpaan kami sa ilalim ng Ebak Tree ng wagas ng pagmamahalan...

EUNICE: Ang kakapal ng mga mukha ninyo mga baklita kayo....kami ang tunay na nagmamahalan ni Aries...


At nagsimula nang magsabunutan, magsampalan, at magkalmutan ang tatlong magkakaibigan...na pinagmasdan lang ng mga lalake sa katapat na CR ng boys..karamihan sa mga lalakeng ito ay dormers ng Hotel Lakandula...


MGA LALAKE: Sige lang.. Go! Fight! Sige Eunice! Sabunot pa! Sige!

JR: O...sino bang pusta niyo...o sige...hulog lang pera..pusta lang..ikaw, GlennLloyd..kay Eunice ka pupusta? Ikaw, Rye...kanino...Sige lang..pusta lang..limang piso lang..

VOMER: O, JR...pupusta ako kay Eunice...hahaha! (sabay bigay ng limang piso kay JR)


Sa lobby naman ng UPEPP...in-unveil na ang pictures ng mga kasali sa Mr. and Miss UP 2008...


MELANIE: OMG! Friend! Ang ganda mo sa picture...

DESTINY: So, sinasabi mong panget ako sa personal?

MELANIE: Hoy...wala akong sinasabing ganun! Masyado ka!


Kasali si Destiny sa Miss UP representing Psych Soc. Kasali rin ang ka-block nilang si Rose Ann representing ΣΔΠ Sorrority... at si Dranreb representing ΣKΠ Fraternity.


DESTINY: Pero alam mo friend, I can't believe na makakasali ako ngayong year sa Mr. and Ms. UP. Last year...hanggang pangarap lang ako eh...


At nakisali naman si Rose Ann sa usapan...


ROSE ANN: Pero nag-aalala ako. Medyo mahigpit na kalaban yan si Eunice. Basta beauty contest...competitive yan. Last year kasi sa school namin, siya ang nanalong Miss Campus Girl.


Magka-school sina Eunice at Rose Ann noong high school sila... A year lower nga lang si Eunice kaysa kay Rose Ann..


Nagpahayag din ng kaba si Dranreb sa pagsali niya sa Mr. UP. May problema kasi siya sa pananalita...


DRANREB: Naku..kelangan ko nang mag-pwaktis (practice) pawa maayos ko na ang lettew "aw" (letter "r") ko bago mag-Mistew (Mister) UP... :p


Sa Hotel Lakandula naman kinagabihan, balita ang pagsali ni Victor sa Mister UP. Ire-represent niya ang Business Management Society...


Kaya kinakantyawan siya ng mga dormers...


ADAN: Nice one, Vic! Mr. UP! Ang gwapo natin ngayon ah!

VICTOR: Naka-"natin" ka dyan! Ako lang gwapo noh..Hahaha!

DOMENG: Naku, pasalamat ka, Victor...at di ako sumali sa Mr. UP...kundi...magmumukha ka lang basahan pag tinabihan kita...

VICTOR: Hooo...Mukha mo basahan!


At napansin ng lahat ng dormers na nag-iisa si Kuya Karlo sa veranda at nagmo-moment...


CELLE: Oh, anong problema nun ni Kuya Karlo?

KUYA CHICO: Ewan ko dyan... mukhang bitter kasi di siya nakasali....sa MISS UP... :p


Nang humupa na ang daldalan sa lounge ng Hotel Lakandula, nagsimula nang mag-aral sina Katie at Melanie...


KATIE: Shocks! Ano ba naman 'tong pinapaaral sa atin ni Ma'am Fermions sa Chem 16! Ang hirap!

MELANIE: Oo nga...pag pinagpatuloy ko 'tong pag-aaral...magkakaroon na ang utak ko ng "chemical imbalance"

KATIE: Ai, naku, friend wag kang mag-alala pag nagkaroon ka ng "chemical imbalance"...dahil iba-balance ko ang "chemical equation" ng utak mo... :p


At nasa ganun silang pagbibiruan nang biglang lumabas si Aries galing sa kwarto niya at umupo sa upuan sa tabi ni Katie...at inusog ito palapit kay Katie...


At bigla namang tumayo si Melanie...bakas ang inis sa mukha nito...



MELANIE: Katie, maiwan muna kita. Para kasing lumamig bigla ang timpla ng OXYGEN. Kinikilabutan ako at para akong nakakaramdam ng "multo" dyan sa tabi mo...


Naalala kasi ni Melanie nang minsang magpanggap si Aries na multo para takutin sila...


MELANIE: Inom lang ako ng H2O sa cafeteria...


At medyo padabog na bumaba si Melanie sa cafeteria...


Nang makababa na si Melanie...


ARIES: Galit pa rin ba si Melanie sa akin hanggang ngayon?

KATIE: Ah..eh...slight!

ARIES: Katie...gumagawa ka ba ng paraan para mapatawad na ko ni Melanie?

KATIE: Eh...sinusubukan ko naman pero alam mo yun...hirap kang patawarin ni Melanie sa ginawa mong panghahalik mo nun sa kanya... Tsaka marami ka ring ginawa sa kanyang di maganda noon kaya nagpatong-patong na yun...at tsaka---


Pero di na pinatapos pa ni Aries si Katie...


ARIES: Hooo! Ang sabihin mo...hindi ka lang gumagawa ka ba ng paraan para mapatawad na ko ni Melanie...para magtagal pa ang pagpapanggap natin nuh? Kasi...may gusto ka sa akin nuh?



At naalala ni Katie ang "deal" nila ni Aries...



FLASHBACK...

Unang araw ng second semester. Nasa McDonald's Clark silang dalawa ang mapag-usapan nila ang deal na iyon...



ARIES: Ganito na lang...ititigil natin ang pagpapanggap natin kung sakali mang magkaroon ka na ng "totoong boyfriend" or ako naman ay magkaroon ng "totoong girlfriend?"...

KATIE: Ganun?

ARIES: Isa pa pala...ititigil na natin ang pagpapanggap natin....once na napagbati mo na kami ni Melanie....


Natigilan dun si Katie sa sinabing kundisyon ni Aries...pero di ito binigyang pansin ni Aries...


ARIES: Ano...ayos ba yung deal natin?


Iwinaksi na lang ni Katie sa isipan ang pinakahuling kundisyon na sinabi ni Aries at saka masiglang sinabi na...


KATIE: Ok...deal na!


BACK TO PRESENT....


Patuloy pa rin si Aries sa pang-aasar kay Katie...


ARIES: Ano...may gusto ka siguro sa akin nuh?


Nag-stutter si Katie...


KATIE: Ah..ano..kwan..ah..e..Hoy..ang kapal ng mukha mo, Aries! Wala akong gusto sa'yo nuh!

ARIES: Ito naman! Joke lang yun! Masyado kang defensive ah..

KATIE: Eh..pano namang di ako magiging defensive..kasi naman toto---

ARIES: Oh..sige na. Wag ka nang magpaliwanag. Ano ba yang inaaral mo?

KATIE: Sa Chem 16 namin... Chemical Nomenclature...ang hirap kaya...

ARIES: Sus! Nahirapan ka dyan! Nomenclature lang eh! Sige..tuturuan na lang kita...


At tinuruan na nga ni Aries si Katie...


ARIES: Ganito lang yan...pag single atom anions, dadagdagan mo lang ng -ide sa dulo ng pangalan ng element. Halimbawa, yung hydrogen...magiging hydride kasi nga single atom anion lang siya...


Pero habang tinuturuan ni Aries si Katie, panay ang lingon ni Aries sa bakanteng upuan na kinauupuan ni Melanie kanina...


Napansin ito ni Katie...


KATIE: Medyo nanghihinayang ka nuh?

ARIES: Huh?

KATIE: Kasi wala rito si Melanie...at siya ang mas gusto mong turuan sana...


Natumbok kasi ni Katie ang nasasaisip nya. Di na lang umimik si Aries. Sa halip, pinagpatuloy na lang ang pagtutro kay Katie na parang di sila nag-usap...


ARIES: Oh, eto naman... yung mga compounds with a positive ion (cation) naman lalagyanmo rin ng -ide...blah..blah..blah..


At iniwasan na ni Aries ang paglingon-lingon habang tinuturuan si Katie...

****************

TALENT NIGHT ng MR. AND MS. UP.


Sa event centre ng SM Clark ito ginanap. Ang org na AES ang organiser ng event. Member sina Katie at Kuya Chico ng org na ito kaya tumulong sila sa pag-aayos ng event.


Kasama nila sa pagtulong ang mga kaklase nilang member din na sina Corrine at Phey...


Nasa backstage sila at kinakamusta ang kaibigang si Destiny...


KATIE: Uy...Destiny..friend..goodluck sa talent mo ah!

DESTINY: Kinakabahan nga ako eh...

CORRINE: Wag kang kabahan...magaling ka naman eh...

PHEY: Oo nga..kaya mo yan...

DESTINY: Salamat sa inyo...

KUYA CHICO: Nga pala... full force ngayon na manonood ang mga ka-dorm natin sa Hotel Lakandula. Oi, si Victor na pala yung susunod na magpe-perform oh...


Nasa stage na nga si Victor at may hawak na mic...at nagsimula itong kumanta...at nagpalakpakan ang mga tao..






Click PLAY para marinig niyo yung kanta at palakpakan ng mga tao...hehehe...



With You - David Archuleta

STOP NIYO NA LANG PAG AYAW NIYO NA PAKINGGAN...hehehe...

********************

At nang turn na ni Destiny...kumanta rin ito ala Rihanna...





Click PLAY to hear the song...


Unfaithful - Rihanna


STOP NIYO NA LANG PAG AYAW NIYO NA PAKINGGAN...hehehe...

*******************************

Kumanta rin si Dranreb at nag-gitara...Spoliarium ang kinanta niya


DRANREB: At ngayon di pa rin alam...Kung ba't tayo nandito..Pwede bang itigil muna...Ang pag-ikot ng mundo...


At habang tumutugtog...


DRANREB: Dana! Nalimutan ko yung susunod na lyrics....


At dahil nalimutan ang lyrics.. sumigaw bigla si Dranreb ng...


DRANREB: Oh... UP pipz...kayo naman...


At tinapat ni Dranreb ang microphone sa audience... :p


*********

At tila nawalan ng hangin sa buong Event Centre nang mapanganga sila sa dance number ni Rose Ann...


PANUURIN NIYO YUNG VIDEO...ASTIG YUNG SAYAW..TAPOS ANG KALOG NUNG DULO..hehehehe




******************************

At sumunod naman ang dance number ni Eunice. As expected, naka-mini skirt ito at sleeveless...


At back-up dancers niya ang dalawang gay friends niya...


Disturbia ang sinayaw niya...at na-disturb nga ang lahat sa pagsayaw ni Eunice...


AUTHOR'S NOTE: Hindi pinayagan ng MTRCB na ipalabas ang video ng sayaw ni Eunice dahil may mga eksena itong mahahalay na hindi angkop sa mga batang manonood...hehehe


KATIE: Hay naku..walang buhay namang sumayaw yang babaeng yan!

CORRINE: Sinabi mo pa... para lang siyang nangse-seduce eh!


Wala ngang energy ang sayaw ni Eunice... Halos "pakita legs" lang ang ginagawang sayaw ni Eunice...at panay rin ang tingin niya sa lalakeng judge...


KUYA CHICO: May mas energy pang sumayaw yung mga back-up niya eh!

PHEY: Siyempre..feeling ng mga back-up niya eh sila ang contestant..hehehe


***********

Umuwi lahat ng dormers sa Hotel Lakandula pagkatapos ng talent night...at kinakantyawan nila sina Destiny at Victor...


VOMER: With you...with you...with you...with you..with you... Feeling mo nagco-concert ka sa Araneta kanina ah..

VICTOR: Oo naman..at ikinagagalak ko na isa ka sa milyon-milyon kong fans na nanood ng concert ko...hehehehe..


Sa kwarto naman nina Destiny...


KATIE: Alam mo friend, kanina..parang feel na feel ng feelngs mo ang pagkanta mo ng Unfaithful...

DESTINY: Ganun? Medyo..kasi..may tampuhan kami ng boyfriend ko eh...and I think he is being Unfaithful to me!

MELANIE: Ganun? Grabe naman...

LORRAINE: Oh anong balak mo ngayon?

DESTINY: E di I will be Unfaithful din sa kanya..Hmmpph!! Para quits..hehehe


At biglang napunta ang usapan kay Eunice...


DESTINY: Yung naglalakad na "mata" na yun talaga! Ang landi! Alam niyo ba sa backstage kanina, pini-flirt nila ng mga bading nyang kaibigan ang mga contestant ng Mister UP... Landi kung landi!


MELANIE: Oo nga..pati sa pagsayaw niya kanina, puro kalandian lang pinakita. Para siyang sumasayaw sa beer house...

LORRAINE: And speaking of beer...magpapainom ka ba dito sa Hotel Lakandula sa debut mo Katie? Di ba yung araw kinabukasan ng Mr. and Miss UP ang birthday mo?

KATIE: Kung pwede nga lang magpainom dito eh! Ewan ko..wala pa kong plano sa debut ko. Pero basta wag niyo kakalimutan...regalo ko ah! Hehehe!

***********

At bilang paghahanda ilang araw bago ang Pageant Night ng Mr. and Ms. UP, laging nagji-gym sina Victor at Destiny para maging presentable sila sa "Swimwear" sa Pageant Night...

***********

Isang gabi bago ang pageant night na pinakahihintay...


KATIE: Ano Aries...di ka manonood ng pageant night bukas?

ARIES: Oo...


Nasa lounge sila ng Hotel Lakandula nag-uusap..


ADAN: Bakit naman di ka manonood?

ARIES: Basta..

LORRAINE: Sayang naman..di mo makikitang naka-gown ang girlfriend mong si Katie...

ARIES: Gown? Bakit naman maga-gown ka? Contestant ka ba? (sabay tingin kay Katie)

KATIE: Baliw! Kasi nga, yung org namin yung organiser ng event. So kelangan din naming mag-gown...

ARIES: Eh, basta...di ako manonood. Mas may importante pa kong gagawin bukas...

************

PAGEANT NIGHT na ng Mr. and Ms. UP 2008...Ang pageant night ng Mr. and Ms. UP na ginanap sa SM Clark Cinema… Ang theme ng pageant ngayon ay BLACK and WHITE...


May limang kalahok na lalake para sa titulong Mister U.P. at meron namang pitong kalahok na babae sa Miss U.P.






L-R: Destiny, Rose Ann, Victor, Dranreb
For the pictures of other contestants, go to: www.paolofeliciano.com/up


At nagpakilala na ang lahat ng contestant...palakpakan ang mga dormers ng Hotel Lakandula nung magpakilala sina Destiny at Victor...


Nang si Eunice na ang nagpakilala...


EUNICE: Good evening everyone! I'm Eunice Sardeñas representing Business Economics Block 1A!


May ilang nag-boo kay Eunice...marami palang naiinis kay Eunice sa


Biglang may sumigaw sa kung saang bahagi ng cinema...yung ka-block ni Eunice na naka-engkwentro niya sa CR....

KA-BLOCK: Hoooo!!! Representing Business Economics Block 1A ka dyan. Hindi ka namin sinusuportahan...you're REPRESENTING YOURSELF ONLY!


Full-force rin namang sumuporta kay Rose Ann at Dranreb ang ΣKΠ/ΣΔΠ. Sila ang may pinaka-malakas na cheer sa lahat.


ΣKΠ/ΣΔΠ: Go Rose Ann! Go Dranreb! (10X ang lakas nyan kumpara sa cheer ng ibang org..hehehe)


SA FORMAL WEAR COMPETITION...


Rumampa ang mga contestant. Parang pang-kasal ang gown ni Eunice. Kasabayang rumampa ni Eunice ang isang contestant na babae rin...


Di maiwasang mag-comment nina Melanie mula sa audience...


MELANIE: Ano ba yang Eunice na yan! Parang ikakasal! Matapakan niya sana ang long gown nya nang madapa siya...

LORRAINE: Nagmukha tuloy "abay" yung kasabayan niya. Ang simple ng gown kung ikukumpara sa "matang naka-gown" na yan...


Nagdilang-anghel si Melanie. Nang matapos na ang formal wear competition, bumaba si Eunice sa hagdanan sa backstage para makapunta sa dressing room.


Habang bumaba siya ng hagdanan, di sinasadyang matapakan niya ang palda ng long gown niya. Pagkatapak nun, tuloy-tuloy ang pagbulusok niya pababa sa hagdan..


EUNICE: Oh my...goooossshhhh!!!!


Buti na lang at nasalo siya ng isang gay friend niya na nagsisilbing make-up artist niya ng gabing iyon dahil may hawak itong make-up brush...


Ngunit pagkasalo ni gay friend kay Eunice, di sinasadyang magkahalikan silang dalawa. At natigilan ang dalawa nang maglapat ang mga labi nila...


{Background Music: I KISS A GIRL AND I LIKE IT!...}


Nang matauhan ang dalawa, sabay nilang tinulak palayo ang isa't-isa at pinunasan ang kanya-kanyang labi... sabay sigaw ng..


EUNICE at GAY FRIEND: Yuuccckkkk!!!! I Kiss A Girl and I DON'T like it!


Samantala, nasa isang table sina Katie, Kuya Chico, Corrine, at Phey. Sila ang taga-tabulate ng mga scores na ibinibigay ng mga judges after every grading...


KUYA CHICO: Oi..ah..ayusin natin ang pagco-compute ng scores na ibinigay ng judges. Tayo ang mayayari pag mali-mali addition natin...

KATIE: Hay..mate-test ngayon nito ang Math skills ko!

CORRINE: Hehehe..nga pala, Katie, balita ko kayo na ni Aries ah.

KATIE: Naku yun...di naman nanonood ngayon. May importante raw gagawin...

PHEY: Grabe naman siya. Di niya tuloy nakita kung gaano ka kaganda tonight! Pwede ka nang maging Miss UP nyan sa suot mo!

KATIE: Heh! Joke time kayo!

KUYA CHICO: At malas din ni Aries..dahil hindi niya nakita ang mga ito...


Ang tinutukoy ni Kuya Chico ay ang nagaganap nang swimwear competition ng mga contestant...


Unang lumabas ang mga babae with their swim wear. Tayuan ang mga lalakeng dormers ng Hotel Lakandula habang rumarampa ang mga babaeng naka-swimwear...


ADAN: Ghad! Ang seksi ni Number 2 oh! Syet..Bote ng Coke ang katawan oh!

RAM: Mabilog-bilog at malusong-lusog naman yung ano ni Number 3 oh!

GLENNLLOYD: Umaalog-alog pa... ;p

TOTZ: Nakaka-"L" talaga oh! Grabe!

RYE: Ayan na..si Ate Destiny oh! Ganda niya...at sobrang seksi..


Nang si Eunice na ang rumarampa na naka-swimwear...

JR: Ngek..ano ba yang kay Eunice..parang na-flat ata yung ano nya...hehehe!

DOMENG: Pero grabe...ang puti ng kilikili nyan ni Eunice. Grabe!


At nang mga Mister UP naman ang lumabas na naka-swimwear, tilian naman ang mga babae...na ikinabingi ng mga tao sa cinema...


Di ring maiwasan ni Kuya Karlo ang mapatili kaya tinginan sa kanya ang dormers ng Hotel Lakandula...


KUYA KARLO: Ah...eh..nakagat ako ng langgam kaya ako napatili...kayo naman oh! Lalake ako nuh! Sayang nga at natapos na yung mga babae sa swimwear nila..nabitin ako.. :p

JERICKA: Talaga lang ah...


Todo-okray naman sina Melanie at Lorraine mula sa audience...


MELANIE: Ano ba yan...ang liit naman nung kay ano...sana man lang naglagay siya ng Good Morning Towel... :p

LORRAINE: Siyempre naman, bata pa siya. Ikaw talaga, Melanie!


Si Katie naman, habang pinapanood ang mga lalake sa swim wear, bigla niyang naalala ang una nilang pagtatagpo ni Aries...


Sa CR sila ng Hotel Lakandula unang nagtagpo nun. Nakahubad noon si Aries.


At biglang na-iimagine ni Katie si Aries na naka-swimwear...at rumarampa sa stage...


Pero winaglit din ni Katie ang imagination na 'to...


KATIE: Hay naman! Ano ba 'tong pinag-iisip ko.





QUESTION AND ANSWER PORTION NA. Si Eunice ang unang tinanong... Rinig ang boo ng mga tao...


EMCEE: Do you regard yourself as a "black sheep" in your family? I repeat...blah-blah-blah-


Maraming mga tao ang nagsisgawan ng "OO...BLACK SHEEP YAN!" Pero di na lang ito pinansin ni Eunice...


EUNICE: Well, I admit I have my dark side..but I have my bright side, too. Thank you!


Nag-boo ulit ang mga tao...


Si Victor naman ang tinanong...


EMCEE: How do you regard the black and white moments in your experiences in life? I repeat...How do blah-blah-blah-


Medyo kinabahan si Victor...


VICTOR: Naku..baka maubusan ako ng English nito sa isasagot ko...bahala na nga...let's get it on!


At with full confidence, sumagot si Victor ng...


VICTOR: Para sa akin, ni-reregard ko sa buhay ko ang black na kulay para sa mga malulungkot at madidilim na karanasan ko sa buhay...at ang white naman ay para sa mga masasayang nangyari sa buhay ko. Thank you!


Sabay palakpakan ang mga tao...ngiti naman si Victor...


VICTOR: Ok na yung nag-tagalog ako..Pilipino naman sila eh..kesa naman maubusan pa ko ng English..hehehe.


AT AWARDING CEREMONY NA....


EMCEE: And the Miss UP 2008 Second runner up is..representing Psych Soc..... Destiny Vallejo!


Palakpakan ang Psych Soc, Psych 2A at ang dormers ng Hotel Lakandula. Sumigaw pa nga sina Melanie at Lorraine ng..


MELANIE at LORRAINE: Hooo! Room-mate namin yan! Hooo!

PSYCH 2A: Ka-block naman namin yan! Hooo!


EMCEE: And the first runner up is... Miss Rose Ann Escober!


Siyempre, cheer ulit ang ΣΔΠ pati na rin ang Psych 2A...


ΣΔΠ: Hoooooo! Congrats, Rose Ann! Hoo! (siyempre, 20x na ang lakas nyan dahil nanalo na si Rose Ann..hehehe)

PSYCH 2A: Ka-block din namin yan1 Hooo!




EMCEE: And now, the winner for Miss UP 2008 is…


Drum roll…dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug...


****************

Naglalakad na ang lahat ng dormers pauwi ng Hotel Lakandula kasama sina Corrine at Phey.

Naka-gown at americana pa rin sina Katie, Kuya Chico, Destiny, Victor, Phey at Corrine. Pinag-uusapan nila ang resulta ng Mr. and Miss UP 2008...


MELANIE: Ano ba 'yan! Si Eunice ang nanalo na Ms. UP! Mga judges na yun..bulag!

LORRAINE: Feeling ko sinuhulan ng "matang" yun yung mga judge kaya siya ang nanalo!

ADAN: Pero, Ate Destiny....ikaw pa rin ang Miss UP sa puso namin!

DESTINY: Naku tong mga 'to. Nambola pa...

VOMER: Oh, ikaw naman, Victor. Wag ka nang malungkot kahit di ka rin nanalo. Mister Congeniality ka naman eh...


Alas-dose na ng madaling araw nang makarating na sila ng Hotel Lakandula.


Nang makarating na sila ng Hotel Lakandula...napansin ni Katie na wala ang mga mesa at upuan ng cafeteria...


IZEN: Oo nga pala...guys, punta tayo ng veranda ngayon. May meteor shower daw ng ganitong oras..tara tignan natin!


Ngunit nakasara na ang pinto papuntang veranda...


IZEN: Ate Katie, ikaw na magbukas ng pinto. Ikaw malapit eh!

KATIE: Sige na nga...


At binuksan ni Katie ang pinto.


At nasorpresa si Katie sa nakita sa veranda...


May mga balloons dito at mga mesa na inakyat pa mula sa cafeteria ng Hotel Lakandula...at may mga ilang pagkain na na nakalagay sa pinaglalagyan ng mga itinitindang ulam sa cafeteria...


At ang ikinagulat ni Katie ay nang makita niyang naka-formal na damit si Aries at nakatayo at may hawak na rose...


At sabay kanta ang lahat ng dormers ng...


DORMERS: Happy Birthday Katie! Happy Birthday Katie! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday Katie!


Naluha si Katie sa sobrang pagkasorpresa...


TO BE CONTINUED...