Wednesday, October 29, 2008

Episode 14: The Unexpected Kiss

Nasa kuwarto niya si Melanie sa bahay nila sa QC. Uniiyak ito habang pinaglalaruan niya ang dalawang bears niya na naka-damit pangkasal...





Hina-hum niya ang "Wedding March" habang pinapalakad niya ang dalawang bear at...


MELANIE (habang umiiyak): Ikaw, Maricar Garcia, tinatanggap mo ba si Jerome Estanislao bilang iyong asawa?... Opo, Father.... Ikaw naman Jerome Estanislao, tinatanggap mo ba si Maricar Garcia bilang iyong asawa?...Opo, Father... You may now kiss the bride...


At pinaghalik ni Melanie ang dalawang bear....at sa sobrang inis at galit niya, bigla niya itong hinagis at nagpatuloy siya sa pag-iyak...


Tinignan niya ang cellphone niya...nag-text pala si Jerome sa kanya...


JEROME: {oi, ba't alis k bgla knina? ok k lng b?}

MELANIE: {msama lng pkramdam ko, ok lng ako, congratz nga pla s inyo ni maricar}

JEROME: {salamat! grbe..ang saya ko knina...d ko inaasahan n ssgutin ako ni maricar pero--}


Di na tinapos pa ni Melanie basahin ang text ni Jerome. Sa halip, binura niya na ito...at siya'y nagpatuloy sa pag-iyak...

*****

SEPTEMBER na... School Day na naman sa UPEPP...


At balita sa UPEPP ang gaganaping dance contest na tinatawag na Yo! sa YoPi!


Break ng Psych 2A. Nasa Flintstones sila at kumakain...


GWYNETH: Talaga, Marge? Sasali kayo ni Andy sa YO!? Yes naman!

MARGE: Oo, Gwyneth. Under kami ng Psych Soc...kaya lang kulang pa kami ng isang dancer na lalake..

KATIE: Marge...may kilala akong lalakeng magaling sumayaw...Baka pwede siya...

MARGE: Talaga, Katie? Sino?

KATIE: Si Aries...

MARGE: Ano? Si Aries? Talaga? Sumasayaw pala yun?

KATIE: Oo, sumasayaw yun...Gusto mo siyang tanungin kung gusto niya sumayaw?


At naalala na naman ni Katie ang pangyayari sa Quantum...


MARGE: Ganun? Sige... pero....samahan mo ko magtanong sa kanya?

KATIE: O sige ba...


Sa library nila nakita si Aries at nagbabasa ng dyaryo. Nagdadalawang-isip pa sina Katie at Marge kung lalapitan nila si Aries...


At nilapitan na rin nila ito...


KATIE: Aries?


Tumingin si Aries kay Katie.. At biglang napa-focus ang tingin ni Katie sa mapulang labi ni Aries...


Napayuko na lang si Katie at napakagat-labi...


ARIES: Katie, bakit?

KATIE: Uhmm..ano kasi...uhm... si Marge may gustong itanong sa'yo...

ARIES: Eh, bakit ikaw nagtatanong at hindi si Marge?

KATIE: Kasi nahihiya si Marge sa'yo eh...

ARIES: Eh, bakit nahihiya si Marge sa akin?

KATIE: Kasi hindi raw kayo close...

ARIES: Ganun? Eh, bakit nakayuko ka at di ka makatingin ng diretso sa akin? Nahihiya ka rin ba sa akin?


KATIE: Eh...kasi... Teka! Ang dami mo namang tanong eh! Puro ka bakit! Bakit! Bakit!


TENK! TENK! TENK! TENK! TENK!


Pinatunog ng librarian yung silencer bell...


LIBRARIAN: Miss, kung mag-iingay ka lang lumabas ka na lang ng library...

KATIE: Naku, Marge, ikaw na nga lang kumausap dito. Tutal, ikaw naman may kailangan...


At bigla-bigla, lumabas si Katie ng library...


ARIES: Oh, bakit Marge?

MARGE: Ano kasi...sasali ang Psych Soc sa YO!. Ang problema nga lang, kulang kami ng lalakeng dancer...

ARIES: Eh, bakit kulang kayo ng lalakeng dancer?

MARGE: Ay, naku, Aries! Puro ka naman bakit eh! Dapat tawag sa'yo "Boy Bakit!"

ARIES: Sowry naman...sige na..


MARGE: Ayun, so, ni-recommend ka ni Katie sa akin...kaya itatanong ko sa'yo kung pwede ka bang sumali sa amin sa Psych Soc sa YO!.

ARIES: Ah...eh...Ok lang...sige...

MARGE: Talaga!? Ayun! Sige, Aries, sabihin ko na sa head ng Psych Soc... Thank you talaga!


Paalis na sana si Marge nang...


ARIES: Marge, last question...

MARGE: Ano yun?

ARIES: Bakit YO! ang pangalan ng dance contest dito sa UPEPP?

MARGE: Sige, sasagutin ko yang tanong mo pag sinagot mo yung tanong ko sa'yo...

ARIES: Ano naman yun?

MARGE: Eh, bakit Ariestotle with an E ang buo mong pangalan?

ARIES: Eh, bakit mo tinatanong?

MARGE: Eh, bakit, masama ba?

ARIES: Eh, bakit? May sinabi ba akong masama?

MARGE: Naku, ewan ko sa'yo, Boy Bakit! Wala nang patutunguhan 'tong usapan natin...


Paalis na sana si Marge nang...


ARIES: Eh, bakit ewan mo sa akin, Marge? :p

******

Makalipas ang ilang araw, balita na sa Hotel Lakandula ang pagsali ni Aries sa YO!


Bukod kay Aries, tatlo pa sa dormers ng Hotel Lakandula ang sasali sa YO!...sina Kuya Chico (under ng AES), si Adan (under naman ng Psych Soc), at si Ram (under ng Campus Crusade for Christ or CCC)


LORRAINE: Aba...at napapayag ni Marge na mapasali si Aries sa YO!?


Kasalukuyan silang kumakain sa cafeteria ng Hotel Lakandula...


KATIE: Oo nga eh... Sabagay, passion naman kasi talaga ni Aries ang sumayaw. Naku...wag lang sana siyang hikain ulit habang sumasayaw...


At naalala na naman ni Katie ang pagkahimatay sa kanya ni Aries...at aksidenteng nahalikan siya...


DESTINY: Hoy, Melanie...nood tayo ng YO! ah! Huwag mo munang damdamin yung nangyari sa inyo ni Jerome nuh! Mag-enjoy ka naman para sa sarili mo...

MELANIE: Oo naman noh! Sino naman siya para pagmukmukan ko. I'm in the mood for dancing! :p


Araw na ng YO! Dance Contest. Sa Retro Bar sa Angeles City ito ginanap...


Halos lahat ng dormers ng Hotel Lakandula ay nanood...


Habang di pa nagsisimula ang Yo!, kasama ni Katie sina Corrine, Phey, at Kuya Chico at iba pang AES members...


KATIE: Hoy, galingan niyo ah!

PHEY: Oo nga... para naman manalo tayo...

KUYA CHICO: Mananalo tayo nyan! AES da Best eh!

CORRINE: Wag ka ngang masyadong kampante dyan, Kuya Chico...


Sina Destiny at Lorraine naman ay nasa grupo ng org nila na Psych Soc...


DESTINY: Marge, Andy, Adan..good luck sa inyo mamaya...

LORRAINE: Galingan niyo ah...

MARGE, ANDY at ADAN: Salamat sa inyo...

ARIES: Ako ba, hindi mo ko igu-good luck?

DESTINY: Sus...hindi mo na kailangan nun...magaling ka na...


Kasama naman ni Melanie sina Miguel (ex-blockmate) at Felix (current blockmate)...


MIGUEL: Balita ko, may bago ka na raw love life ah! Share ka naman dyan!

MELANIE: Bago? Wala nuh! Tsaka, Miguel...wag mo ngang pinapaala yang lovelife lovelife na yan... Naiirita lang ako!

FELIX: Bakit? Sinaktan ka ba ng minamahal mo? Pakita mo sa akin...

MELANIE: Wag na, Felix. Sa laki ng katawan mong yan baka sa ospital ko na datnan yun pag pinakita ko sa'yo...


At nagsalita na ang mga emcee...


EMCEE 1: Good evening everyone! Welcome to the body-groovin' event of the year...Yo! sa YoPi 2008!


At nagkanya-kanya ng cheer ang bawat orgs na kasali...


Nang mag-subside na ang noise pollution sa loob ng bar...


EMCEE 2: Now, let's begin this program with Dance Troupe #1... The Psychology Society...!


Sigawan lahat ng Psych Soc...


Sa backstage naman...halatang kinakabahan sina Aries, Marge, Andy, Adan at iba pang dancers ng Psych Soc...


Nagtabi na sa upuan sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine, Izen at Phey...


Nakapikit si Katie habang naka-prayer position ang kamay niya...


KATIE: Lord God, gabayan niyo po si Aries...sana Lord..di na siya hikain at mahimatay... Bigyan niyo po siya ng sapat na lakas upang makapagsayaw siya nang mabuti...


MELANIE: Hoy, Katie...nagdadasal ka ba?


Nagulat si Katie...


KATIE: Ha? Ano...kwan...Hindi nuh!

MELANIE: Huuu...kunwari ka pa...pinagdadasal mo si Ar---


At nagulat sila nang may tumapik sa kanila sa likod...


KATIE at MELANIE: Aling Ester?


Umupo si Aling Ester sa tabi nila...


ALING ESTER: Nag-aalala ako sa pamangkin ko kaya ako napasugod dito...baka atakihin na naman ng hika niya... Ano, start na ba?

LORRAINE: Tamang-tama po ang dating niyo, Aling Ester...


At nagsimula na ang tugtog ng Psych Soc...


Hataw sumayaw ang Psych Soc... Habang chini-cheer nina Destiny ang blockmates nila...


KATIE: Teka, guys... p-parang napapagod na si Aries...


Halata nga sa mukha ni Aries na pagod na ito pero pinipilit pa ring sumayaw...kaya...


MELANIE: Go, Aries...kaya mo yan!


Napatingin si Aries sa kanila...at nang mapansin niyang si Melanie ang nag-cheer sa kanya...humataw siya ng sayaw...


At lalong nabuhay ang crowd noong mag- hiphop dance sina Aries at Adan...


ALING ESTER: Pamangkin ko yan! Pamangkin ko yan! Hooo!!!


Sabay kumalabit ng mga di-kilalang tao si Aling Ester...


ALING ESTER: Uy, pamangkin ko yan! Galing nuh! (sabay kalabit pa ng ibang tao) Uy, pamangkin ko yan! Galing nuh! (sabay kalabit pa ng ibang tao) Uy, pamangkin ko yan! Galing nuh! (sabay kalabit pa ng ibang tao) Uy, pamangkin ko yan! Galing nuh!


At natapos na ang sayaw ng Psych Soc... Hingal na hingal si Aries nang matapos ang sayaw... pero hindi ito inatake ng hika...


KATIE: Lord, thank you at buti hindi hinika si Aries...


At nagpalakpakan lahat ng tao...


Sunod namang sumayaw ang AES... nagsimula ang sayaw nila sa pagba-ballet ni Corrine... at nagpalakpakan ang mga tao...


IZEN: Aling Ester...hula niyo ba mananalo sina Kuya Aries?

ALING ESTER: Naku, ayokong hulaan...dahil gusto ko may suspense kung sinong mananalo... :p


At nang natapos na ang lahat ng performance ng lahat ng orgs na kasali...


EMCEE 1: Now, it's the audience turn to rock the dance floor!


At tumugtog ang samu't-saring kantang pang-sayaw at nagsayawan ang lahat ng nasa audience...


Center of attention si Aling Ester na bigay na bigay sa pagsayaw na parang wala ng bukas sa gitna ng dance floor...


ADAN: Uy, Aries... Tita mo oh! (sabay turo kay Aling Ester na sumasayaw)

ARIES: Ha? Hindi ko Tita yan nuh! Di ko nga kilala yan eh! :p


Sumayaw din sina Katie, Melanie, Destiny at iba pang dormers ng Hotel Lakandula... Yung iba nga ay umiinom pa ng beer in can habang nagsasayaw...


Isa na dun si Melanie... Medyo lasing na ito nang tumuntong ito sa dance floor...


Sa kalasingan...naalala niya ang mga pangyayari noong Battle of the Bands sa school niya dati...


MELANIE: Gago ka talaga, Jerome... hahahahahahaha! (sabay inom sa beer in can na hawak niya)


Napansin siya ni Aries mula kinauupuan niya kaya nilapitan niya ito at pinartneran niya ito sa sayaw...


MELANIE: Oh, ba't ka nandito?

ARIES: Wala...gusto lang kitang partneran sa sayaw..

MELANIE: Ba't mo ko pinapartneran sa sayaw? Ayoko sa'yo...bading ka eh! Bading! Hahahaha..bading!

ARIES: Anong sabi mo?

MELANIE: Ang bingi ng ilong mo! Ang sabi ko bading ka! Bading! Bading! Bading!

ARIES: Bading pala ah...


At bigla na lang... HINALIKAN ni Aries si Melanie sa lips...


(Click PLAY to hear the song. Pakinggan niyo yung song para ma-feel niyo yung halikan scene nina Aries at Melanie...hehehehe)




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com





Nabitawan ni Melanie ang beer in can na hawak niya... Sa pagkabigla niya... nawala ang kanyang kalasingan....


At nag-disperse ang mga tao sa dance floor... at nag-focus ang spotlight sa kanila...


Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ni Melanie habang hinahalikan siya ni Aries...at ang kuryenteng iyon ang nakapanghina sa katawan niya...


Samantala, di na ininda ni Aries kung tama ba o mali ang ginagawa niyang paghalik, kung pag-uusapan ba sila sa UPEPP kinabukasan, kung magalit man si Melanie sa kanya...ang mahalaga...masaya siya sa ginagawa niya...


Nagdikit naman ang dalawang kamay ni Katie...this time, nagdarasal siya na sana...siya naman ang di himatayin sa nakikitang tagpo...dahil hinihika ang puso niya...


TO BE CONTINUED...



Episode 13: The Unexpected Proposal

ALING ESTER: Ano ba kasing pinagagagwa niyo at biglang inatake ng hika 'tong si Aries?


Nakauwi na silang lahat sa Hotel Lakandula... Doon lang nila nalaman kay Aling Ester na may hika pala si Aries kaya hinimatay...


Nakahiga si Aries sa kama niya at may nebulizer siya sa bibig...


VOMER: Naku, Aling Ester...todo-bigay sumayaw kasi yang si Kuya Aries sa Dance Freak! Ayan tuloy...

GLENNLLOYD: Kay Ate Katie pa nga siya himimatay...

ALING ESTER: O, sige... Baba muna ako at aasikasuhin ko muna yung cafeteria. Ok ka na ba, Aries?

ARIES: Opo, Tita...

ALING ESTER: Sige, kayo muna bahala kay Aries, neh?

LAHAT: Sige po, Aling Ester...


At bumaba na si Aling Ester sa cafeteria...


At naisipan na ring umalis nina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa kwarto nina Aries...


Nang paalis na sila...


ARIES: Katie?


Nilingon ni Katie si Aries...


ARIES: Sorry sa kanina...sa Quantum...sa'yo pa ko natumba

KATIE: Wala yun... Di naman ako masyadong nasaktan...


Hindi alam ni Aries at ng iba pa na aksidenteng nahalikan ni Aries si Katie nung mahimatay ito sa Quantum... Si Katie lamang ang nakakaalam nun...At balak ni Katie ilihim ito hanggang sa hukay...


At lumabas na sila ng kwarto at nagpunta na sa kanilang kuwarto...


Masayang nagdadaldalan ang lahat maliban kay Katie na nakahiga lang sa kama niya...



LORRAINE: Izen, ito yung block shirt para sa Candaba Immersion niyo sa Soc Sci 1? (hawak niya yung block shirt ni Izen)

IZEN: Oo, Ate. Di ko nga gusto yung design eh...

MELANIE: Naku, sana, Izen, ikaw na lang pinag-design nila ng block shirt niyo. E di sana, gumagalaw-galaw pa design ng block shirt niyo... nagamitan mo pa ng HTML 'tong block shirt niyo...


Nagtawanan sila...


MELANIE: Pero ok na rin 'tong blockshirt niyo. Di tulad nung sa amin nung first year kami...pang-LOSER...hehehe


DESTINY: Uy, Katie...ba't ang tahimik mo? Ok ka lang ba?

KATIE: OK lang ako...

IZEN: Ate, baka may problema ka?

KATIE: Ok lang talaga ako...Wag niyo na akong alalahanin. Sige guys, tutulog na ako...


At tumalikod sa kanila si Katie. Pagtalikod niya, naalala niya ang nangyari sa Quantum...


FLASHBACK ...

Pinagmasdan ni Katie ang pawisan at maputlang mukha ni Aries...


First time ni Katie na mapagmasdan nang malapitan ang mukha ni Aries... May mapupungay na mata si Aries, matangos ang ilong, mapulang labi...


At bigla na lang...tumumba si Aries papunta kay Katie...kaya parehong natumba sina Aries at Katie...


Sa pagkahimatay na iyon ni Aries, aksidenteng nahalikan niya si Katie sa lips...


At naramdaman ni Katie ang malakas na pagtibok ng puso niya...



BACK TO PRESENT ...


KATIE: Ano ba 'to? Ba't nagkakaganito ako kay Aries? Ba't ba ganito nararamdaman ko sa kanya? Panginoon ko...nagmamakaawa ako...hindi maaaring tumibok ang puso para kay Aries...dahil nakalaan na ito para sa Inyo...


At naramdaman ni Katie ang pagtibok-tibok ng akala niyang bato na niyang puso...

******

Friday at uwian time na... Magkasabay sa bus papuntang QC sina Katie at Melanie...


Nasa bus terminal sila ng Dau...


Tingin nang tingin sa relo niya at di mapakali si Melanie... Napansin ito ni Katie...



KATIE: Ba't parang di ka mapakali dyan?

MELANIE: May Battle of the Bands kasi ngayon sa school ko nung high school. Guest band kami...baka ma-late ako...Di pa kasi umalis 'tong bus eh! Anong petsa na!

KATIE: Hindi ka mali-late nyan...tignan mo...

KUNDOKTOR: Sa mga minamahal naming pasahero...mangyari po lamang na i-fasten niyo ang inyong seatbelt...

MELANIE: Sosyal! Parang eroplano ang dating ah!

KUNDOKTOR: And we will take off in 5--4--3--2--1...


At umandar na ang bus nang pagkabilis-bilis...


KATIE: Lord God...ayoko pa pong mamatay!!!

MELANIE: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya...


Ngunit kahit naging mala-roller coaster ang biyahe ng bus nina Katie at Melanie, maluwalhati silang nakarating ng QC...


At makalipas ang ilang oras, nakarating na sa school niya nung high school si Melanie...


Maraming tao sa quadrangle...at may banda na ring tumutugtog...


Hinanap niya sa back stage ang band-mates niya...


At nasilayan niya si Jerome at iba pa niyang bandmates..


JEROME: Oh, Melai... andito ka na pala.. :)

MELANIE: Sorry kung medyo na-late ako...

JEROME: Hindi naman. Nga pala, pwedeng palit muna tayo? Ikaw muna tumugtog ng lead guitar...ako muna vocalist...

MELANIE: Ha? Hala...eh di pa ko masyadong magaling mag-gitara...

JEROME: Kaya mo yan... Ngayon lang naman...may gagawin lang kasi ako...

MELANIE: At ano namang gagawin mo kasi? Naku pag tayo pumalpak dahil sa akin...

JEROME: Basta abangan mo na lang... Pagbutihan mong mag-gitara ah. Di ka papalpak nyan...alalahanin mo lang mga tinuro ko sa'yo... :)


Ngumiti na lang din si Melanie at naalala niya yung mga moment na tinuruan siya ni Jerome mag-gitara..


At nakaramdam siya ng kilig habang naaalala ang mga iyon...


Pero...na-curious din siya sa gagawin ni Jerome mamaya...


Maya-maya, kinausap at kinamusta ni Melanie ang iba pa niyang ka-banda...


Pagkalipas ng ilang sandali, nagulat siya nang...


MARICAR: Oi, Melanie!

MELANIE: Maricar, nandito ka pala... Sino kasama mo?

MARICAR: Mga dati nating classmates kasama ko...Oi, na-miss kita...

MELANIE: Ikaw din...na-miss kita nang boonggang-bongga...


MELANIE: Ang plastik ko! Hayaan mo na...minsan lang naman..hehehe


Si Maricar kasi kasi ang napapabalitang- MU ni Jerome...


MARICAR: Uy, good luck sa inyo ah...

MELANIE: Salamat...


Nginitian din ni Maricar si Jerome at umalis na ng back stage...


EMCEE: Now, for our intermission number, let's call on stage the winner of the 2006 Battle of the Bands here in Lagro High School...Let's give a big hand to...the Apocalypse Band!


Nagpalakpakan ang mga tao... Kinakabahan na lumabas ng back stage si Melanie kasama ang bandmates niya.


First time niyang magi-gitara sa harap ng maraming tao...


Tinignan niya si Jerome na may hawak na mic... At sinenyasan sila ni Jerome na simulan na ang pagtugtog...


Click PLAY to hear the song the band is playing...







Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com



Medyo na-carry naman ni Melanie ang pagtugtog ng gitara...dahil inaalala niya ang pagtuturo sa kanya dati ni Jerome...


At habang kumakanta si Jerome, feeling niya ay siya ang kinakantahan nito...


At nang nasa kalagitnaan na ng song...


JEROME: Uhm...maaari po bang umakyat sa stage ang pinakamamahal kong si Maricar Garcia...


Naghiyawan ang audience... Nagulat naman si Maricar. Nahihiya pa siyang umakyat pero hinila siya ng mga kaklase niya at tinulak paakyat ng stage...


Pagkaakyat ni Maricar ng stage, inakbayan siya ni Jerome at nagpatuloy sa pagkanta...



JEROME (pakanta): Free your mind...Don't let me down...We'll find a way to make it all go away...Free your mind...Don't let me down...We'll find a way to make it all go away... I'll make it go away... My Dragonfly...


Nawala ang pantasya ni Melanie na siya ang inaawitan ni Jerome... Kaya kahit nasasaktan, pinilit pa ring tumugtog ni Melanie ng gitara...


At nang matapos ang kanta...


JEROME: Maricar, would you be my girlfriend?

MELANIE: ...


Naghiyawan ang audience...


MARICAR: Jerome...y--yes...


At naghalikan sina Jerome at Maricar sa harap ng maraming tao habang patuloy na naghihiyawan ang audience...


Nagpatugtog naman yung rhythm guitarist nila ng "Wedding March" (yung tugtog sa kasal habang naglalakad sa aisle yung bride)


Patakbong nag-walk out si Melanie habang saganang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata niya pababa ng kanyang pisngi...


TO BE CONTINUED...


Episode 12: Quantum



Isang Sabado ng tanghali, dinalaw ni Katie ang tita niyang si Sister Catherine sa kumbento ng mga Carmelite sisters sa QC...


Nag-usap sila sa garden ng kumbento...


KATIE: Tita, musta na po kayo?

SISTER CATHERINE: Ok naman ako, Katie. Oh, napadalaw ka?

KATIE: Wala lang po...Nga po pala...pinabibigay sa inyo ni Mama.


Binigay ni Katie ang pagkain na nasa styrofoam...Binuksan ito ng tita niya.


SISTER CATHERINE: Uy, maja blanca...hay...si Ate Melba (Mama ni Katie) talaga...alam pa rin niya ang paborito ko...

KATIE: Ay oo nga po pala...Tita...si Mama...


Biglang lumungkot ang tono ni Katie...


KATIE: Parang di siya pabor sa balak kong pagmamadre...

SISTER CATHERINE: Nauunawaan ko naman si Ate kung ba't di siya pabor sa gusto mong pagmamadre...


Natahimik sila sandali at...


KATIE: Alam kasi ni Mama kung ano talaga ang nag-udyok sa akin kung ba't gusto ko mag-madre... Yun ay dahil nasaktan ako nun sa first boyfriend kong si Iggy...pero tingin ko...blessing in disguise ang break-up namin...dahil mula nung nag-break kami...dun ko narinig ang tawag ng Panginoon sa akin...


SISTER CATHERINE: Ganun talaga ang Panginoon, tinatawag tayo sa panahong di natin inaasahan...

KATIE: Tama po kayo, Tita...hayaan niyo po...tutuloy po ako sa oras na mapapayag ko na si Mama...

SISTER CATHERINE: Sige, Katie, iha... Pero pag-isipan mo ring mabuti ang desisyon mo ah..

KATIE: Opo, Tita Catherine...

*******

Matulin na lumipas ang mga araw at AUGUST na...


Nagda-dissect na ng palaka ang Psych 2A sa Zoo Lab class nila. Naka-lab gown na sila this time...


Live frogs pa ang binigay sa kanila ni Ma'am Pacita Bognot...


At kailangan nila itong patayin sa pamamagitan ng pag-aalog sa palaka sa container na may lamang formalin...


Pagkaalog ni Aries sa palaka nila ni Katie...nilagay nila ang palaka sa dissecting pan. Di na ito gumagalaw...






KATIE: P-patay na ba 'yan?

ARIES: Tingin ko...di na gumagalaw 'eh...


Lumilibot-libot sa kanila si Ma'am Bognot...


MA'AM BOGNOT: Ok, class, pagkalagay niyo ng mga palaka niyo sa dissecting pan, tusukin niyo ng pin yung kamay at paa ng palaka so you can dissect well...

KATIE: Uy, Aries...ikaw na mag-pin sa palaka natin...Natatakot ako...baka biglang tumalon...

ARIES: Oh...sige na...ako na.. :)

KATIE: Teka...parang...parang may nagbago kay Aries...


Isa sa napansin nilang pagbabago kay Aries ang pagiging mabait na nito sa kanila...


Lagi nang tinutulungan ni Aries sa laboratory exercises si Katie...pati na rin sina Melanie at Destiny...


At pagka-pin ni Aries sa kamay ng palaka...gumalaw ang palaka nila at...


ARIES: Katie...tabi... (sabay nayakap ni Aries at iniwas si Katie na nakatayo malapit sa palaka)


Bigla na lang tumalon ang palaka nila...sakto namang paraan si Ma'am Bognot sa kanila at...


MA'AM BOGNOT: Ok class...What the---??


Tumalon at nag-landing sa mukha ni Ma'am Bognot ang palaka nina Katie at Aries...


PSYCH 2A: BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!


At dun lang napansin ni Aries na nakayakap pa siya kay Katie...kaya dagli niyang binitiwan si Katie na para bang napaso siya dito..


ARIES: S--sorry...


Nginitian lang siya ni Katie...


MA'AM BOGNOT: Mr. Aranas, Miss Madrid...is this your frog? (natanggal na niya ang palaka sa mukha niya sa tulong ni Felix na blockmate nila)

ARIES at KATIE (kabado): Y--yes ma'am...

MA'AM BOGNOT (galit): You get automatically a grade of "5" for this exercise...

ARIES: Pero, Ma'am...di naman po namin sinasadya---

MA'AM BOGNOT: Di niyo man lang sinigurado na patay na 'tong palaka ninyo bago niyo i-pin... Blah--blah--blah---


Nang matapos na ang Zoo Lab Class nila...nagliligpit ng gamit sina Katie, Melanie, at Destiny nang biglang padabog na lumabas ng lab si Aries...


DESTINY: Hay....for sure bitter ngayon si Aries...

KATIE: Eh, sino ba namang hindi magiging bitter...naka-singko ba naman ngayon sa lab exercise. Alam mo naman yun...always on top dito sa lab class...Ngayon lang nagka-singko...

MELANIE: Sus! Ayun lang?! Pasalamat siya at ngayon lang siya nagka-singko! Samantalang tayo...di ko na mabilang sa daliri ng mga kamay at paa ko kung ilang singko na tayo dito sa lab...


Just then, may nag-text sa kanilang tatlo...si Rye...


RYE: {Ate katie, melanie, destiny...punta kayo sa quantum sa sm clark after class niyo, ok? cge}


At nagpunta nga sila sa Quantum...Nandun lahat ng dormmates nila...


RYE: Sina Kuya Aries at Ate Lorraine, di niyo kasama?

KATIE: Si Lorraine...sunod siya after class niya. Si Aries..ewan...asa naman sigurong sasama yun...


At nagulat sila nang magkasabay na dumating sa Quantum sina Aries at Lorraine...


DESTINY: Aba, himala, Aries, sumama ka?

ARIES: Pampatanggal badtrip...


At alam nina Katie, Melanie, at Destiny ang tinutukoy ni Aries na "badtrip"...


Kaya ang unang tinungo ni Aries sa Quantum ay ang Punch Machine... Ito yung machine na sinusuntok para matanggal ang stress mo...


Sina Rye, Victor, Kuya Chico, at ang iba pa ay nagpunta sa Indiana Jones: yung gambling machine na may bubuuing pattern to win free tokens...


Pinanood naman nina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine, at iba pa si Aries sa Punch Machine...


At sinimulan nang suntukin ni Aries ang punch machine. At na-imagine ni Aries na mukha ni Ma'am Bognot ang susuntukin kaya....


WAAAAAAPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!


Inulit-ulit pa ito ni Aries suntukin


Nagulat naman si Katie nang...


ARIES: Katie, ikaw, gusto mong sumuntok? Imagine-nin mo na si Ma'am Bognot ang sinusuntok mo para malakas....hehehe

KATIE: Ah..eh...

DESTINY: Naku, Aries...mabait yang si Katie...sasabihin nyan, "Masamang gumanti sa kapwa. Sabi sa Bible ek..ek..."

KATIE: Hoy..hoy..hoy..Des...pagdating kay Ma'am Bognot...ibang usapan na... Sige, Aries....akin na yung gloves at nang mawasak ko na yang punch machine na yan! Ma'am Bognot talaga ginagalit ako!

MELANIE at DESTINY: Oy....sunod kami sa'yo Katie ah...

LORRAINE: Ako rin...pasubok...


At nag-enjoy sa pagsuntok sa Punch Machine sina Katie, Melanie, Destiny, at Lorraine...


Samantala, habang pinapanood sila ni Aries...


KUYA KARLO: Oy, Aries...masakit ba braso mo kakasuntok? Akin na...i-massage ko na...Saan ba masakit?


Sabay pinisil ni Kuya Karlo ang braso ni Aries...


ARIES: Tigilan mo ko, Kuya Karlo! Baka ikaw ang sunod kong masuntok!


Pagkatapos, nag-duet sina Destiny at Victor sa stage ng Quantum...


DESTINY (pakanta):I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on!


VICTOR (pakanta): I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need them again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind!


DESTINY at VICTOR (pakanta): All I wanna do is find a way back into love. I can't make it true without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!


JERICKA: Yes...bagay kayo!!! Hehehehe...

LAHAT: Hiki! Hiki!


Nag-duet din sina Totz at Izen...


TOTZ (pakanta): Bakit ngayon ka lang...Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y meron nang laman...

IZEN (pakanta): Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko...Di sana’y naghintay ako...


ADAN: Hoy...itigil niyo yan! Selos ako! T_T

VOMER: Wala ka na, tol! No match ka na kay Totz para kay Izen...


Sunod naman ang Dance Freak... Ito yung parang Dance Revo. Dito naman, parehong kamay at paa ang sumasayaw...


Unang sumayaw sina Katie at Kuya Chico sa kantang "Locomotion..."


Everybody's doin' a brand new dance now(C'mon baby do the loco-motion)...I know you'll get to like it...If you give it a chance now...(C'mon baby do the loco-motion)


Sunod naman si Aries at umulit naman si Kuya Chico... Sinayaw nila ang "The Twist"


Come on baby let's do the twist...Come on baby let's do the twist...Take me by my little hand and go like this...Ee-oh twist baby baby twist...Oooh-yeah just like this...Come on little miss and do the twist


Nagulat at namangha ang lahat kay Aries. Di nila aakalain na magaling sumayaw si Aries...May angas itong sumayaw...pero swabe yung moves...


Nagmistulang back-up dancer lang si Kuya Chico...


At nang matapos ang sayaw...Pumalakpak ang lahat...Pawis na pawis si Aries na lumapit sa kanila...


At nagulat si Katie nang hawakan siya ni Aries sa dalawang balikat...


Hingal na hingal si Aries...


KATIE: Aries...OK ka lang?


Patuloy pa rin sa paghingal si Aries...


ARIES: K---Katie...

KATIE: Ano yun?


Nakahawak at nakatukod pa rin si Aries sa mga balikat ni Katie... At pinagmasdan ni Katie ang pawisan at maputlang mukha ni Aries...


First time ni Katie na mapagmasdan nang malapitan ang mukha ni Aries... May mapupungay na mata si Aries, matangos ang ilong, mapulang labi...


At bigla na lang...tumumba si Aries papunta kay Katie...kaya parehong natumba sina Aries at Katie...


Sa pagtumbang iyon ni Aries, aksidenteng nahalikan niya si Katie sa lips...


Nahimatay pala si Aries...lumapit ang mga lalake at binuhat si Aries. Itinayo naman ni Destiny si Katie...


Nang pagkatayo kay Katie...


DESTINY: Katie, ok ka lang ba?


At hinawakan ni Katie ang mga labi niya...


At naramdaman ni Katie ang malakas na pagtibok ng puso niya...


TO BE CONTINUED...



Tuesday, October 28, 2008

Episode 11: Behind the Bars



ALING ESTER: Hindi ako makapaniwalang magagawa mo yon sa kanila?


Nasa lounge sina Katie, Destiny, Lorraine, Izen, Melanie, Aries, at Aling Ester. Kagagaling lang ng iba sa school. Galit na galit si Aling Ester kay Aries...


Nakikiusyoso rin ang ibang dormers. Nakayuko naman sa kahihiyan si Aries...


ALING ESTER: Ano bang klaseng demonyo ang sumapi sa'yo at nagawa mo yun?!

DESTINY (pabulong): Siya na po mismo ang demonyo, Aling Ester... :p

ALING ESTER: Hay! Sumasakit ang ulo ko sa'yo, Aries! Humingi ka ng tawad sa kanila ngayon, Aries...

ARIES: S-sorry sa inyo...lalo na sa'yo, Melanie...

IZEN: Yun lang? Halos wala man lang kaming maramdamang sincerity sa sorry mo...

LORRAINE: Oo nga...at after magkasakit si Melanie nang dahil sa kagagawan mo! Yun lang??

ARIES: Arte niyo naman! Ano bang gusto niyo...ganito?


At bigla na lang, tumayo si Aries at kumanta ng..


ARIES (pakanta): Sorry.. I never told you..what I wanted to say...


Nagma-macho dance pa si Aries habang kumakanta...Natawa at pumalakpak lahat ng nandoon sa lounge..


Patuloy pa rin sa pagkanta ng One Sweet Day si Aries habang nagma-macho dance...


MELANIE: Oh..sige na, Aries...napatawad na kita! Itigil mo na lang yang kahihiyang ginagawa mo at baka lalo akong magkasakit sa'yo...

ARIES: Ganun? Sige nga...kung napatawad mo na talaga ako...kiss mo nga ako...

LAHAT: Hiki! Hiki!

MELANIE: Tse! Manahimik nga kayo! Ikaw, Mr. Ariestotle Aranas..kiss-kiss-in mo mukha mo!


At nang makapgsarili na sa kwarto nila sina Melanie...


KATIE: I told you, hindi bading si Aries! Tama kami ni Destiny!

DESTINY: Corrected by!

MELANIE: Bading yun!


Kasalukuyang kumakain ng sopas galing kay Aling Ester si Melanie...


LORRAINE: Pero guys, alam niyo, napansin ko lang...habang kumakanta si Aries...nakatingin siya kay Melanie...

IZEN: Ay oo nga, Ate Melai! Tsaka parang iba yung tingin niya sa'yo...parang may kasamang "L"

MELANIE: Hoy! Hoy! Hoy! Ibuhos ko sa inyo tong sopas ko eh! At ikaw naman Izen..kabata-bata mo pa may pa-"L" "L" ka pang nalalaman dyan... Abg bastos mo!

IZEN: Ate, anong bastos dun? May kasama naman talagang "L" yung tingin sa'yo kanina ni Kuya Aries ah...may kasamang "Lib---" I mean "LOVE"

MELANIE: Naku, tigilan niyo nga ako! Lalo akong nagkakasakit sa inyo eh!

*****

Isang araw...habang nagtitinda si Aling Ester sa cafeteria ng Hotel Lakandula...napansin niyang nagmamadaling bumababa ng hagdanan sina Katie, Lorraine, Izen at Destiny..


ALING ESTER: Oh...mga iha...Di ba kayo kakain muna bago umalis?

KATIE: Naku, Aling Ester...hulaan niyo na lang kung anong sagot namin sa tanong niyo dahil nagmamadali na kami ni Destiny....

ALING ESTER: Ganun ba, Katie? Sige...pag hinulaan ko bayaran niyo ko mamaya pag uwi niyo nuh? Mahal magpahula sa akin...

KATIE: Ah ganun po ba, Aling Ester? Sige po, bahala kayo. Pero siguro po nahuhulaan niyo na rin na asa namang babayaran namin kayo... Tara na nga, Des...


Yun lang at nagmadali na silang umalis ...Late na kasi sila sa klase nila...


ALING ESTER: Hay naku, ang mga batang iyon talaga...Pero, teka...ba't di nila kasama si Melanie?


Sa kuwarto naman nina Melanie: nagmamadaling magbihis at mag-ayos ng gamit niya si Melanie...


MELANIE: Naku naman...late na late na talaga ako... Hay...di man lang ako nahintay nina Destiny...para namang hindi sila friends...


Pagkababa ni Melanie sa cafeteria, napansin niyang kumakain pa si Aries dun...


ALING ESTER: Melanie, iha...

MELANIE: Opo, Aling Ester...tama po ang hula niyo na hindi ako kakain ngayon at mali-late na ako sa klase ko...


At nagmadali nang umalis si Melanie...


ALING ESTER: Aba...magaling! Mukhang may future si Melanie bilang isang manghuhula! Maaari siyang sumunod sa aking mga yapak...

ARIES: Tita, aalis na rin po ako...

ALING ESTER: Aba...teka...Aries...di pa ubos ang pagkain mo...Hoy! Bumalik ka ditong bata ka!


Naabutan pa ni Aries si Melanie na nagmamadaling naglalakad papuntang sakayan ng jeep sa Clark Main Gate...


Para mang-inggit, pinaharurot ni Aries ang motor niya nang malapit na siya kay Melanie...nang makalayo na si Aries...


MELANIE: Grrr...nang-iinggit pa ang unggoy! Sige...mawalan ka sana ulit ng gas ngayon! Grrr....


At nang nakarating na si Melanie sa Clark Main Gate, nakita niya si Aries doon na nakatambay sa motorsiklo niya...


MELANIE: A--anong ginagawa mo rito?

ARIES: Sakay ka na! (sabay turo sa backseat ng motorsiklo niya)


MELANIE: Naku, Aries, huwag na lang! Ikaw? Pasasakayin mo ko? Ni sa panaginip ata di ka na magiging mabait sa akin! Ahh...teka...baka naman kidnapin mo lang ako at tawagan mo ang mga magulang ko at sabihin mong "Kailangan ko ng 5 milyong piso kapalit ang magandang anak ninyong si Melanie..."


ARIES: Tsss...ano ba namang kalokohan yang pinag-iiisip mo! Melai, sa gwapo kong 'to..mukha ba akong kidnapper?

MELANIE: Manahimik ka nga, Aries. Baka pag sumakay ako sa'yo...maheadline sa mga dyaryo bukas: "ISANG SIKAT AT MAGANDANG ARTISTA...KINIDNAP!"

ARIES: Ng isang gwapong kidnapper!! Andami mo pang satsat! Halika na nga...


Bigla na lang binuhat ni Aries si Melanie at isinakay sa motor niya. Nang makaupo na si Melanie sa motor, sinuutan siya ng helmet ni Aries...


Hindi na nakapagsalita at nakapalag si Melanie dahil nabigla ito sa mga pangyayari.


At biglang pinaandar ni Aries ang motor nang pagkabilis-bilis. Dahil sa bilis nito, napayakap si Melanie kay Aries...


MELANIE: Panginoon ko! Sta. Maria! San Jose! San Martin! Santa Quiteria! Aries....bagalan mo!


Natatawa lang si Aries kay Melanie. At nakapasok na sila Clark.... At napalakas ang preno ni Aries nang biglang mag-red ang stop light sa isang intersection...(yung papasok ng Friendship Village)...


At sa lakas ng preno ni Aries, napa-forward nang husto si Melanie at nabangga ng helmet na suot niya ang ulo ni Aries...


ARIES: Awwww! Aray naman! Melanie, nananadya ka ba?

MELANIE: Ay sorry...Eh kasi naman ang lakas ng pagkakapreno mo! Kasalanan mo rin kung bakit ka nauntog! At pwede ba, Aries, bagalan mo yung pagpapatakbo mo ng motor kundi tatalon ako dito...


At biglang nag-green ang stoplight...


ARIES: Sorry, Melanie....pero ito na ang pinakamabagal kong patakbo...


At lalo pang binilisan ni Aries ang pagpapatakbo ng motor niya... Harurot na nga iyon kung tutuusin...


MELANIE: Aries...ano ba? Wala ka na bang mas maibibilis pa rito?! (sarcastic yang pagkakasabi ni Melanie ah..)

ARIES: Ganun ba? Sige po, ma'am...You're the boss...


Hinarurot ulit ni Aries ang motor...at ilang sandali pa...napansin nilang may sumusunod sa kanilang mga naka-motor na mga pulis...may megaphone yung isa...


MELANIE: Aries! Aries! May mga pulis! Ba't ganun? Parang sinusundan nila tayo...

ARIES: Ha? Shit!

PULIS NA MAY MEGAPHONE: Oy...yung nagmamaneho ng motor na may plakang CX 2764... Itigil mo ang motor mo sa tabi sandali...


At tinabi ni Aries ang motor niya...at kinausap sila ng isang pulis...


ARIES: Eh...ano po bang problema, bossing?

PULIS: Iho...hindi mo ba alam na overspeeding ka? At bawal dito sa Clark ang overspeeding na sasakayan. Naka-motor pa man din kayo ng kasama mo...


ARIES: Ah...ganun po ba? Eh kasi po...sabi sa kin dito ng kasama kong babae na mabagal raw ako magpatakbo...Bago lang po kasi ako dito sa Clark...pero po 'tong kasama ko eh..matagal na. Sabi niya mag-overspeeding na raw ako..


MELANIE: A---a--a--aba! Ang kapal din ng mukha mong ituro ako? Mamang Pulis...pinagbawalan ko po siya at sinabi kong bagalan niya lang ang pagpapatakbo niya...

ARIES: Talaga? Sino kayang nagsabi ng "Aries...ano ba? Wala ka na bang mas maibibilis pa rito?!"


Gayang-gaya ni Aries ang pagkakasabi ni Melanie...


MELANIE: H---hindi po, Mamang Pulis...hindi po iyon ang ibig kong sabihin! Wag kayong maniwala sa unggoy na 'to...

PULIS: Naku, mga iho, iha... Sa presinto na lang kayo magpaliwanag...Men...bantayan niyo sila...


At makalipas ang ilang minuto, nasa presinto sila ng Clark...kinakausap sila ng pulis na nasa desk...


ARIES: Kasi po. kaya po mabilis ang patakbo ko sa motor eh dahil mali-late na po sa klase niya itong kasama ko...ayun po...

MELANIE: Aba...at ako pa sinisisi mo? Di ko naman sinabi na bilisan mo patakbo mo! Sinabi ko pa nga na bagalan mo kasi natatakot ako...


At nagsimula nang mag-away at magsisihan sina Melanie at Aries...


PULIS: Teka...SANDALIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Napatigil sina Aries at Melanie sa pag-aaway...


PULIS: Eh, iho...matanong ko lang kung saan ba kayo nag-aaral nitong girlfriend mo?

ARIES at MELANIE: HUUUUWAAAAAAATTTTTTTT????????

ARIES: Di ko po siya girlfriend nuh!

MELANIE: Over my dead body!

PULIS: Eh, san ba kayo nag-aaral?

MELANIE: Dyan po sa U.P.

PULIS: U.P.? Tsk..tsk..tsk..tsk... UP pa man din kayo eh lumalabag kayo sa traffic rules...

MELANIE: Hindi po ako kasangkot dyan! Siya! (sabay turo kay Aries) Siya ang lumalabag!

ARIES: Ako na naman?! Aba..pasalamat ka at sinabay pa kita kahit labag sa kalooban ko...blah...blah..blah...


At nagsimula ulit mag-away sina Aries at Melanie...


PULIS: Ano ba..awat na...awat na... TIIIIGGGIIIILLLLLLLL!!!!!!!!!!!!


Pero di pa rin nagpaawat sina Melanie at Aries kaya...


PULIS: Men...ikulong sa kulungan 'tong dalawang 'to...


At makalipas ang ilang minuto, nasa parehong kulungan sina Melanie at Aries. Nakatingin sila sa magkaibang direksyon at nagi-isnaban...


ARIES: Melanie?

MELANIE:

ARIES: Melanie?

MELANIE:

ARIES: Melanie, ano ba? Ang bingi ng ilong mo ah!

MELANIE: Oh, sige, ano na? Bakit?

ARIES: Sorry nga pala...


Natigilan si Melanie...


ARIES: Sorry at di ako nakinig sa'yo kanina na bagalan ko kaya tayo nandito sa kulungan ngayon...

MELANIE: Sorry, Aries, It's too late to apologize...Nandito na tayo... And we're stuck here for eternity...at sigurado bukas, sa laki ba naman ng UPEPP, laman tayo ng tsismis...


At naiyak na lang si Melanie...kaya inalo siya ni Aries...


ARIES: Melanie...wag ka nang umiyak...tutulungan tayo ni Tita Ester at makakalabas din tayo dito...Tsaka,kanina, di ba sabi mo artista ka? Kaya hindi mo talaga maiiwasan na mapagtsismisan ka...di ba bahagi na ng showbiz yun?


Natawa nang bahagya si Melanie sa sinabi ni Aries...


ARIES: Oh, ano, OK ka na ba?

MELANIE: Ikaw kasi eh...nag-eemote ako tapos pinapatawa mo ko! Hhehehe

ARIES: Hahaha...ganun?


At natahimik silang dalawa...at...


MELANIE: Aries...

ARIES: Uhm?

MELANIE: Hindi ka ba nilalagnat?

ARIES: Ha? Bakit?

MELANIE: Kasi...dati...parang ang supla-suplado mo...tapos ngayon para mas mabait ka pa kay San Lorenzo Ruiz sa kabaitan...

ARIES: Mabait naman talaga ako..kayo nga suplada dyan eh..projection yang ginagawa mo...sinasabihan niyo kong suplado pero ang totoo kayo ang suplada..

MELANIE: Projection your face! Mr. Aranas...baka nag-uulyanin na kayo...parang last week lang eh may nagpanggap yatang multo para mapaalis kami sa Hotel Lakandula...at nung first day----

ARIES: Oh...sige na...Talo na ako! Tsaka sorry na kung nasupladuhan ko kayo nun...


At natahimik ulit sila...


MELANIE: Oo nga pala..di ba taga-QC ka? Saan ka sa QC?

ARIES: Bakit, bibisitahin mo ko?

MELANIE: Ang kapal mo ah! Hindi nuh! Curious lang...taga-QC rin kasi ako..

ARIES: Biro lang...sa may Cubao kami...si Tatay, si Ate...ako...

MELANIE: Eh, nasaan ang mommy mo?

ARIES: Wala na akong mommy... Iniwan niya kami noong 8 years old ako...dahil sa ibang lalake...


Nabigla si Melanie...di niya kasi inaasahan na maishi-share ni Aries pati ang maselan na kwento ng pamilya niya...


MELANIE: Sorry to hear that...

ARIES: Ok lang...tanggap ko na naman yung nangyari. Matagal na rin naman kasi yun..ikaw ba...saan ka sa QC?

MELANIE: Sa may Fairview...

ARIES: Ah...


At natahimik ulit sila...maya-maya pa...


PULIS: Oh, kayong mag-jowa dyan! Laya na kayo!


At nakita nina Aries at Melanie si Aling Ester...


ARIES: Tita...

MELANIE: Aling Ester...


Niyakap nila si Aling Ester...


ALING ESTER: Naku...itong mga batang 'to oh!

ARIES at MELANIE: Si Melanie po kasi! / Si Aries po kasi!

ARIES: Anong ako! Kung di mo ko pinapabilis kanina ng takbo ng motor---

MELANIE: Aba! Aba! Binabaligtad mo ko eh! Ako nga ang nagsasabing bagalan mo dahil natatakot ako---


At nagsimula na namang magtalo sina Aries at Melanie...


PULIS: Ay naku, misis... Mabuti pang iuwi niyo na lang yang mga batang yan bago ko sila makulong ulit...


Nanahimik na sina Aries at Melanie...


Kinagabihan sa Hotel Lakandula, kalat na sa lahat ng dormers ang pagkakakulong nina Aries at Melanie...


KATIE: Uuuuyyy...nag-bonding sila sa loob ng bilangguan.. Ano naman nangyari sa inyo?

MELANIE: Naku! Wag niyo na nga ipaalala sa akin yan...

DESTINY: Naku, Melanie ah...baka sa tinagal niyong mag-bonding sa kulungan, baka naman pati puso mo nabilanggo na kay Aries...


Binato ni Melanie ng unan si Lorraine...


MELANIE: Loko!

LORRAINE: Aray ko naman!





Di nila alam, nasa labas lang si Aries ng kwarto nila at narinig ang usapan nila...at napangiti si Aries...


TO BE CONTINUED...



Episode 10: Haunted Hotel Lakandula



Isang gabi, nasa table lounge ang EMPE Boys: sina Vomer, GlennLloyd, Domeng, JR, Ram, Rye, at Victor...


Kasama rin nila sina Jericka at Winxel..


Nagbabasa ang karamihan sa kanila...


RAM: Ano inaaral mo, Rye?

RYE: Math 14. Exam namin bukas kay Sir Sumido eh. Ikaw?

RAM: Math 11 naman kami. Kay Sir Almario.

RYE: Sir Almario? Yung nalaglag daw yung pustiso habang nagtuturo...

RAM: Oo...kumalat pala yun sa inyo?

RYE: UPEPP pa...sa laki ba naman ng school natin eh walang sikretong di nabubunyag...


DOMENG: Ito pa raw ang grabe...noong nahulog pustiso niya sa sahig, tumalikod lang siya at kinabit ang pustiso niya at nagpatuloy sa pagtutro na parang walang nangyari...

JERICKA: Yuccckk!!!!

LAHAT: HAHAHAHAHAHAHAHA!


At patuloy pa rin sila sa pagtawa...nang biglang may lumabas na lalake sa isang kwarto at nilapitan sila...


LALAKE (galit): Hey! Could you please tone down your voices? I just came from work and I need sleep so please! Be quiet and shut up your mouths!


At binagsakan sila ng pinto ng lalake...


VICTOR: Yabang nun ah! Porket call center lang siya ganun na siya kung magalit!

WINXEL: In-english pa tayo. San ba siya nag-aral. UP tayo at "other school" lang siya kaya huwag niya tayong sinisigawan!

JR: Pagbigyan niyo na. Alam niyo naman yang mga call center agent na yan...Allergic sa ingay nating mga estudyante...


May nangungupahan din kasing mga call center agent sa palapag nila...


At nanahimik na lang sila at nagpatuloy na lang sa pag-aaral...


Kaya laking gulat nila nang nilabas ulit sila ng lalake at...


LALAKE (galit): How many times do I have to tell you to tone down your voices? You're distracting my sleep..blah...blah..blah...


Tinitigan nilang lahat yung lalake at sabay-sabay silang nagsabi ng...


LAHAT: Ssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! (nakalagay index fingers nila sa lips nila)


At bumalik sila sa pagbabasa ng libro at...


VOMER: Hindi na nga tayo nagdadaldalan sinabi pang maingay tayo...

JERICKA: Pati yata paghinga natin naririnig niya eh...

JR: Nanigaw pa! Nawala tuloy ako sa binabasa ko...


Dahil pahiya konti, umalis na lang yung lalake na namumula...


At nagtawanan silang lahat...


Just then, dumating na from UPEPP sina Katie, Melanie, Destiny, Izen at Lorraine...


At natulala na naman ang mga lalake kay Lorraine, kaya nginitian ni Lorraine ang mga ito...


LORRAINE: Hi, boys.. :D


Nahimatay lahat ng boys...takang-taka ang mga babae...


IZEN: Yes, Ate Lorraine...killer smile ka pala...


At naglakad na silang lima papuntang kwarto nila. At pagkabukas nila ng pinto ng kwarto nila...


LAHAT: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!


Nagkamalay ang boys na nahimatay at nagpunta sa kanila...


Nagsilabasan din ang ibang dormers at boarders at nakiusyoso...


At umakyat sina Aling Ester at Ate Cherry, ang taga-linis ng dorm...


ALING ESTER: Excuse me, paraanin niyo ko...Sino ba yang mga sumigaw? Ano bang nangyayari?


DESTINY: I--i--ipis po...

KATIE: S--sa mga kama namin...


Tinignan ng lahat ang kwarto...at bawat kama nga ay may mga ipis...


ALING ESTER: At papaanong nagkaroon ng mga ipis dyan sa mga kama niyo?

MELANIE: Di po namin alam, Aling Ester... Ba't di niyo na lang po hulaan kung sino?

ALING ESTER: O sige..pero may pambayad ba kayo sa hula ko?

LORRAINE: Aling Ester naman eh...

ARIES (humihikab-hikab pa): Ano bang ingay yan?


Kalalabas lang ni Aries sa kwarto nila at halatang kagigising lang nito...


KUYA CHICO: May mga ipis kasi sa mga kama nina Katie...

ARIES: Mga burara kasi kayo eh! Hindi niyo yata nililinis yang kwarto niyo kaya kayo iniipis!

MELANIE: Hoy! Hoy! Hoy! Naglilinis kami ng kwarto noh!

ALING ESTER: Cherry, ikaw ang naatasang maglinis dito ng mga kwarto...Nililinis mo ba talaga 'tong kwartong ito?

ATE CHERRY: Wa, Ate (Oo, Ate). Nililinis ko pong mabuti 'tong mga kwarto dito nuh...

ALING ESTER: O siya, sige, Cherry, linisin mo na lang ulit itong kwarto nina Melanie at mag-spray ka ng Baygon...

ATE CHERRY: Sige po, Ate...


ALING ESTER: Hay...panu ba'to? Wala nang bakanteng room ngayon dito eh. Saan ko kayo patutulugin niyan?

JERICKA: Aling Ester, may apat pa pong bakanteng kama sa room namin nina Winxel...

ALING ESTER: Ah, ganun ba? Sige, Lorraine, Izen, Melanie, Destiny...dun muna kayo matulog ngayong gabi sa kwarto nina Jericka, nuh?...

KATIE: Eh, Aling Ester...paano po ako?

ALING ESTER: Ay, oo nga pala nuh! Uhm...sa room ka muna nina Aries...Aries, pamangkin, dito ka muna sa sofa ng lounge matulog..

ARIES: Ano? Tita, hindi pwede yan!!

ALING ESTER: Sige na, pamangkin. Ngayong gabi lang naman...

ARIES: Eh..sa bahay niyo, Tita? Wala na bang matutulugan?

ALING ESTER: Naku, iho...jam-packed din ngayon dun. Death Anniversary kasi ngayon ng Tito Rudy (asawang namatay ni Aling Ester) mo kaya nandun yung mga kamag-anak niya dahil dadalaw sa sementeryo.

ARIES: Tss...ano ba yan!


At nag-walk out si Aries. Nag-appear ng kamay nang palihim sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine at Izen...


9:00 PM...Wala nang ibang tao sa lounge kundi sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine, at Izen... Nagbabasa sila ng libro...


Nakaupo rin si Aries sa sofa sa lounge na tutulugan niya ngayong gabi...


ARIES: Nag-aaral ba talaga kayo o nananadya? Anong oras ba kayo matatapos magbasa dyan nang mapatay ko na 'tong ilaw at makatulog na ako!

MELANIE: Oh, dear, kasalanan mo rin naman kasi, Aries. Kung di mo na lang sana nilagyan ng ipis yung mga kama namin, e di sana mahimbing kang matutulog sa kama mo..

ARIES:Hoy! Hoy! Hoy! Pinagbibintangan niyo ba ako? Kita niyo na ngang himbing na himbing ako sa pagtulog kanina tapos bigla akong nagising sa sigaw niyo...

KATIE: Oy, oo nga pala, ba't niyo naman pinagbibintangan si Aries? Wala naman tayong ebidensya na siya naglagay ng mga ipis...

DESTINY: Hoy, Sister Katie....sino lang ba ang may galit sa atin dito sa dorm?!

IZEN: At imposibleng lumitaw na lang bigla yung mga ipis at saktong sa kama pa natin naglagi?!

LORRAINE: Aamin na yung isa dyan...

ARIES: Ano ba? Sinabi ngang hindi ako naglagay nun eh!


At nag-walk-out si Aries...


At habang naglalakad palayo sa kanila si Aries...


DESTINY: May ipis pa sa bulsa mo!


Nagpa-panic na tinanggal ni Aries ang ipis...


ARIES: Ipis! Ipis! Ipis!


Bakas sa mukha ni Aries ang takot at gulat habang tinatanggal ang ipis na di niya naman makita...


DESTINY: Joke lang...walang ipis! Panic ka naman agad...


Tumawa sina Katie, Melanie, Destiny, Lorraine at Izen habang galit at padabog na bumaba si Aries sa hagdan patungong cafeteria...


MELANIE: Bading talaga!


Natahimik lang sila nang mag--"Ssssssshhhhhh" nang malakas sa kanila ang isang boarder na call center agent...


At naisipan na rin nilang matulog sa mga pansamantala nilang mga kama...



Halatang puyat na puyat at di masyadong nakatulog kinabukasan sa History 1 class nila. Nakanganga pa ito habang natutulog sa klase...


Si Ma'am Bunye ang teacher nila dito, ang prof na ayaw na ayaw inuulit ang lesson niya...na in her words...


MA'AM BUNYE: Ok class, ayoko ng replay, noh? Hmmmm...


At nagle-lesson na nga si Ma'am Bunye...


MA'AM BUNYE: Ang pag-garote sa tatlong paring martir at ang pagsusulat ni Jose Rizal ng Noli at El Fili ay ilan lamang sa mga dahilan nang pagkagising ng nasyonalismo ng mga Pilipino...noh? Hmmmmmm...


After 10 minutes ng kanyang pagpapaliwanag ng iba pang mga bagay-bagay…


MA'AM BUNYE: So ngayon, ang pag-garote sa tatlong paring martir at ang pagsusulat ni Jose Rizal ng Noli at El Fili ay ilan lamang sa mga dahilan nang pagkagising ng nasyonalismo ng mga Pilipino...noh? Hmmmmmm...


MELANIE (pabulong): You know Ma’am, dapat yata kayo ang sinasabihan namin ng "ayoko ng replay…" Haayyy…

KATIE: Oo nga, Melanie, noh? Hmmm...

DESTINY: Tumahimik na lang kayo dyan, noh? Hmmm...

LORRAINE: Uy, guys, tignan niyo si Aries matulog oh...


At nakita nga nilang naka-nganga matulog si Aries....


IZEN: Picture-an natin...dali!


At nang na-picture-an na nila si Aries sa cellphone, biglang binato ni Ma'am Bunye si Aries ng chalk at sapol sa ngipin ni Aries yung chalk kaya nagising ito bigla...


MA'AM BUNYE (galit): Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na ayoko nang may natutulog sa klase ko!

FELIX: Ma'am...yung ginawa niyo po yata ang mas effective na pang-gising sa nasyonalismo ng mga Pilipino kesa sa ginawa ng mga bayani natin noon.. :p


Hapon...sa Hotel Lakandula...kumalat sa mga cellphone ng dormers dahil sa bluetooth ang picture ni Aries na natutulog nang naka-nganga sa Histo 1 class...



KUYA CHICO: Ilang langaw kaya ang nakapasok sa bibig nitong si Aries...


At bigla na lang dumating si Aries sa second floor lounge...


Pinigilan ng lahat ang tawa nila nang makita siyang nandyan na...


Parang nahulaan naman ni Aries na siya ang pinagtatawanan nila at in-assume niya na pinagkalat na nina Melanie yung picture niyang natutulog siya sa Histo 1 kaya...


ARIES: Tsss...pinigilan niyo pa! Sige pagtawanan niyo pa ako... Go ahead Laugh!


Nagtatakang nagtinginan sila sa isa't isa at...


LAHAT: BWAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!


Nakabalik na sa dati nilang kwarto sina Katie...


MELANIE: Naku, buti nga sa Ariestotle na yun. Karma is working against him! Hahahahaha!

KATIE: Uy, hindi na ba sobra ginagawa natin sa kanya?

IZEN: Ate Katie...napapansin kong parang nag-aalala ka kay Kuya Aries these days? Hiki!

KATIE: Huh? Ako? Hindi nuh! Kasi kahit naman sinong tao pag ginanun..medyo sobra na di ba?

DESTINY:Naku, umiral na naman ang kabaitan ni Sister Katie... Eh, ang kaso, ang tinutukoy natin eh si Aries na mas marami pa sa mga butil ng buhangin ang kasalanang nagawa sa atin kaya he deserves it!


Two o'clock ng madaling araw...nagising si Melanie mula sa pagkakatulog nang may narinig siyang isang iyak...


IYAK: Umalis na kayo rito!! Umalis na kayo rito!


At nakita ni Melanie sa pinto ng kwarto nila ang isang tao na nakaputi pero walang mukha...isang MULTO!


Takot na takot si Melanie...gusto niyang tumili pero di niya magawa.


Sa takot, nahimatay na lang siya...


Kinaumagahan, pagbaba nina Melanie, Katie, Destiny, Lorraine at Izen sa cafeteria ng Hotel Lakandula...


ALING ESTER: Oh, good morning my dear young ladies? Kumusta ang tulog niyo na? Oh, Melanie...para kang puyat?

MELANIE: Aling Ester, sabi niyo noon sa amin walang multo dito sa Hotel Lakandula?

ALING ESTER: Wala nga. Di ba sinabi ko naman sa inyo noon na hindi naman nagmumulto ang namatay kong asawa?

MELANIE: Aling Ester...minulto ako kagabi...at sure akong asawa niyo yun at pinapaalis niya kami dito...

ALING ESTER: Baka naman guni-guni mo lang yun? Di magagawa yun ng asawa ko. Sa tagal na nitong Hotel Lakandula eh wala pang nagrereklamong may nagmumulto dito...pero baka kasi Death Anniversary ni Rudy kaya siya nagmumulto...

MELANIE: Pwes, pakisabi po sa asawa niyo na huwag niya kong pakitaan dahil ayoko siyang makita! Kundi...aalis kami dito...


Yun lang at umalis na sina Melanie...


ALING ESTER: Hoy...di man lang kayo bibili ng pagkain? Hay...mga batang yon talaga..kuripot! Kaya siguro kayo minumulto eh...


Sa UPEPP...Zoology Lecture with none other than Ma'am Pacita Bognot ang klase ng Psych 2A. About Plants ang lesson nila...


MA'AM BOGNOT: Plants are normally variable, do you agree class?

PSYCH 2A: *tulog* :p


Pagkauwi nila ng dorm kinahapunnan...


LORRAINE: Hay, nakauwi rin sa wakas! Kaantok talaga si Pacita!

KATIE: Oo nga eh, makakatulog na rin tayo sa wakas!


Pagkabukas ni Melanie sa pinto ng kwarto nila...


MELANIE: Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

DESTINY: Oh, ba't ka sumigaw?


At nakita nila na may sulat sa pader ng kwarto nila na:



LUMAYAS NA KAYO DITO!



Para itong nakasulat sa dugo...


Makalipas ang ilang minuto, kinausap sila ni Aling Ester sa lounge...


MELANIE: Ayoko na talaga dito, Aling Ester. I'm having creeps!

DESTINY: Aling Ester, minumulto na po kami at ayan na po ang ebidensya..sasabihin niyo pa rin po ba na walang multo?

ALING ESTER: O sige, para mapalagay na ang loob niyo, ipapa-blessing ko ulit itong Hotel Lakandula....ok?


Gabi na...nasa cafeteria si Aling Ester nang bumaba si Aries mula second floor...


ARIES: Good evening, Tita. Ano pong ulam?

ALING ESTER: Pork Tonkatsu, Korean Chicken, Mongolian Vegetables...

ARIES: Wow naman...may lahi yung mga pagkain niyo Tita ah! :p


At nang kumakain na si Aries...


ALING ESTER: Aries, pamangkin?

ARIES: Bakit po, Tita?

ALING ESTER: Ano kasi...pwede bang masamahan mo muna sina Melanie sa pagtulog sa kwarto nila?

ARIES: Ha?! Bakit na naman po?! Ayoko!


Samantala, sa kwarto nina Melanie, nilinis na ni Ate Cherry yung sulat sa pader...


IZEN: Naku talaga, I'm feeling goosebumps na sa room na 'to. Grabe...


At nagulat sila nang biglang bumukas ang pinto at nakita nilang agad pumasok si Aries at humiga sa bakanteng kama...


MELANIE: Aber, at ba't ka naman nandito at kung makaasta ka eh room mo 'to...

ARIES: Inutusan ako ni Tita Ester na dito muna ako matulog para samahan kayo..

KATIE: Himala, sumunod ka...

ARIES: Kasi, gusto kong makita kung pano kayo magsisisigaw sa takot (nakangiting pang-aasar nito)

LORRAINE: Aba, baka nga ikaw pa unang tumili sa amin sa takot! Maihi ka pa sa salawal mo...


At nagtawanan sila...


ARIES: Naku..Sige...magtawanan lang kayo. Kung ako sa inyo, hindi na ko magdadalawang isip na umalis na dito nang matahimik na ang kaluluwa ni Tito Rudy. Baka kung ano pa ang magawa ng multo ni Tito Rudy sa inyo...


Alas dos ulit ng madaling araw...this time nagising na silang lahat sa tunog ng isang iyak...


MELANIE: Guys...naririnig niyo ba yun?

LORRAINE: Hala..nakakatakot...

KATIE: Guys...si Aries wala na dito...


Napansin nilang bukas ang pinto ng kwart nila. Tatakbo sana sila palabas ng kwarto nila nang may biglang lumitaw sa pinto ang multong nakaputi at labas ang isang mata nito...


MULTO: Lumayas na kayo dito! Di ako matatahimik hanggang di kayo umaalis dito!


Nagsisisigaw at nagtalukbong ng kumot silang lahat sa kama ni Katie...


At habang nagsisisgaw sila at nakatalukbong, bumukas ang ilaw ng kwarto nila at...


ARIES: Hoy, ano na naman bang ingay yan? Rinig ko kayo hanggang sa CR...

LORRAINE: Aries...nagpakita na naman ang multo...hindi mo ba nakita?


Umaga na...pagkagising nilang lahat, nakita nilang nanginginig at nagdedeliryo sa kama niya si Melanie...


Hinawakan ni Lorraine ang noo ni Melanie...


LORRAINE: Guys, mukhang mataas ang lagnat ni Melanie...


Lumabas bigla si Aries at pagbalik niya, kasama niya na si Aling Ester na may dalang cold compress, batya, paracetamol at isang basong tubig...


ALING ESTER: Diyos ko! Napano 'tong si Melanie at nilaganat ng ganito kataas?

IZEN: Aling Ester...minulto na naman po kami kaninang madaling-araw...

ALING ESTER: Naku, naku...mukhang kailangan ko na ngang ipa-bless agad itong Hotel Lakandula...


Makalipas ang ilang minuto, nakaligo at nakabihis na sina Katie, Destiny, Lorraine at Izen...


ALING ESTER: Sige na, mga iha...ako na ang bahala rito kay Melanie...pumasok na kayo sa school niyo...

DESTINY: Sige po, Aling Ester...salamat po...


At umalis na sila...habang pinupunasan ni Aling Ester ng cold compress si Melanie...


ARIES: Tita?

ALING ESTER: Oh, Aries, iho. Ba't di ka pa pumapasok? May klase ka ngayon ah...

ARIES: Uhm...maya-maya na po ako papasok, Tita. Uhm...ako na po muna magpunas kay--kay Melanie...

ALING ESTER: Mabuti pa nga at nang maikuha ko siya ng sopas sa cafeteria...


At umalis na si Aling Ester. At sinimulan na ni Aries punasan si Melanie na himbing na himbing na natutulog...


Unang pinunasan ni Aries ang mukha ni Melanie nang buong ingat...


ARIES: Ang ganda pala ni Melanie...napakaamo ng mukha...at ang taglay niyang ganda ay yung di madaling pagsawaan...hay...ano ba taong pinag-iisip ko...


Nagpatuloy si Aries sa pagpupunas mula sa mukha pababa ng leeg...


Sinubukan ni Aries na huwag masyadong tignan ang mga dibdib ni Melanie...


ARIES: Wow cleavage! Wahh!! Hindi ko dapat makita yan. Masama yan!


At habang pinupunasan ni Aries si Melanie, nagdeliryo bigla si Melanie...


MELANIE: Mang Rudy...wag na po! Aalis na po kami nang di na po namin kayo magambala! Mang Rudy...aalis na po kami...

ARIES: Melanie? (ginigising niya si Melanie) Melanie, gising!


Ngunit hindi magising si Melanie at patuloy sa pagdedeliryo...


ARIES: Kasalanan ko 'to...hindi ko alam na ang paraan ko para mapalayas ko kayo ay hahantong sa ganito. Melanie...patawarin niyo ako...nilagyan ko nga ng ipis ang kama niyo...at...at...nagpanggap akong multo para mapalayas ko kayo...patawad...


TO BE CONTINUED...




Episode 9: The New Dorm Mate




Sa UPEPP...di na maikakaila na maraming nagkaka-crush kay Aries...




Bilang transferee sa UPEPP, um-attend din siya sa Freshmen Orientation na ginanap last week na ng June sa gym ng UPEPP...


Nakatayo sa likod ng gym sina Katie at ang mga kaibigan niyang sina Corrine at Phey kasama ng kanilang orgmates na Association of Economics Students (AES).


Pinaghahandaan nila ang gagawin nilang presentation sa Freshmen Orientation Program...


PHEY: Katie, Corrine...kilala niyo ba yung Aries daw?


Nainis si Katie sa pagkabanggit ng pangalang Aries...pero di niya na lang pinahalata kina Faye at Corrine...


KATIE at CORRINE: Hindi...bakit?

PHEY: Naku...crush daw ng mga blockmates ko...Pinag-uusapan nga nila kanina eh...gwapo raw yun.


KATIE: Gwapo?! Eh mukha kayang unggoy yun! Hoy...sabihin mo sa mga blockmate mo na mag-eyeglasses sila at sa halip na pagtsismisan nila yung Aries na yun eh pag-usapan na lang nila kung pano paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas! Mga Business Economics pa man din kayo...


CORRINE: Hoy, Katie..easy ka lang naman...

PHEY: Teka...akala ko ba hindi mo kilala yung Aries na yun?!

KATIE: ...


PHEY: Uyyy..kilala niya... Nandito ba sa gym? Freshie rin ba yun?

KATIE: Hindi...transferee lang...

CORRINE: Hoy, Katie..ituro mo naman...nandito ba siya sa gym?

KATIE: Ayun...katabi nung naka-red na lalake na nakasalamin...


At tinuro ni Katie si Aries na katabi ni GlennLloyd. Malapit sina Aries at GlennLloyd sa pwesto ng org na SAKANA (Samahang Kapampangan na Nagkakaisa)...


PHEY: Ahhh..yun pala si Aries...

KATIE: Yah! O di ba sabi ko sa'yo mukhang unggoy? At hindi siya gwapo...

CORRINE: Oo nga, Katie...hindi siya gwapo...

KATIE: Kitam!

PHEY: Dahil siya ay gwapong-gwapo... Oh, Lord...mahihimatay na ko... Aries..catch me...I'm falling...

KATIE: ANO BA?????? Ba't lahat kayo ang lalabo ng mga mata niyo pagdating kay Aries...???????

CORRINE: Fren, ikaw yata ang malabo ang mata at kailangang mag-eyeglasses...

PHEY: Nga pala, pano mo nakilala yang Aries na yan at parang galit ka dyan...


At kinuwento ni Katie na boardmate nila ito at ubod ito ng suplado...


CORRINE: Naku...hayaan mo na...Ganyan talaga lahat ng gwapo....mga suplado...

KATIE: Ano ba? Hindi nga siya gwapo para magsuplado!!

PHEY: Teka...teka...teka... Tignan niyo yun guys oh! Kung makatingin sa Aries ko eh para na niyang hinuhubaran sa tingin si Aries...


At tinuro ni Phey ang isang babaeng member ng org na SAKANA na kung makatingin kay Aries ay ganito:













At nagsimula na ang Freshmen Orientation Program sa gym...




Nang patapos na ang program...pumunta sina Katie, Corrine at Phey sa pwestong malapit kay Aries...nakita nila dun sina Melanie at Destiny...







DESTINY: Uuuyyy...nandito rin pala kayo?



KATIE: Oh, kayo rin...teka...mukhang naisip niyo rin ang naisip namin???



MELANIE: Tingin ko nga rin, Katie..



CORRINE at PHEY: Wicked!




Pareho nga sila ng naiisip lahat...nang ending na ng Freshmen Orientation Program...binuhusan lahat ng freshie ng harina at gawgaw ng bawat members ng Org/Frat/Sorro. At dahil na-carried away pa sila sa paglaganap ng terorismo, nagbuhos pa sila ng tubig. Sabay sigaw sila ng “Welcome Freshies!”





Siyempre...sinabuyan nina Katie, Melanie, Destiny, Phey at Corrine ng harina nang bonggang-bongga si Aries at sabay tago sila bago sila mahuli ni Aries...





ARIES: Syet naman oh! Naka-itim pa man din ako ngayon...

MELANIE: Buti nga sa'yo! Mukha ka nang espasol na tinubuan ng amag!!!


Pagkatapos ng Freshmen Orientation...nag-internet sina Katie, Phey at Corrine sa laptop ni Corrine...


PHEY: Hoy, Katie...anong buong pangalan ni Aries??

KATIE: Bakit na naman ba?

CORRINE: Hanapin namin siya sa Friendster...add namin... :p

KATIE: Naku...ako na magta-type dyan...


At tinype sa user search ni Katie:



Ariestotle Aranas




CORRINE: Ariestotle pangalan niya?

KATIE: Oo...

PHEY: Medyo mabantot...pero buti na lang gwapo siya...hihihihi


At nakita nga nila sa Friendster si Aries...kaya lang...


CORRINE: Ano ba 'yan...private profile! Kabanas!

KATIE: Eh, feeling artista eh!

PHEY: Hayaan mo na...i-add na lang natin...


At in-add nina Phey at Corrine si Aries...


PHEY: Ikaw ba, Katie? Hindi mo ia-add?

KATIE: Huwag na nuh! Isipin niya pa crush ko siya! Yuuuckk! At hindi na ko mag-aaksaya ng panahon para i-add siya nuh!

CORRINE: Ok... patayin ko na 'tong laptop ah...


At umuwi na sila sa kani-kanilang boarding house at apartment. Ngunit nang mapag-isa na si Katie...dumaan siya sandali sa isang internet shop at in-add si Aries sa Friendster at saka umuwi sa Hotel Lakandula... :p

******

Lumipas ang maraming araw na naging mga linggo...na naging buwan. In short...JULY na! (taenang intro yan....pinahaba pa..hehehehe)


As usual, wala pa ring pagbabago kina Katie, Melanie, at Destiny sa pakikitungo nila kay Aries...


Habang tumatagal, napapansin nilang palakaibigan naman pala si Aries.....sa mga lalake nga lang sa dorm...


MELANIE: I'm telling you, he's gay! Di niyo ba napapansin na halos lahat ng babae dito sa dorm eh sinusupladuhan niya? Pero yung mga lalake kaibigan niya?! Naku! Naku!


Nasa loob silang tatlo sa kwarto nila at nag-uusap...


KATIE: May ganun namang ibang lalake di ba? Tsaka sa gwapo niyang yun...


Napakagat-labi si Katie at di na tinuloy ang sasabihin pa...


DESTINY: Oyyy...si Sister Katie...slip of the tongue...nagagwapuhan pa rin siya kay Aries...

MELANIE: Hiki! Hiki!


KATIE: As I was saying-- (nilakasan niya boses niya para tabunan ang pang-aasar nina Melanie at Destiny) Hindi maaring--


MELANIE: Naku, Katie, hindi lahat ng "gwapo" eh straight! Tingin ko nga, ang straight na lang ngayon..."ruler"...

Just then, pumasok si Izen, ang Psych freshie nilang roommate.


DESTINY: Oh, ba't nandito ka na? Akala ko ba mag-aaral kayo sa lounge nina Adan at Totz para sa Soc Sci 1 exam niyo?


IZEN: Si Kuya Aries...pinaalis ako sa table!

KATIE: Ano?!


IZEN: Wala na kasing upuan sa table. At ako lang yung babae dun at ako pa ang pinaalis niya para makaupo siya! Ayos siya kung makapagpaalis ah! Porket Tita niya lang may-ari nito?!


MELANIE: See?!? Bading yang si Aries! Pinaalis niya si Izen para masolo niya ang mga boys dun!

IZEN: Ate Melai, bading si Kuya Ariestotle?

MELANIE: Oo...

KATIE at DESTINY: Hindi!

IZEN: Ano ba talaga, mga ate?!?!



DESTINY: Ganito na lang...tingin mo ba lalake si Aries or lalake ang hanap? :p

IZEN: Sa ginawa niya ngayon sa akin...I therfore conclude na bading nga ata siya!

MELANIE: See? Pareho kami ng suspetya ni Izen...

KATIE: Siyangapala, Izen...magkakaroon tayo ng bagong roommate mula bukas...si Lorraine, blockmate namin...

IZEN: Ah..si Ate Lorraine? Yung classmate natin sa History 1? Eh di ba taga-Angeles lang siya? Ba't siya mangungupahan dito?

KATIE: May pupuntahan kasing business trip mga magulang niya sa America. Magtatagal sila ng ilang buwan doon. E only child siya at walang nagbabantay sa kanya...so dito muna siya habang nasa America parents niya...


ZOO Lab Class nila... May sinisilip na naman silang slide sa microscope: ang Pseudostratified Columnar Ciliated Epithelial Tissue (woooh! nakakahingal basahin!hehehe)


Turn na ni Katie ang sumilip sa microscope at nagsasagot na ng lab manual si Aries...







Sumisilip din sa sarili nilang microscope sina Melanie at Destiny nang dumaan si Ma'am Bognot...


MA'AM BOGNOT: Oh, Miss Madrid (Katie), Miss Cena (Melanie), Miss Vallejo (Destiny), may nakita na ba kayo sa mga microscope ninyo? Baka mag-imagine na naman kayo ah!


Medyo natawa si Aries...


MA'AM BOGNOT: Tatawa-tawa ka dyan, Mr. Aranas. Dapat tinutulungan mo 'tong "IMAGINATIVE GROUP" na 'to! Lalo na 'tong lab partner mong si Katie. Kung anu-ano tuloy nai-imagine!


MELANIE (pabulong): Ma'am, lalake gustong tulungan niyan... :P

MA'AM BOGNOT: May sinasabi ka, Miss Cena?

MELANIE: Ay, wala po, Ma'am...sabi ko po...ang ganda niyo ngayon, Ma'am. You look younger today...

MA'AM BOGNOT: Ganun? Hihihi...kasi...only Belo touches my skin, who touches yours?

MELANIE: Ma'am... I, too, have been touched by Belo... :p


Hapon na...kasama na ngayong umuwi sa Hotel Lakandula nina Katie, Melanie at Destiny si Lorraine na may dalang bagahe...


Pag-akyat nila sa second floor, jam-packed ang lounge ng mga lalakeng naglalaro ng PSP, nagla-laptop, at nagi-gitara..


Isa sa mga lalakeng yon si Aries...


DESTINY: Guys, ito nga pala si Lorraine...blockmate namin. Dito na rin siya titira mula ngayon...

LORRAINE: Hi guys...uhm...musta?


Natulala at na-starstruck lahat ng mga lalake sa lounge...nagandahan sila kay Lorraine...


Nabagsak ni Victor ang nilalaro niyang PSP sa ulo ni JR at napanganga kay Lorraine...


Nabigla naman si Domeng sa ganda ni Lorraine kaya pagka-strum niya sa gitarang tinutugtog niya, napatid ang string nito at tumama sa kanyang mukha...


DOMENG: Awww...ang sakit!


At yung iba naman....nilapitan si Lorraine at..


ADAN: Ate Lorraine...ako na magbibitbit ng mga gamit mo...

VOMER: Hoy! Hoy! Hoy! Adan..tumabi ka dyan at ako ang gustong pagbitbitin ni Ate Lorraine ng gamit niya...

RYE: Hindi! Ako ang gusto ni Ate Lorraine kaya magsilayas kayo dyan!

TOTZ: Hoy! Hoy! Hoy! Magsialis kayo dyan dahil kami ang itinakda ng mga magulang ni Ate Lorraine... Sige na, Ate, ako na magbubuhat ng mga gamit mo...

LORRAINE:Ah...sige...thank you na lang sa inyo, guys. Ako na lang magbibitbit...di naman siya heavy... :p


At bigla na lang, dumating si Kuya Karlo na maraming bitbit na groceries...


KUYA KARLO: Hoy, kayo dyan, hindi ba kayo magkakandarap dyan na tulungan akong bitbitin tong groceries ko?!


Naglaro na lang ng PSP at tumugtog ng gitara ang mga lalake at dinedma lang si Kuya Karlo...


Sa kwarto naman nina Katie...


KATIE: Yes...muse na muse ang dating mo dito ah...

DESTINY: Hoy, Lorraine, baka sa dami ng naakit sa'yo dito eh malimutan mong si Mark ang boyfriend mong nasa Diliman na...

LORRAINE: Grabe naman kayo, di naman! Mahal ko yun nuh!

KATIE at DESTINY: Yes naman!

MELANIE: Guys, teka...wala ba kayong napansin sa lounge kanina?!

LAHAT: Ano naman yun?!

MELANIE: Kanina, pagkadating natin sa lounge, lahat halos ng lalake eh nagkakandarapang tulungan si Lorraine...

DESTINY: Ngayon?

MELANIE: Pero deadma lang sa nangyayari si Aries...Napansin kong hindi nga nya tinitignan si Lorraine...

KATIE: So dahil lang dun---

MELANIE: Exactly! Di man lang tumalab kay Ariestotle na yan ang ganda nitong si Lorraine! That means... tama nga ang hinala kong bading siya...

DESTINY: Here we go again... Baka naman kasi hindi niya lang type tong si Lorraine. I doubt pa rin na bading siya!

LORRAINE: Teka...teka...ba't niyo ba pinagtatalunan kung bading si Aries o hindi?


At sinabi nila kay Lorraine ang pustahan nilang tatlo tungkol kay Aries...







Makalipas ang ilang araw...sa UPEPP...nakita ni Katie sina Phey at Corrine na nag-iinternet sa isa sa mga computer terminal ng library...



CORRINE: Naku...ang yabang-yabang talaga niya! Akala niya artista siya! Kung ganunin niya tayo! Naku!

PHEY: Mas marami pang gwapo dyan nuh! Feeling niya naman talaga! Naku..

KATIE: Oh, Corrine, Phey, ano namang minamaktol niyo dyan?!

PHEY: Naku, Katie...tama ka nga...hindi gwapo si Aries at mukha siyang unggoy at ugaling unggoy!

KATIE: Naku..nung isang araw lang parang diyos na tingin niyo kay Aries ngayon parang sukang-suka na kayo sa kanya...ba't nagbago tingin niyo dun?

CORRINE: Ang unggoy na yun...ni-reject kami sa Friendster! Naku talaga... Ubod niya ng yabang!

KATIE: Pa-log in nga rin ako sandali sa Friendster dyan sa computer niyo..


At nag-log in si Katie sa Friendster...at..


KATIE: Ang yabang mo talaga, Aries... isa kang REJECTOR MOTION!

LIBRARIAN: Ssssssssssssshhhhhhhhhhhhh!!!!!! (sabay patunog ng bell)


TO BE CONTINUED...




Wednesday, October 22, 2008

Episode 8: Ang Pag-ibig ni Melanie

(Please turn on your speakers to hear the song playing..kailangan talaga pakinggan yung kanta para madama niyo yung scene...hehehe...)


Sabado, sa bahay nina Melanie sa QC... Habang nanonood siya ng TV, biglang may kumakatok sa bahay nila...


JEROME: Tao po!! Melanie???


Nang tinignan ni Melanie kung sino ang kumakatok, nataranta at nagulat siya...


MELANIE: Syet...si Jerome!!


Si Jerome...band-mate ni Melanie nung high school sila. Lead Guitarist si Jerome...vocalist naman si Melanie...


At si Jerome din ang lihim nitong minamahal simula pa lang nung high school sila...


Nilabas ni Melanie si Jerome at pinapasok sa bahay nila...


MELANIE: Oh, ba't ka naman naligaw dito?

JEROME: Ha? Akala ko ba pinapapunta mo ko dito kasi magpapaturo ka tumugtog ng gitara?

MELANIE: Ay...oo nga pala...sige pasok ka muna... Oh, ito kain ka muna... (sabay bigay ng pan de sal)

JEROME: Wag ka nang mag-abala pa. Kumain na ako sa amin...

MELANIE: Ok lang ba talaga? Sensya na ah... Nalimutan ko kasi na pinapapunta nga pala kita dito ngayon... Di tuloy kita napaghandaan...


Pero hindi naman talaga nalimutan ni Melanie na pinapapunta niya si Jerome.


Makalipas ang ilang minuto, tinuturuan na ni Jerome si Melanie mag-gitara...


MELANIE: Paano nga pala ulit yung chords ng "The Scientist" ng Coldplay?

JEROME: A-F-C-B...

MELANIE: Eh, paano yung "B" na chords?

JEROME: Ganito lang...


At hinawakan ni Jerome ang mga daliri ni Melanie para iposisyon ang mga daliri nito sa chord na "B" sa gitara...


Nakaramdam ng kilig si Melanie nang mahawakan ni Jerome ang mga kamay niya...


MELANIE: Haaaayyyy...Jerome... Kung alam mo lang...kung marunong ka lang magbasa ng isip...matagal mo nang nalaman na matagal na kitang lihim na minamahal... di mo nga lang iyon napapansin...


JEROME: O, Melanie, i-strum mo nga...


At ini-strum ni Melanie and gitara...


JEROME: Galing mo na pala eh!

MELANIE: Naman to! Parang yun lang eh! Anong kinagaling nun!


At bigla na lang...tumunog ang cellphone ni Jerome...may nagtext sa kanya...


Tenk! Tenk! Tenk! Tenk!


JEROME: Teka lang sandali, Melanie ah...basahin ko lang tong message...

MELANIE: Sige lang...take your time...


At habang binabasa ni Jerome ang text message sa cellphone niya, napansin ni Melanie na nakangiti ito...


MELANIE: Oh, ba't nangiti ka dyan? Si Maricar yang nagtext nuh?


Pagkasabi nun, nakaramdam ng pagseselos si Melanie...Si Maricar na klasmeyt rin nila nung highschool ang dahilan kung bakit hindi napapansin ni Jerome ang pag-ibig niya...


Matagal nang mahal ni Jerome si Maricar...At sa pagkakaalam ni Melanie... MU na ang dalawa...


MELANIE: Naku, nangiti na sa kawalan 'tong si Jerome! Ano bang tinext sa'yo ni Maricar at ngiti abot anit ka?

JEROME: Blank message... :P


Nangiti na lang si Melanie kahit na nasasaktan siya nang palihim...


TO BE CONTINUED...


Episode 7: Ang Pustahan


Nag-aaral sa table sa lounge ng second floor ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie, Destiny, Rye, Izen, Victor at GlennLloyd nang biglang dumating si Aries...


Napatingin sa kanya ang lahat pero umiwas din ng tingin pagkatapos...


ARIES: Ang bilis talaga ng karma nuh, GlennLloyd, Izen?

GLENNLLOYD at IZEN: Huh? (nagtataka)

ARIES: Um-oo na lang kayo...

GLENNLLOYD at IZEN: Ah..eh..Oo nga, Aries..Hehehe...


Sa inis, nag-walk out sa lounge sina Katie, Melanie, at Destiny. Binangga nila si Aries, na tumatawa-tawa pa, at pumasok sa kwarto nila...

Nang makapagsarili na sila sa kwarto nila...




KATIE: Nakita niyo yun! Ugali talaga ng unggoy na yun! Nakakayamorotskotskots! Kanina pa siyang laboratory ah!

MELANIE: Yung lalake na yan..ipinanganak nang may angking kayabangan talaga!

DESTINY: Sinabi mo pa!


KATIE: Naku, talaga! Buti na lang at medyo mahaba pa ang pisi ko sa Ariestotle with an E na 'yan! Kung di lang nasusulat sa Bible na kailangan mong patawarin ang kaaway mo ng seventy times seven (70 x 7) times...napatay ko na siya matagal na!

DESTINY: Yes..nangaral na naman po si Mother Teresa...


MELANIE: So, ibig sabihin...kung 70 x 7 mo kailangang patawarin ang kaaway mo..that would be 70 x 7...carry 2...minus 5...plus 7...remainder 3...raise to the power of 5...bring down 8...add 1863..... Hay naku...ayoko na ngang magcompute! Pati ba naman sa Bible may Math?! Ano ba yan!


DESTINY: Hay naku....kahit ano pang sagot dyan sa 70 x 7 na yan...mas marami pa rin ang kasalan nung Aries na yun sa atin! Hmmmppphh....!


At bigla...natahimik silang tatlo. Binasag lang ni Melanie ang katahimikan...


MELANIE: Alam niyo, guys...Tingin ko bading yang si Aries...

KATIE at DESTINY: Haaa?!!!? (gulat)

MELANIE: Bading yan si Aries. Tignan niyo...sige...kahit galit tayo dyan, di naman natin maipagkakaila na gwapo siya....sa level nga lang ng mga unggoy...


Natawa silang tatlo...


MELANIE: Pero naalala niyo nung Wednesday night, sinabi niya kay Kuya Karlo that he never had a girlfriend!

KATIE: Mayabang kasi yun kaya wala pang nagiging girlfriend! Pero tingin ko naman hindi siya bading...Hindi naman lahat ng walang girlfriend eh bading...masyado ka naman.

DESTINY: Oo nga...Tsaka mahahalata naman siguro natin kung bading siya...


MELANIE: Naku, pustahan pa tayo...Bading yang Aries na yan! I can feel it!

KATIE: O sige ba...anong prize pag nanalo sa pustahan?

MELANIE: Uhmmm....libre niyo ko ni Des ng Sbarro...

DESTINY: Sbarro?! Mahal naman nun!

MELANIE: Siyempre nuh! Kung talagang pinaninindigan ninyo yang pusta niyo ni Katie na "hindi bading si Aries" handa kayong mag-risk... Ako rin naman eh..if ever na matalo ako..ililibre ko naman kayo...


KATIE at MELANIE: O, sige...game!

MELANIE: Sige...abangan lang natin at di magtatagal at lalabas din ang tunay na kulay ni Aries... <*evil laugh*>


TO BE CONTINUED...