Araw na ng Field Trip sa Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan.
Kasama ang lahat ng BM at Econ na freshie at second year Psych students. At dahil dyan, almost present ang lahat ng Hotel Lakandula boarders.
ALAS KWATRO NG MADALING ARAW: Nag-aantay pa ang bus sa Clark Main Gate. Makalipas ang ilang minuto, grand entrance ang drama nina Eunice at ng dalawa niyang gay friends na punong-puno ng bandage ang mga katawan dahil sa panget na pagkakalanding noong Hot Air Balloon...
VICTOR: The Mummy Returns.. :p
Nang matapos na ang paghihintay, umandar na ang bus...
As usual, sa bus pag field trip, magkakatabi ang mga magkakabarkada at mag-syota (or malapait na maging mag-syota)...
Nagtsi-tsismisan naman ang iba...
ECON GIRL 1: Uy par...alam mo ba na si par nating si Eunice... kaya pala may benda ang mga katawan..kasi panget ang naging landing nila nung nag-sky dive sila noong Hot Air Balloon...Ay puta?!
ECON GIRL 2: Ay puta?! Talaga, far?!! As in?! OMG! She's such...Ay puta?! Hahahaha!
*Ang "par or far" ay ang pinaikling term para sa "pare". Ayan ang tawagan ng mga Econ pipz sa isa't-isa..
* "Ay puta?!" Favorite "expression" ng Econ pipz... Patanong na pasigaw ang pagkakabigkas nyan ah.. :p
KUYA CHICO: Hay naku! Yang namang mga freshie Econ pipz! Kung makapagtsismisan eh parang di nagkita kahapon! Hindi pa ba sila naubusan ng kwento kahapon?! Nakapag-recharge agad ng mga bibig!
RYE: Insecure ka lang, Kuya Chico! Kasi ikaw, sa dorm, ikaw bumabangka ng usapan. Ngayon, hindi ka makabangka!
KUYA CHICO: Hmmpph! Hindi nuh!
Pero tama si Rye, ayun talaga ang feeling ni Kuya Chico. Insecurity ang nararamdaman niya.
***************
AUTHOR'S NOTE:
See comment section below para maalala niyo yung mga Hotel Lakandula pipz na kasama dito sa kwento.
***************
At umandar na ang bus. Magkatabi sina Vomer at Katie...at pati na rin sina Melanie at Aries...
Tatlong oras lang ang biyahe mula Angeles hanggang Alaminos. Pero inabot sila ng tatlong araw dahil naliligaw-ligaw ang bus na nasakyan nila... :p
10:30 AM, nakarating na sila ng Alaminos, Pangasinan kung saan nandoon ang Hundred Islands...
Nasa mainland o "Lucap" sila kung saan may pader na may nakalagay na "WELCOME HUNDRED ISLANDS!"...
At nagsimula na silang mag-picturan at karamihan ay di nakikinig sa orientation ni Ma'am Pacita Bognot tungkol sa Hundred Islands a.k.a. La Islas Pacita ... :p
MA'AM BOGNOT: The Hundred Islands are consist of 124 islands at low tide and 123 at high tide. They are scattered along Lingayen Gulf and cover an area of 18.44 square kilometres. They are believed to be about two million years old. Only three of them have been developed for tourists: Governor Island, Quezon Island, and Children's Island. The islands are actually ancient corals that extend well inland, in an area previously comprising the seabed of an ancient sea. Lowering sea levels have exposed them to the surface and the peculiar "umbrella"-like shapes of some of the islands have been caused by the eroding action of the ocean waves.
At nagsimula na silang mag-boat ride papuntang Quezon Island...
Inalalayan ni Vomer si Katie na makasampa ng bangka. Inalalayan din ni Aries si Melanie na makasampa ng bangka.
Ganun din ang ginawa ng ibang lalake sa girlfriends nila...
GWYNETH: Hay naku...ganun naman ang mga lalake! Akala mo gentleman kung makaasta! E puro girlfriend lang naman nila yung tinutulungan nilang makasampa ng bangka..
ROSE ANN: Easy lang, Gwyneth...
Magkakasama sa isang boat ang Hotel Lakandula pipz. Habang umaandar ang boat...
DOMENG: Oh...may joke ako! Anong "wave" ang ginagamit na pangluto??
LAHAT: Ano?!
DOMENG: E di...micro-wave!!!
Bahala na kayo kung natawa kayo o hindi...
VOMER: Walang kwentang joke! O eto...paano magba-bye ang dagat?
LAHAT: Paano?!
VOMER: E di...nagwe-wave! Hahahahaaha
Bahala na ulit kayo kung natawa kayo o hindi...
RAM: Mga walang kwentang joke! Eto ang tunay na joke...sinong TV host ang nakatira sa dagat?!
LAHAT: Sino?!
RAM: E di si....Ryan SEAcrest! Hahahahaa...
VICTOR: O, eto...saan natutulog ang mga isda?
LAHAT: Saan?
VICTOR: E di...sa water bed!!
JR: O eto...san nagsiswimming ang mga multo?
LAHAT: Saan?!
JR: E di sa... Dead Sea!
At nagpatuloy ang pagpapalitan ng joke na para silang nasa Goin Bulilit... :p
ARIES: Ayun na ba ang joke para sa inyo? Ito, pakinggan niyo....anong tawag sa fish na walang "eye"?
LAHAT: Ano?!
ARIES: E di... FSH!
Natulala ang lahat dahil di nila gets ang joke ni Aries...
ARIES: Tss..isang katerba kayong mga slow!!
MELANIE: Naku..naku! Tigilan niyo na nga yang mga corny jokes niyo! Nakakasakit lang kayo ng ulo!
GLENNLLOYD: Ate Melai, we can't avoid getting hurt, but for all our pains...there's BIOGESIC! Pwedeng inumin kahit walang laman ang tiyan. O pano po..INGAT!
Sa bangka naman ng mga Econ kung saan nandoon sina Eunice at ang gay friends niya...
ECON GIRL 1: Par...so init talaga here sa Philippines...
ECON GIRL 2: Oo nga...so init! Ay puta?!
ECON BOY 1: Sumasakyet ("sumasaket" yan with a slang.. :p) na ang balat ko sa init.
ECON GIRL 3: Pero so ganda here naman sa Hundred Islands!
Napansin ng gay friends ni Eunice na panay ang tingin ng piloto ng bangka nila sa kanilang tatlo..
GAY FRIEND 1: Hoy Mama! Akala mo di ko napapansin?! Panay ang tingin mo sa akin ah! Pwes..hindi ako paptol sa isang tulad mo lang!
PILOTO: Hoy...iho-turned-iha..wag kang feeling! Hindi naman ikaw tinitignan ko eh! Yang babaeng katabi niyo!
GAY FRIEND 2: Supalpal ang beauty mo, friend...
Galit na galit naman si Gayfriend 1 sa ginawa sa kanya ng piloto...
Nginitian naman ng piloto si Eunice...
PILOTO: Hi miss... amputi mo talga..ganda mo pa..
Ngumiti ang piloto at ini-reveal nito ang sungki-sungki nitong ngipin... Kinilabutan si Eunice..
GAY FRIEND 2: Par, kahit pala mukha kang Mummy ngayon may kamandag pa rin ang beauty mo...
EUNICE: Ay puta?!
Nang makarating na sila sa Quezon Island, in-orient ulit sila ni Ma'am Bognot...
MA'AM BOGNOT: Now, we are here at Quezon Island, the largest island here. It is named after Manuel L. Quezon where he proclaimed the Hundred Islands a national park. Here in Quezon Island, you can do swimming, kayaking and snorkeling...
May pavillion sa Quezon Island kung saan may mga upuan at mesa na pwedeng kumain. Nagkainan muna sila...pagkatapos kumain, nag-swimming na yung iba...
ARIES: Melai...
MELANIE: Bakit, Aries?
ARIES: Gusto mo, mag-snorkeling tayo?
MELANIE: Ayoko nga! Malunod pa ko!
ARIES: Tss..Ano ka ba! Di ka malulunod. May life vest naman eh!
MELANIE: E pano kung habang nag-snorkeling tayo eh butasin ng sword fish na ini-snork natin yung life vest?
ARIES: Ayaw mo? Bahala ka dyan! Ako na lang mag-isa...
Paalis na si Aries nang hinabol siya ni Melanie...
MELANIE: Ito naman! Joke lang nuh! I ♥ Snorkeling!
Nag-snorkeling sina Aries at Melanie. (Php 100 ang bayad dito per hour)
Sa pag-snorkeling nila, nakita nila ang underwater wonders ng Pangasinan: mga coral reefs, mga sea creatures, sea weeds, medyo malinis na tubig, atbp....
Siyempre, di rin maiiwasan na mahagip ng paningin nila ang itinatagong baho ng dagat: mga basura, dumi ng tao at mga sirang coral reefs dahil sa pagmumuro-ami...
Sa kabilang banda, kasama nina Vomer at Katie ang iba pang Hotel Lakandula pipz
RYE: Oh ano nang gagawin natin dito? What's the plan, leche plan? :p
VOMER: Mga "par" (adopted from Econ pipz.. :p) Tara.."kayaking" tayo.. Para naman ma-exercise tayo at maging ayos ang ating buto-buto...
JR: Tara..let's go, sago!
At nag-kayak silang lahat na may bayad na Php 75 isang kayak...Sa isang kayak, dalawang tao lang ang pwede...Ang sagwan ng kayak ay may paddle sa magkabilang dulo nito...
Magkasama sa isang kayak sina Katie at Vomer..Silang dalawa ni Vomer ang sumasagwan...habang nagka-kayak...
KATIE: Ganda talaga dito sa Hundred Islands! Hoy, Vomer...ano ka ba? Ba't di tayo umaandar? Nauunahan na tayo ng ibang HL pipz oh! Pwersahan mo naman yung pagsagwan! Mas lalake pa yata akong sumagwan sa'yo eh!
VOMER: Ah ganun?!
At binilisan ni Vomer ang pagkayak....at napabilis ang andar nila..
KATIE: Ay puta?! (adopted din sa Econ pipz :p) Vomer, bagalan mo! Baka ma-out of balance tayo! Vomer! Vomer! Ano ba!?
Ipinikit ni Katie ang mga mata niya sa takot...
Binasa ni Vomer si Katie ng tubig mula sa dagat...
VOMER: Ano ka ngayon! Akala mo kung sino kang makaasta kanina ah!
KATIE: Tse! (binasa niya rin si Vomer ng mas maraming tubig)
VOMER: Ganyanan pala ah!
At nagbasaan na lang sila at nagtawanan at di na nakapag-kayak.. Nagbasaan lang sila sa gitna ng dagat :p
Pagkatapos ng Quezon Island, nag-island hop sila sa Children's Island...sakay bangka ulit sila papuntang Children's Island...
MA'AM BOGNOT: Now, we are here at Children's Island. Mababaw lang ang tubig dito kaya siya siguro tinawag na Children's Island ito... Pwede rin kayong mag-swimming dito. Ingat lang sa mga dikya...
ECON BOY 1: Ano Ma'am..may mga dyikya (slang niya ng dikya.. :p) dito?!
Naisipan mag-sun bathing ni Eunice dito sa Children's Island...Kahit na puno pa ng benda ang katawan, nag-bathing suit ito at humiga sa buhanginan para mag-sun bathing...habang nagsa-sun bathing siya...
PILOTO: Witwiw! (sipol yan ah!)
Sabay ngiti ulit ang piloto na ang ngiti ay pang-Close Up na expired na kaya ganun ang nangyari sa ngiti niya... :p
Umalis agad si Eunice...
Samantala, kasama na nina Melanie at Katie ang Psych pipz... kung saan nagpicturan sila na parang sa "Baywatch"
Samantala, nakita ni Eunice na nagsi-swimming si Aries kasama ang Hotel Lakandula pipz...
Lumusong sa dagat si Eunice...at nang medyo nasa gitna na siya...
EUNICE: Aries! Help! Help! Nalulunod ako! Help! Help!
Napatingin ang lahat kay Eunice...nang makita nilang nawalan ng malay si Eunice sa dagat...patakbong lumapit si Aries dito at binuhat sa buhanginan si Eunice at inihiga...
Nagkumpulan naman ang lahat ng tao sa kanila...
ECON GIRL 1: Ano ba yan! Ang babaw-babaw lang kaya dito nalunod pa siya!
Alam ng gay friends ni Eunice na nagpapanggap lang itong nalunod at nawalan ng malay kaya..
GAY FRIEND 1: Hoy, mga par! Eunice needs CPR!
GAY FRIEND 2: Sino sa inyo marunong mag-mouth to mouth resusci---recus...? CPR na nga lang! :p
GAY FRIEND 1: Aries..ikaw na lang mag-CPR sa kanya..tutal ikaw na rin lang nagdala sa kanya dito...
ARIES: Ha?!
GAY FRIEND 2: Sige na, Aries! Alang-alang sa kaligtasan ng "par" naming si Eunice...
GAY FRIEND 1: Wala namang malisya eh...please...
Di maipinta ang mukha ni Aries... lumuhod si Aries... pinigilan ni Eunice ang ngumiti para di mahalata ang pagpapanggap niya...isi-CPR na sana niya si Eunice nang...
PILOTO: Toy, tumabi ka na dyan...ako na bahalang gumising kay "Sleeping Beauty"...
At tinulak ng piloto si Aries at akmang isi-CPR na ng piloto si Eunice nang biglang bumangon si Eunice...pagkabangon, nauntog pa si Eunice sa sungki-sungking ngipin ng piloto...
EUNICE: Ay...OK na pala ako... :p
At sa di kalayuan, may biglang sumigaw na babae...
BABAE: Aaaaawwwwwww!!
Nabosesan nina Aries at Vomer na si Katie iyon kaya tumakbo sila sa pinanggalingan ng sigaw...
Nakita nila sa isang sulok si Katie...na hawak-hawak ang kaliwang kamay niya...
LORRAINE: Na-dikya si Katie...
DESTINY: Di namin alam kung ano bang first-aid sa sting eh...
MIGUEL: Ang alam ko iniihian dapat yan eh... :p
KATIE: Miguel naman eh!
ARIES: Sinong may vinegar sa inyo?
Dahil walang sumasagot, sumugod si Aries sa tabing tindahan at bumili ng suka (vinegar)...
Pagkabili, ibinuhos niya ito sa sting ni Katie, kumuha ng panyo at ipinahid ang suka sa sting...hawak ni Aries ang kamay ni Katie na na-sting... nakaramdam naman ng kilig si Katie...
Habang ginagawa ito ni Aries, nakaramdam ng insecurity at selos si Vomer. Paano'y si Aries ang "naka-save" kay Katie...ang may alam ng gagawin sa sting at ang gumawa halos ng paraan na dapat siya ang gumawa para kay Katie..
ARIES: Ano na pakiramdam mo Katie?
KATIE: Di na siya masyadong masakit...ang lamig nga sa pakiramdam eh...
ARIES: Buti naman...kaya lang mangangamoy suka (vinegar) ka nga lang...
DESTINY: Ok lang yun, Aries... Natural na amoy na yun ni Katie.. :p
Pagkatapos sa Children's Island, nag-island hopping ulit sila sa Governor's Island... kung saan nandoon ang mini-PBB house...
Nang maakyat nila ang tuktok ng Governor's Island, namangha sila sa nakita...tanaw sa tuktok nito ang karamihan ng mga isla sa Hundred Islands...
Nag-caving din sila sa Governor's Island. Medyo malalim ang tubig sa loob ng cave kaya muntik nang malunod si Katie dahil sa kanyang height.. :p
MELANIE: Ang liit kasi eh...yan tuloy..muntik nang malunod...
KATIE: Ay nagsalita ang di maliit! Ang tangkad mo kasi eh! Sa sobrang tangkad mo nakikita ko pati anit mo.. :p
Dahil sa muntik nang pagkakalunod ni Katie, pinapasan na lang siya ni Vomer pag may puddle ng tubig silang dadaanan sa cave..
MA'AM BOGNOT: Mga par (napapa-"par" na rin si Ma'am Pacita.. :p) Wag kayong masyadong mag-create ng noise dahil baka magambala natin ang mga paniki dito at sugurin tayo...
Pero habang nagpapaliwanag si Ma'am Bognot, nadulas si Eunice pagkatapak sa isang batong may lumot at siya'y napasigaw.
Dahil nasa likod niya ang kanyang gay friends, para silang domino na sabay-sabay na natumba. Dahil sa ingay nilang tatlo, nagambala ang mga paniki at sinugod at pinutakte ang tatlo ng mga paniki...
Pagkatapos mag-caving, nag-boating sila pabalik ng mainland na Lucap kung saan sila galing kaninang umaga...
Box-office ang pila sa CR para makapagbanlaw. Dalawa lang kasi ang CR dito: isa para sa mga lalake at isa para sa mga babae...
Sa pila ng CR ng mga lalake...kausap ni Econ Boy 1 ang mga ka-block niya...
ECON BOY 1: Mga par...Sabay-sabay na lang kaya tayong maligo sa isang cubicle. Lalakye (slang niya ulit for "lalake"..basta ganyan lang siya magsalita..may slang :p) naman tayo lahat dito eh...
GAY FRIENDS 1 & 2: Hindi kaya lahat! ;p
Matapos makapagbanlaw...
MA'AM BOGNOT: Pars, you can go around the Lucap Souvenir shops here para makabili kayo ng mga pasalubong at souvenir...
Lumibot naman ang iba at namili ng souvenir na bracelets, shell, pagkain, atbp...
CHERUB: Hay...mamimiss ko 'tong Hundred Islands...
CORRINE: Oo nga eh... parang gusto kong dalhin ang buong Hundred Islands pag-alis ko...
TINDERA: Ganun ba mga iha? Pwes, matutupad ang pangarap niyong dalhin ang Hundred Islands sa pag-uwi niyo...
At may ibinenta ang tindera sa kanilang shell na merong naka-embossed na 3D na sea view ng Hundred Islands at may nakasulat na "100 Islands"...
Samantala, nakaupo si Katie sa upuan sa tabing dagat at nage-emote...nang bigla siyang lapitan ni Destiny...
DESTINY: Friend, nage-emote ka dyan...
KATIE: Kesa naman magpunta ako sa shops. Wala akong pera na pambili ng souvenir...
DESTINY: Di ka ba masaya? Ginamot ka ni Aries kanina?
Nagulat si Katie sa sinabi ni Destiny pero di niya ito pinahalata...
KATIE: Ano namang masaya sa panggagamot kanina sa akin ni Aries?!
DESTINY: Lam mo friend, matagal ko nang nahahalata na may "HD" ka kay Aries... Kahit pa noong nagpapanggap kayo na "mag-on" kayo... Dun pa lang halata ko na. Tapos, noong natigil ang pagpapanggap niyo at sinimulang ligawan ni Aries si Melanie...halatang-halata ko na bitter ka... Tapos kanina, habang ginagamot niya yung sting mo...may ibang kislap sa mga mata mo...
KATIE: Ganun na ba ako kahalata?
DESTINY: Medyo..kasi ako nahalata ko eh...
Natahimik si Katie...
DESTINY: Friend, kelan mo ba aaminin kay Aries yang lihim mong pagtingin sa kanya?
KATIE: Ewan ko...mukhang hindi na siguro...magiging masaya na lang ako para sa kanila ni Melanie...
DESTINY: Ang plastik nito! Alam mo, Katie, mahirap yung may tinatago ka sa puso mo...lalo na kung pag-ibig yan. Ang lihim na pag-ibig, para siyang isang dam. Pag napuno na ang dam ng tubig, maaaring mag-overflow ito...parang lihim na pag-ibig, the more na ilihim mo yan sa puso mo, maiipion ito at aapaw at darating ka sa puntong wala ka nang magagawa kundi aminin ito sa taong mahal mo...
KATIE: Des, ano ba sa tingin mong dapat kong gawin? Pano naman si Vomer?
DESTINY: Ikaw ang dapat na magdesisyon nyan. Pero alam mo...kung ako nasa katayuan mo...UUPO na lang ako... :p
KATIE: Destiny naman eh!
Nilapitan naman sila ni Vomer...
DESTINY: Sige, maiwan ko muna kayo...
At umalis si Destiny...
VOMER: Katie, may ibibigay sana ako sa'yo...
At isinuot ni Vomer kay Katie ang isang bracelet adorned with sea creatures...
Nagandahan si Katie sa bracelet at sa sobrang ganda ay di ito nakapgsalita...
VOMER: Gulat ka noh!? Gawa ko lang yan! Galing nga eh. Nakapulot ako ng shells na ganyan yung mga hugis..ayun ginawa kong bracelet...
KATIE: Bolero!
VOMER: Katie, tignan mo oh...ang ganda ng paglubog ng araw...
Sa di kalayuan sa kanila, natanaw rin ni Katie sina Melanie at Aries na nag-uusap...
ARIES: Alam mo, Melai...paborito ng Daddy Augusto ko ang paglubog ng araw. Naikwento niya dati sa amin, sa Bay Walk din daw sila nagkakilala ng Mommy habang pinapanood nila ang paglubog ng araw...
MELANIE: Kumusta na nga pala Daddy mo? Nakakaalala na ba siya?
ARIES: Gumagaling naman kahit paano...kaya lang, di niya pa rin niya kami nakikilala ni Ate Ariana...
At bigla na lang, may isang babae na may tulak-tulak na matandang lalakeng naka-wheel chair ang tumigil malapit sa kanila para pagmasdan ang paglubog ng araw...
Naluha si Aries sa nakitang tagpo...naalala niya kasi ang Daddy Augusto niya na naka-wheel chair din dahil sa sakit nitong Alzheimer's...
Nakita ni Melanie na lumuluha si Aries kaya kumuha siya ng panyo at pinunasan ang mga luha ni Aries...
Pero binaba ni Aries ang mga kamay ni Melanie. Hinawakan ni Aries ang mga kamay ni Melanie...nagkatinginan sila ni Melanie nang matagal...unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha...at sabay naglapat ang mga labi...
Dala ng bugso ng damdamin, naghalikan sina Aries at Melanie habang papalubog ang araw...
MELANIE: Bakit ganito ang lukso ng puso ngayon? Siya na nga kaya? Si Aries na ba?
Sa di kalayuan...nakita ni Katie ang halikang nagaganap kina Aries at Melanie...at nakaramdam siya ng matinding pagseselos...
KATIE: Vomer..CR lang ako...
Pagtalikod kay Vomer, saganang umagos ang mga luha mula sa mga mata ni Katie...
TO BE CONTINUED...