May hawak na leaflet si Katie. Leaflet iyon na naga-advertise ng isang boarding house sa Mabalacat, Pampanga:
Looking for a nice place to stay?
You’ve got a place at HOTEL LAKANDULA!
Your home away from home
Comfortable, Safe, and Secure
Ten-Minute Walk from Clark Main Gate
Contact ESTER: (045)6339999 or 09064875710
At sa bandang ibaba ng leaflet ay may address at picture ng boarding house.
Naghahanap ng matutuluyang bahay sina Katie, Melanie at Destiny, mga sophomore student major in Psychology sa UPEPP.
KATIE: Ba’t sa picture mukhang maganda at malaki ‘tong bahay? Sa personal pala eh mukha pang mas matanda kay Raha Lakandula itong boarding house na ito! May pa-hotel-hotel pa silang nalalaman…
MELANIE: Naku, kasi, Katie. Wag kang nagpapaniwala sa mga advertisement na ganyan. Siyempre ginamitan na ng “Adobe Photoshop” yung picture na ‘yan kaya nagmukhang “White House” yan sa leaflet.
DESTINY: Naku naman kasi…kung di lang tayo minumulto sa dati nating apartment, hindi na sana tayo naghahanap ngayon ng bagong matutuluyan.
MELANIE: Sinuyod na natin ang buong Lakandula…umabot na nga yata tayo sa Pangasinan kakahanap ng matutuluyang apartment at boarding house eh wala pa ring bakante tayong makita.
DESTINY: Naku, wala na tayong magagawa, mag-inquire na rin tayo rito sa “Hotel-Hotelan” na ‘to.
Di nila inaasahan ang pag-welcome sa kanila ni Aling Ester, ang landlady ng boarding house, pagpasok nila rito…
ALING ESTER: (energetic welcoming) Welcome to Hotel Lakandula! It’s your home away from home! Welcome to Hotel Lakandula! Such a lovely place…such a lovely place!
KATIE: …
MELANIE: <-_->
DESTINY: ???
ALING ESTER: Ay nagulat ko ba kayo? Pasensya na ah. Inaasahan ko na kasi ang inyong pagdating. Siya nga pala, ako si Madam Ester, landlady ng Hotel Lakandula at isa ring tanyag na manghuhula… pero tumatanggap din ako ng labada tuwing Linggo… Magpapahula ba kayo? Sige, upo kayo rito…
Umupo silang apat sa mesa na may bolang kristal sa gitna… tumitig si Aling Ester sa kanyang bolang kristal at nangiti bigla…
ALING ESTER: Ahhh…maganda! Maganda ang nakikita ko sa aking bolang kristal… Maganda…
KATIE: Maganda? Kami lang ‘ata nina Melanie at Destiny ang nakikita nito ni Aling Ester eh..hehehe!
ALING ESTER: Woooooohhhhh…nakikita ko na ang inyong hinaharap…naaaninag kong dito kayo sa “Hotel Lakandula” mangungupahan…
MELANIE: Pero…
ALING ESTER: But wait, there’s more! Nakikita ko rin sa aking bolang kristal na magi-inquire kayo sa presyo ng upa rito…at nakikita kong sinasagot ko ang tanong ninyong yan na ang upa ko rito sa Hotel Lakandula ay 1000 pesos..one month advance, one month deposit…
DESTINY: Aling Ester pero po….
ALING ESTER: Iha, wag kang mag-alala. Walang multo sa bahay na ito. Yumao na nga aking asawa pero hindi naman siya nagpaparamdam…kaya walang multo talaga dito..
At pagkalipas ng ilang minuto, tama nga ang hula ni Aling Ester… nagbayad na sina Katie, Melanie at Destiny ng upa sa boarding house (inclusive of “hula” fee)..
Nang makapagsarili na silang tatlo sa kanilang kwarto sa “Hotel Lakandula.”
KATIE: Naku, nagpauto naman tayo sa hula “kuno” ni Aling Ester…
MELANIE: In fairness bumilib din ako sa kanya kahit paano, medyo nahulaan niya ang bagabag natin tungkol sa multo…
DESTINY: Hay naku, basta ang sigurado ko lang…ang yumaong asawa siguro ni Aling Ester ay si Raha Lakandula…ǘ
FIRST DAY OF CLASSES SA UPEPP: June 10, 2008
Kinaumagahan…sabay lumabas ng CR sina Destiny at Melanie. Katatapos lang nilang maligo.
Ang CR ng Hotel Lakandula ay nahahati sa mga cubicle na panligo at pang-toilet. May 6 na cubicle panligo at 6 na cubicle pang-toilet.
Magkatapat din ang pinto ng CR ng lalake at babae.
Pagkasara ng pinto ng CR nina Melanie at Destiny, di nila napansin na natanggal at nahulog sa sahig ang sign na “LADIES” na nakadikit sa pinto ng CR nila.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok naman sa CR ng boys ang isang lalake. Pagkasara niya ng pinto ng CR, nahulog din sa sahig ang sign na “GENTLEMEN” ng CR.
Sa kwarto naman nina Melanie at Destiny…
MELANIE: Hoy, Katie, bumangon ka na dyan at maligo! Male-late na tayo nyan eh!
KATIE: Mmmmm…ano ba… 5 minutes pa..pls…
DESTINY: 5 minutes ka dyan! Gising na!
KATIE: Mmmmm.. sige, 4 minutes at 59 seconds na nga lang…
MELANIE: Aba..at nagawa pang tumawad ng tulog…
Maya-maya, dumating ang taga-linis ng Hotel Lakandula na si Ate Cherry. Habang nagwawalis siya sa tapat ng pinto ng mga CR ng lalake at babae, napansin niya ang nahulog na mga sign na “LADIES” at “GENTLEMEN” kaya pinulot niya ito.
ATE CHERRY: Hay, hindi na masyadong madikit itong adhesive tape ng mga sign na ito…
At di niya namamalayan, napagpalit niya ang mga sign at nadikit niya ang sign na “GENTLEMEN” sa pinto ng CR ng mga babae at ang sign na “LADIES” naman sa pinto ng CR ng mga lalake.
At nagpatuloy sa pagwawalis si Ate Cherry habang umaawit ng “O Jo Kaluguran Da Ka…ǘ”
Sa paglilinis si Ate Cherry ay bigla namang lumabas ng kwarto nila si Katie papuntang CR para maligo.
ATE CHERRY: Good morning…
KATIE: Good morning, Ate Cherry.
At nagmadali si Katie na buksan ang pinto ng CR ng boys sa pag-aakalang ayun ang CR ng girls dahil sa sign na “LADIES.”
Pagpasok ni Katie sa CR ay siya ring paglabas sa isang cubicle ng isang lalakeng pumasok kanina sa CR. Nakatapis lang ito ng twalya at halatang bagong ligo.
Natigilan at nagkatinginan si Katie at ang lalake ng ilang segundo at sabay...napatalikod si Katie…tinakpan naman ng lalake ang kanyang katawan gamit ang kanyang dalawang kamay…
KATIE at LALAKE: Anong ginagawa mo dito?
KATIE: Huh? CR ito ng mga babae kaya ako dapat ang magtanong nyan sa’yo…
LALAKE: Anong CR ng mga babae?! Hindi ka ba marunong magbasa o sadyang namboboso ka lang? “GENTLEMEN” ang nakalagay sa pinto ng CR na ito…
Napaharap si Katie bigla sa lalake… napahigpit sa pagkakayakap niya sa kanyang sarili ang lalake…
KATIE: Aba, at sinabihan pa akong mamboboso nito! Hoy, hindi ka kagwapuhan at di kagandahan yang katawan mo para bosohan ka! Sige, lumabas ka at paulit-ulit mong basahin ang nagsusumigaw na “LADIES” dyan sa pinto nang mapahiya ka!
Palabas na ng CR ang lalake nang biglang bumukas ang pinto nito at nagsipasukan ang iba pang mga boarders na babae. Natigilan ang lalake at saka nagmadaling lumabas ng CR…
Kinilig naman ang mga babae…pati na rin si Katie…
GIRL 1: OMG! Anong ginagawa ng gwapong lalakeng yon dito sa CR natin?!
GIRL 2: Hay naku..baka naghahanap ng babaeng makakasabay maligo…sayang girl, nahuli tayo ng dating…
KATIE: Ang lilibog naman ng mga babaeng ‘to! Haaaay…sabagay gwapo rin naman yung lalake…antipatiko at suplado nga lang..hmmmpph! Ay Panginoon ko, ano ba’tong pinag-iisip ko…
At bigla na lang pumasok si Ate Cherry sa banyo at...
ATE CHERRY: Ay girls, sorry…lipat kayo sa kabilang CR…napagpalit ko pala yung sign na “GENTLEMEN” at “LADIES”… Ngayon ko lang napansin…
Pagkalipas ng ilang minuto, nagpunta na sina Katie, Melanie at Destiny sa cafeteria ng “Hotel Lakandula” para kumain.
Sa may counter ng mga pagkain, nakatalikod sa kanila si Aling Ester kaya nagulat sila nang…
ALING ESTER: Andyan na pala kayo, Melanie, Katie at Destiny…
MELANIE: Papaano niyong nalaman kami ito?
Humarap na sa kanila si Aling Ester…
ALING ESTER: Hay, naku…nalimutan niyo na bang manghuhula ako? O siya, maupo na kayo at nahuhulaan kong gutom na kayo…
KATIE: Obvious ba? Kaya nga kami nandito eh!
ALING ESTER: At hindi niyo na kailangan pang sabihin sa akin kung ano ang oorderin niyo. Alam kong “Tocino with egg and rice” ang oorderin niyo… Sige, antay lang kayo.
DESTINY: Aba, Aling Ester, galing ah! Panu niyo nalaman na ayun oorderin namin?
ALING ESTER: Iha, ayoko ng replay. Nalimutan mo na bang isa akong manghuhula? Tsaka…tsaka… “Tocino” lang naman kasi ang tinitinda ko ngayon..ǘ
At habang kumakain sina Katie, Melanie at Destiny…tumayo ang isang lalake sa kalapit nilang table…
LALAKE: Tita Ester, pasok na po ako sa school…
Napatingin sina Katie, Melanie at Destiny sa lalake…
Laking gulat ni Katie na ito ang lalake kanina sa CR…
ALING ESTER: Oh, Aries, tapos ka nang kumain?
ARIES: Opo, pasok na po ako…
ALING ESTER: Teka…ba’t di ka na lang sumabay sa tatlong magagandang dilag na ito?
Sabay turo niya kina Katie…
Nagkatinginan sina Aries at Katie…kumunot ang noo ni Aries…dahil naalala niya ang engkwentro nila ni Katie sa CR…
ARIES: Nagmamadali po ako, Tita…at…mas maganda pa kayo kesa sa tatlong yan…
Sabay alis na si Aries…
MELANIE: Aba’y napakaantipatiko ng lalakeng ‘yon! Hindi ba siya marunong tumingin ng maganda! Bah!
ALING ESTER: Naku, mga iha, pagpasensyahan niyo na yong pamangkin kong ‘yon. Mabait naman yon si Aries sa totoo lang.
DESTINY: Ah…oo nga po eh…sa sobrang bait nya umaabot na hanggang dito ang sungay at buntot niya. Napaka --*grrrr*…Nakakasira ng araw!
ALING ESTER: Kayo naman, nagandahan lang sa akin yung pamangkin ko eh na-insecure na agad kayo.
MELANIE: Okay na lang! Whatever Aling Ester!
KATIE: Nga po pala, san po ba nag-aaral yung pamangkin ninyong yon?
ALING ESTER: Ah…hindi ko pa ba nababanggit? Dyan sa UP Clark nag-aaral yang si Aries. Second year Psychology student.
DESTINY: Ha? Psych rin siya? Second year? Eh, ba’t di naman namin siya nakikita nung first year kami?
ALING ESTER: Ah….galing kasi sa UP Diliman yang si Aries. Industrial Engineering course niya dun dati.
MELANIE: Eh, ba’t naman po siya lumipat ng Psych? At of all places…sa UPEPP pa! Ba’t din a lang siya dun sa UP Diliman nag-Psych?!
ALING ESTER: Di niya raw kasi naabot ang required na grade ng Psychology sa Diliman kaya dito siya sa UPEPP lumipat.
MELANIE: Eh ba’t naman Psych po nilipatan niya?
ALING ESTER: Ewan ko ba dyan sa batang yan. Gusto raw niyang hanapin ang sarili niya kaya Psychology nilipatan niya.
DESTINY: Hay naku…ako nung nag-Psych ako dyan sa UPEPP, sa halip na mahanap ko ang sarili ko eh lalo akong nawala sa sarili ko sa sobrang hirap…
KATIE: So, kung ganun…magiging kaklase natin si Aries mula ngayon?!
TO BE CONTINUED…
222 comments:
«Oldest ‹Older 201 – 222 of 222xanax online xanax pill look like - xanax bars and percocet
cialis professional buy cialis online eu - order cialis online us
buy cialis online buy cialis with mastercard - buy legit cialis online
cialis price cialis online+toronto - generic cialis cheap
buy tramadol online tramadol withdrawal no sleep - tramadol hcl 50 mg generic ultram
buy tramadol without rx tramadol hcl (zydol) - tramadol 50 mg drug interactions
clonazepam drug klonopin side effects in children - high off klonopin
http://buytramadolonlinecool.com/#51726 best place buy tramadol online reviews - tramadol addiction in dogs
learn how to buy tramdadol tramadol for dogs kidney failure - tramadol ingredients 50 mg
http://landvoicelearning.com/#51602 tramadol online no prescription usa - buy tramadol online pharmacy
http://landvoicelearning.com/#51438 tramadol hcl rimadyl - buytramadol.ca
buy klonopin online klonopin for airplane anxiety - klonopin 2 mg street value
klonopin generic equivalent klonopin - klonopin kidney
learn how to buy tramdadol tramadol online bluelight - what does tramadol generic look like
buy tramadol online buy tramadol online no prescription needed - legal buy tramadol online usa
http://landvoicelearning.com/#21906 tramadol same high as vicodin - tramadol hcl xl
buy klonopin online safe buy klonopin online - klonopin performance anxiety
http://landvoicelearning.com/#38471 tramadol 50mg no prescription - get high tramadol 50mg
klonopin no prescription buy klonopin wafers - buy generic klonopin online
http://www.integrativeonc.org/adminsio/buyklonopinonline/#9183 2mg klonopin generic - how to buy klonopin
buy klonopin online weight gain with klonopin - what are klonopin withdrawal symptoms
buy klonopin online klonopin yellow - vicodin klonopin erowid
Post a Comment