Saturday, December 27, 2008

Episode 19: The Deal


****SEASON 2 STARTER EPISODE****


NOVEMBER na....UNANG ARAW NG SECOND SEMESTER.....


Umaga sa Hotel Lakandula...kadarating lang ni Aries mula QC. Dumaan siya sa Hotel Lakandula upang iwanan ang bagahe niya at dalhin ang mga kakailanganin lang sa klase...


Pagkababa ni Aries ng hadgan mula sa kwarto niya ay nakasalubong niya si Katie na paakyat naman para iwanan din ang bagahe niya...


Nagkatinginan at natigilan silang dalawa....at dahil sa hiya, di nagpansinan ang dalawa at nagpatuloy sa pag-akyat si Katie at sa pagbaba naman si Aries...


Pagkababa naman ni Katie pagkalipas ng ilang minuto, nagpaalam siya kay Aling Ester...


KATIE: Aling Ester...pasok na po ako...

ALING ESTER: O, sige, iha. Ingat!


Pagkalabas ni Katie ng Hotel Lakandula, nagulat siya nang makita si Aries na naghihintay sa tapat ng gate sakay ng motorsiklo niya...


ARIES: Tagal mo namang magbaba ng bagahe...

KATIE: Ha? Eh, bakit mo ba ako hinintay? Anong drama mo?

ARIES: Di ba dapat hinahatid ng boyfriend ang girlfriend niya sa school?

KATIE: Ha? Ano?

ARIES: Baka po nakakalimutan niyo..."mag-boyfriend" na po tayo...wag ka na ngang tumanga dyan at umangkas ka na dito sa motor...


Bumaba si Aries at inalalayan si Katie pagsakay sa motor. Nawiwirduhan naman si Katie sa ikinikilos ni Aries.


At umandar na yung motor. Nang makarating na sila ng parking lot ng UPEPP, inalalayan ulit ni Aries si Katie pababa ng motor...


KATIE: Heller! Aries...kaya ko namang bumaba at sumakay sa motor...di mo na ako kailangang alalayan pa...

ARIES: Siyempre...baka mapano ka...mawalan pa ko ng girlfriend...

KATIE: Naku, Aries...masyado mo yatang kina-career ang pagpapanggap natin...at wala naman si Eunice ah...

ARIES: Ssssshhh! Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa atin! Halika na nga...akin na yang bag mo...ako na magbubuhat...


At kinuha ni Aries ang bag ni Katie...


KATIE: Hoy, Aries...ano ba? Akin na nga yang bag ko!

ARIES: Sige na...ako na magbubuhat nito. Baka mapagod ka eh...

KATIE: Ang taray naman! May boyfriend na ko...may julalay pa ko...Sige, Aries...pagpatuloy mo lang yan...

ARIES: Hehehe...


At naglakad na sila papasok ng UPEPP. Hinatid ni Aries si Katie hanggang labas ng laboratory room...at binigay na niya ang bag kay Katie...


ARIES: Anong oras tapos ng Chem 16 niyo?

KATIE: Ha? Hindi ka ba namin kaklase ngayon sa Chem 16?


Umiling si Aries...


ARIES: Nakapag-take na ko ng Chem 16 sa UP Diliman. Industrial Eng'g course ko dun bago ako nag-shift dito kaya may Chem 16 na ko...

KATIE: Ai naku...swerte mo at di mo magiging prof yang si Ma'am Fermions. Naku..nung first year kami, nagpaulan siya ng bonggang-bonggang singko sa amin nung Nat Sci pa tinuturo niya...

ARIES: Ganun? O, ano oras na tapos ng klase mo ngayon?

KATIE: 5:30 ng hapon. Bakit ba?

ARIES: Susunduin kita dito mamaya ah...

KATIE: Ha? Bakit mo ko susunduin?

ARIES: Wag ka na lang magtanong. O sige na, may klase rin ako. Antayin mo ko dito mamaya ah.. (sabay alis ito)

KATIE: Pero Aries..teka...


Pero nakatakbo na palayo si Aries...


KATIE: Naku naman...Aries...ano bang pakulo mo ngayon...


Pumasok na lang si Katie na nahihiwagaan sa sinabi ni Aries...at tinabihan niya si Melanie...


KATIE: O, si Destiny? Nasaan?

MELANIE: Naku yun...Di kumuha ng Chem 16. Ako rin nga gusto kong ipa-cancel 'tong Chem 16 na 'to. Kahit na hindi ako magpahula kay Aling Ester ay nahuhulaan ko nang ibabagsak ko 'tong Chem 16...Ma'am Fermions pa!

KATIE: Oo nga eh...replay lang 'to ng Nat Sci natin...babagsak din tayo...

MELANIE: Yun nga eh...di naman ako pinayagan ipa-cancel 'to.

KATIE: Eh, bakit naman?

MELANIE: Madi-dissolve daw 'tong klase pag umalis ako. Ang konti kaya natin...

KATIE: Kasi naman 'tong UPEPP..di pa patalsikin yang si Ma'am Fermions. Wala namang ginawa yan dito sa UPEPP kundi mambagsak ng estudyante!

MELANIE: Naku nuh! Ganito ang sistema ng mga prof sa UPEPP..mas marami kang ibinabagsak na estudyante..mas tatagal ka...mga admin pa! Masayang-masaya pag maraming bumabagsak..kasi kikita sila pag summer class...


At pumasok na si Ma'am Fermions at nagsimula na ang kanilang klase sa Chem 16...


MA'AM FERMIONS: Chemically, water is amphoteric — i.e., it is able to act as either an acid or a base. Occasionally the term hydroxic acid is used when water acts as an acid in a chemical reaction. At a pH of 7 (neutral), the concentration of hydroxide ions (OH−) is equal to that of the hydronium (H3O+) or hydrogen (H+) ions. If the equilibrium is disturbed, the solution becomes acidic (higher concentration of hydronium ions) or basic (higher concentration of hydroxide ions).


PSYCH 2A: *nosebleed siymepre*

MA'AM FERMIONS: So class, I assume naintindihan niyo naman ang pinag-usapan natin ngayon...dahil basic pa lang yan ng ating lesson...

MELANIE: Assumera! Hirap kaya ng lessons mo. My gash!


At sabay nagpunas ng mga dugo sa ilong ang Psych 2A...


Si Aries naman, COMM 2 ang klase niya. Nakaupo siya sa pinakadulong upuan sa classroom.


Kaklase niya rin dito sina Lorraine at Jericka (isa ring Hotel Lakandula boarder) na kanyang nginitian nang makita sila...


Laking gulat din ni Aries nang makitang papasok sina Eunice sa classroom kasama ng Business Economics classmates niya...


Nang makita naman ni Eunice si Aries, iniwan niya ang Econ friends niya at tinabihan si Aries...


EUNICE: Oi, Aries...kumusta? Naalala mo pa ba ako? Ako si Eunice...remember?


Napatingin si Aries kay Eunice...at natulala. Napansin ni Aries na naka-eye liner si Eunice na lalong nagpalaki sa malalaki na nitong mata...


Naka-mini skirt din ito at di maiwasan ni Aries na ibaling ang mga mata sa mapuputi nitong binti...


At naka-sleeveless din si Eunice na halos iluha na ang kaluluwa niya...na nagustuhan naman ni Aries...


Sina Lorraine at Jericka naman...


JERICKA: Hmmpph! Ang flirt!
LORRAINE: Oo nga. Yang Eunice na yan talaga! Landi kung landi!


Nang mapansin naman ni Aries na nakatingin sa kanila sina Lorraine at Jericka, iniwas agad ni Aries ang tingin kay Eunice, at kinuha ang I-pod sa bag niya at nakinig na lang ng music...


Nainis naman si Eunice sa ginawa ni Aries...


EUNICE: Hindi ka rin bastos nuh, Aries?

ARIES: Ang bastos, nakatuwad...especially nakatuwad. (sabay ngisi)

EUNICE: Dana! Dyan ka na nga!


At nilayasan ni Eunice si Aries at nakisama na sa Econ friends niya...at dumating na ang prof nila...


Five-thirty na ng hapon. Palabas na ng laboratory room sina Katie at Melanie nang hinarang sila ni Aries...


KATIE: A-anong ginagawa mo dito?

ARIES: Ano pa? E di sinusundo kita...Ano ba..may usapan tayo di ba?


At inakbayan bigla ni Aries si Katie at pinuwersa na sumunod si Katie sa kanya. Nagtataka naman si Melanie at nagtitinginan naman lahat ng tao sa kanila...


Di naman maipinta ang mukha ni Katie habang naglalakad sila ni Aries palabas ng UPEPP papuntang parking lot. Laking gulat ni Katie nang makitang nasa labasan si Eunice at ang mga Econ friends nito...


Kaya binulungan ni Aries si Katie...


ARIES (pabulong): Katie, konting pa-sweet naman dyan..baka makahalata yang si Eunice oh...


Kaya ngiting aso naman si Katie kay Aries habang nilalambing-lambing kuno ni Aries si Katie...


Nakataas namang kilay na tinitignan sila ni Eunice. Nang nasa parking lot na sila ng UPEPP kung saan naka-park ang motor ni Aries at wala na si Eunice...tinapakan ni Katie ang paa ni Aries...


ARIES: Arrrraaaaayyyyy!!!!!!

KATIE: Aries, sumosobra ka na! Kung maka-PDA ka kanina sa akin! Nakakahiya...ang daming tao!

ARIES: Ano? PDA na ba yun? Akbay lang tsaka konting lambing...O siya...sumakay ka na sa motor...may pupuntahan tayo...

KATIE: San mo ba ako dadalhin ah?


Makalipas ang ilang sandali, nasa McDonald's Clark na sila...


KATIE: At bakit mo naman ako dinala dito? Ililibre mo ba ako?

ARIES: Oo naman... Dahil ito ang official first date natin...

KATIE: First date?

ARIES: Katie...masanay ka na sa mga ganito...dahil girlfriend na kita...

KATIE: Girlfriend "kuno". Aries, we're outside UPEPP na...hindi na natin kelangang magpanggap!

ARIES: Ganun? Sige...hindi kita ililibre...bayaran mo sarili mong order...


At akmang tatayo na si Aries at papunta na ng counter nang hilahin siya ni Katie...


KATIE: Ito namang si boyfriend...di na mabiro... (sabay ngiti kay Aries)


Nang maka-order na sila ng pagkain (burger, spag, fries, coke).


ARIES: Kaya nga pala kita dinala dito ay kailangan nating plantsahin ang mga dapat ayusin para maging realistic ang pagpapanggap natin...

KATIE: May ganun ka pang effect ah!


Ngunit di pinakinggan ni Aries si Katie at sa halip nagpatuloy sa sinasabi...


ARIES: Kapag may nagtanong sa'yo kung "tayo" ba...OO lang ang isasagot mo...wag ka nang magpaliwanag pa... Maliwanag?

KATIE: Opo, sir! (tonong katulong ang pagkakasabi).

ARIES: Isa pa...wala kang ibang pagsasabihan na nagpapanggap lang tayo..kahit sino...kahit sina Melanie....dahil ikaw rin ang malalagot pag nalaman ni Eunice... Klaro?

KATIE: Recto...

ARIES: Huh? Ano?

KATIE: Wala..nagjo-joke ako. Di mo lang na-gets...


Natigilan si Aries para pag-isipan ang joke...at nang na-gets niya na...


ARIES: Hahaha! Nakakatawang joke! (sarcastic ito)

KATIE: Ai sus...slow ka lang kaya di ka natawa!


At bigla silang natahimik...si Katie naman ang nagtanong...


KATIE: Pero siyempre...hindi naman habang buhay na magpapanggap tayo di ba? Hanggang kailan nating gagawin ito?


Napaisip din si Aries sa tanong ni Katie...


ARIES: Ganito na lang...ititigil natin ang pagpapanggap natin kung sakali mang magkaroon ka na ng "totoong boyfriend" or ako naman ay magkaroon ng "totoong girlfriend?"...

KATIE: Ganun?

ARIES: Isa pa pala...ititigil na natin ang pagpapanggap natin....once na napagbati mo na kami ni Melanie....


Natigilan dun si Katie sa sinabing kundisyon ni Aries...pero di ito binigyang pansin ni Aries...


ARIES: Ano...ayos ba yung deal natin?


Iwinaksi na lang ni Katie sa isipan ang pinakahuling kundisyon na sinabi ni Aries at saka masiglang sinabi na...


KATIE: Ok...deal na!


Sa Hotel Lakandula...kumakain sa cafeteria sina Melanie, Destiny, Lorraine at iba pang UPEPP dormers nang may narinig silang motorsiklo na tumigil sa tapat ng Hotel.


At nagulat sila nang pumasok na magkahawak-kamay sina Aries at Katie. Dala ni Aries ang bag ni Katie..


ALING ESTER: Oh, Aries, Katie, maghapunan na kayo...masarap ang niluto ko ngayon...

ARIES: Tita...kumain na kami ni Katie...Nag-date kami sa Mc---


Nagulat ang lahat ng dormers...


DORMERS: Ano?! Date!?


Si Katie rin ay nagulat sa sinabing iyon ni Aries...


ARIES: Ah..oo nga pala...Tita Ester, my fellow dormers, friends, guests...a pleasant evening to all of you. Ipinapakilala ko nga pala sa inyo ang girlfriend ko...si Miss Katie Madrid...


Napatulala ang lahat sa sinabing iyon ni Aries. At isang kalansing ng kubyertos na nabagsak ang narinig ng lahat...


Napatingin ang lahat sa pinagmulan ng tunog ng nahulog na kubyertos. Kay Kuya Karlo na kubyertos ang nahulog...


Nakatayo si Kuya Karlo. Tinitignan niya na parang may poot at pagseselos sina Katie at Aries...


At sa isip-isip ni Kuya Karlo....napapakanta siya at napapasayaw ng...


TURN ON YOUR SPEAKERS AT I-PLAY NIYO YUNG VIDEO AT IMAGINE NA SI KUYA KARLO ANG KUMAKANTA AT SUMASAYAW SA VIDEO NA 'TO... WATCH THIS VIDEO...KATUWA...





KUYA KARLO: Hey! Hey! You! You! I don't like your girlfriend! No way! No way! I think you need a new one. Hey! Hey! You! You! I could be your girlfriend....



At nang matapos ang imagination ni Kuya Karlo, nag-walk out ito na may luha sa mga mata...di ito nahalata ng mga dormers...sinundan lang nila ng tingin si Kuya Karlo habang nagwo-walk out ito...


Nasa kwarto na nila sina Katie at iniintriga siya ng mga room-mate niya...


MELANIE: Hay naku...sinasabi ko na nga ba...may "something" sa inyo ng Ariestotle na yun...

DESTINY: Ikaw ha, hindi ka nagsasabi sa amin. Para namang di mo kami friends...

KATIE: Eh, sensya na...biglaan kasi ang lahat...ayun..di ko na nasabi...

IZEN: Eh, kelan ba naging kayo, Ate Katie?

KATIE: Ah..eh...noong October 24? Noong birthday niya...

DESTINY: Ba't parang di ka sure sa date...

KATIE: Eh, basta ang mahalaga...mahal niya ko, mahal ko rin siya...di na importante yung petsa nuh...

MELANIE: Hay...sinasabi ko na nga ba...kaya pala lagi mong pinagtatanggol yung Ariestotle na yun pag inaasar-asar namin... Nahu-hurt pala ang feelings mo nun...

KATIE: Oo..kaya kung ako sa yo, Melai, bilang kaibigan ko, makipagbati ka na kay Aries oh. Ayoko namang isa sa mga kaibigan ko eh may inis sa boyfriend ko...

MELANIE: Ai naku... tigilan mo ko, Katie.


Sa veranda naman, kinakantyawan si Aries ng mga lalakeng dormers...


VOMER: Akalain mo yun...sa sobrang pihikan mo sa babae, pare...si Ate Katie lang pala ang makaka-captivate ng puso mo...

VICTOR: Painom ka naman dyan! Nagka-girlfriend ka na rin naman sa wakas eh!

ARIES: Saka na, mga tol! Pa-good boy muna ako sa girlfriend ko. Bawal muna ang inom-inom...

LAHAT: Yes...yun yun eh!


Ang di alam ni Aries, nagmamasid si Kuya Karlo sa kanila mula sa loob ng bahay. May mga luha sa mga mata nito...


KUYA KARLO: Huhuhu...Aries...ano bang meron si Katie na wala ako? Ba't di mo ko kayang mahalin? Huhuhu... T_T


TO BE CONTINUED...

Monday, December 22, 2008

Episode 18: Reminisces...




Pagpasok ni Katie sa bahay nila, narinig niya pa ang harurot ng motor ni Aries na papaalis...


Napasandal siya sa pinto...may ngiti sa mga labi niya at kislap sa mga mata niya habang inaalala ang mga nangyari sa kanila ni Aries...


At lumabas mula sa kusina ang Mama ni Katie...


MAMA NI KATIE: Oh, dumating ka na! At sino naman yung lalakeng naka-motor na naghatid sa'yo dito?

KATIE: Wala yun, Mama! He's just a friend!

MAMA NI KATIE: Friend ka dyan! Eh, ba't parang ang saya-saya mo ngayon...boyfriend mo yun nuh?

KATIE: Ma, hindi ah!


At biglang pumasok sa isip ni Katie ang usapan nila ni Aries tungkol sa pagpapanggap nilang mag-boyfriend sila...


ARIES: Kahit na nuh! Kahit na wala tayo sa UPEPP, kelangan na nating sanayin ang sarili natin para maging realistic ang pagpapanggap natin sa second sem. Tsaka sa laki ba naman ng mata ng Eunice na yon eh baka nakikita niya tayo ngayon... Di mo rin masasabi...


At naisip din ni Katie ang posibilidad na baka maitanong ni Girlie sa Mama niya kung may boyfriend ba talaga siya sakaling magkasalubong sila. Magkalapit lamang kasi ang tirahan nina Girlie at Katie...


MAMA NI KATIE: Ano..aamin ka na ba sa akin? (may tonong pang-iintriga ito)

KATIE: Sige na, Ma. Yung lalakeng naghatid sa akin kanina ay yung bago kong boyfriend. Aries ang pangalan niya...

MAMA NI KATIE: Talaga?! Ba't di mo man lang pinapasok o pinakilala man lang nang makilatis ko. Baka ma-"Iggy" ka na naman sa lalakeng yan ah!


Nakwento kasi ni Katie sa Mama niya ang dahilan ng break-up nila ni Iggy... Nangiti na lang si Katie nang sabihin iyon ng Mama niya...


KATIE: Eh, Ma..nagmamadali na kasi siya kaya di ko na napapasok. Tsaka sa Cubao pa nakatira yun...malayo mula rito kaya yun...

MAMA NI KATIE: Ikaw ah! Ba't di mo man lang nabanggit sa akin na may bf ka na? Nakakatampo ka ah...di ka na nagsasabi sa akin...

KATIE: Eh, Mama..kasi... ngayong araw lang kaming naging "official" na kami...kaya yun...

MAMA NI KATIE: Oh..siya..sige na... at panu mo naman nakilala ang lalakeng yan?


At sinimulan na ni Katie kwentuhan ang Mama Melba niya ng tungkol kay Aries. Ngunit hindi binunyag ni Katie sa Mama niya na isa lamang "pagpapanggap" ang relasyon nila ni Aries...



MAMA NI KATIE: It's good at naka-move on ka na rin sa Iggy boy na yun! At least medyo kampante ako na hindi ka na magmamadre....


Makalipas ang ilang sandali, nakahiga na si Katie sa kama niya...at masayang inaalala ang nangyari sa kanila ni Aries kanina: ang pagkain nila sa Food Court (date yun sa tingin ni Katie) at ang paghahatid sa kanya ni Aries sa motorsiklo niya...


Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ni Katie nang maalala niya ang usapan nila ni Aries na...


KATIE: Oo na...sige na...payag na ko sa pagpapanggap natin na mag-bf tayo. At kapalit noon ay tutulungan kitang mapalapit kay Melanie..tama ba ko?

ARIES: Very well said! OK! Ayos!



Ngunit bumalik din ang mga ngiti ni Katie nang magunita ang huling sinabi ni Aries bago ito umalis...


ARIES: Katie...salamat nga pala for being with me on my special day...


Napatingin si Katie sa bintana niya kung saan tanaw ang langit na puno ng mga bituin...


KATIE: May gusto na nga kaya si Aries sa kin? Ayokong mag-assume...at kanina...sa mga tingin niya...tingin ko may pagtingin siya kay Melanie... Ayokong umasa... dahil alam ko namang walang pag-asa...


At napapikit na si Katie at nahimbing na natulog... Siguradong kinabukasan...ikukwento niya kina Mae at Darell ang nangyari sa kanila ni Aries...


At sa loob-loob ni Katie...mukhang lumalambot na nga ang puso niyang naging bato dahil kay Iggy...


Samantala, nakahiga rin sa kama niya si Aries at nagmumuni. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya...at malalim ang iniisip...


Ume-echo sa isipan niya ang tanong kanina sa kanya ni Katie...


KATIE: Teka...parang may kakaibang spark dyan sa mga mata mo... In-love ka ba kay Melanie?


Naguguluhan si Aries sa nararamdaman niya para kay Melanie...


ARIES: Mahal ko na ba talaga si Melanie? Masaya ako pag naiisip ko siya. Maligaya ako pag nakikita ko siya...at parang napaka-empty ng mundo kapag di ko siya nakikita... Pero natatakot ako...Nasaktan na si Daddy nang todo sa pag-ibig niya kay Mommy...ayokong mangyari sa akin 'yon...hindi ko kaya...


At biglang may nag-text kay Aries ng:


{Happy Birthday, Aries... May God shower you with all the blessings...}


Si Aling Ester, ang tita niya at landlady ng inuupahan niyang Hotel Lakandula sa Mabalacat, Pampanga, ang nagtext sa kanya ng birthday greeting na yun. Nagpasalamat si Aries sa tita niya at natulog na rin...


******************

Samantala...nasa kwarto niya si Melanie at nagbubura ng mga message sa cellphone niya. Binubura niya ang mga mensahe na galing kay Jerome na halos pumuno ng inbox niya...


At sa kahuli-hulihan....binura niya ang number ni Jerome....para di na siya ma-tempt na itext ito...


MELANIE: Asus...bubura-bura pa kong nalalaman eh kabisado ko naman yung number ng lalakeng yon! Pero....ngayon...nangangako na ko na kakalimutan ko na siya...magmomove on na ko at di ko na siya itetext kahit kelan...


At nagulat siya nang makitang may nagtext sa kanya...


1 New Message from
+6392128223**


Kahit na hindi nakaregister, alam ni Melanie na number iyon ni Jerome...gusto niya sana itong burahin kahit na di pa nababasa...pero nangibabaw ang pag-ibig kaya binasa niya ito...


{Hoy, Melanie...bt d kn nagtetext? musta k n nga pla?}


At nakikita na lang ni Melanie ang sarili niya na tine-text si Jerome...


Laging si Jerome ang nagdadal ng usapan. Todo kwento siya tungkol kay Maricar na girlfriend na niya ngayon...


{Alam mo, Melanie...nagpunta kmi ni Maricar sa.....}

{namimiss ko n c maricar...ang gnda nya pla pg naka-pink syang blouse....}

{alam mo, melanie...magdidate kmi ni maricar bukas sa....}


Napuyat si Melanie kakareply kay Jerome. Ang mga madalas i-reply ni Melanie ay...


{o tlga? tpos?}

{ganun? sya nman...}

{gudluck sa date...}

(wow naman...}


Dahil pare-pareho lang naman ang reply niya kay Jerome, naka-template na ito sa cellphone ni Melanie...


Di niya aakalain na matatagalan niya ang usapan nilang yon ni Jerome na puro si Maricar na lang ang bukang bibig sa text...


Ala-una na ng madaling araw nang i-text ni Melanie si Jerome ng:


MELANIE: {jerome, cge 22log n ko...salamat sa txt...nyt}

JEROME: {cge, gudnyt din,,,switdreams...}


Ngunit dahil sa kadurugan ng nararamdaman na iyon ni Melanie...nagawa niya pang mag-GM sa iba ng quote...


{nkktuwang icpin ngtxt ung mhal mo....moment mo un eh, kwentuhan 2d max kya inabot kyo ng umaga....knabukasan my nagtanong....puyat ka ah?! at cno na nman ktxt mo kgbe??!...sgot ko nman: "ung mhal ko"..ngtanong xa ulit: "kya nman pla...kilig k naman!? eh anong png-usapan nyo?"...malungkot kong sagot: "ung mhal niya...."}


************************


EUNICE: Hay naku, pinsan...di ko aakalain na boyfriend ng Katie na yun si Aries!

GIRLIE: Lalo naman ako nuh!


Nasa San Fernando, Pampanga si Girlie. Nagbabakasyon siya sa bahay ng pinsan niyang si Eunice...


First year college si Eunice. Business Economics ang kurso nito sa UPEPP...


Nag-uusap silang mag-pinsan habang nanonood ng Mean Girls...


EUNICE: I can't believe na papatulan ng Aries na yun si Katie! Mas maganda naman ako dun...

GIRLIE: Hay naku, pinsan...kaya nga ako 'eh di convince na talagang mag-on yung dalawang yon! Kaya nga pinapabantayan ko sa'yo, di ba?

EUNICE: Naku 'to! Eh, ba't ba parang napaka-big deal sa'yo nun?

GIRLIE: Basta! Ayokong maging maligaya si Katie. I want her to be miserable all her life!

EUNICE: Eh ba't ba kasi galit na galit ka sa babaeng yon?


At kinuwento ni Girlie kay Eunice ang nangyari sa kanila ni Katie nung high school pa sila...


....FLASHBACK....


Magkaklase at magkaibigan noon sina Girlie at Katie...


Lihim na iniibig noon ni Girlie si Iggy na kaklase nila. Sa tuwing klase nila, sa halip na nakikinig sa teacher, nakatitig lang si Girlie kay Iggy...


Wala siyang pinagsabihan nito ninuman...


Kaya laking gulat ni Girlie nang malaman niya sa ibang kaibigan na mag-boyfriend na sina Iggy at Katie...


Kaya kahit na nasasaktan...nagpanggap na OK lang si Girlie. At mula noon, pinlastic na niya ang kaibigang si Katie...hanggang maka-graduate sila ng high school...


Summer vacation ng 2008. Reunion outing nilang mga high school classmates sa isang beach resort....


Sumama si Girlie sa reunion outing na ito. Nandun din sina Katie at Iggy...


Isang dapit-hapon, nakita ni Girlie na magkahawak-kamay na naglalakad sina Katie at Iggy sa tabing dagat...


Nagselos si Girlie sa eksenang nakikita...


At siya'y naluha nang makitang niyakap ni Iggy si Katie at hinalikan bigla...


At dahil di na matagalan pa ang nakikita, lumuluhang umalis si Girlie sa tabing dagat at nagpatuloy na umiyak sa likod ng isang puno ng niyog...


Kinabukasan, isa siya sa mga kinuwentuhan ni Katie tungkol sa halikang naganap sa kanila ni Iggy...


KATIE: At yung pinakagusto kong part eh nung dinidikit ni Iggy yung dila niya sa ngipin ko...


Tinawanan nilang lahat si Katie...


KATIE: Oy, bakit kayo tumawa?

GIRLIE: Ibig sabihin, hindi mo binuka ang bibig mo?

KATIE: Ha? Bakit naman? Kelangan ba ibuka?

GIRLIE: Oo kaya...

KATIE: Bakit kelangan?

GIRLIE: Para magdikit ang mga dila niyo...

KATIE: Kelangan pala nun? Bakit naman ganun? Ano pinagkaiba nun?

GIRLIE: Basta...hindi mo mai-explain yung feeling. After all, ganun talaga maghalikan ang mga mag-boyfriend.


Natuwa si Girlie sa nalamang iyon kay Katie...hindi marunong humalik si Katie at for sure...disappointed si Iggy kay Katie...


Sa birthday party ng kaibigan nilang si Mae, nasulot ni Girlie si Iggy. Lihim silang naghahalikan pag walang nakatingin sa kanila...


At lubos-lubos pa ang kasiyahan ni Girlie nang maabutan sila ni Katie sa party ni Mae na magkahawak-kamay, magkakandong, at malambing na nag-uusap sila ni Iggy...


Naging "officially" sila ni Iggy pagkatapos ng party na iyon ni Mae...


....BACK TO PRESENT....


EUNICE: Grabe 'to! Kayo na naman ni Iggy 'ah! Ba't ba gusto mo pang gantihan si Katie?! Insecure ka siguro kasi parang ang bilis nakahanap ni Katie ng kapalit nuh? Ayaw mo siyang lumigaya nuh?!


Tama si Eunice...ayaw ngang lumigaya ni Girlie si Katie...pero itinago na lang ni Girlie iyon sa sarili...


GIRLIE: Basta! Bantayan mo sila! At kung sakali mang totoo silang mag-syota....e di sirain mo relasyon nila!

EUNICE: Grabe kang pinsan ko..oo! Hindi naman ako ganun kasama!

GIRLIE: Aba..talaga lang ah! Sa pagkakatanda ko yata eh lahat ng naging boyfriend mo 'eh "sinulot" mo lang sa mga dati nilang girlfriend...

EUNICE: Hoy..nakakasakit ka nang magsalita ah!

GIRLIE: Cousin...coz truth hurts!


At natahimik silang dalawa. Pagkalipas ng ilang minuto...


EUNICE: Pero lam mo, pinsan. Sa totoo lang...type ko si Aries 'ah. Tamang-tama at single ako ngayon...and it would be an easy job for me to seduce him...


At humalakhak ang dalawang mag-pinsan kasabay ng paghalakhak ng mga kontrabida sa pinapanood nilang Mean Girls...


TO BE CONTINUED...







SEASON ONE ENDER


Abangan ang Season 2: New Semester, New Endeavors
















Sunday, December 21, 2008

Episode 17: Aries' Special Day



KATIE: Ano?

ARIES: Katie, tulad ni Ma'am Bunye...ayoko ng replay!


Narinig naman talaga ni Katie ang sinabi ni Aries tungkol sa suhestiyon nito na magpanggap. Di nga lang siya makapaniwala...


ARIES: Ayaw mo ba? Eh di wag... (may pagkasupladong sabi nito)


Sasagutin sana ni Katie si Aries pero biglang may tumigil na na jeep sa tapat nila. Sumakay na halos lahat maliban kay Aries...


DESTINY: Oh, Aries..ba't di ka sasakay?

ARIES: Hinatid ko lang kayo rito. Nasa parking lot yung motor ko. Sige, ingat kayo...

DESTINY: Hay naku, Aries. If I know...yung isang tao lang dito yung pakay mo kaya mo kami hinatid....


Sabay tingin si Destiny kay Melanie. Irap naman ang ginanti ni Melanie sa kaibigan. At sinimulan silang kantiyawan ng blockmates nila...


PSYCH 2A: Hiki! Hiki!

MIGUEL: Aries...sino ba talaga? Naguguluhan ako ah...si Katie ba o si Melanie?


Ngiti na lang ang sinagot ni Aries at siya'y umalis na patungo ng motorsiklo niya...


Sa bus pauwi ng Manila, tahimik si Katie habang nakatingin sa bintana ng bus na binabaybay ang kahabaan ng NLEX.


Inaalala niya ang sinabi ni Aries kanina...


************
ARIES: Katie...mukhang may kelangan tayong gawin ngayong nalaman natin na may mga mata pala si Girlie dito sa UPEPP..

KATIE: Ano naman yun?

ARIES: Magpanggap tayo na...na.... mag-boyfriend tayo....


************



KATIE: Ano naman ang pumasok sa isip nun at nai-suggest niya yun? Hay naku...tingin ko hindi naman siguro seryoso yong lalakeng yun sa sinabi nyang yun...


Napansin ni Melanie si Katie na nakatingin sa bintana kaya...


MELANIE: Hoy, friend! Emo ka dyan ah! Para kang gumagawa ng MTV ah!


***************

SEMBREAK na nila...

Nag-malling si Katie kasama ang high school friends niya na sina Mae at Darell sa Gateway.


Nasa Rustan's Department Store sila ng Gateway nang makakita si Darell ng Ferrero Chocolate...


DARELL: Hay naku! Favorite ko talaga 'tong Ferrero na 'to! (tinignan niya yung presyo) Diyos ko naman! Ang mahal naman! Hay naku...di bale, bibilhin ko pa rin ito!


At binili nga ni Darell yung Ferrero. At nang bayaran niya na ito, binuksan niya na agad ito...At nakita niyang nakatingin sina Katie at Mae sa kanya kaya...


DARELL: Sorry...bawal ang manghingi! Walang kaibi-kaibigan ngayon... (at nang-iinggit na kinain ito)


At nang kakagat na ulit si Darell sa chocolate...


KATIE at MAE: Darell! Wag mong kainin yan! Baka masira ngipin mo...

DARELL: Ha? Bakit naman? Dahil matamis 'tong chocolate?

MAE: Hindi...dahil baka may ginto kang makagat dyan! Ang mahal eh!


At naglaro sila sa TimeZone...nagshopping kahit na napakamahal ng mga bilihin sa Gateway...


Makalipas ang ilang oras, naisipan na nilang umuwi...


Sa escalator, nasa pababang escalator sina Katie. Pagtingin ni Katie sa paakyat na escalator, nagulat siya sa nakita....si ARIES...


Nakita rin siya ni Aries...kaya nang magkatapat sila sa escalator (si Katie sa pababa at si Aries sa paakyat), hinawakan ni Aries si Katie sa braso at madaling sinabi...


ARIES: Hintayin mo ako pagbaba mo!


At binitiwan na ni Aries ang braso ni Katie. Pagbaba naman nina Katie, nakita nila mula sa itaas na pababa na si Aries sa escalator...


MAE: Sino ba yang lalakeng yan, Katie?


Hindi naikwento ni Katie kina Mae at Darell si Aries...at kung sino si Aries sa puso niya kaya...


KATIE: Kaklase ko lang yan sa UPEPP. Di ko nga inaasahan na magkikita kami dito!

DARELL: Gwapo ah! :p


Pagbaba ni Aries, nilapitan niya si Katie na naghihintay sa kanya... Natigilan silang dalawa sandali...at pinakilala ni Katie sina Mae at Darell kay Aries...


KATIE: Uhm, Aries...sila nga pala sina Mae at Darell...friends ko.

MAE at DARELL: Hello!


Nginitian lang sila ni Aries. Tinignan ni Aries sina Darell at Mae at sinabi...


ARIES: Uhm, uuwi na ba kayo?

MAE: Oo...

ARIES: Ganun ba? Kung uuwi na kayo...mauna na kayo. Kailangan ko lang kausapin si Katie. Wag niyo na siyang hintayin... Magtatagal kami...

KATIE: Ano?!


Nagulat sina Katie, Darell, at Mae sa sinabing iyon ni Aries. Di alam nina Darell at Mae kung aalis ba sila o hindi...


Pinandilatan ng mata ni Katie sina Darell at Mae na parang sinasabi niya na...


KATIE: Huwag kayong umalis...kundi....


Sa kabilang banda, nginingitian ni Aries sina Mae at Darell na parang sinasabing...


ARIES: Sige na...alis na kayo...hehehe...


At dahil mas nakuha sa tingin ni Aries sina Darell at Mae...


DARELL: Uhm..sige. Katie, friend..una na kami ni Mae...

MAE: Uhm, oo nga. Sige friend. Nga pala...Aries..ingatan mo yang friend namin ah!


Nginitian sila ni Aries at umalis na sila. May mga malisya sa tingin nina Darell at Mae. Sigurado si Katie na iintrigahin siya ng mga kaibigan kinabukasan... Palihim itong nagmamaktol sa ginawang pang-iiwan sa kanya ng dalawa...


Nang makaalis na sina Mae at Darell...


KATIE: Aries...ano bang sinasabi mong pag-uusapan natin at kailangan mo pang pauwiin sina Mae at Darell?!

ARIES: Bakit...galit ka ba?

KATIE: Napakaimportante ba nyang sasabihin mo at kelangan---

ARIES: Dun tayo mag-usap...


At hinawakan ni Aries si Katie sa kamay hanggang makarating sila ng Food Express (food court)...


Kinilig si Katie nang hawakan ni Aries ang kanyang kamay....para ngang ayaw niya na 'tong ipahawak pa sa iba dahil gusto niyang manatili ang bakas ng hawak ni Aries...


At medyo nabitin siya nang bitawan na ni Aries ang kamay niya at umupo sila sa isang bakanteng mesa...


Nagtext si Aries sa cellphone niya bago niya kausapin si Katie...


ARIES: Anong gusto mong kainin?

KATIE: Bakit, ililibre mo ba ako?

ARIES: Hindi! Bakit naman kita ililibre? Girlfriend ba kita?

KATIE: Eh, ba't mo tinatanong kung gusto kong kumain? At bakit mo ko dinala dito sa food court?

ARIES: Para makapag-usap tayo...

KATIE: Ano ba kasing gusto mong pag-usapan natin? Get straight to the point nang makauwi na ko! Gumagabi na!


Bumuntong hininga muna si Aries bago ulit nagsalita...


ARIES: Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sa'yo nung last day ng sem? Yung tungkol sa pagpapanggap?


Nagulat si Katie. Naaalala pa pala ni Aries yun...


KATIE: Ha? Seryoso ka ba dun? Hindi ba...joke mo lang yun?

ARIES: Seryoso ako dun! Ako...pinag-isipan ko yun over the sembreak at kung ako sa'yo...papayag na ko.

KATIE: Aba! At bakit naman dapat akong pumayag?!

ARIES: Kasi...sigurado akong pinapabantayan ka ni Girlie sa pinsan niyang si Eunice kung talaga ngang mag-boyfriend tayo...


At naalala ni Katie ang mga pang-aasar ni Girlie sa kanya sa engkwentro nila sa MOA...


GIRLIE: Teka, Katie..ba't parang di mo yata kasama ang boyfriend mo? Or baka naman wala ka pa ring new boyfriend until now kasi di ka pa rin marunong humalik. Hahahahaahaha (tawang witch na yan)


GIRLIE: O baka naman..umaasa ka pa rin na makikipagbaliakn itong si Iggy ko dahil mahal mo pa rin siya or umaasa ka na mahal ka pa rin ni---


Nakaramdam ng "insecurity" si Katie sa ideyang aasarin siya nina Iggy at lalo na ni Girlie pag nalaman ni Girlie kay Eunice na di sila mag-on ni Aries...


Nai-imagine ni Katie na nanliit ang sarili niya habang inaasar siya ni Girlie tungkol kay Iggy...


Napansin naman ni Aries na napapaisip si Katie kaya...


ARIES: Ano...napag-isipan mo na ba?


Tinignan ni Katie si Aries. Medyo nagtataka ito sa ikinikilos nito...dahil sa pagkakakilala niya kay Aries, hindi ito ganun kasigasig na tulungan ang isang tao...kaya...


KATIE: Kung sakali mang pumayag ako...for sure eh may hihingin kang pabor sa akin. Tama ba ako?


Tama nga si Katie. Natumbok niya na kaya siya pinipilit ni Aries na pumayag na magpanggap sila ay dahil may hihingin itong pabor...


Napakamot ng ulo si Aries...


ARIES: Eh...Katie...ano kasi eh...


Sa loob-loob ni Katie, na-disappoint siya dahil akala niya ay concern talaga si Aries sa problema niya...yun pala ay may hihingin itong kapalit.


Pero iwinaglit ni Katie ang disappointment na ito at di ipinahalat kay Aries...


KATIE: Anong pabor yun?

ARIES: Si Melanie...di ba galit pa rin siya sa akin?

KATIE: So, gusto mong pagbatiin ko kayo ni Melanie...ganun?

ARIES: Parang ganun na nga...


At napansin ni Katie ang mga mata ni Aries...at dahil isang PSYCH student, nabasa niya ang sinasabi ng mga mata ng lalakeng kaharap...


KATIE: Teka...parang may kakaibang spark dyan sa mga mata mo... In-love ka ba kay Melanie?


Di agad nakasagot si Aries. Bumuntong-hininga pa ito at di alam kung ano ba ang isasagot...


At naalala ni Aries ang pagkakataon nung tinanong din siya ng ganito ng tita niyang si Aling Ester...at hindi rin siya sigurado sa sagot niya nun sa Tita niya...dahil sa sarili niya, di pa siya sigurado sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Melanie...


ARIES: Di ko alam (sabay kibit balikat) Siguro yata...

KATIE: Ano ba namang klaseng sagot yan.

ARIES: Hay naku...wag mo na nga akong intrigahin, para kang si Lolit Solis eh! Ano na? Payag ka na ba sa pagpapanggap natin?


Napaisip sandali si Katie sabay sagot...


KATIE: Oo na...sige na...payag na ko sa pagpapanggap natin na mag-bf tayo. At kapalit noon ay tutulungan kitang mapalapit kay Melanie..tama ba ko?

ARIES: Very well said! OK! Ayos!


Sabay ngiti si Aries nang pagkalaki-laki at nakipag-appear kay Katie...


ARIES: Oh, ano nang gusto mong kainin?

KATIE: Ai naku! Di mo naman ako lilibre eh!

ARIES: Kanina yun kasi di pa kita girlfriend...Pero ngayon, girlfriend na kita kaya ililibre na kita... :p


At nagkangitian sina Aries at Katie...


At dahil nakaupo sila malapit sa Dulcinea, dun na sila umorder ng tig-isang chocolate dessert at paella sabay balik sa kinauupuan nila...



CHOCOLATE DESSERT:



PAELLA:




At habang kumakain sila...


KATIE: Nga pala, ba't ka nga pala nandito sa Gateway?

ARIES: Katatagpuin ko sana sina Ate Ariana at Daddy eh. Kakain sana kami at manonood ng sine...pero mas pinili kong i-celebrate ang birthday ko na kasama ka...


Nabitawan ni Katie ang kubyertos na hawak...


KATIE: Birthday mo ngayon?

ARIES: Oo... (sabay ngiti)

KATIE: Ba't di mo man lang sinasabi! Tsaka sana nag-red ka para nagka-hint ako kahit paano na birthday mo... HAPPY BIRTHDAY!

ARIES: Salamat, Katie..

KATIE: Oh, hindi ka ba hinihintay ng Ate mo at Daddy mo?

ARIES: Hindi na... Nagtext na ko kay Ate Ariana na ipasyal na lang nila ng caregiver si Daddy.


At naalala ni Katie na may katext kanina si Aries bago sila nag-usap...


KATIE: Kumusta na nga pala Dad mo?

ARIES: Ok naman siya. Kaya lang ngayon dumadalas ang topak...pero tolerable naman...

KATIE: Ah...


At habang kumakain sila, biglang napakwento si Aries...


ARIES: Alam mo, Katie...gusto kong magdoktor dahil nagbabakasakali akong pag naging doktor ako, magagamot ko na ang Daddy. Kaya naman ako nag-shift sa kursong Psychology...ikaw ba, ba't ka ba nag-Psych?


KATIE: Nung una naman kasi, di ko trip yung Psych. Kaya lang naman ako nag-aral dito kasi nga UP...ayun...

ARIES: Eh ngayon ba, ayaw mo pa rin ng Psych?

KATIE: Ok na ko sa Psych...wala na kong magagawa nuh. Second year na ko magshi-shift pa ba ako. Tsaka marami namang kasiyahan ang naidulot sa kin ng Psych...


Nang matapos na silang kumain...


ARIES: Uuwi ka na ba?

KATIE: Oo...gabi na eh.

ARIES: Taga-saan ka ba? Hatid na kita...

KATIE: Naku, hindi na, Aries. Taga-Vicas, Caloocan pa ko at malayo yun mula rito...

ARIES: Tss! Ano pa at naging boyfriend mo ko?

KATIE: Sus! Eh kaso po hindi naman kita tunay na boyfriend eh! Tsaka wala tayo sa UPEPP ngayon para magpanggap tayo ngayon..

ARIES: Kahit na nuh! Kahit na wala tayo sa UPEPP, kelangan na nating sanayin ang sarili natin para maging realistic ang pagpapanggap natin sa second sem. Tsaka sa laki ba naman ng mata ng Eunice na yon eh baka nakikita niya tayo ngayon... Di mo rin masasabi...


Natawa na lang si Katie...

At naglakad sila papunta sa motorcycle parking lot kung saan naka-park ang motorsiklo ni Aries...




Ngayon lang nabigyan ng pansin ni Katie nang husto ang motor ni Aries. "Yamaha Motor" ang tatak nito. Magkahalong orange at black ang kulay nito. At sa gilid ng upuan, nabasa niya ang nakatatak na "Crypton Z"...







At makalipas ang ilang sandali...binabaybay na nina Aries at Katie ang kahabaan ng EDSA sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Aries...


Di tulad ng mabilis na pagda-drive noon ni Aries noong si Melanie ang sakay niya, marahan lamang ngayon ang patakbo niya ng motor...



ARIES: Hay...may mga MMDA pala rito sa EDSA...baka maakusahan pa kong overspeeding pag binilisan ko at kotongan pa ako ng MMDA pag nahuli kami..


Samantala...nakayakap si Katie sa likod ni Aries...at habang umaandar sila...


KATIE: Ang bango naman ni Aries...para siyang chocolate na ang sarap kagatin tulad nung sa commercial ng Axe..hehehe...


At habang binabaybay pa nila ang EDSA...


KATIE: Sana...taliwas sa napakabilis na pagpapatakbo ni Aries ng motor niya...bumagal sana ang oras upang magtagal pa ang pagsasama naming dalawa...

ARIES: Oi, Katie...OK ka pa ba? Di ka ba nahihilo?


Nagulat si Katie. Di niya kasi aakalain na kakausapin siya ni Aries...


KATIE: Uhm, Aries... Medyo nahihilo ako...pwedeng medyo bagalan mo yung pagpapatakbo ng motor mo?

ARIES: Ganun ba? Sige...babagalan ko ng kaunti...tsaka...ihiga mo na lang sa balikat ko yang ulo mo para di ka masyadong mahilo...


Binagalan nga ni Aries ang motor ng kaunti at inihiga ni Katie ang ulo niya sa balikat ni Aries...


Pero mabagal na nga kung tutuusin ang pagpapatakbo ni Aries ng motor nung una pa lang at di naman talaga nahihilo si Katie...pumaparaan lang siya kay Aries..hehehe...


Nang marating na nila ang bahay ni Katie, bumaba na si Katie ng motor..


KATIE: Aries, salamat nga pala sa paghatid tsaka sa panlilibre mo sa akin. Gusto mo...tuloy ka muna sandali sa bahay?

ARIES: Hindi na...salamat na lang...

KATIE: Happy Birthday nga pala ulit...

ARIES: Katie...salamat nga pala for being with me on my special day... (sabay ngiti ito)


Nangiti rin si Katie... At malapit nang malaglag ang puso niya sa lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sobrang kilig...


TO BE CONTINUED...

Friday, December 19, 2008

Episode 16: Ang Engkwentro




IGGY: Girlie, are you insane?!?!


Tapos nang makipag-usap si Girlie sa pinsan niya sa cellphone. Pinagmamasdan pa rin nina Girlie at Iggy sina Katie at Aries sa ice skating rink...


IGGY: The hell do you care naman kung sina Katie at yung lalakeng yon talaga!

GIRLIE: I care! Naku, kung wala kang pake pwes ako meron! Feeling ko...iniligtas lang siya ng kung sinumang lalakeng yon kanina sa kahihiyan.. Nakita mo ba yung reaksyon ni Katie nang magpakilala yung lalake na bf niya "raw." Parang nagulat pa siya!


IGGY: Girlie, please drop it off!

GIRLIE: Bakit? Nai-insecure ka dun sa lalake nuh? Kasi naipagpalit ka agad ni Katie sa mas gwapo pa sa'yo...

IGGY: Ewan ko sa'yo. Bahala ka na sa buhay mo! (sabay walk-out ito)

GIRLIE: Uy... bhe.. anatayin mo ko..wait! (sabay habol kay Iggy)


Sa ice skating rink naman...tinuturuan ni Aries si Katie na mag-ice skating.





Hinahawakan pa ni Aries ang kamy ni Katie habang tinuturuan siya ni Aries na mag-balance...


ARIES: Basta isipin mo na walang dalawang manipis na blade sa ilalim ng sapatos mo...isipin mo, flat ang sapatos mo at gusto mong idulas ang mga paa mo sa flat surface...


Pero di naman ma-absorb ni Katie ang mga turo ni Aries...dahil masyadong kinikilig si Katie sa hawak ni Aries...


KATIE: Sana katulad ng mga yelo dito...mag-freeze din ang moment na'to namin ni Aries...


Napansin ni Aries na parang tulala si Katie at di nakikinig kaya ginulat niya ito..


ARIES: Huuuuyyy!!! Katie! Nakikinig ka ba?

KATIE (gulat): Ay...ano na nga ba sinasabi---Ay--oo nakikinig ako!

ARIES: Talaga lang ah? Sige nga, gawin mo nga yung sinabi ko...


At binitiwan na ni Aries si Katie. Pagkabitaw ni Aries, nabigla si Katie kaya agad na tumumba si Katie...una bagsak pwet...


KATIE: Aray ko po! Ariestotle naman eh!

ARIES: Sowry naman...akala ko ba nakikinig ka? Ba't tumumba ka?

KATIE: Kasi naman, beginner pa lang ako... (at ginaya niya ang pagsasalita ni Aries ng...) Sowry naman...


Marunong mag-ice skating sina Melanie at Destiny. Nagkukwentuhan pa silang dalawa habang naga-ice skating...


DESTINY: Naalala ko talaga nun...di ako marunong dati mag-ice skating... Kung di lang ako tinuruan nun ng boyfriend kong si Phol... Ikaw ba, Melai? Don't tell me si Jerome nagturo sa'yo...

MELANIE: Naku, wish ko lang! Si Regina (besfren ni Melanie na nakalipat na ng UPD) lang nagturo sa akin...nung bakasyon lang...


Anywhere, maraming bumabagsak na Psych 2A at 2B habang naga-ice skating...kaya marami rin ang pagtatawanan.... :p


Si Ma'am Bognot naman ay nasa isang tabi lang ng rink, nakasuot ng ice skating shoes pero di naga-ice skating...


MA'AM BOGNOT: Mr. Aranas, Miss Madrid, hanggang dito ba naman partners kayo?!

ARIES: Ay, itong si Ma'am...naiingit! Why don't you join us?

MA'AM BOGNOT: Ay naku, wag na! Masira ko pa moment niyo ni Miss Madrid...

KATIE: Buti alam niyo Ma'am... :p


Nang matapos ang pag-a-ice skating, nagpaalam na si Aries...


KATIE: Aries, thank you talaga ah! Sa ice skating tutorial at sa pagtatanggol sa akin kanina...

ARIES: Don't mention it... Sige, mauna na ko sa inyo...

DESTINY: Ingat!

KATIE: Pakisabi sa Daddy mo, Happy Birthday ulit.

ARIES: Sige... (at ngumiti ito)


At napatingin si Aries kay Melanie na halatang umiiwas ng tingin kay Aries...


Napansin ni Destiny na nakatingin si Aries kay Melanie kaya...


DESTINY: Hoy, Melai! Di ka man lang ba magte-thank you or magpapaalam man lang kay Aries?

MELANIE: Tsss...

ARIES: Sige na..Hindi na Destiny...mauna na ko. Ingat din kayo...


At umalis na si Aries... Nang makaalis na si Aries...


Nang nakasakay na sila sa shuttle bus nila pauwi...


DESTINY: Oh, Lorraine, kumusta date niyo ni Mark?

LORRAINE: OK lang. Masaya naman date namin. Ang aga naman kasi ng call time ni Ma'am! Nga pala, pinapakamusta niya rin kayo...

KATIE: Oh, Corrine..ano naman ang nadiscover mo sa Discovery Zone??

CORRINE: Naku, marami.. Sa dami eh pwede na kong gumawa ng encyclopedia! Oh kayo naman, ano ginawa niyo?


At kinuwento nila ang pagpapanggap ni Aries na bf siya ni Katie dahil nakita nila ang ex-bf ni Katie kasama ang gf nito; ang pamilya ni Aries lalo na ang tatay nitong may Alzheimer's; at ang ice skating...


LORRAINE: Ah...sa MOA rin pala pupunta sina Aries... Pero kawawa naman Daddy niya.. Alzheimer's at a young age?!

MELANIE: OO nga eh...

DESTINY: Naaawa ka sa dad ni Aries pero si Aries di mo man lang mapatawad?

MELANIE: When hell freezes over!

CORRINE: Oh, Katie wala ba kayong balak ni Aries na totohanin ang pagpapanggap niyo? Ang sweet niyo kanina sa ice skating rink ah! Hiki!

KATIE: Asa naman! Kayo naman, tinulungan lang ako ni Aries...at alam naman nating lahat kung sino ang gusto nun...

MELANIE: Pwede ba...Ang mga usapang ganyan ay di angkop para sa ating mga kabataan...Parental Guidance is recommended! :p


Pero kumanta si Destiny ng Kiss Me, nanahimik na lang si Melanie...


Nangiti na lang si Katie...dahil sa isang banda ng puso niya na pilit niyang pinipigilan...umaasa siya na sana...may pagtingin sa kanya si Aries...

*******************

Mabilis na dumaloy ang oras at OCTOBER NA....


KATIE: Hay naku...mula nung nag-October, my nights are becoming sleepless...my days are becoming restless...

DESTINY: Hala, friend.. LOVE yan!


Naisip bigla ni Katie si Aries...pero pilit niya rin itong iwinaksi...


MELANIE: Naku, Des, anung love-love ang pinagsasasabi mo dyan! Love ka dyan! Katie, FINALS na kaya ka nagkakaganyan! Love ka dyan!


The night before ng Zoo Lab Exam nila, nagrereview sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine sa table lounge ng Hotel Lakandula...


Nagrereview rin ang ibang dormers para sa kani-kanilang finals...


MELANIE: Haaaaaahhhh! (hikab) Oi...di ko na talaga kaya... Baka mag-kokak na ko kakareview sa mga palakang yan!

DESTINY: Bukas na lang ko itutuloy pagrereview nga rin.. Maga-alarm na lang ako...


At pumasok na sina Melanie at Destiny ng kwarto at natulog...kaya sina Katie, Lorraine at iba pa ang natitira sa mesa at nagrereview...


Just then, may tumawag sa cellphone ni Lorraine...sinagot niya ito...


LORRAINE: Hello, oi, Mark? Napatawag ka? Ginagawa ko? Nagrereview for Zoo... Ito nandito rin si Katie...Kausapin mo? Sige.. (kay Katie) Katie, kumustahin ka raw ni Mark...


At kinausap sandali ni Katie si Mark sa cellphone, pagkatapos ay binigay na kay Lorraine ang cellphone...


LORRAINE: Oh, ayun...o napatawag ka?


At lumabas si Lorraine sa veranda para kausapin si Mark sa cellphone.


KATIE: Naku, si Lorraine talaga...tumawag lang si Mark nalimutan na ang pagrereview..


At nagsimula na ring humikab si Katie... At habang humihikab siya, biglang lumabas si Aries sa kwarto niya....


Pinigilan bigla ni Katie ang paghikab para hindi makita ni Aries... Na-consciuos bigla? Hehehe...


ARIES: Nagrereview ka ba for Zoo natin bukas, Katie?

KATIE: Oo...

ARIES: Sige..sabayan na kita mag-review... (sabay umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Katie na kanina ay inuupuan ni Destiny)


At tahimik silang nagreview... At habang binabasa ni Aries ang Zoology book niya, napansin niya sa peripheral vision niya na humihikab na si Katie...


ARIES: Inaantok ka na ba?

KATIE (pinigil ulit ang hikab): Ha?! Hindi... Humihinga lang ako gamit ang bibig ko..alam mo na..para maiba naman..palagi na lang kasi tayo sa ilong humihinga eh.. :p


Napangiti na lang nang lihim si Aries... at nagpatuloy na siya sa pagrereview...


KATIE: Uhm...Aries?

ARIES: Bakit?

KATIE: Pwede...bang...ano..uhm...magpaturo sa'yo?

ARIES: Sure (sabay ngiti). Ayun din sana itatanong ko sa'yo kaya lang nahihiya ako... Sige, double review tayo..para mas madali...


At nagtanungan nga ng mga parte ng palaka sina Aries at Katie. Sa lab manual, tinatakpan ni Aries ang mga label ng parts ng palaka para i-dentify ni KaTIE...


Aba! At himalang nasasagot mostly ni Katie ang bawat tanong sa kanya ni Aries... INSPIRED eh!


Ganun din ang ginawa ni Katie kay Aries. Nasagot lahat ni Aries ng tanong ni Katie...na ikina-inlove ulit ni Katie kay Aries...hehehe...


Lumipas ang ilang oras...di na maikakaila pa ni Katie na inaantok na siya. Habang nagbabasa, bigla na lang niyang binaba sa table ang Zoo book niya at nilatag ang mga kamay niya sa ibabaw ng book at nagsimula nang makatulog...


At napansin ito ni Aries...nangiti na lang siya... At bigla na lang, bigla na rin siyang napahikab...


At napansin ni GlennLloyd ang paghikab ni Aries kaya...


GLENNLLOYD: Kuya Aries, inaantok ka na rin yata?

ARIES (pinigil ang hikab): Ha?! Hindi nuh... Humihinga lang ako gamit ang bibig ko..alam mo na..para maiba naman..palagi na lang kasi tayo sa ilong humihinga eh.. :p


Pero tulad ni Katie, di na rin napigilan ni Aries ang antok kaya nakatulog din ito kakareview sa mesa...sa tabi ni Katie...


Si Lorraine naman, pagkatapos kauspin si Mark sa cellphone, pumasok na siya sa loob. Pagkapasok niya, napansin niyang sina Katie at Aries na lang ang nasa table lounge at tabi pang natutulog sa mesa...


Ang ibang dormers ay natutulog na sa kani-kanilang kwarto...


Napangiti na lang si Lorraine sa nakita... At hindi na siya nag-bother na gisingin pa sina Katie at Aries habang kinukuha ang Zoology Manual niya sa table...


Madaling araw na nang maalimpungatan si Katie at napagtanto niyang nakatulog na pala sila ni Aries sa lounge.


Ginising ni Katie si Aries...nagulat si Aries nang gisingin siya ni Katie... Pagkatapos niyon....sabay na bumalik sa kani-kanilang kwarto ang dalawa...


Kinaumagahan, finals na nila sa Zoology Lab. Ang finals nila ay i-identify ang parts ng frog na nakabulatlat at naka-aspile ang parts na kailangan nilang i-identify... Tig-isa sila ng frogs...




Todo-sagot lang ang lahat ng Psych 2A ng parts ng frog tulad ng:

rectus femoris anticus

pectoralis epicoracoidea

scrapalonumeralis

gasrocnemus...


Nang matapos na ang mala-out of this world na finals sa Zoo...


ROSE ANN: Grabe...sumakit ulo ko sa Zoo Finals!

MELANIE: hAY...AKO naman nalango sa formalin...

DESTINY: Hay...baka bumagsak ako...

KATIE: Ako rin babagsak...for sure naman sina Rose Ann at ang tropa niya ang papasa...

ROSE ANN: Hindi naman... Lahat tayo papasa niyan!

ARIES: Tsaka, Katie... pag bumagsak ka...para mo na ring sinabi na di ako effective na lab partner. Nag-review-han pa nga tayo, di ba?

LORRAINE: Ay oo nga! Sa kakareview niyo eh magkatabi na kayong natulog!

PSYCH 2A (gulat): Ano!?


Namula sina Katie at Aries...


LORRAINE: Uhm...ang ibig kong sabihin eh magkatabing nakatulog sina Aries at Katie sa table ng lounge ng boarding house namin... Yung idlip lang kung baga...

PSYCH 2A: Aaaaahhh...

ARIES: Ikaw naman kasi Lorraine...ayusin mo nga pagkukwento mo. Kung anu-ano tuloy naiisip ng blockmates natin...


Makalipas ang ilang araw, kumuha rin sila ng finals sa Histo 1 under ni Ma'am Bunye...


MA'AM BUNYE: Ngayon, finals na natin sa Histo 1. May dalawang tanong ako na isusulat sa board pero isa lang ang dapat na sagutan niyo. Maliwanag? May tanong? Noh...hmmmmm?


Nagtaas ng kamay si Miguel...


MIGUEL: Ma'am...pwede pong pakiulit ng instructions? Di ko po maintindihan...

MA'AM BUNYE: Iho...ayoko ng replay! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na makinig nang mabuti dahil ayokong nag-uulit...balah...blah..blah...


At pagkalipas ng mahabang litanya ni Ma'am Bunye tungkol sa "ayaw niya ng replay"...


MA'AM BUNYE: So ngayon, finals na natin sa Histo 1. May dalawang tanong ako na isusulat sa board pero isa lang ang dapat na sagutan niyo. Maliwanag? May tanong? Noh...hmmmmm?


MIGUEL: Sus! Ma'am Bunye talaga! Nag-litanya pa ng pagkahaba-haba magrereplay din pala ng instructions! Ayaw niya nga ng replay!


At sinulat na ni Ma'am Bunye ang mga tanong sa blackboard...

*************

#1: Ibigay ang mga buong pangalan ng mga sundalong bumaril kay Rizal. May bonus pag nasulat pati middle name ng mga ito...

*************

Napakunot at nagkatinginan ang buong klase pagkasulat ni Ma'am Bunye ng Question #1.


KATIE: Panginoon ko!

*************


#2: Ano ang "seven last words" ni Yamashita bago siya patayin ng mga Amerikano?

*************

Napangiti naman si Aries pagkakita ng Question #2... at nagsimula na siyang magsulat sa bluebook niya ng...

"日本においては、ひとつの漢字には多くの異なる発音があることが多い。また、ある発音を持つ漢字が多数あることも珍 "


ARIES: Tignan lang natin kung hindi duguin si Ma'am Bunye sa sagot ko... Bwahahahahaaha!


***************

OCTOBER 8: Last day na ng first sem... Nasa waiting shed sa tapat ng UPEPP ang halos lahat ng Psych 2A...


KATIE: Hay...salamat! Tapos na rin sa wakas ang SEM na ito! Makakauwi na ko ng Manila!

DESTINY: Hay...sa wakas. Malalanghap ko na ring muli ang sariwang hangin ng Batangas! Ala eh! (taga-Batangas si Destiny)


Just then, may tumigil na kotse sa tapat nila... at biglang bumukas ang bintana ng kotse at isang babae ang driver nito...


BABAE: Ui, Rose Ann, Gwyneth...sabay na kayo sa kin...

ROSE ANN: Hala..ok lang ba, Eunice?


Ang babaeng iyon pala ay si Eunice...ang pinsan ni Girlie... High School classmate nina Rose Ann at Gwyneth si Eunice...

May malaking mata itong si Eunice...kung baga...para siyang mata na tinubuan ng katawan!



EUNICE: Oo naman...


Bago sumakay, nagpaalam sina Rose Ann at Gwyneth kina Katie...


GWYNETH: Uy, Katie..Des...Melai...Aries...guys..una na kami..

KATIE: Sige, ingat...


Napatingin naman si Eunice kina Katie at Aries. Napansin ito ni Aries kaya kinausap niya si Eunice...


ARIES: Uh..Miss..matanong ko lang..ba't ka ganyan makatingin sa amin ni Katie?


Napangiti si Eunice...


EUNICE: Tama nga si Girlie...gwapo ka nga... Are you Aries, right?


Natigilan lahat ng Psych 2A sa inaasta ni Girlie... Nagulat naman si Katie na kilala pala ni Eunice si Girlie...


Mukhang nabasa naman ni Eunice ang pagtataka sa mukha ni Katie kaya...


EUNICE: Kung nagtataka ka naman, Katie kung paano ko nakilala si Girlie...Pinsan ko si Girlie... And it happens na gusto niya kayong kumustahin ng boyfriend mo...


KATIE: Boyfriend?!! Wala naman---


At naalala ni Katie ang huli nilang engkwentro ni Girlie sa MOA kung saan nagpanggap si Aries na boyfriend niya...


Kaya sa halip na sasabihin sana ni Katie na "Wala akong boyfriend...." Iniba na lang niya ang sinabi niya...


KATIE: Wala naman kaming problema... Pakisabi sa pinsan mo salamat sa pangungumusta...


At lumapit si Aries kay Katie at hinawakan ni Aries ang kamay ni Katie...


Sumakay na sina Rose Ann at Gwyneth sa kotse ni Eunice at umalis na ito...


MELANIE: Tsk..tsk..tsk... Pati ba naman sa UPEPP may alipores yang Girlie na yun!

ARIES: Katie...mukhang may kelangan tayong gawin ngayong nalaman natin na may mga mata pala si Girlie dito sa UPEPP..

KATIE: Ano naman yun?

ARIES: Magpanggap tayo na...na.... mag-boyfriend tayo....

TO BE CONTINUED...

Thursday, November 6, 2008

Episode 15: Aries' Secret




(AUTHOR'S NOTE: Lines having asterisks are revised.)



Nang makabawi na ng lakas si Melanie...naitulak niya palayo si Aries...


AUDIENCE: Woooooohhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! (sabay palakpak)


Di alam ni Melanie ang gagawin niya...at natauhan na rin si Aries na mali nga ang ginawa niyang paghalik kay Melanie...


Gusto sanang sigawan o sampalin ni Melanie si Aries...pero naisip niya na maraming mga taga-UPEPP kaya pinigil niya ang sarili..


Umalis na lang siya at nagpunta ng CR...


Nang matapos ang YO! Umuwi ang lahat sa Hotel Lakandula. Nang makauwi, umaakyat na ang ibang dormers sa kani-kanilang kwarto, nagmamadaling umakyat sina Melanie...


JERICKA: Aling Ester...good nyt po!

WINXEL: Natuwa po ako sa dance number niyo kanina sa YO!...

GLENNLLOYD: Sa uulitin po, Aling Ester!

ALING ESTER: O sige...pag di na ko ulit inatake ng rayuma...



Nang paakyat na rin si Aries...


ALING ESTER: Aries, pwede ba tayong mag-usap?


Nag-usap sila sa isang table sa cafeteria...


ALING ESTER: Ba't mo hinalikan kanina si Melanie?

ARIES: ...

ALING ESTER: Lasing ka ba nun? Nakainom? Naka-marijuana? Ano?

ARIES: Tita...ano...kwan...inaasar niya kasi akong bading eh..Ayun..h-hinalikan ko nang matahimik...

ALING ESTER: Aries, kahit inaasar ka ni Melanie, mali ang ginawa mong paghalik sa kanya. Maling-mali! Alam mo bang insulto sa babae ang mahalikan ng di niya boyfriend! Sa harap pa ng maraming tao!

ARIES: Sorry, Tita...

ARIES: Kay Melanie ka humingi ng sorry. Bata ka...dumadami na atraso mo kay Melanie ah...


At tinignan ni Aling Ester si Aries sa mga mata nito...


ALING ESTER: Teka...parang napapansin kong nangingislap yang mga mata mo.. in-love ka nuh?

ARIES: Ako..in-love? Asa, Tita!

ALING ESTER: Uyyy...binata na si Aries...nai-inlove na...

ARIES: Tita..ano ba? Hindi nga po...

ALING ESTER: Ikaw ha...naglilihim ka na sa akin... Nino kasi waring buri mu? (Sino ba kasi ang gusto mo?)

ARIES: Ala pin pu, Tita! Nano ba! Kulit mu! (Wala nga po, Tita! Ano ba! Kulit mo!) Ayoko ngang ma-inlove...


Biglang naging seryoso si Aries...at napuna ito ni Aling Ester...


ALING ESTER: Aries, pamangkin, kung iniisip mo pa rin yung nangyari sa Tatay mo...isantabi mo na yun. Hindi lahat ng babae...katulad ng nanay mo na manloloko at nang-iiwan. Aries, huwag mong itulad ang lahat ng babae sa nanay mo...Huwag kang matakot magmahal dahil lang sa nangyari sa tatay mo nung iniwan siya ng nanay mo...


ARIES: Tita--


ALING ESTER: Aries, kahit gaano pa katibay at katigas yang pader na ginawa mong harang sa puso mo, isang lindol lang ng pag-ibig...matitibag ang pader sa puso mo...


Samantala, di makatulog si Katie nang gabing iyon... Gayundin si Melanie. Naramdaman ni Katie na parang gising pa si Melanie dahil sa paggalaw-galaw nito sa kama niya kaya...


KATIE: Melanie, gising ka pa?

MELANIE: Oo, Katie...

KATIE: Ba't gising ka pa?

MELANIE: *buntong-hininga*

KATIE: Iniisip mo pa rin ba yung ginawa sa 'yo ni Ar--

MELANIE: Speak not the name, please, Katie...

KATIE: Sorry...


At natahimik sila sandali at...


KATIE: Panu ba yan...talo ka sa pustahan natin...

MELANIE: Katie, pwede bang kalimutan na natin yung pustahan?

KATIE: Ha? Hindi pwede! Pustahan yun eh! Tsaka, ikaw nagpasimuno nun ah! Sbarro din yun...

MELANIE: Oo na...sige na..bukas magpapa-fund raising na ko para mailibre ko lang kayo sa Sbarro...

KATIE: Melanie, first kiss mo ba si Aries?

MELANIE: Katie, please...wag na muna nating pag-usapan yan... Naku...talaga..kung pwede lang ako magpapalit ng labi ginawa ko na!


Natahimik na lang si Katie...at tumulo ang luha na agad niya ring pinunasan at pinigilan pa ang mga pabagsak na luha... hindi siya magpapaapekto kay Aries...


Kinabukasan, sa UPEPP, gumagawa ng paper sa Comm II sina Katie at Melanie sa mga computer terminals ng library...


KATIE: Hay naku...nakakatamad talaga nang mag-isip ng idea para sa Comm II...

MELANIE: Oo nga eh... My mind's so drained..

KATIE: Oi, Melanie, alis na ko. May GA pa pala kami ng AES ngayon...

MELANIE: Ganun? O sige...


At lumabas na si Katie ng library. Sinundan siya ng tingin ni Melanie...


Pagkalabas ni Katie, napansin ni Melanie na pinagtitinginan siya ng mga tao sa library...


At yung ibang tao, pinag-uusapan pa siya. Napansin lang 'to ni Melanie nang may dalawang babae na tumitingin sa kanya at nag-pout ng lips yung isa...


MELANIE: Aaaahhh! Ayan na nga ba sinasabi ko sa hula eh! Aries, humanda ka pag nakita kita...


Sa inis, nag-walk out na lang si Melanie palabas ng library...


Kinagabihan sa Hotel Lakandula...


RYE: Guys, tara...Baba kayo sa cafeteria...Magpapakain ako...

TOTZ: Bakit?

RYE: Birthday ko ngayon..

ADAN: Talaga? Happy Birthday...


At lahat ng UPEPP dormers ng Hotel Lakandula ay bumaba ng cafeteria at nanlibre si Rye ng spaghetti...


Nagi-gitara at nagkakantahan naman ang ibang EMPE Boys...


EMPE BOYS (pakanta): Happy--happy--happy birthday! Sana ay malasing mo kami!

DOMENG: Rye, painom ka naman dyan!

ALING ESTER: Hoy! Hoy! Hoy! Anong inom-inom! Bawal dito yan ah! Itong mga batang 'to!

VOMER: Joke lang po yun, Aling Ester...kayo naman...


Pero pagkatapos kumain, palihim na nag-inuman sa veranda ang EMPE Boys at iba pang dormers..treat ni Rye ang inom...


Samantala, sinisipilyo ni Melanie ang labi niya sa lababo ng Girl's CR ng Hotel Lakandula...


LORRAINE: Friend, nabubura na yang labi mo kakasipilyo mo eh? Kanina mo pa yan sinisipliyo ah!

MELANIE: Naku! Mabuti nang mabura 'tong labi ko na puno ng germs at bacteria galing sa lalakeng yon!


At inis na lumabas si Melanie ng CR ng girls...nang biglang nakasalubong niya si Aries na papunta ng veranda...


Nagkatinginan ang dalawa... At ang unang napansin ni Melanie kay Aries ay ang mapula nitong labi...


ARIES: Melanie...

LORRAINE: Uhm, guys...alis muna ako nuh...


Aalis na rin sana si Melanie nang hinawakan siya ni Aries sa braso...


MELANIE: Aries..ano ba!?!

ARIES: Gusto ko lang mag-sorry....sa ginawa ko kagabi...


Ngumiwi lang si Melanie at tinanggal ang braso niya sa pagkakahawak ni Aries...


Nagbuntong-hininga na lang si Aries at nagpatuloy sa veranda para makiinom sa EMPE Boys...


Kinabukasan, sa Zoo Lab Class nila...


MA'AM BOGNOT: Class, I need to collect now your payment for our eco-trip on Saturday...


Nagbayad halos-lahat ng Psych 2A... At nang matapos magbayad ng iba, kinausap ni Aries si Ma'am Bognot...


ARIES: Ma'am...hindi po ako makakasama sa eco-trip...

MA'AM BOGNOT: Bakit naman, Mr. Aranas?

ARIES: Kasi po...may family affair po kami on that day. At hindi ko po dapat ma-miss yun...

MA'AM BOGNOT: Yun ba talaga dahilan mo? Or baka nagkakailangan na kayo ni Miss Cena after nung... (sabay nag-pout ng lips si Ma'am Bognot)


PSYCH 2A: Ahahahahahahaahahahah!


Nang nasa jeep na pauwi sina Katie, Melanie, Destiny at Lorraine...


MELANIE: Napaka-tsismosa talaga ng Ma'am Bognot na yun! Para siyang si Rufa Guttierrez kung mang-intriga!

KATIE: Ang sabihin mo, para siyang si Rufa Guttierrez after 48 years... :p

MELANIE: Pero mabuti naman at hindi sasama yung lalakeng yon sa eco-trip natin sa Saturday!

DESTINY: Oi..ma-mimiss niya!

MELANIE: Yuck! Asa naman, Destiny!

LORRAINE: First kiss mo ba siya?

MELANIE: Hindi nuh! Si Jerome ang first kiss ko...

DESTINY: Si Jerome ang first kiss mo...sa panaginip!


Nanatiling tahimik lang si Katie throughout...may nakakapagpabagabag (bigkasin 90 times hanggang ma-perfect! hehehe) sa kanyang isipan...


KATIE: Ba't ba para akong nagseselos at nasasaktan pag si Aries na ang usapan? Pag-ibig nga kaya itong nararamdaman ko kay Aries?


LORRAINE: Uyyy...si Katie...nananahimik..may naaalala...

DESTINY: Si Iggy (ex ni Katie) inaalala mo nuh?

KATIE: Huh?! Sinong Iggy?! Wala na yun! Burado na lahi nun sa mapa ng Pilipinas!


At nakipagkulitan na lang si Katie sa kanila upang iwaksi sa isipan niya si Aries...


SABADO na...buhat sa Angeles, tumulak ang dalawang blocks ng 2nd year Psych students ng UPEPP patungong Manila Ocean Park para sa kanilang eco-trip sakay ng kanilang shuttle bus...






Namangha sila sa ganda ng sea creatures sa Manila Ocean Park...


Nagpipicture-an sina Cherub at Dingdong, mga Psych 2B...





CHERUB: Oi..guys, tignan niyo tong mga kumpol ng isda oh...they're so cute! Dali, Dingdong...picture-an natin...

DINGDONG: Teka, Cherub! Ba't 'tong mga sea creatures 'tong pini-picture-an natin! Dapat mga sarili natin pini-picture-an natin para naman may "exfosure" tayo dito sa Ocean Park!


Lalo silang namangha nang makapasok sila sa The Living Ocean: yung tunnel na puno ng sea creatures...




Sa tunnel, nakita nina Katie, Melanie, Destiny, at Lorraine na magka-hawak kamay sina Efren, Psych 2B at kablock nilang si Bianca habang tinitignan ang sea creatures sa tunnel...


MELANIE: Ayyy..ang sweet naman ng dalawang yan...

DESTINY: Uyy..na-iinggit si Melai..wala kasi si Aries...

MELANIE: Hoy! Hoy! Hoy! Destiny! Pwede ba! Si Jerome ang gusto kong makasama dito nuh! Lunurin ko pa dito sa tunnel yung Aries na yun!


Na-consciuos si Katie sa usapan tungkol kay Aries kaya iniba niya ang usapan...


KATIE: Uy, Lorraine.. di ba naging kayo muna ni Efren bago naging kayo ni Mark? Friends pa rin ba kayo ni Efren kahit na..nag-break kayo?

LORRAINE: Nung una medyo nagkakailangan pero nung tumagal OK naman na kami... Buti nga naka-move on na siya ngayon at may iba na siyang dini-date...


Sa tunnel din, may mga pagi (sting ray) na nage-exhibition ng langoy na tinuturuan ng isang diver...




CORRINE: Wow! Nakaka-amaze naman!

MIGUEL: Na-amaze ka na run, Corrine?

CORRINE: Ang galing kaya? Di ba kayo na-amaze sa exhibition ng sting ray?

MIGUEL: Maa-amaze ako kung naturuan ng diver yung mga isda na pumikit... :p

FELIX: Mas astig pag kumikindat-kindat pa yung mga isda.... :p


Pagkatapos sa Manila Ocean Park, tumungo naman sila sa MOA...Pagkadating ng MOA...


LORRAINE: Uy, guys...hiwalay muna ako sa inyo ah... Magkikita kami ni Mark ngayon dito eh...

CORRINE: Kayo ba, Katie...saan balak niyo? Pupunta kami nina Cherub sa Discovery Zone...

DESTINY: Kain muna kami... Sige kita na lang tayo sa shuttle mamaya... Lorraine, ikamusta mo kami kay Mark ah..

LORRAINE: Ok..


At nakapagsarili na nga sina Katie, Melanie, at Destiny...


KATIE: Yehey! Ililibre na tayo ni Melanie ngayon ng Sbarro! At last!

MELANIE: Naman naman kasi talaga eh! Yang Aries na yan puro kamalasan ang dinadala sa buhay ko!

DESTINY: Sa'yo yun! Sa amin ni Katie...swerte ang dulot sa amin ngayon ni Aries...


At nang papasok na sila ng Sbarro... Nagulat sila sa nakita...lalo na si Katie...


Magka-hawak kamay at naglalambingan pa na palabas ng Sbarro ang ex-bf ni Katie na si Iggy at ang girlfriend nitong Girlie...


Nagkagulatan at nagkatinginan sina Katie, Iggy at Girlie. Nagkahiyaan sina Katie at Iggy kaya yumuko sila pareho...


Pero binasag ni Girlie ang katahimikan...


GIRLIE: Ooooohhh....look who's here. What a small world naman. It's been a while, Katie, my friend...


Hindi alam ni Katie ang gagawin. Naghihimutok sa galit talaga siya kina Iggy at Girlie...


KATIE: Lord, please help me get through with this...


At dahil sa guidance na hiningi niya from above, naliwanagan siya sa kanyang gagawin...


Sinakyan ni Katie ang ka-plastikan ni Girlie...


KATIE: Uhm..yah. It's been a while since the last time we met... Wala ka pa ring pinagbago...maland---


GIRLIE: Maganda pa rin ako? (sabay tawang pa-sosyal) Thank you so much!


Ang sasabihin sana ni Katie ay "malandi ka pa rin" pero dahil nag-feeling si Girlie, pinagbigyan na lang niya ito...


KATIE: Yah..maganda ka pa rin..kaya nga ako pinagpalit ni Iggy sa'yo eh. Na-tempt siya sa kagandahan mo...

GIRLIE: (tawang pa-sosyal ulit) Buti naman alam mo...at aminado ka...

KATIE: Oo nga eh..sa ganda mong yan, pwede kang sumali sa mga beauty contest...

GIRLIE: Oo naman. Ang dami ngang nag-aaya sa akin na sumali sa mga beauty contest...

KATIE: Yah.. Sali ka. You have the looks....you have the charm...You have the glamour...You have what it takes to be the first "MISS UNDAS 2008 Beauty Pageant"


Tumawa naman sina Melanie at Destiny. Asar na tinignan ni Girlie sina Katie, Melanie at Destiny...


IGGY: Girlie. Wag ka nang gumawa ng eskandalo dito. Let's get out of here...

GIRLIE: No Iggy, hindi ako magpapatalo sa loser na 'to...

IGGY: Girlie! Tama na sabi! Ano b--

GIRLIE: Teka, Katie..ba't parang di mo yata kasama ang boyfriend mo? Or baka naman wala ka pa ring new boyfriend until now kasi di ka pa rin marunong humalik. Hahahahaahaha (tawang witch na yan)


Namula si Katie sa kahihiyan at natahimik... May mga ibang tao na sa Sbarro na tinitignan sila...


GIRLIE: O baka naman..umaasa ka pa rin na makikipagbaliakn itong si Iggy ko dahil mahal mo pa rin siya or umaasa ka na mahal ka pa rin ni---


At nagulat sila nang biglang may umakbay kay Katie...


Mas lalo namang nagulat si Katie nang nilingon niya kung sino ang umakbay sa kanya... si Aries pala ito...


ARIES: Sorry, hon, na-late ako (sabay halik kay Katie sa pisngi)


Natigilan si Katie...pati na rin sina Melanie at Destiny. Napanganga naman sina Girlie at Iggy kay Aries...


ARIES: Oh, ba't para naman kayong nakakita ng artista sa tingin niyong nyan.. :p

GIRLIE: B--boyfriend mo siya, Katie?


Di makasagot si Katie....kaya si Aries na ang sumagot...


ARIES: Oo...boyfriend ako ni Katie. Uhm,.. I hate to be rude but who the ruddy hell are you?


Di maikakailang na-mesmerize si Girlie nang todo kay Aries. Nalimutan niyang nasa tabi niya lang si Iggy na boyfriend niya kaya..


GIRLIE: Uhm. Hi, I'm single...

ARIES: Ano?! Single pangalan mo?!

GIRLIE: Ikaw naman, mapgbiro ka pala... I'm Girlie, Katie's friend...

MELANIE: Plastik friend ang sabihin mo!


At nilahad ni Girlie ang kamay niya para makipag-shake hands kay Aries..pero tinignan lang to ni Aries sabay...


ARIES: Ano yan?! (sabay tinitignan ang kamay ni Girlie na parang nandidiri)


Sa pagkapahiya, binaba na lang ni Girlie ang kamay niya...pero patuloy pa rin siyang nakatitig kay Aries...


At halatang nagseselos na si Iggy kaya...


IGGY: Girlie! Halika na at umalis na tayo dito!

GIRLIE: Manahimik ka dyan! Mauna ka na kung gusto mo!

ARIES: Ah, Miss Single, kung maaari, tumabi ka kasi nakaharang ka sa dinadaanan namin at nakakaistorbo ka sa date namin ng "hon" ko kaya kung maaari ulit sana ay umalis na kayo ng boyfriend mo kung aalis na kayo...


Biglang sumimangot si Girlie. Halatang naangasan ito sa inasta ni Aries...


GIRLIE: Aaaarrrgggh! Iggy! Let's go! LET'S GO!


At iritang umalis si Girlie kasama si Iggy. Habang naglalakad palayo...nililingon ni Iggy sina Katie at Aries. Nai-insecure ito na ang pinalit sa kanya ni Katie ay di hamak na mas gwapo sa kanya...


Nang tuluyan nang makalayo sina Girlie at Iggy...


ARIES: Hon, ok ka lang ba?!


Dun lang bumalik sa kamalayan si Katie..


KATIE: Hon?! Hon ka dyan! Di naman kita boyfriend ah!

ARIES: Aba..ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa may ganang magalit! Sino ba kasi yung mga yon?


Si Destiny na ang sumagot...


DESTINY: Ex ni Katie at ang demonyitang girlfriend ng ex niya... Grabe talaga, nililibak ng girlfriend si Katie. Nakita mo yung mukha nung girlfriend nang nagpanggap kang bf ni Katie? Na-starstruck siya sa'yo...

ARIES: Hayyy...ang hirap kasi sa babaeng yon, nakakita lang ng gwapong tulad ko eh naging "Single" na ang pangalan... :p


DESTINY: Yabang talaga nito!

ARIES: Honest lang..hehehe

KATIE: Aries...salamat nga pala...

ARIES: Ok lang yun... Nang maturuan ng leksyon yang ex mong walang kwenta...


At medyo nagkatinginan sina Aries at Melanie na nanahimik sa isang tabi. Halatang nagkakailangan pa rin ang dalawa.. Nag-iwas din sila ng tingin pagkatapos...


DESTINY: Nga pala, Aries, ba't ka nandito?


At biglang natahimik si Aries at parang nag-iba ang korte ng mukha. Lumungkot ito.


DESTINY: A-Aries? May problema ba?


ARIES: Huh? Wala...ano..uhm..kasama ko family ko. Birthday kasi ni Papa ngayon kaya kakain kami ngayon dito..

KATIE: Talaga, nasaan sila?


Ayaw pa sanang ituro ni Aries kung nasaan ang pamilya niya. Pero dahil nakatingin sa kanya sina Katie, Melanie at Destiny ay tinuro niya na rin..


ARIES: Ayun sila (sabay turo sa kaliwa). Sa may lalakeng naka-wheelchair...


At tinignan nila ang tinuro ni Aries. At nakita nila ang isang lalakeng naka-wheel chair (na nasa 40 na ang edad)kasama ang dalawang babae (na nasa mga 25 ang mga edad)


ARIES: Halikayo...pakilala ko kayo...


Tumalima naman sila kay Aries. Nang nasa mesa na sila...


ARIES: Ate Ariana...sina Katie, Melanie, at Destiny po, mga kablock ko sa UPEPP... Nga pala guys, (sabay tingin kina Katie)...kapatid ko, si Ate Ariana...


ATE ARIANA: Mga kaklase ba kayo ni Aries?

KATIE, MELANIE, DESTINY: Eh...opo...

ATE ARIANA: Ah.. I see... As Aries introduced me, ako ang ate niya pala ..ito nga pala ang Daddy Augusto namin.. (sabay turo sa lalakeng naka-wheel chair) at siya naman si Gelai (turo pa niya sa isa pang babae), caretaker ni Daddy...

KATIE, MELANIE, DESTINY: Uhm..hello po!

DADDY AUGUSTO: Hello!


Gustong matawa nina Katie, Melanie, at Destiny sa paraan ng pagkaka-"hello" ni Daddy Augusto ni Aries... Imagine-in niyo kung pano mag-hello si Mr. Bean...ganun na ganun...


Pero pinigilan nila ang sarili... At hinala nila, may sakit si Mang Augusto sa pag-iisip...


ATE ARIANA: Ganyan talaga ang Daddy pag nakikipagkilala...

MELANIE: Ah..ganun po...

KATIE: H--Happy Birthday po, Mang Augusto! Nasabi po ni Aries...

DADDY AUGUSTO: Thank you... (with Mr. Bean tone)


Parang gusto namang mahiya ni Aries...ngayon ay alam na nina Katie, Melanie, at Destiny ang lihim ng pamilya niya...na may sakita ang padre-de-pamilya nila...


Kaya yumuko na lang si Aries at nabalisa...


DESTINY: Uhm, sige po. Nice meeting po sa inyo.. Mauna na po kami..kakain pa po kami.. (sabay ngiti)

ATE ARIANA: Ay, teka.... Ang mabuti pa, saluhan niyo na kami dito sa pagkain. Sige na, upo na kayo dyan (sabay turo sa mga bakanteng upuan sa katabing table nila)

MELANIE: Ay, hindi na po.. Nakakahiya po...

ATE ARIANA: Sige na, huwag na kayong mahiya.. From what I've heard, kaya kami nilayasan ni Aries kanina pansumandali ay pupuntahan niya ang gf niya raw and I'm sure isa sa inyo ay gf ni Aries..


Namula sina Katie at Aries... Nangantyaw naman sina Melanie at Destiny...


KATIE: Hindi po..joke lang po yun... Tinulungan lang po ako ni Aries para anuhin yung ex ko...pero di po kami...


ATE ARIANA: O sige na..maupo na kayo dyan...at mamili na kayo ng order dyan sa menu...


Wala nang nagawa sina Katie, Melanie at Destiny kundi maupo sa kabilang table at umorder... Sina Aries naman ay nasa isang table...


Halatang medyo ilang si Aries sa presence nina Katie, Melanie, at Destiny...


Habang kumakain na sila ng pizza at lasagna...


ATE ARIANA: Kain lang kayo nang kain dyan ah. Order lang kayo kung gusto niyo pa. Wag kayong mahiya..


Ngumiti na lang silang tatlo kay Ate Ariana...


At bigla na lang...pinaglaruan ni Mang Augusto ang pagkain niya. Nilagay niya sa ulo niya ang lasagna... Agad naman itong tinanggal ng caretaker na si Gelai...


ATE ARIANA: Dad...hindi laruan yan...

MANG AUGUSTO: lARO...laro tayo...

ATE ARIANA: Dad..mamaya na tayo laro..kain muna tayo...nuh?


Bine-baby talk ni Ate Ariana si Daddy Augusto niya... Nang mapansing nakatingin sina Katie, Melanie, at Destiny...


ATE ARIANA: Pagpasensyahan niyo na ang daddy ah... Ganyan talaga siya pag tinotopak...


At bigla niyang kinausap si Daddy Augusto...


ATE ARIANA: Dad...sige..pag nagkulit pa kayo di na tayo maglalaro...

MANG AUGUSTO: Hindi! Laro tayo! Laro!

ATE ARIANA: Sige, maglalaro tayo..pero kainin niyo muna yan... Yan sarap 'to...


Sabay kinutsara ni Ate Ariana ang lasagna sa pinggan niya at isusubo kay Daddy Augusto..


ATE ARIANA: Here comes the airplane...Daddy..here comes the airplane... Open your mouth wide open...


Ngumanga naman si Dad Augusto at naisubo naman ang lasagna..


MANG AUGUSTO: Wow sarap! Sige..kain ako! One more..one more..


Pinapalitan nila sa waiter ang lasagna ni Daddy Augusto. At si Gelai na ang nagsubo ng lasagna kay Daddy Augusto...


ATE ARIANA: Nga pala, Aries.. After nito sumama ka na sa mga kaibigan mo... Di ba supposedly field-trip niyo ngayon?

ARIES: Pero paano si Daddy?

ATE ARIANA: Sige na..ako na bahala kay Daddy. Kami na ni Gelai magpapasyal sa kanya...


Nang matapos na kumain...


KATIE, MELANIE at Destiny: Thank you po sa food..

ATE ARIANA: Wala yun. Salamat din sa pagsalo niyo sa birthday ni Daddy...

MANG AUGUSTO: Ba-bye! Thank you! (boses Mr. Bean ulit...)

KATIE, MELANIE at Destiny: Bye po! Happy Birthday!

ATE ARIANA: Sige, mag-enjoy kayo. Aries...text na lang kita pag aalis na tayo..

ARIES: Sige, Ate..


At naghiwalay na sila ng landas... Nahihiya pa rin si Aries sa inasal ng daddy niya kanina...


Di rin nagsasalita sina Katie, Melanie, at Destiny... At parang nahuhulaan ni Aries ang nais nilang itanong kaya binasag niya na ang katahimikan...


ARIES: May Alzheimer's si Daddy...kaya pagpasensyahan niyo na kung ba't ganun siya...

KATIE: Ok lang yun...

ARIES: Pero alam niyo, kahit ganun si Dad, mahal na mahal namin siya ni Ate Ariana... Nagkaganyan lang siya mula nung iwan kami ni Mommy nung bata pa ako...


At naaala ni Melanie ang kinuwento ni Aries


FLASHBACK...



Nakakulong sina Melanie at Aries nun sa Clark Police Station dahil sa overspeeding... At habang nasa kulunga sila, napag-usapan nila ang pamilya ni Aries...


MELANIE: Eh, nasaan ang mommy mo?

ARIES: Wala na akong mommy... Iniwan niya kami noong 8 years old ako...dahil sa ibang lalake...



BACK TO PRESENT...


DESTINY: Sorry to hear about that, Aries...

ARIES: Ok lang. Noon kasi nahihiya ako sa sinapit ni Daddy... Napaka-rare kasi na at his young age, magkaka-Alzheimer's siya..pero tinanggap na rin namin ni Ate at mas lalo pa namin siyang minahal...


DESTINY: Nga pala, Aries. Salamat sa food ah. Dapat kasi yung isang tao yung nanlibre sa amin eh!


Nanatiling tahimik si Melanie...


ARIES: Huh? Bakit? Sino ba dapat manlilibre sa inyo?


At ipinaliwanag ni Katie ang naging pustahan nila..


ARIES: Ang sama niyo ah. Ako pala pinagpustahan niyo ah...

KATIE: Eh, tutal, nailibre na tayo ni Aries ng Sbarro.. Sige, Melanie, patawarin mo na si Aries..dahil sa kanya you don't need to treat us anymore...

MELANIE: Ehh...naman eh...

DESTINY: Sige na, Melai. Ito naman...

* MELANIE: Please...guys!

* ARIES: Sige na.. Nauunawaan ko naman na hindi ganun kadali para sa'yo Melanie na patawarin ako dahil sa nagawa ko...

* MELANIE: ...

* ARIES: ... *sigh*

* DESTINY: O sige na, tama na ang drama. Ang mabuti pa mag-ice-skating na lang tayo oh! Dali oh..nandun din yung iba nating kablock!


At nagpunta nga sila sa ice skating rink... At nag-ice skating sila kasama ang iba pang Psych 2A at 2B...


Habang naga-ice skating sina Katie at Aries...


KATIE: Oo nga pala. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kina Iggy at Girlie kanina...

ARIES: Ok lang yun... Nakita mo ba yung mukha ng ex-bf mo. Na-insecure sa akin...

KATIE: Oo na..gwapo ka na kasi!


At sa di kalayuan ng ice skating rink...di alam nila alam nina Katie at Aries na nagmamasid sa kanila sina Iggy at Girlie...


IGGY: Ano ba, Girlie?! Ba't ba sunod ka nang sunod dyan kina Katie?!

GIRLIE: Duda akong magboyfriend yang Aries at Katie na yan eh... Feeling ko nagpapanggap lang silang dalawa para pagselosin tayo eh...

IGGY: It's none of your business kaya umalis na tayo dito!

GIRLIE: No! (at sinundan niya ng tingin si Aries na masayang nakikipagtawanan kay Katie)


At kinuha ni Girlie ang cellphone niya at may tinawagan..


GIRLIE: Hello, Eunice, my cousin. Kumusta na?

EUNICE: Oh, napatawag ka, Ate Girlie...

GIRLIE: Di ba sa UP Clark ka nag-aaral nagyon?

EUNICE: Oo, pinsan..bakit naman?

GIRLIE: May papabantay sana ako sa'yong mga tao dun sa UP Clark...


TO BE CONTINUED...