Monday, March 9, 2009
Episode 31: Rebound
Dahil sa dami ng problema sa pag-ibig, naisipan ni Katie na dumulog sa Diyos tulad ng dati nung kay Iggy siya namomroblema...
Dinalaw niya ang tiya niyang si Sister Catherine sa Carmelite Missionaries Convent sa QC...
Sa garden ng kumbento nagkita sina Katie at Sister Catherine.
Pagkakita kay Sister Catherine, agad na umiyak si Katie sa harap nito at niyakap. Inaalo naman siya ng tiyahing madre...
KATIE: Tita (hikbi) Wala na ba akong karapatan pang lumigaya sa pag-ibig? Akala ko...si Aries na eh..yun pala..isa rin siya sa makakasakit sa akin...T---ttiiittaaaa... (hikbi ulit)
SISTER CATHERINE: Katie, iha. May rason ang Diyos kung bakit nangyayari sa iyo yan. Masakit pero kailangan mong kayanin at tanggapin...
KATIE: Tita, dalawang beses na kong nasaktan...una kay Iggy..tapos ang akala kong papawi ng sakit na nadarama ko kay Iggy...sasaktan din pala ako... Di ko na po kaya ang pighating ito...
SISTER CATHERINE: Iha..ganyan talaga pag nagmamahal ka. Di maiiwasan ang masaktan ka at mahirapan. Isipin mo, lahat ng mga santo, nasaktan at dumanas ng hirap alang-alang sa pagmamahal nila sa Diyos. Nakayanan nila ang sakit at hirap at naging santo. Ikaw rin...kaya mo yan!
KATIE: Ganun? Kakayanin ko ba talaga? Magiging santo rin ba ako pag nakayanan ko?
SISTER CATHERINE: (medyo natawa) Di ko naman ibig sabihin na magiging santo o santa ka. Di naman bagay pag nakalagay picture mo sa novena booklets tapos pose mo dun pang-Friendster?! Di ba? :p
Nagtawanan ang mag-tiya...pero mahina lang dahil bawal ang mag-ingay sa kumbento.
At kahit paano, nabawasan ang dinadamdam ni Katie sa kanyang puso dahil sa pakikipag-usap sa tiyahing madre...
******************
GOOD NEWS CANTEEN OPEN! (post na nakalagay sa isang building ng UPEPP)
Sa wakas, makalipas ang halos isang taon ay nagkaroon na rin ng permanent canteen ang UPEPP. Kaya "good news" ito sa mga UPEPP pipz...
Pinagamit na "ulit" bilang canteen ang naka-tenggang building ng UPEPP...kaya madalang na ang pagpunta ng mga estudyante sa Coffee Academy... :p
Sa labas ng canteen, naglalakad ang Hotel Lakandula dormers...
ADAN: Tingin ko, pari ang may-ari ng bago nating canteen...
GLENNLLOYD: Bakit mo naman nasabi?
ADAN: Di ba "Good News" pangalan ng canteen natin :p (joke yan..matawa kayo..hahaha)
LAHAT: Hahahahaha!
May naka-park din na van sa labas ng canteen...
JR: Meron pang isang katibayan kung bakit tama si Adan na pari ang may-ari ng bago nating canteen...
DOMENG: Ano naman yun?
JR: Tignan niyo yung van ng may-ari oh...ang tatak ay.... "Safari"... (joke ulit yan.tumawa ulit kayo..hahahaha)
LAHAT: Hahahahaahaha...
Sa loob naman ng canteen, mag-isang kumakain si Katie. At bigla siyang nilapitan ni Kuya Karlo...
KUYA KARLO: Oi, Katie..pwedeng makiupo? Wala na kasing ibang maupuan...puno eh..
KATIE: Sure, Kuya Karlo...upo ka lang dyan..
Umupo si Kuya Karlo at nagpatuloy sila sa pagkain...makalipas ang ilang minuto, sinimulan ni Kuya Karlo ang usapan..
KUYA KARLO: Nga pala..ba't di mo kasama si Aries?
Nabitawan ni Katie ang tinidor na hawak niya at bumagsak ito sa pinggan at tumunog ito nang malakas.
KUYA KARLO: Katie, bakit? May problema ba?
KATIE: Kuya...break na kami ni Aries...
Nagulat si Kuya Karlo...
KUYA KARLO: Ha? Kelan pa? Tsaka bakit?
KATIE: Basta..mahabang kuwento...ayun...
KUYA KARLO: Sorry to hear about that..
Pero sa loob-loob ni Kuya Karlo...
KUYA KARLO: Hehehehehe...Ano ka ngayon, Katie...nag-break din kayo ni Aries sa wakas...sa hiwalayan din kayo napunta..Sa wakas..makaka-iskor na ko kay Aries ngayon.. bwahahahahahahahaha!
Kinausap naman ni Katie si Kuya Karlo...
KATIE: Ok lang yun, Kuya. Friends pa rin naman kami kahit na nagdecide kaming maghiwalay... (labas sa ilong)
KUYA KARLO: Ganun? Hayaan mo...may makikita ka ring ibang lalake. Makipag-date ka sa iba...at ide-date ko naman si Aries...
KATIE: Ano?!
KUYA KARLO: Ah...eh...ano...kwan...ang ibig kong sabihin 'eh...March 24 date ng birthday ko..kaya Aries ang zodiac sign ko..Gift ko ah...heheheehhehe (pinagpapawisan ng malamig)
KATIE: Talaga lang ah...
KUYA KARLO: Oo nuh! Lalake ako nuh!
KATIE: (pabulong) Lalake ang hanap ang sabihin mo.. :p
*****************
Papuntang laboratory si Katie nang bigla niyang makasalubong si Aries...
ARIES: Katie! (sabay ngiti) :)
Ngunit pagkakita kay Aries, agad na yumuko si Katie at nagpatuloy sa paglalakad...
Di niya pinansin ang pagngiti ni Aries sa kanya...
ARIES: ???
Pagpasok ng laboratory, pinuntahan niya agad si Melanie...
KATIE: Kumusta lab work last meeting? Sensya na..di ako nakapasok nun..
MELANIE: Ok lang...hinayaan ako ni Ma'am na tulungan ako ni Aries...ayun..kaya nakaya...
Natahimik si Katie. May kung anong kurot ng selos ang nadama niya pagkasabi ni Melanie...
MELANIE: Katie?
KATIE: Ganun ba? Buti naman... Sige, halika, simulan na natin yung labwork ngayon...
******************
Sa Hotel Lakandula, napansin at ipinagtataka ng mga dormers ang kakaibang sweetness nina Aries at Melanie: sabay na kumakain sa cafeteria, laging solong nag-uusap sa veranda at nagja-jamming, medyo nagkukulitan pag nag-aaral ng sabay sa table lounge...
Hindi lang si Katie ang lihim na nagseselos sa sweetness ng dalawa...nagseselos pati na rin si Kuya Karlo...
KUYA KARLO: Hmmpph! Nag-break nga sina Katie at Aries pero itong si bruhildang si Melanie naman ang umeeksena sa Aries ko! Ay puta?!
At isa pa, napansin din ng dormers ang madalas naman na pagsasama nina Katie at Vomer...
Isang gabi, nag-uusap sina Katie at Vomer habang kumakain sa cafeteria ng Hotel Lakandula...
VOMER: Alam mo, Ate Katie, pag daw nagmahal ka ng taong nasaktan dahil sa pag-ibig, makakasiguro kang di ka sasaktan ng taong ito...
KATIE: Bakit naman?
VOMER: Dahil alam niya kung gaano kasakit ang feeling ng masaktan...kaya di niya magagawang manakit din ng ibang damdamin...
Natigilan si Katie...at napakwento naman si Vomer...
VOMER: Nagka-girlfriend ako nung high school ako. Pero yung girlfriend kong yun, ginawa lang akong "rebound." Panakip-butas kung baga sa nakahiwalayan niyang ex-boyfriend. Akala ko mahal niya talaga ako...pero nung nakikipagbalikan ex niya..ayun..mas pinili niya yun kesa sa akin...naghiwalay kami...
Mataman namang nakikinig si Katie...
VOMER: Sobrang sakit sa akin nun...kaya "Katie"...kung sakali mang payagan mo kong pumasok dyan sa puso mo...hindi-hindi ko hahayaang masaktan kang muli...hinding-hindi kita sasaktan...
Nagulat si Katie sa sinabi ni Vomer... pero napangiti na rin pagkatapos...
Pagkatapos kumain, paakyat na ng hagdan sina Vomer at Katie nang biglang...
ALING ESTER: Katie, iha..maaari ba kitang makausap?
KATIE: Sige po, Aling Ester...
Nauna nang umakyat si Vomer, at umupo sina Katie at Aling Ester sa isang table sa cafeteria...
ALING ESTER: Nasabi na ng pamangkin ko sa akin ang nangyari sa inyo...
Tikom lang ang bibig ni Katie...
ALING ESTER: Kinausap kita nun...na baka ginagawa ka lang panakip-butas ng pamangkin ko at binalaan na masasaktan ka lang...yun pala...magkasabwat kayo...pagpapanggap lang pala ang "relasyon" niyo ni Aries...
KATIE: Tama po kayo...
ALING ESTER: Bakit ka naman pumayag, iha na sumangkot sa pekeng relasyon ninyo ha?
KATIE: May usapan po kami ni Aries nun...at siya po ang nagpakana ng lahat ng ito...
ALING ESTER: Anong usapan?
KATIE: Sa amin na lang po iyo ni Aries, Aling Ester. O di kaya po..siya na lang po ang tanungin niyo...
ALING ESTER: Nag-aalala si Aries sa iyo. Nitong mga huling araw daw, parang di mo na siya pinapansin...iniiwasan mo raw siya pag nakakasalubong sa corridor ng school niyo.. Baka raw naapektuhan ka sa hiwalaya---
KATIE: Ang feeling ng pamangkin niyo ah! (medyo galit na siya at pasigaw) Aling Ester, pakisabi kay Aries na maluwag at maayos kong tinanggap sa sarili ko nang sabihin niyang itigil na ang pagpapanggap namin. Hindi ako apektado kung sila na ni Melanie kasi wala akong nararamdaman para sa kanya at di ko siya mahal...
Sa init ng ulo at galit, nag-walk out si Katie. Tumayo siya at tinalikuran si Aling Ester.
Nagulat siya dahil pagkalingon niya sa hagdanan na aakyatan niya na sana, nandoon si Kuya Karlo...at sa ekspresyon ng mukha nito na medyo gulat, malamang narinig niya ang usapan nila ni Aling Ester...
TO BE CONTINUED...
Sunday, March 1, 2009
Episode 30: Chemicals React
Kinuha ni Katie ang panyong inio-offer sa kanya ni Vomer...
KATIE: Salamat...
At pinampunas na ni Katie ang panyo sa luha niya....at dahil di nakapigil, siningahan na rin ito ni Katie ng sipon... :p
KATIE: O, Vomer...ito na ang panyo mo. Salamat. (binabalik na niya yung panyo kay Vomer)
VOMER: (medyo nandidiri) Ah...eh...sa'yo na 'yan..belated Christmas gift ko na yan sa'yo.. :p
At umupo si Vomer sa tabi ni Katie...
VOMER: Ate Katie...may problema ka ba?
Bumuntong-hininga si Katie. Di niya alam kung sasabihin niya ba kay Vomer ang problema o hindi...pero...
KATIE: Tapos na kami ni Aries....
Nagulat si Vomer sa sinabi ni Katie. Pero patuloy si Katie sa pagsasalita...
KATIE: Tapos na ang palabas namin...tapos na ang dalawang buwan kong binuhay sa pantasyang alam kong di magkakatotoo...
Kumunot ang noo ni Vomer dahil di niya maintindihan ang mga pinagsasabi ni Katie...
KATIE: Hindi totoong "kami" ni Aries. Nagpanggap kami dahil may kailangan kami sa isa't-isa. In short, nag-gamitan lang kami... Ngayong nakuha na niya ang kailangan niya...ayun...tapos na ang palabas namin...
Pinaliwanag ni Katie kay Vomer ang lahat-lahat ng detalye ng kanilang pagpapanggap ni Aries...mataman namang nakikinig si Vomer...
VOMER: Ibig sabihin...hindi totoong "kayo" ni Kuya Aries?
KATIE: Umasa ako na sa pagpapanggap namin...baka sakali...sakali lang naman...mahalin niya rin ako...ang tanga ko lang, naging "assuming" ako...Pero may kasalanan din naman si Aries kung bakit umasa rin ako...naging "pa-fall" naman si Aries...
VOMER: Alam ba ni Kuya Aries ang...ang nararamdaman mo sa kanya?
KATIE: Manhid yun eh...malamang hindi...Vomer...sana huwag mong sabihin sa kanya itong napag-usapan natin...
Tumayo bigla si Vomer...at...
VOMER: Galit ka ba kay Aries? Kung galit ka....ibuhos mo sa akin ang galit mo sa kanya...Saktan mo ko...dali! Saktan mo ko...
KATIE: Vomer...
VOMER: Bilis...saktan mo ko. Suntukin mo ko...hampasin mo ko. Sa akin mo ibuhos ang galit mo sa kanya...
KATIE: Ayoko...di ko magagawa yun sa'yo...hindi ka naman si Aries...
VOMER: Hindi mo ko magawang saktan...dahil di ako si Aries...at di ako si Aries...kaya di mo rin ako magawang mahalin...
Natigilan sina Katie at Vomer. At nagkatingan sila...
VOMER: Katie, hindi ka nawalan...nandito pa ako...
*****************
Chem 16 LAB na ng Psych 2A. Lab partners sina Katie at Melanie... Nahalata ni Melanie na wala sa mood si Katie habang gumagawa sila...
MELANIE: Katie, ok ka lang ba?
KATIE: Melai...medyo masama pakiramdam ko ngayon. Pwedeng ikaw muna gumawa ng lab work natin ngayon?
MELANIE: Ha? Bakit? (hahawakan sana ni Melanie ang noo ni Katie pero pinigilan ito ni Katie)
KATIE: Uuwi na ko sa Hotel Lakandula, Melai. Sensya ka na talaga..
MELANIE: Sige, uwi ka na...magpahinga ka na..
Lumabas ng lab si Katie. Nakatayo naman sa di-kalayuan si Aries kaya nakita niyang lumabas ng lab si Katie. Di naman siya nakita ni Katie...
Pumasok ng laboratory si Aries. At nilapitan niya si Melanie...
Di naman alam ni Melanie ang sasabihin kay Aries. First time nilang maghaharap mula nang umamin si Aries sa kanya...
MELANIE: A--anong ginagawa mo dito?
ARIES: Wala...binibisita ka lang...wala pa naman prof niyo eh...
MELANIE: Parating na yun...kaya umalis ka na muna...
ARIES: Napansin kong ikaw na lang ata rito ang wala pa ang laboratory partner...
MELANIE: Si Katie lab partner ko...umuwi na..masama raw pakiramdam...
Natigilan si Aries. Naalala niya ang pag-uusap nila ni katie kanina na itigil na ang pagpapanggap nila. At ang paglabas ni Katie sa lab kanina...
ARIES: Nga pala...nakapag-usap na kami ni Katie na ititigil na namin ang pagpapanggap namin...
MELANIE: Ano?!
At bigla na lang, pumasok si Ma'am Fermions...at nagsimulang magpaliwanag ng gagawing lab experiment. Di niya napansing nasa loob pa si Aries...
MA'AM FERMIONS: Ngayon class...we will do an experiment involving endothermic reaction. An endothermic process or reaction absorbs energy in the form of heat. Any one who can give me examples of endothermic processes?
Nagtaas ng kamay si Aries. Nagulat naman si Ma'am Fermions dahil ngayon lang niya nakita ito sa klase niya...
MA'AM FERMIONS: Estudyante ba kita?
ARIES: Ma'am...sit in lang po ako for this day. Wala pong lab partner si Melanie..so kung papayagan niyo po na ako muna ang maging lab partner niya ngayon...
MA'AM FERMIONS: Bakit, nasaan si Katie, Melanie?
MELANIE: May sakit daw po eh. Pero Ma'am..di ko nirequest na maging lab partner itong unggoy na 'to (sabay palo kay Aries). Bigla na lang sumulpot yan dito... Pilingerong estudyante niyo...
MA'AM FERMIONS: Hayaan mo na. Ngayon lang naman siya di ba? Tsaka in this experiment, kelangan talaga ng may katulong so it's good na nandito ang kaibigan mo para tulungan ka...Ok, iho...you can give your answer to my question...
ARIES: Examples of endothermic processes include the melting of ice and the depressurization of a pressurized can. In both processes, heat is absorbed from the environment.
MA'AM FERMIONS: Ok..tama. Pero the safest endothermic reaction is the reaction between citric acid and baking soda. But ngayon, ang gagawin natin ay ang reaction Solid barium hydroxide with solid ammonium thiocyanate. It will produce barium thiocyanate, ammonia gas, and liquid water. Class, ingat lang kasi the reaction produced is cold enough to give you frostbite, so be careful! So buksan niyo na ang Chem Lab books niyo and begin...
At nagsimula na silang gawin ang experiment. Nagugulat pa nga si Melanie dahil mas mukhang alam pa ni Aries ang gagawin...
Click PLAY to hear the song playing... Bagay na bagay sa Chem 16 class yung kanta..hehehe
Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com
SmartLyrics | Chemicals React
Habang hinahalo ni Aries yung solution, nilapitan sila ni Ma'am Fermions...
MA'AM FERMIONS: Iho...have you taken Chem 16 before? Parang gamay mo na yung experiment ah...
ARIES: Opo Ma'am. Transferee po ako from UP Diliman. Dun ko po kinuha Chem 16. Industrial Eng'g po kasi course ko nun...
MA'AM FERMIONS: Ah..Naku, Melanie. Mukhang mataas makukuha mo ngayon sa experiment na 'to...pasalamat ka sa partner mo...Bagay kayo...kinikilig ako sa inyo...
Namula na lang sina Melanie at Aries sa sinabi ni Ma'am Fermions.
MELANIE: Naku naman 'to si Ma'am eh! Lango siguro 'to sa barium nitrate kaya kung anu-ano nasasabi! Grrr...
Lihim namang napapangiti si Aries...
Samantala, nag-aabang ng jeep si Katie sa waiting shed ng UPEPP. Nagulat siya nang biglang tumigil sa harap niya si Vomer na nakasakay sa bike...
VOMER: Uuwi ka na ba? Angkas ka na!
KATIE: Vomer? Di ba yan yung bike ng anak ni Aling Ester?
VOMER: Oo..hiniram ko muna.. Sakay ka na..
Biglang may naalala si Katie...naalala niya nung si Aries ang nag-aaya sa kanya na sumakay sa motorsiklo nito...
At parang nabasa naman ni Vomer ang iniisip ni Katie...
VOMER: Naalala mo na naman si Kuya Aries nuh? At yung motor niya. Wag mong ismolin to! Mas mabilis pa to sa motor ni Kuya Aries...
Napangiti na lang si Katie...at umangkas na siya sa likod ng bike...pagkaupo ni Katie sa angkasan...
VOMER: Ito na po...UP UP and AWAY....Broom! Broom! Broom...!!!
At pinaandar na ni Vomer ang bike. Natatawa naman si Katie dahil sa "broom..broom" sound na ginagawa ni Vomer para pagmukhaing motor ang sinasakyan nilang bike... At binaybay nila ang daan ng Clark...
Tawa nang tawa sina Vomer at Katie nang makarating sa Hotel Lakandula...
KATIE: Ano, Vomer..napagod ka nuh?!
VOMER: Oo...ang bigat mo pala!
KATIE: Ang kapal naman nito!
VOMER: Joke lang...ikaw naman. Di na mabiro!
KATIE: Vomer..salamat nga pala sa ride... Sa totoo lang...pinasaya mo ko ngayon. Sobra...
VOMER: Ganun..buti naman at kahit paano napasaya kita... At kahit sandali...napawi ko ang kalungkutan mong idinulot ni Kuya Aries sa'yo....
Nasa kwarto na niya si Katie nang biglang may narinig siyang tunog ng motorsiklo. Indication iyon na dumating na si Aries...
Humiga si Katie sa kama niya at nagkumot... Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila at nakitang papasok dun si Melanie kasama si...
KATIE: Aries?
MELANIE: Katie..gusto ka raw kausapin ni Aries...maiwan ko muna kayo...
At lumabas si Melanie ng kwarto at sinara ang pinto...
ARIES: S-sabi ni Melanie masama raw pakiramdam mo kaya di ka nakapasok kaninang Chem niyo?
KATIE: Oo...
ARIES: Tungkol nga pala sa pagpapanggap natin...nasabi ko na kay Melanie na ititigil na natin iyon...
KATIE: Talaga?! Good! So official na ba na ititigil na natin?
ARIES: Pero Katie baka naman...
KATIE: Baka naman ano? Na nasasaktan ako? Aries...ano ka ba...hindi nuh. Wala akong pagtingin sa'yo nuh. Ba't naman ako masasaktan...
Nakaramdam ng kirot sa puso si Katie sa pagsisinungaling nyang iyon...
KATIE: Good luck nga pala sa panliligaw mo kay Melanie... I'm soooo happy for you... (labas sa ilong na pagkakasabi ni Katie). Sige na, Aries. Magpapahinga pa ako...
Lumabas na ng kwarto si Aries...nagtalukbong naman ng kumot si Katie...
KATIE: Aries...magmula ngayon...kakalimutan na kita... I will let go my feelings for you...masakit alam ko...pero kakayanin ko...

Subscribe to:
Posts (Atom)