Sunday, February 22, 2009

Episode 29: Almost Lover

ARIES: Ikaw ang tunay kong mahal...


Pagkasabi nun, hinawakan ni Aries ang kanang kamay ni Melanie na nakapatong sa mesang pinagkakainan nila at marahang pinisil...


ARIES: Noon, matagal din akong nag-alangan kung mahal nga ba kita...pero ngayon, alam ko na ang tanging ibinubulong ng puso ko na handa ko nang ipagsigawan sa buong mundo...na masaya ako dahil mahal kita...


Natigilan si Melanie...at bigla na lang tumayo si Aries at naglakad palayo....


Pinagtitinginan si Aries ng mga high school classmates ni Melanie...



Makalipas ang ilang oras, binabaybay na ni Aries lulan ng motorsiklo niya ang kahabaan ng EDSA. Iniisip niya pa rin ang mga sinabi niya kay Melanie...


"Alam ko na ang tanging ibinubulong ng puso ko na handa ko nang ipagsigawan sa buong mundo...na masaya ako dahil mahal kita..."


Napangiti si Aries habang inaalala iyon...


ARIES: Ganun pala ang nagmamahal. Masaya ako...masaya ang psuo ko...at kung sakali man..handa na akong masaktan sa hinaharap. Mas mahalaga ang nagyon...basta ngayon...masaya ako...dahil si Melanie ang tinitibok ng puso ko...


********

Sa bus naman na sinasakyan naman nina Melanie pauwi, iniintriga siya ng mga kaklase niya...


KLASMEYT 1: Ba't naman umalis na yung bf mo? LQ kayo nuh?

MELANIE: Pwede ba...hindi ko BF yun!

KLASMEYTS: Hooo! Kunwari ka pa!


At nagulat ang lahat nang biglang sumigaw si Jerome...


JEROME: Ang iingay niyo ah! Nakakahiya kayo! Nasa public vehicle tayo tapos ganyan kayo kaiingay! Magsitahimik nga kayo!


Natahimik na ang lahat pero tinignan nila ng masama si Jerome...


Naiirita kasi si Jerome pag kinakantiyawan si Melanie kay Aries...dahil parang may "iba" siyang nararamdaman...


JEROME: No. I can't be jealous....


Magkatabi naman sa bus sina Melanie at Regina...


REGINA: Ano bang nangyari dun sa Aries na yun at bigla na lang umalis?

MELANIE: Naku, Gina...napakahirap ikwento...


Pero kinuwento ni Melanie ang mga rebelasyon ni Aries...


REGINA: Ano?! Nagpapanggap lang sila ni Katie na "mag-on" sila?! At...at...oh my god..ikaw ang mahal ni Aries?!


Tumango na lang si Melanie...


REGINA: Naku...sinasabi ko na nga ba...sa mga ikinikilos kanina ng Aries na yun...alam na!


Biglang may narinig si Melanie na harurot ng motorsiklo...kaya napatingin siya sa bintana ng bus...nagbabaka-sakali siyang si Aries iyon...


REGINA: Oh, feeling mo naman si Aries mo yun!


Hindi si Aries ang nasa motorsiklong nakita nila...


REGINA: Oh, ngayong umamin na yang Aries na yun sa'yo...ano na bang status niya...may pag-asa ba siya sa'yo?

MELANIE: Ewan ko, Gina...naguguluhan ako...

REGINA: Naguguluhan saan?


Di makasagot si Melanie. Paano'y di niya alam ang isasagot...pero si Regina na ang sumagot sa ikinagugulo ng damdamin ni Melanie...


REGINA: Naguguluhan ka between Aries at Jerome? Tama ba ako?


Di umimik si Melanie kaya nagpatuloy si Regina...


REGINA: Alam mo besfren, kung ako lang sa'yo...kakalimutan ko na si Jerome. Matagal na namang halata na wala siyang pagtingin sa'yo...pero may itinatago ka pa ring pag-asa dyan sa puso mo na sana...mapansin ka niya...


MELANIE: Pero, Gina---


REGINA: Ito namang si Aries...ginawa ang lahat ng magagawa niya mapansin mo lang..pero ikaw lang ang bumabalewala sa kanya. Subukan mong bigyan ng chance si Aries, Melai.


Napaisip si Melanie sa mga sinabi ni Regina...


At somehow, parang nagkakaroon na rin siya ng "kakaibang pagtingin" kay Aries...pero di niya ma-verbalize sa sarili niya kung "love" nga ba iyon....o gutom lang. :p Naguguluhan pa rin siya...


********

JANURAY 6, 2009...BACK TO UPEPP na...Nasa Flints sina Destiny at Lorraine. May sorbetero doon...


DESTINY: Hay...it's so nice to be back in school after the long Xmas break. Makikita ko na ulit ang crush ko!

LORRAINE: Naku 'tong si Des! Crush ang inaatupag! May bf ka na uy!

DESTINY: Lorraine, crush lang naman eh!


At biglang may freshie na lalake na bumili ng ice cream sa sorbetero...


DESTINY: OMG! Si Marco!


At "tinitigan" ni Destiny si Marco...


LORRAINE: Hoy, Destiny! Baka matunaw naman!


Napatingin si Marco sa kanila dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Lorraine. Napa-blush tuloy si Destiny...


LORRAINE: Ah..eh...ang ibig kong sabihin...baka matunaw yung ice cream... :p


Samantala, pumasok si Eunice sa UPEPP na may saklay pa at mga benda sa kamay at paa...


Di pa rin magaling ang mga pilay na tinamo niya sa cheering na ginawa nila ng friends niya para kay Aries (see Episode 25)...


Sa pagpasok ni Eunice sa entrance ng UPEPP, may lalakeng maitim ang sumalubong sa kanya...


LALAKE: Hi Eunice...How's your Christmas? Tara alalayan na kita... (at akmang kukunin na niya ang bag ni Eunice)

EUNICE: Teka..teka..teka...Celestino...nagpapacute ka ba sa akin at nanliligaw?


Ang lalakeng maitim na yun ay si Celestino, masugid (at tanga) na manliligaw-con-alalay ni Eunice...


CELESTINO: Uhm...parang ganun na nga...

EUNICE: At teka...di ba matagal ko nang sinabi sa'yo na itigil mo yang panliligaw mo kasi naiirita ako sa'yo! Get out of my way!


At nagmadaling lumayo si Eunice pero dahil may saklay ito, nahabol siya ni Celestino...


CELESTINO: Eunice...please give me another chance!

EUNICE: Ano ba! I said get out out of my way! Ayoko sa'yo! Sa twing magkasama tayo para lang akong may kasamang anino sa sobrang itim mo! Ulikba!


Just then, pumasok sa entrance si Aries kaya nilapitan ito ni Eunice..


EUNICE: Tsaka may boyfriend na ako! Siya! (sabay hawak sa braso ni Aries) Si Aries! Kaya tigilan mo na ako! Leave us alone!


Nagtataka naman si Aries sa mga nangyayari. At bigla na lang, dinuro ni Celestino si Aries...


CELESTINO: Humanda ka, pare! Di kita patatahimikin hangga't di ko nakukuha sa'yo si Eunice ko...


At lumabas na ng UPEPP si Celestino...


At bayolenteng at biglaang kinalas ni Aries ang braso niya sa pagkakakapit ni Eunice na muntik nang ika-out of balance ni Eunice...


ARIES: Ano bang kagaguhan yon ah!?!

EUNICE: Sorry naman, Aries. Eh kasi...yung admirer kong yun...kinukulit ako! Ayoko sa kanya...

ARIES: Ganun ba? Naku...kung ako sa'yo...sagutin mo na lang yung admirer mong yun! Bagay naman kayo eh! Gatas at kape...perfect combination! :p

EUNICE: Naman 'to eh! (sabay hampas kay Aries)

ARIES: Aba! Kung makahampas ka akala mo close tayo ah!

EUNICE: Di lang tayo "close"...beacuse we're "closer"...and will be even "more closer"...


Sabay mahigpit na niyakap ni Eunice ang kanang braso ni Aries na agad namang kinalas ni Aries...


ARIES: Eunice! Alam kong sa ospital ka na nag-Christmas at New Year kaya wag mong hayaan na pati Valentines mo eh sa ospital ka na rin mag-celebrate...


EUNICE: Ok lang...makakasama naman kita sa ospital kung sakali man. Member ng frat sa Holy Angel (isa pang university sa Angeles) yung Celestino na yun. May brods din siya dito sa UPEPP at tiyak na ipabubugbog ka nun...and we will celebrate our Valentines together sa opsital...


Iniwan na pala ni Aries si Eunice habang nagsasalita ito kaya pagkatapos magsalita ni Eunice...wala na si Aries... :p


Mula sa parking lot ng UPEPP, natanaw ni Aries si Katie na mag-isang kumakain sa Coffee Academy kaya pinuntahan niya ito...


ARIES: Katie...


Napalingon si Katie..


KATIE: Oh, Aries...upo ka...


Umupo si Aries sa upuan sa tapat ni Katie...


ARIES: Nagkita na ba kayo ni Melanie?

KATIE: Ah..eh...hindi pa. Baka mamaya pa yun. Nga pala, speaking of Melanie...kumusta nga pala nung Sabado ang Star City? Di man lang kayo nagkukwento sa akin...


At biglang humina ang boses ni Katie na parang may itinatagong lungkot sa sasabihin...


KATIE: Ano? Diniskartehan mo na ba si Melanie? Ha, Aries?


Di makapagsalita si Aries...


KATIE: Aries, may problema ba?

ARIES: May gusto sana akong sabihin sa'yo...

KATIE: Sabihin mo...ano ba yun?


Bumuntong-hininga muna si Aries bago magsalitang muli...


ARIES: Inamin ko na kay Melanie na..na...nagpapanggap lang tayo...Inamin ko na rin sa kanya na mahal ko siya...


Di alam ni Katie ang sasabihin...di niya alam kung ngingiti ba siya o mananatiling walang emosyon...


Pero ngumiti na rin si Katie...kahit pilit na ngiti..


KATIE: Talaga? Tapos? Ano sabi niya?

ARIES: Di ko alam...umalis na kasi ako bigla pagkaamin sa kanya...

KATIE: Ganun? Bakit naman?


Pero di na sinagot ni Aries ang tanong ni Katie...sa halip...


ARIES: Katie, di ba yung usapan natin dati...na kapag nagbati na kami ni Melanie...ititigil na natin ang pagpapanggap natin...?



Napakagat ng labi si Katie...dumating na nga ang araw na kinatatakutan niyang mangyari...


Di na kailangan pang sabihin ng diretso ni Aries ang lahat. Naunawaan na ni Katie ang gustong sabihin ni Aries...


KATIE: Salamat sa lahat, Aries. Good luck sa mga hakbangin mo ngayon para kay Melanie...


At tumayo si Katie sa kinauupuan niya at nagsimulang maglakad palabas ng Coffee Academy...


Click PLAY to hear the song playing. Madrama yung kanta at bagay sa eksenang ito kaya pakinggan niyo... Tapusin niyo na at basahin yung lyrics...ayun...




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com





SmartLyrics | Almost Lover



Naglakad palayo ng Coffee Academy si Katie...di nya alam kung saan pupunta..kung saan tutungo..hanggang dalhin siya ng mga paa niya sa path walk na papunta sa Rooms 13-15.


Umupo siya sa mababang bleacher sa gilid ng pathwalk. Walang mga taong dumadaan sa path walk...


At bumugso ang luha na kanina niya pa pinipigilang kumawala sa harap ni Aries...


Ngunit nag-aalala pa rin si Katie na baka may mga taong makakita na umiiyak siya kaya pinampunas niya ng luha ang kanang kamay niya...



Pero patuloy pa rin ang pagbugso ng luha kahit ano pang gawin niyang punas...


At nang ipupunas ulit ni Katie ang kamay sa luha niya, natabig ng kamay niya ang isang kamay na nasa harapan niya at inaabutan siya ng panyo ...


Nang tignan ni Katie kung sino ito, nagulat siya...ang lalakeng nag-aabot ng panyo sa kanya ay si Vomer...


TO BE CONTINUED...

Sunday, February 1, 2009

Episode 28: Star City


******** SUPER-DOOPER LATE NA CHRISTMAS at NEW YEAR SPECIAL EPISODE..hahahaha *************



Iniwanan ni Jerome sina Aries at Melanie sa parking lot at pumasok na siya sa Off the Grill.


Akap pa rin ni Aries si Melanie at inaalo ang likod...


Makalipas ang ilang minuto, nakatambay na sina Aries at Melanie sa motorsiklo ni Aries. May luha pa sa mga mata ni Melanie...


MELANIE: Aries, thank you for comforting me.

ARIES: Sino ba yung lalakeng yun ah!? Ang lakas ng loob niyang paiyakin ka ah!

MELANIE: Si Jerome yun...ang lalakeng minahal ko ng sobra mula nung high school kami...


Bumuntong-hininga si Melanie.


MELANIE: Manhid yung lalakeng yun eh! Ewan ko ba kung bakit patuloy ko pa siyang minamahal eh. Tapos ewan ko ba...ba't ngayong gabi...di ko alam kung anong demonyo ang pumasok sa akin nagawa kong umamin sa kanya...


ARIES: Alam mo, Melanie...regaluhan mo nga yang gagong Jerome na yan ng eyeglasses! Ang labo ng mata eh! Sa ganda mong ‘yan ‘eh hindi ka man lang mapansin ni Jerome!


Di naman maikaila ni Aries na lalong lumalakas ang tibok ng puso niya...ngayong kasama niya si Melanie...at nakakausap...


MELANIE: Naku, doktor na kailangan niyan! Di na lang malabo ang mata niya...tuluyan na siyang BULAG sa Maricar na yun!


ARIES: Parang ikaw... BULAG ka rin naman eh!

MELANIE: Ganun? Bulag ako? Dahil alam kong hindi naman ako mahal ni Jerome pero patuloy ko pa rin siyang minamahal?

ARIES: Oo...tsaka di mo rin pansin na may mga taong handa kang mahalin di tulad ng Jerome na yan...marahil nandyan lang siya sa paligid pero di mo lang nakikita... BULAG ka rin kasi eh...


Gusto sana pang kontrahin ni Melanie si Aries pero wala na siyang lakas...pero nahiwagaan siya sa sinabing iyon ni Aries...


Di naman aakalain ni Aries na masasabi niya iyon kay Melanie...matagal niya na itong gustong sabihin kay Melanie...



Bigla na lang nanginig si Melanie sa sobrang lamig...naka-sleeveless pa man din si Melanie...


Napansin ni Aries na nilalamig si Melanie kaya hinubad niya ang U.P. jacket niyang suot at isinuot kay Melanie...


Nginitian ni Melanie si Aries...



MELANIE: Salamat, Aries...

ARIES: Wala yon...


At saglit silang natahimik...


ARIES: Siguro naman...di ka na galit sa akin nyan?


Nawala sa isip ni Melanie nung mga panahong iyon na galit pala siya kay Aries...


MELANIE: ...

ARIES: Melai?

MELANIE: Oo na! Di na ko galit sa'yo. Tutal malapit nang mag-Christmas kaya kailangan nang magpatawad... :)

ARIES: Ganun? Naku 'to! Inantay pang mag-Xmas bago ako napatawad! :)

MELANIE: Ayaw mo nun? Parang ayun na ang gift ko sa'yo. Di ba nga sabi sa isang Xmas song...ang da best na regalong ibigay ngayong Pasko ay "pagpapatawad"...

ARIES: Tss..wala namang ganung Xmas song! Nag-iimbento 'to!


At nagtawanan sina Melanie at Aries. Habang nagtatawanan sila, may batang pulubi na lumapit sa kanila...


BATA: Kuya, Ate, pwede po bang mangaroling sa inyo?

ARIES: O sige... Gandahan mo kanta mo ah para mas mataas bigay ko sa'yo...


At nagsimula nang mangaroling ang bata...pero wala namang boses na lumalabas sa bibig nito...


Nagtaka sina Melanie at Aries sa ginagawa ng bata...


At bigla na lang...


BATA: Namamasko po... (at inilahad niya ang kanang kamay niya para manghingi ng pera)


MELANIE: Teka...di naman namin narinig yang kanta mo eh!

BATA: Kumanta po ako. Christmas song po ang kinanta ko...

MELANIE: Eh sa wala nga kaming boses na narinig eh. Ano ba yung kinanta mo?

BATA: "Silent Night" po yung kinanta ko...kaya silent din po yung pagkakakanta ko... :p


At dahil natuwa sina Aries at Melanie sa bata, binigyan nila ito ng tig-sampung piso...


Umalis na yung bata at makalipas ang ilang minuto, narinig nila ulit ang tugtugan sa Off the Grill. Rinig ni Melanie na si Jerome na ang kumakanta...


MELANIE: Aries, I think kelangan ko na umuwi...

ARIES: Ganun? Hatid na kita...Paalam lang ako kay Ate Ariana...

MELANIE: Naku, wag na...magta-taxi na lang ako...

ARIES: Hindi. Ihahatid na lang kita...


Pero naka-para na ng taxi si Melanie at tumigil na ito sa harap nila...


MELANIE: Sige na, Aries. I have to go. Maraming salamat nga pala ulit...


Huhubarin na sana ni Melanie ang jacket pero...


ARIES: Sa'yo muna yang jacket ko. Malamig ang panahon ngayon...baka ka sipunin.


Ngumiti na lang si Melanie...


ARIES: Tsaka ito nga pala...


Kinuha ni Aries ang wallet niya sa bulsa sa likod ng pantalon niya at dumukot ito ng Php 500 at inilagay sa kamay ni Melanie...


ARIES: Ito na ang ipamasahe mo sa taxi oh...

MELANIE: Aries, may pamasahe naman ako...para mo namang sinabi na wala akong pera.

ARIES: Hindi naman sa ganun. Sige na...kunin mo na yan.

MELANIE: O sige na nga...kung talagang mapilit ka...kukunin ko na 'tong 500 pesos. Sige, Aries..salamat ulit ha...

ARIES: Sige. Ingat ka!

MELANIE: Ingat ka din!


At sumakay na si Melanie sa taxi...


MELANIE: Manong, sa Fairview ho...


Kumaway siya kay Aries bilang pagpapaalam at pagpapasalamat. Kumaway din si Aries...At umandar na ang taxi...


Sinundan ni Aries ng tingin ang taxi hanggang sa di na ito makita...


At bigla na lang nakaramdam ng lamig si Aries at nanginig ito...


ARIES: Hayy...grabe naman itong lamig ng panahon na'to...NAKAKAKILIG.. :p


Samantala, sa loob ng taxi, tinext ni Melanie si Gab...


MELANIE: {gab, nauna n kong umuwi. pls. tell d others n lng. senxa na.}


At inalala ni Melanie ang nangyari sa kanila ni Jerome kanina...at ang pag-comfort sa kanya ni Aries kanina..at ang pagbibigay sa kanya ni Aries ng 500 pesos...


MELANIE: Hay..buti na lang at binigyan ako ni Aries ng pera. Wala naman talaga akong pang-taxi. May "patanggi effect" kuno pa ko para naman di ma-obvious ni Aries na wala naman talaga akong pera...hahaha!

*************************

Mula nang magkabati sina Melanie at Aries, lagi na silang magka-text.


ARIES: {gud morning, melanie! God bless! ü}


Napangiti na lang si Melanie nang mabasa ang text na iyon ni Aries...pero napawi rin ito agad...


MELANIE: Mukhang di ko na yata ulit makikita sa Inbox ko ang pangalang Jerome... :(


Mula nung umamin siya kay Jerome, di na ito nag-text sa kanya...


MELANIE: Di na rin yata siya nagmi-missed call...tulad ng lagi niyang ginagawa pag gusto niyang makipagkwentuhan sa akin tungkol sa kanila ni Maricar...


Napatingin si Melanie sa mga teddy bear niyang nakadamit-pangkasal...at bumalik sa alaala niya nang minsang inihagis niya ang dalawang teddy bear na yun dahil naalala niya dun sina Jerome at Maricar...


MELANIE: Wala na yata akong dapat pang asahan kay Jerome. Ngayong magba-Bagong Taon na...siguro kelangan ko nang mag-move on... I need to move on ALONE.


At binura ni Melanie ang mga dating messages ni Jerome sa cellphone niya...kahit masakit...kahit labag sa kalooban niya...kailangan niyang gawin iyon...para sa ikabubuti niya rin iyon...


At ang matindi...binura niya na pati number ni Jerome sa contacts niya....


At bahagyang natawa si Melanie sa ginawa niya...


MELANIE: Bubura-bura pa kong nalalaman...kabisado ko naman number niya...


At naisipang mag-blog ni Melanie...dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya para kay Jerome...


***************
AUTHOR'S NOTE:

Read Melanie's makabag-damdaming blog on moving on. Matutuwa kayo rito...at mata-touch dahil tagos sa puso ang nilalaman nito...hehehe...


LINK:
Better off

***************

Umaga ng January 1, 2009. Magka-text sina Melanie at Aries nang biglang may ibang nag-text kay Melanie...


Si Regina ang nag-text...ang besfren niya na klasmeyt niya nung high school sila na naging klasmeyt niya rin sa UPEPP nung freshie sila na nakalipat na ng UP Diliman nung sophies na sila.. (woohhh..haba ng description..hahaha)


REGINA: {melai, may reunion dw sa star city yung section ntn nung 4th yr tau sa jan 3..sama k?}


Re-replyan na ni Melanie ang txt ni Regina nang biglang nag-text si Aries...


ARIES: {oi, still der?}


Naguluhan si Melanie sa mga nagtetext sa kanya kaya na-wrong sent siya. Ang reply niya kay Regina dapat ay na-send niya kay Aries...


MELANIE: {oo...sma ako, kita kits tau ah..miss u gina! ü}


Nagtaka naman si Aries sa reply ni Melanie kaya...


ARIES: {oo...sma ako, kita kits tau ah..miss u gina! ü...-wrong sent ka! San ka sasama? ü}


MELANIE: {sori nman...ah..kasi may reunion kmi ng hayskul klasmeyts ko sa star city s jan 3..ayun..sasama ako dun...}

ARIES: {ganun? hala...e di magkikita kau dun ni jerome?}


Natigilan si Melanie...nawala sa isip niya na baka sakaling magkita sila ni Jerome dun...di na niya nagawa pang replyan ang txt ni Aries...


Di pa siya handa sa muli nilang paghaharap ni Jerome...


ARIES: {gus2 mo samahan kta sa reunion nyong yan?}

MELANIE: {ha? ano? ba't mo nman ako sasamahan? ma-op k lng dun...wg na.}

ARIES: {xempre...pra makuha ko na ung jacket na pinahiram ko sau...hehehe}


Pero palusot lang yun ni Aries...gusto niyang makasama si Melanie dahil....alam na... hehehe...


MELANIE: {ok lng, cge...pero paalam k muna ky katie...pg pumayag xa..cge sama k..}


Natigilan naman si Aries sa text ni Melanie... OO NGA PALA... Alam ng lahat na girlfriend niya si Katie...


Nawala sa isip niya ang "pagpapanggap" nila ni Katie mula nung magkabati sila ni Melanie...


Nireplyan nya si Melanie...


ARIES: {cge...txt ko xa...}


At tinext ni Aries si Katie...


ARIES: {katie, ok lng b n samahan ko s star city c melai sa s jan 3? my lakad xa dun eh...}


Nakikinig ng kanta si Katie sa cellphone niya (With You by Chris Brown) nang biglang naputol ang kanta...dahil sa text ni Aries...


KATIE: Wiju...wiju...wiju...wiju..wiju...wiju...oh yeah...wiju..wij--- (naputol ang kanta) Naman oh! Bigay na bigay na ko sa pagkanta eh! Sino ba 'tong peste na nagtext na 'to... GM na naman siguro 'to ng New Year's greeting! Naku!


At binasa niya ang txt ni Aries... nagtaka naman si Katie kaya nireplyan niya ito...


KATIE: {ha? sasamahan mo xa? bkt bati na ba kau?}

ARIES: {di p b nya nsasabi sau? bati n kmi..nung ngkita kmi sa xmas party ng officemates ng ate ariana ko..aun}


Si Melanie naman ang tinext ni Katie...


KATIE: {hoi, melai, di ka ngsasabi dyan..bati na pla kau ng ariestotle n un! nkktampo k ah! hmmpp! mgdedate p kau sa saturday! hmmp!}

MELANIE: {ai..sori...di ko nsabi.kala ko nman kc yng bf mo n ang mgsasabi sau..ayun..so ano..payag kb n smahan nya ko?}


Napaisip si Katie... Bati na sina Aries at Melanie...at naalala niya ang isa sa mga kundisyon ni Aries noon bago sila "nagpanggap" na maging magboyfriend...


ARIES: Isa pa pala...ititigil na natin ang pagpapanggap natin....once na napagbati mo na kami ni Melanie....


Lihim na nasaktan si Katie...pero pinawi niya ang nararamdamang iyon at sa halip pinlastik ang sarili na kunwari masaya siya sa pagbabati nina Melanie at Aries...


Nireplyan na nya si Melanie...


KATIE: {ok lng un fren...enjoi sna kau ni aries ah.. :p}


Si Aries nman ang tinext ni Katie...


KATIE: {aries, d mo nmn n kelangan mgpaalam p s kin...di nman "22ong tau" di ba? mag-enjoi sna kau ni melai...diskartehan mo na xa..gudluck :p}


Nalungkot si Katie bigla...ang ganda ng entrada ng Year 2009 niya kasi eh nuh!


At ang kinakanta niyang "With You ni Chris Brown" kanina ay napalitan na ng "Without You ni Charlie Wilson"... :(


****************


Nagtaka ang lahat ng high school friends ni Melanie nang dumating siya sa Star City kasama si Aries...


REGINA: Hoi, Melai...na-miss kita ah!

MELANIE: Ito naman, parang di tayo nagkita nung Lantern Parade sa UP Diliman..hehehe!

REGINA: Pero di mo nasabi sa kin yan ah (sabay nguso kay Aries)

MELANIE: Naku...wag ka ngang mag-isip ng iba dyan! Ito si Aries...boyfriend ni Katie... Sinamahan niya lang ako dito kasi kukunin niya yung jacket niya na pinahiram niya sa akin..ayun...

REGINA: Ah..ikaw pala si Aries... Yes naman si Katie ah..bumobomba sa boyfriend..hahaha! Nice meeting you, Aries...

ARIES: Ikaw din... (at naghandshake sila ni Regina)


At kinamusta ni Melanie ang iba pa nilang kaklase na nandoon...na lahat ay iniintriga sila ni Aries... :p


Tulad ng inaasahan, nandun si Jerome at ang iba pa nilang kabanda... Di niya kasama si Maricar...



Siyempre, di sila nagpansinan dalawa...


MELANIE: Oh, ba't di kasama ng lokong yan yung girlfriend niyang lukaret?

REGINA: May sakit daw sabi niya kaya di nakasama..ayun..

MELANIE: Ganun? Akala ko naputukan na ng five star yung Maricar na yun! Hehehe...


Siyempre...light rides muna ang sinakyan ng iba tulad ng "Wacky Worm" (roller-coaster ride) na sobrang wacky pag nasakyan mo kasi parang wala lang...para ka lang nagpadulas sa playground slide sa sobrang thrilling ng ride..hehehehe (may kakambal pa yan na ride sa second floor na tinatawag namang "Wacky Dragon")... :p


Siyempre...sumakay din ang lahat sa mga makabuhol-bitukang rides tulad ng Star Flyer, maka-iwang kaluluwang tulad ng Surf Dance... makawala-tiyan tulad ng Flying Carpet... at maka-baliktad na mundo tulad ng Xyclone's Loop...







Napansin ni Jerome na sa bawat rides na sakyan nila...parang ang sweet nina Aries at Melanie sa isa't-isa...


Apektado siya sa nakikitang sweetness nina Aries at Melanie...Naiinis siya... naaasar... naaalarma... parang gusto niyang magwala...


JEROME: Syet...walang dahilan para makaramdam ako ng ganito...hindi...hindi...walang dahilan para magselos ako...Wala lang siguro si Maricar kaya ako nagkakaganito...


Si Regina rin ay nagtataka sa ikinikilos nina Melanie at Aries...lalo na sa ipinapakitang sweetness ni Aries kay Melanie...


REGINA: Si Katie ba talaga girlfriend ng lalakeng 'to?


At naisipan nilang sumakay sa "Wild River"... Habang nasa pila...


ARIES: Dala mo ba yung jacket na pinahiram ko sa'yo?

MELANIE: Oo...teka... (at kinuha niya ito sa bag) Oh, ito...kukunin mo na ba?

ARIES:Hindi...hindi muna... Suotin mo yan...baka mabasa ka dito sa Wild River...


Turn na nilang sumakay. Magkasama sa isang "log" sina Aries at Melanie. At umandar na yung log...kinakabahan si Melanie...


At nasa pinakataas na silang bahagi ng ride...at pabulusok na ang log nila sa slide...


Nang padulas na ang log nila...napayakap si Melanie kay Aries sa sobrang kaba...at dumulas na ang log...


Para silang basang-sisiw pagkatapos ng ride....






Magkahawak naman ng kamay sina Melanie at Aries nang subukan nilang pumasok sa "Gabi ng Lagim" horror house...





Sigawan ang lahat sa sobrang takot...


Si Aries naman ang napayakap kay Melanie nang magulat si Aries sa bumangon na bangkay... :p



At naisipan ng lahat na kumain na sa isang pizza stall sa Star City. Nagdadaldalan ang iba samantalang may sariling pinag-uusapan sina Aries at Melanie...






Habang kumakain...nag-uusap sina Aries at Melanie...


MELANIE: Bading ka palang talaga eh!

ARIES: Tss...nagulat lang ako dun sa pesteng bangkay na yun! Nakakagulat naman talaga eh!

MELANIE: Defensive ka ah..hehehehe.. Uy, ito na nga pala yung jacket mo...

ARIES: Ibibigay mo yan sa akin nang ganyan kabasa? Ayoko nga..labhan mo muna!

MELANIE: Ano? Lalabhan ko?! Eh kasi naman...pinasuot mo 'to sa akin bago tayo sumakay ng Wild River! Yan tuloy nabasa...

ARIES: Basta...kunin ko na lang sa'yo yan sa pasukan...

MELANIE: Tss... (ginaya niya si Aries dito)


At saglit silang natahimik...at biglang naalala ni Melanie si Katie...


MELANIE: Sana pala...sinama mo na rin si Katie...para naman nakapag-date kayo...di ba?


Natigilan si Aries sa sinabi ni Melanie... At napaisip ito...


ARIES: Melanie...may sasabihin sana ako sa'yo...tungkol sa amin ni Katie...

MELANIE: Ha? Ano yun?


Nakaramdam ng takot at kaba si Melanie sa sasabihin ni Aries...iniisip niya na baka nag-away sina Katie at Aries nang dahil sa pagsama ni Aries sa kanya...


ARIES: Melanie...hindi totoong "mag-on" kami ni Katie...

MELANIE: Ha? Ano?! Naguguluhan ako...


Bumuntong-hininga si Aries...


ARIES: Nagpapanggap lang kami na "kami"...dahil nga baka asarin siya ni Eunice...

MELANIE: Aries?! Ano bang kalokohan yang pinagsasasabi mo?!

ARIES: Di ito kalokohan, Melanie... Nagkaroon kami ng deal ni Katie na magpapanggap akong boyfriend niya..pero ititigil namin ang pagpapanggap na yon oras na...magkabati tayo...


MELANIE: Magkabati tayo?! At bakit naman?!


ARIES: Melanie... ikaw ang tunay kong mahal...


Sa hinaba-haba ng pag-aalinlangan ni Aries sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Melanie...noong gabi ng January 3, 2009 lang niya nasiguradong mahal niya si Melanie...


At naglakas loob siyang sabihin ito kay Melanie...dahil ayun ang sigaw ng kanyang puso...


TO BE CONTINUED...


Episode 27: Christmas Party Drama




Kinabukasan ng gabi, dumating na sina Melanie, Jerome (lead guitarist), at ang mga kabanda nilang sina Migz (bass guitar), Gab (piano organ) at Kyle (drums) sa Off The Grill dala ang kanilang instruments. Lulan sila ng van ni Gab.


Sa entrance ng Off The Grill, may banner na nakalagay na may nakasulat na:


COMMISSION ON AUDIT CHRISTMAS PARTY 2008

December 16,2008

Theme: One Christmas, One Family


Sinalubong sila ni Maricar...


MARICAR: Hi, mahal ko!

JEROME: I miss you!


At hinalikan ni Jerome si Maricar sa pisngi...na ikinaselos naman ni Melanie...


MELANIE: !!!


At pinuntahan din sila ng Mama ni Maricar... May name tag itong nakadikit sa kanang dibdib niya na nakasulat ay "PINES"


MAMA NI MARICAR: Oh, Maricar, ito na ba ang friends mo?

MARICAR: Yes, Mama. Ito nga po pala sina Migz, Gab at Kyle...at ang boyfriend ko pong si Jerome... Guys, siya ang Mama ko...


MELANIE: Ehem...ehem!

MARICAR: Ay, ito rin po pala si Melanie...

MELANIE: Amp! Kalimutan ba kong ipakilala! Grrr...

MARICAR: Mama..ito po si Jerome oh...boyfriend ko! :)

JEROME: Errr...nice meeting you po, Tita... Kaya po pala maganda tong si Maricar...may pinagmanahan.. :p


Nakipag-kamay si Jerome at nag-blush. Nahihiya kasi siya sa Mama ni Maricar..


MAMA NI MARICAR: Hehe.. Naku kang bata ka. Napakabolero mo...kaya mo siguro to napasagot itong si Maricar...

JEROME: Hindi naman po masyado... :p

MAMA NI MARICAR: O siya..galingan niyo mamaya ah.

JEROME: Siyempre naman po, Tita.

MAMA NI MARICAR: O siya. Maiwan ko muna kayo at aasikasuhin ko pa yung ibang bisita. Maricar, ikaw muna umasikaso sa kanila ah...


At umalis na ang Mama ni Maricar.


JEROME: Ano nga pala ulit name ng Mama mo?

MARICAR: Pina...

JEROME: Eh, ba't "Pines" nakasulat sa name tag niya?

MARICAR: Siyempre..para sosyal! Ah..pinuntahan pala ni Mama si Tita Alma.. :p


At tinignan nila ang kausap ng Mama ni Maricar sa si Tita Alma. "Alms" naman ang nakasulat sa name tag nito..


MARICAR: Kasama din pala ni Tita Alma si Tito German...


"Germs" naman ang nakasulat sa nametag ni Tito German...



Napansin din nila ang iba pang bisita na naka-name tag. Halos lahat ng nakasulat na pangalan sa name tag nila ay nagtatapos sa letter "s" tulad ng:


Marvs - full name: Marvin
Jers - full name: Jerry
Carms - full name: Carmel
Berns - full name: Bernie


MELANIE: Hay...ganito pala ang mga nagtatrabaho sa Commission on Audit... lahat ng nickname dapat nagtatapos sa letter "s".. Pag nga binigyan ako ng name tag mamaya ilalagay kong name eh Melanies...para belong ako! haha.. :p


KYLE: Guys, tara. I-set up na natin sa stage yung mga instruments para makatugtog tayo agad...



At sinet-up na nila ang drums, amplifier, microphones at piano organ.


Hindi tumulong si Jerome sa pagse-set up ng instruments. Sa halip...nasa isang sulok lang ang dalawa at...


MELANIE: Naku talaga 'tong si Jerome! Imbes na tumulong eh "nakikipaglandian" lang kay Maricar! Grrr...


Sa inis at selos ni Melanie, nilakasan niya ang volume ng amplifier at pinagpipipindot ang keyboard ng piano organ na may halong galit...


Nagulat, nabingi at napatingin ang lahat kay Melanie sa lakas ng ingay. Naudlot ang dapat na paghahalikan sana nina Jerome at Maricar...



MELANIE: (sabi niya sa microphone na malapit sa kanya) Sorry... Nagsa-sound check lang po ako... :p


Nahihiyang napatingin si Melanie sa mga tao na nakatingin sa kanya..alam niyang nainis sa kanya ang iba sa ingay na ginawa niya.


At napansin niya ang isang babae na may edad 25 years old na nakaupo sa pinakadulong sulok...


MELANIE: Teka..teka...parang pamilyar tong babaeng ito sa akin... Saan ko nga ba siya nakita?


At tinignan niya ang name tag nito....na as usual ay nagtatapos sa letter "s" :p


"ARS" ang nakalagay sa name tag nito...at napansin niya rin ang lalakeng kasing-edad niya lang na nasa tabi ng babaeng ito...


MELANIE: (pabulong) Oh...my...gosh...


Si Aries ang lalakeng nakita niya...at ang babaeng kasama nito ay ang Ate Ariana niya...


Pang-asar na nakangiti si Aries sa kanya...


MELANIE: Syet! Ba't nandito ang Aries na 'to dito?!


Lalong nadagdagan ang inis ni Melanie. Sa sobrang inis niya, bumaba ito ng stage at nagpunta sa CR...


Samantala, nang napansin ni Aries na papunta si Melanie ng CR, tumayo ito sa kinauupuan at nagpaalam sa Ate Ariana niya...


Sinundan ni Aries si Melanie sa CR. Papasok na si Melanie ng CR nang bigla siyang hilahin ni Aries sa braso.


Nagulat si Melanie kaya tinignan niya kung sino ang humila sa braso niya...at nagulat siya nang mamukhaang si Aries iyon...


MELANIE: Ano ba?! Kung makapanghila ka ng braso Ah!

ARIES: Aba..ikaw nga kanina kung makapangbasag ng eardrums! Nakakabingi kaya yung pag-iingay na ginawa mo kanina.

MELANIE: Ba't mo ba ako sinundan dito sa CR? And in the first place..ba't ka nandito sa Christmas Party na ito!?

ARIES: Sa Commission on Audit nagtatrabaho si Ate Ariana at sinama ako ni Ate dito sa Christmas Party nila. Ikaw...ba't ka naman nandito, ha? Para mag-ingay.?

MELANIE: Wala ka na dun!


At binuksan ni Melanie ang pinto ng CR at pumasok. Sinundan siya ni Aries pero bago pa man makapasok si Aries, pabagsak na sinara ni Melanie ang pinto dahilan para tamaan ng pinto ang ilong ni Aries...


ARIES: Aggguuuuyyyy!!!!


Makalipas ang ilang minuto, bumalik na sa function hall si Melanie... Nagsismula na yung program. Nagi-speech yung head ng department ng Commission on Audit.


Kinausap siya ni Gab pagkaupo niya sa upuan...


GAB: Oh, para yatang bad trip ka?

MELANIE: Naku naman kasi...napakaliit talaga ng mundo. Yung kaklase kong kinaiinisan ko sa UPEPP eh nandito rin!

GAB: Nasaan ba? Tara..upakan natin!


Ngunit di na naturo pa ni Melanie si Aries kay Gab dahil tinawag na ng emcee ang pangalan ng banda nila...


EMCEE: Ok, to fill our Christmas Party with Christmas music, let's call in Jerome Martinez and the band to come up on stage...


Palakpakan ang mga tao. Akyat naman sina Melanie. Napansin pa ni Melanie na bago umakyat si Jerome sa stage, hinalikan pa siya ni Maricar...


Pagkaakyat ni Jerome, nagsimula nang tumugtog ang banda...at nagsimula na ring magsikainan ang mga tao...


Click PLAY to hear the song na tinutugtog ng banda...






Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com




Pagkatapos ng mga 5 kanta, pinakain ang banda habang nagpa-parlor games ang mga empleyado tulad ng "Maria Went to Market," "Newspaper Dance," "Trip to Jerusalem," at ang walang kamatayang "Bring me"


Samantala, di makakain nang maayos si Melanie...dahil nakita niyang nagsusubuan sina Jerome at Maricar at dahil napapansin niyang panay ang tingin ni Aries sa kanya...


Nakaramdam nang matinding pagseselos si Melanie nang makitang nakahilig ang ulo ni Maricar sa balikat ni Jerome...


Sa matinding selos, nagwalk-out si Melanie...Nagulat naman si Jerome sa ginawa ni Melanie kaya tumayo ito bigla para sundan si Melanie...na ikinahulog naman sa upuan ni Maricar...


Naabutan ni Jerome si Melanie sa parking lot ng Off the Grill...


JEROME: Melanie...


Natigilan si Melanie.


MELANIE: Jerome. I have to go. Masama ang pakiramdam ko...


JEROME: Hindi ka pwedeng umalis! Paano na ang gig natin nagyon? Magagalit ang Mama ni Maricar sa atin pag umalis ka...


Nilingon ni Melanie si Jerome...


MELANIE: Ayan! Si Maricar lang naman mahalaga sa'yo eh! Samantalang ako...balewala lang sa'yo!

JEROME: Melanie...ano bang problema mo't nagkakaganyan ka?!

MELANIE: Anong problema ko? Bakit? Wala ka namang paki sa problema ko eh!

JEROME: Melanie, hindi totoo yan. May paki ako sa problema mo dahil kaibigan kita...

MELANIE: Ayun naman pala eh...kaibigan "lang" ang turing mo sa akin...samantalang ako, nagpapakatanga...at umaasa na sana...mapansin mo ako...


JEROME: Melai, ano bang ibig mong sabihin...diretsahin mo na nga ak--

MELANIE: Mahal kita, Jerome! Matagal na! Mula nung high school pa tayo!



Natigilan at nagulat si Jerome sa pag-aming iyon ni Melanie. Umagos naman ang mga luha mula sa mga mata ni Melanie...


MELANIE: Noong high school tayo...ang dami kong ginawa para lang mapansin mo ako. Pero wala lang sa'yo ang lahat ng iyon. Wala kang kasing manhid, Jerome!


At patakbong umalis si Melanie. Halos di na niya makita ang daanan dahil pinapalabo ng mga luha ang paningin niya...


At bigla na lang, may nabangga siya. Tinignan niya ito...si Aries pala ang nabangga niya...si Aries na kanina pa nagmamasid sa kanila ni Jerome...


Tuluyang napaiyak si Melanie kay Aries...at niyakap naman ni Aries si Melanie at inalo sa likod...


TO BE CONTINUED...