Saturday, September 27, 2008

Episode 3: Freshie Tripping


Nakatambay si Melanie, kasama ang dati niyang ka-block noong freshie siya na si Miguel, sa isang corridor ng UPEPP...

Break time nila ngayon...

Maraming dumadaan na freshies sa lugar nila...


MELANIE: Holy Guacamole! Andami talagang mga gwapo ngayon sa mga freshie! "Curie!" Hindi tulad noong batch natin noong first year...halos wala...

MIGUEL: Ah..ganyanan na...So, hindi pala kayo nagagwapuhan sa amin?!

MELANIE: Ganun na nga..bakit, may angal?

MIGUEL: Quits lang naman...mas magaganda ngayon ang mga freshie kumpara sa inyo...


Just then, may nag-approach na freshie boy sa kanila...


FRESHIE BOY: Uhm, excuse me po, Ate, Kuya...Tanong ko lang po kung saan yung room T---

MIGUEL: Kung Room TBA ang itatanong mo, pati kami eh hindi alam kung saan iyon at wala pa ni isang UP student ang nakakakita sa room na yun!

FRESHIE BOY (nanginig bigla): Ah, sige po, thank you po, Kuya...


Sabay alis agad yung freshie boy...


MELANIE: Ang taray mo ah! Hindi pa nga natatapos magtanong nung bata eh inepalan mo na!

MIGUEL: Naku, lahat na lang kasi ng makasalubong kong freshie eh Room TBA ang laging tinatanong na room... May isa pa ngang freshie na nagsabi na ang ibig daw sabihin ng Room TBA ay Teodoro Benigno Aquino! Hahahahaahha!

MELANIE: Ikaw lang yata nagsabi nun nung freshie ka, Miguel...hehehe...


Just then...may lumapit ulit sa kanila na freshie boy...


MELANIE: OMG! Curie...

FRESHIE BOY 2: Uhm, excuse me po, Ate?

MIGUEL: Ano yun?!

MELANIE: Heh! Manahimik ka dyan, Miguel! Di ba "Ate" sinabi niya? Ibig sabihin ako kakausapin niya! Susupladuhan mo na naman 'tong bata eh...

MIGUEL: !!!

MELANIE: Yes? Ano yun? (medyo nagpacute siya sa freshie boy)

FRESHIE BOY 2: Uhm, tanong ko lang po kung saan dito yung Conference Room?

MELANIE: Uhm, conference room? Ah, ganito...mula rito, liko ka sa kanan, tapos kakaliwa ka...tapos kakaliwa ka ulit sa pangalawang corridor...tapos alam mo ba yung room sa tabi ng AVR?

FRESHIE BOY 2: Opo, Ate. Doon na po ba yung conference room?!?

MELANIE: Siyempre, hindi doon! Excited ka rin eh! So, after nun, diretso ka lang tapos liko ka sa kanan, tapos kaliwa, tapos pag may nakita kang hagdanan, akyat ka dun...nasa 2nd floor lang yung Conference Room... Pag naligaw ka, balik ka lang dito, ok?

FRESHIE BOY 2 (medyo lito pa) : Ah...o sige po...thank you po...


Pagkaalis ni Freshie Boy 2....


MIGUEL: Loko ka, Melanie. Nililigaw mo yung bata! Kung anu-ano pa pinagsasasabi mo! Wala namang 2nd floor 'tong UPEPP eh!

MELANIE: Well, tamang freshie tripping lang yan... Tsaka siyempre para bumalik siya rito! He's so "curie."

MIGUEL: Asa namang babalik pa yun sa ginawa mong pan-liligaw sa kanya...

Uwian na...habang nag-aabang ng masasakyang jeep sina Katie, Melanie at Destiny sa waiting shed ng UPEPP...

KATIE: Gagi kayo...nang-iiwan kayo sa ere kanina sa lab! Naging partner ko tuloy yung buwiset na Aries na yun! Naku, tumama nga hula sa akin ni Aling Ester kanina! Minalas nga ako! Yung mag-tiyahin na yun! Magkasabwat sila sa kamalasan ko...

DESTINY: Ibig lang sabihin niyan...you're meant to be!

KATIE: Meant to be...meant to be ka dyang pinagsasabi mo! Magmamadre ako after kong maka-graduate ng college nuh!

MELANIE: Talaga lang ah!

KATIE: Oo... Dahil nararamdaman ko na ang tawag sa akin ni Hesus...

Biglang may tumigil na motorsiklo sa harapan nila... si Aries pala yun...

Natigilan, nagulat at nagtaka silang tatlo...

ARIES: Uhmm... b--baka gusto niyong sumabay na sa akin pauwi...

Lalong nagtaka sila sa inasal ni Aries sa kanila...kaya hindi sila nakapagsalita...

ARIES: Bingi ba kayo? Ba't di kayo sumasagot?!

DESTINY: Uhm, Aries...ibig mong sabihin iaangkas mo kami dyan sa motor mo?

ARIES: Malamang!

MELANIE: Hay naku, Aries, wag ka nang mag-abala pa at salamat na lang...nakakahiya naman kasi sa'yo...

ARIES: Ganun? Sige... Kung ayaw niyo, eh di wag niyo. Akala niyo naman pipilitin ko kayo...

Yun lang at humarurot na ng takbo ng motorsiklo si Aries... habang di pa nakakalayo si Aries...

KATIE: Makarma ka sana! Ma-flat-an ka sana ng gulong! Sumemplang ka sana! Mawalan ka sana ng gas! Leche!

DESTINY: Oh, Sister Katie... akala ko ba magmamadre ka? Kung magmamadre ka dapat di ka masyadong magagalitin...pa'no ka magiging madre nyan?

KATIE: Naku ewan ko sa'yo, Destiny...

MELANIE: Naku, mapapatay ko na yung lalakeng yun sa kayabangan niya!

Makalipas ang ilang minuto, nakasakay na ng jeep silang tatlo. At nang napadaan na sa "tunnel way" ng Clark ang jeep nila...

MELANIE: Teka, guys...si Aries ba yun?

KATIE at DESTINY: Saan?!

At nakita nila si Aries sa "tunnel way" na tinutulak ang motorsiklo niya...

KATIE: Hahaahahahaha! Nag-dilang anghel nga ako! Nawalan siya ng gas! Kinarma siya! Hahahahahaahaha!!!

MELANIE: Guys, may naisip akong idea...hehehehehe...

At sinabi ni Melanie kina Katie at Destiny ang maitim na balak niya...

At nang medyo nakatapat na ng jeep nila si Aries...biglang sumigaw silang tatlo sa bintana ng jeep para marinig ni Aries....nag-echo pa sa "tunnel way" ang sigaw nila na....

KATIE, MELANIE at DESTINY: LOOOOOOSSSSEEERRRRRRR!!!!!!!!!!!!

Kitang-kita sa mukha ni Aries ang galit at inis...

TO BE CONTINUED...

Monday, September 22, 2008

Episode 2: The Prophecy



ALING ESTER: Masama...mamalasin ka ngayong araw, Katie...

KATIE: Mamalasin?! Aling Ester talaga! Sinasabi ko na nga ba at peke kayong manghuhula! (sabay binawi ni Katie ang palad niyang hawak ni Aling Ester)


Kasalukuyan pang nasa cafeteria ng Hotel Lakandula sina Katie, Melanie at Destiny at hinuhulaan ni Aling Ester si Katie.


ALING ESTER: Kinukwestyon mo ba ang kapangyarihan ko?


At pinandilatan niya ng mata si Katie...


KATIE: E, papaano po naman! First day na first day namin sa UPEPP ngayon tapos ayan ihuhula mo sa akin?! Sino ba namang gaganahan pumasok niyan!

ALING ESTER: E, papano'y mamalasin kang talaga. Alangan namang magsinungaling pa ko sa iyo. E sa ayun ang aking nararamdamang vibes!

KATIE: Whatever, Aling Ester. I don't care what you said!

ALING ESTER: Hay..itong mga batang 'to! Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin. Basta't huwag kang aalis dito nang hindi nagbabayad...

KATIE: Oh, yan na po... Inyong-inyo na...


Sabay padabog na inilapag ang 30 pesos sa mesa ni Aling Ester...


KATIE: Oh, ano, Melanie. Naniniwala ka pa ba sa pekeng manghuhulang yon?! Masyado ka kasing bilib sa kanya!

MELANIE: Siyempre naman...ikaw lang naman hinulaan ng "kamalasan" ni Aling Ester eh...

DESTINY: Alam niyo, manghuhula rin ako eh. Di ko lang sinasabi sa inyo.... At nahuhulaan kong mali-late na tayo sa klase natin pag hindi pa natin binilisan ang lakad...



Sa UPEPP naman....


Nakatambay sa Flintstones sa UPEPP sina Gwyneth, Rose Ann, at Lorraine. Nagte-text si Lorraine at kinikilig pa...


GWYNETH: Hay naku, y Mark oytang ka-text mu neh?! (Si Mark yang ka-text mo nuh?!)

LORRAINE: * jitters *

ROSE ANN: Haayy...buti pa yang boyfriend mong si Mark nakalipat na ng UP Diliman... samantalang tayo...forever stuck na ata dito sa UPEPP...

GWYNETH: Mabuti sana kung maraming gwapo man lang dito sa UPEPP nang di tayo matigang dito...

LORRAINE: Ano ba kayo?! Nandito tayo sa UPEPP para mag-aral at hindi para maghanap ng lalake...

ROSE ANN: Look who's talking? Nagsalita ang may boyfriend...

LORRAINE: Haha! Mainggit kayo...Teka nga't tatawagan ko 'tong "kaluguran" ko...

GWYNETH: Hay naku, andami ngang freshie ngayon pero wala man lang akong makitang "curie"...

Ang "curie" ay ang slang na pagkakabigkas ng salitang "cutie"... Get it?! Get it!


Kausap ni Lorraine ang boyfriend niyang si Mark sa cellphone habang naglalakad na silang tatlo nina Gwyneth at Rose Ann sa parking lot papasok ng UPEPP...


LORRAINE: Hi...Mark? Kumusta first day mo? Nami-miss kita...

ROSE ANN: Sige lang...mang-inggit ka lang...


At may biglang nag-park ng motorsiklo sa parking lot malapit sa kinatatayuan nilang tatlo. Napatingin silang tatlo sa nag-park...


GWYNETH: Si Kong Ed* ba 'yan? Improving ha. Bago na motorsiklo niya ngayon...

* Si Kong Ed ay staff ng UPEPP. Siya ang taga-tago ng records ng mga estudyante at tanungan ng mga inosenteng freshie about sa UPEPP... Siya bale ang information center ng UPEPP...
Laging nakamotor si Kong Ed pag pumapasok siya sa UPEPP...


At sila'y napatunganga at napanganga nang tinanggal na ng lalake ang helmet nitong suot...

Ang lalakeng ito pala ay si Aries...


ROSE ANN: *laglag panga...literally*

MARK (sa cellphone ni Lorraine): Hello, Lorraine, andyan ka pa ba? Hello?! Hello?

LORRAINE: Ha? Hello?! Who you?! Bye! (sabay end ng call sa cellphone niya).

GWYNETH: OMG! Guys, Define "Curie"....


Hindi na umalis ang tatlo sa kanilang kinatatayuan. Natauhan lang sila nang...


ARIES: Excuse me nga sa inyong tatlo. Nakaharang kayo sa dinadaanan ko...


Tumabi silang tatlo at saka dumaan si Aries.


Nang makadaan na si Aries... pinulot ni Rose Ann ang nalaglag niyang panga at...


ROSE ANN: Pigilan niyo ko! Masasapak ko yung lalakeng ubod ng yabang na yon nang malaglagan din siya ng panga katulad ko...

GWYNETH: Naku...sa kahanginan at ka-angasan ng lalakeng 'yon...he's not my "curie" no more...

LORRAINE: Hello, Mark? I'm sorry nababaan kita ng cellpho--- Hala... binabaan din ako ni Mark ng cellphone. Mukhang nagalit sa akin...haaaayyyy...

ROSE ANN: Kita mo na...nagka-LQ pa kayo ng boyfriend mo dahil sa mahangin at antipatikong lalakeng 'yon!


Samantala, nakarating na ng UPEPP sina Katie, Melanie at Destiny sa UPEPP at tumungo na sa laboratory room...

Zoology ang klase nila ngayon. Wala pa yung prof... At napansin din nilang nasa pinakadulong upuan ng laboratory nakaupo si Aries... malayo siya sa iba...

Umupo si Katie sa tabi ni Gwyneth...


GWYNETH: Katie, bad trip ng first day of class ko ngayon! Malas!


Naalala ni Katie ang hula sa kanya ni Aling Ester kanina...pero di niya na lang 'to binigyang-pansin


KATIE: Oh, bakit naman?

GWYNETH: Napansin mo ba yung ubod ng panget na lalake na yun?!


Sabay tinuro nang palihim ni Gwyneth si Aries...


KATIE: Ah...don't tell me na nakaranas ka na rin ng kayabangan ni Aries?!

GWYNETH: Ha?! Kilala mo yun?!

KATIE: Sa kasamaang-palad...OO...siya yung pamangkin ng landlady ng boarding house namin ngayon nina Melanie at Destiny...transferee siya from UP Diliman...

GWYNETH: At bakit at papaano naman napadpad ang devilish creature na 'yon dito sa UPEPP?!

KATIE: Sa kamalas-malasan ulit natin, gusto niya kasing mag-Psych dito sa UPEPP at sa ayaw natin o hindi...magiging ka-block natin siya...

GWYNETH: Weh?! Talaga?! Hay naku...sige na nga, pwede na'ng pagtiyagaan. Gwapo 'eh. Minsan lang may mapadpad na ganyan sa UPEPP ah...

KATIE: Teka...kasasabi mo lang kanina na "panget" siya at "devilish" creature 'ah!

GWYNETH: *kinilig na lang*


At dumating na si Ma'am Pacita Bognot, ang prof ng Zoology...at dahil first day, overview of the course syllabus at grading system lang ang diniscuss niya...


MA'AM BOGNOT: Attendance in the laboratory is important, and all assigned activity should be finished on schedule. If you fail to attend the laboratory class because of illness or other reasons beyond your control, make necessary arrangements with me so that...etc...etc....

MELANIE: Hay naku....talaga nga namang nakaka-BOGNOT ang klaseng ito... *hikab*


Pagkahikab ni Melanie...napansin niyang nakatingin sa kanya si Aries... Nang mapansin naman ni Aries na nakatingin na sa kanya si Melanie, umiwas ito ng tingin pero lihim na napangiti...


MELANIE: Ano naman kayang problema ng lalakeng yon? Diyos ko, keber ko naman sa kanya...

MA'AM BOGNOT: Ok, class, please divide into pairs for our first laboratory lesson next meeting...

MELANIE: Uy, Destiny, partner tayo...

DESTINY: Sige ba...

KATIE: Uy, Gwyneth....tayo na lang partner...

GWYNETH: Ay, sorry, Katie, kami na ni Rose Ann mag-partner eh...sensya na...

KATIE: Uy, blockmates, meron pa bang walang ka-partner dyan?!

MA'AM BOGNOT: Miss Madrid (apelyido ni Katie).... ba't hindi na lang kayo ni Mr. Aranas ang mag-partner?


At napansin ni Katie na si Aries pala ang tinutukoy ni Ma'am Bognot at sila na lang pala ni Aries ang walang ka-partner...


KATIE: Eh, Ma'am....ano po eh...kasi po...kwan...basta...

MA'AM BOGNOT: Teka, parang naiilang kayo sa isa't-isa ni Mr. Aranas? May nakaraan kayo noh?!


Sabay naki-asar din ang blockmates ni Katie, ang PSYCH 2A...


PSYCH 2A: Uyyyy.... Hiki! Hiki!

KATIE: Ma'am...wala noh! Ano ba!?

MA'AM BOGNOT: Hay, naku...kesyo meron, kesyo wala... kayo na lang ang maging laboratory work partners...

KATIE: Ano ba'yan...malas naman 'oh!


At naalalang muli ni Katie ang hula sa kanya ni Aling Ester kanina...


KATIE: Ah...tama nga ang hula sa akin ni Aling Ester...minalas nga ako ngayong araw...


TO BE CONTINUED...










Saturday, September 20, 2008

Episode 1: The Start of Something New

KATIE: Ito na yung bahay?


May hawak na leaflet si Katie. Leaflet iyon na naga-advertise ng isang boarding house sa Mabalacat, Pampanga:


Looking for a nice place to stay?
You’ve got a place at HOTEL LAKANDULA!
Your home away from home
Comfortable, Safe, and Secure

Ten-Minute Walk from Clark Main Gate
Contact ESTER: (045)6339999 or 09064875710


At sa bandang ibaba ng leaflet ay may address at picture ng boarding house.

Naghahanap ng matutuluyang bahay sina Katie, Melanie at Destiny, mga sophomore student major in Psychology sa UPEPP.


KATIE: Ba’t sa picture mukhang maganda at malaki ‘tong bahay? Sa personal pala eh mukha pang mas matanda kay Raha Lakandula itong boarding house na ito! May pa-hotel-hotel pa silang nalalaman…

MELANIE: Naku, kasi, Katie. Wag kang nagpapaniwala sa mga advertisement na ganyan. Siyempre ginamitan na ng “Adobe Photoshop” yung picture na ‘yan kaya nagmukhang “White House” yan sa leaflet.

DESTINY: Naku naman kasi…kung di lang tayo minumulto sa dati nating apartment, hindi na sana tayo naghahanap ngayon ng bagong matutuluyan.

MELANIE: Sinuyod na natin ang buong Lakandula…umabot na nga yata tayo sa Pangasinan kakahanap ng matutuluyang apartment at boarding house eh wala pa ring bakante tayong makita.

DESTINY: Naku, wala na tayong magagawa, mag-inquire na rin tayo rito sa “Hotel-Hotelan” na ‘to.


Di nila inaasahan ang pag-welcome sa kanila ni Aling Ester, ang landlady ng boarding house, pagpasok nila rito…

ALING ESTER: (energetic welcoming) Welcome to Hotel Lakandula! It’s your home away from home! Welcome to Hotel Lakandula! Such a lovely place…such a lovely place!

KATIE: …
MELANIE: <-_->
DESTINY: ???

ALING ESTER: Ay nagulat ko ba kayo? Pasensya na ah. Inaasahan ko na kasi ang inyong pagdating. Siya nga pala, ako si Madam Ester, landlady ng Hotel Lakandula at isa ring tanyag na manghuhula… pero tumatanggap din ako ng labada tuwing Linggo… Magpapahula ba kayo? Sige, upo kayo rito…


Umupo silang apat sa mesa na may bolang kristal sa gitna… tumitig si Aling Ester sa kanyang bolang kristal at nangiti bigla…


ALING ESTER: Ahhh…maganda! Maganda ang nakikita ko sa aking bolang kristal… Maganda…

KATIE: Maganda? Kami lang ‘ata nina Melanie at Destiny ang nakikita nito ni Aling Ester eh..hehehe!

ALING ESTER: Woooooohhhhh…nakikita ko na ang inyong hinaharap…naaaninag kong dito kayo sa “Hotel Lakandula” mangungupahan…

MELANIE: Pero…

ALING ESTER: But wait, there’s more! Nakikita ko rin sa aking bolang kristal na magi-inquire kayo sa presyo ng upa rito…at nakikita kong sinasagot ko ang tanong ninyong yan na ang upa ko rito sa Hotel Lakandula ay 1000 pesos..one month advance, one month deposit…

DESTINY: Aling Ester pero po….

ALING ESTER: Iha, wag kang mag-alala. Walang multo sa bahay na ito. Yumao na nga aking asawa pero hindi naman siya nagpaparamdam…kaya walang multo talaga dito..


At pagkalipas ng ilang minuto, tama nga ang hula ni Aling Ester… nagbayad na sina Katie, Melanie at Destiny ng upa sa boarding house (inclusive of “hula” fee)..

Nang makapagsarili na silang tatlo sa kanilang kwarto sa “Hotel Lakandula.”


KATIE: Naku, nagpauto naman tayo sa hula “kuno” ni Aling Ester…

MELANIE: In fairness bumilib din ako sa kanya kahit paano, medyo nahulaan niya ang bagabag natin tungkol sa multo…

DESTINY: Hay naku, basta ang sigurado ko lang…ang yumaong asawa siguro ni Aling Ester ay si Raha Lakandula…ǘ


FIRST DAY OF CLASSES SA UPEPP: June 10, 2008


Kinaumagahan…sabay lumabas ng CR sina Destiny at Melanie. Katatapos lang nilang maligo.


Ang CR ng Hotel Lakandula ay nahahati sa mga cubicle na panligo at pang-toilet. May 6 na cubicle panligo at 6 na cubicle pang-toilet.


Magkatapat din ang pinto ng CR ng lalake at babae.


Pagkasara ng pinto ng CR nina Melanie at Destiny, di nila napansin na natanggal at nahulog sa sahig ang sign na “LADIES” na nakadikit sa pinto ng CR nila.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok naman sa CR ng boys ang isang lalake. Pagkasara niya ng pinto ng CR, nahulog din sa sahig ang sign na “GENTLEMEN” ng CR.

Sa kwarto naman nina Melanie at Destiny…

MELANIE: Hoy, Katie, bumangon ka na dyan at maligo! Male-late na tayo nyan eh!

KATIE: Mmmmm…ano ba… 5 minutes pa..pls…

DESTINY: 5 minutes ka dyan! Gising na!

KATIE: Mmmmm.. sige, 4 minutes at 59 seconds na nga lang…

MELANIE: Aba..at nagawa pang tumawad ng tulog…


Maya-maya, dumating ang taga-linis ng Hotel Lakandula na si Ate Cherry. Habang nagwawalis siya sa tapat ng pinto ng mga CR ng lalake at babae, napansin niya ang nahulog na mga sign na “LADIES” at “GENTLEMEN” kaya pinulot niya ito.

ATE CHERRY: Hay, hindi na masyadong madikit itong adhesive tape ng mga sign na ito…

At di niya namamalayan, napagpalit niya ang mga sign at nadikit niya ang sign na “GENTLEMEN” sa pinto ng CR ng mga babae at ang sign na “LADIES” naman sa pinto ng CR ng mga lalake.

At nagpatuloy sa pagwawalis si Ate Cherry habang umaawit ng “O Jo Kaluguran Da Ka…ǘ”

Sa paglilinis si Ate Cherry ay bigla namang lumabas ng kwarto nila si Katie papuntang CR para maligo.


ATE CHERRY: Good morning…
KATIE: Good morning, Ate Cherry.


At nagmadali si Katie na buksan ang pinto ng CR ng boys sa pag-aakalang ayun ang CR ng girls dahil sa sign na “LADIES.”

Pagpasok ni Katie sa CR ay siya ring paglabas sa isang cubicle ng isang lalakeng pumasok kanina sa CR. Nakatapis lang ito ng twalya at halatang bagong ligo.


Natigilan at nagkatinginan si Katie at ang lalake ng ilang segundo at sabay...napatalikod si Katie…tinakpan naman ng lalake ang kanyang katawan gamit ang kanyang dalawang kamay…


KATIE at LALAKE: Anong ginagawa mo dito?

KATIE: Huh? CR ito ng mga babae kaya ako dapat ang magtanong nyan sa’yo…

LALAKE: Anong CR ng mga babae?! Hindi ka ba marunong magbasa o sadyang namboboso ka lang? “GENTLEMEN” ang nakalagay sa pinto ng CR na ito…


Napaharap si Katie bigla sa lalake… napahigpit sa pagkakayakap niya sa kanyang sarili ang lalake…


KATIE: Aba, at sinabihan pa akong mamboboso nito! Hoy, hindi ka kagwapuhan at di kagandahan yang katawan mo para bosohan ka! Sige, lumabas ka at paulit-ulit mong basahin ang nagsusumigaw na “LADIES” dyan sa pinto nang mapahiya ka!


Palabas na ng CR ang lalake nang biglang bumukas ang pinto nito at nagsipasukan ang iba pang mga boarders na babae. Natigilan ang lalake at saka nagmadaling lumabas ng CR…


Kinilig naman ang mga babae…pati na rin si Katie…

GIRL 1: OMG! Anong ginagawa ng gwapong lalakeng yon dito sa CR natin?!

GIRL 2: Hay naku..baka naghahanap ng babaeng makakasabay maligo…sayang girl, nahuli tayo ng dating…

KATIE: Ang lilibog naman ng mga babaeng ‘to! Haaaay…sabagay gwapo rin naman yung lalake…antipatiko at suplado nga lang..hmmmpph! Ay Panginoon ko, ano ba’tong pinag-iisip ko…


At bigla na lang pumasok si Ate Cherry sa banyo at...


ATE CHERRY: Ay girls, sorry…lipat kayo sa kabilang CR…napagpalit ko pala yung sign na “GENTLEMEN” at “LADIES”… Ngayon ko lang napansin…


Pagkalipas ng ilang minuto, nagpunta na sina Katie, Melanie at Destiny sa cafeteria ng “Hotel Lakandula” para kumain.


Sa may counter ng mga pagkain, nakatalikod sa kanila si Aling Ester kaya nagulat sila nang…


ALING ESTER: Andyan na pala kayo, Melanie, Katie at Destiny…

MELANIE: Papaano niyong nalaman kami ito?


Humarap na sa kanila si Aling Ester…


ALING ESTER: Hay, naku…nalimutan niyo na bang manghuhula ako? O siya, maupo na kayo at nahuhulaan kong gutom na kayo…

KATIE: Obvious ba? Kaya nga kami nandito eh!

ALING ESTER: At hindi niyo na kailangan pang sabihin sa akin kung ano ang oorderin niyo. Alam kong “Tocino with egg and rice” ang oorderin niyo… Sige, antay lang kayo.

DESTINY: Aba, Aling Ester, galing ah! Panu niyo nalaman na ayun oorderin namin?

ALING ESTER: Iha, ayoko ng replay. Nalimutan mo na bang isa akong manghuhula? Tsaka…tsaka… “Tocino” lang naman kasi ang tinitinda ko ngayon..ǘ


At habang kumakain sina Katie, Melanie at Destiny…tumayo ang isang lalake sa kalapit nilang table…


LALAKE: Tita Ester, pasok na po ako sa school…


Napatingin sina Katie, Melanie at Destiny sa lalake…

Laking gulat ni Katie na ito ang lalake kanina sa CR…


ALING ESTER: Oh, Aries, tapos ka nang kumain?

ARIES: Opo, pasok na po ako…

ALING ESTER: Teka…ba’t di ka na lang sumabay sa tatlong magagandang dilag na ito?


Sabay turo niya kina Katie…


Nagkatinginan sina Aries at Katie…kumunot ang noo ni Aries…dahil naalala niya ang engkwentro nila ni Katie sa CR…


ARIES: Nagmamadali po ako, Tita…at…mas maganda pa kayo kesa sa tatlong yan…


Sabay alis na si Aries…


MELANIE: Aba’y napakaantipatiko ng lalakeng ‘yon! Hindi ba siya marunong tumingin ng maganda! Bah!

ALING ESTER: Naku, mga iha, pagpasensyahan niyo na yong pamangkin kong ‘yon. Mabait naman yon si Aries sa totoo lang.

DESTINY: Ah…oo nga po eh…sa sobrang bait nya umaabot na hanggang dito ang sungay at buntot niya. Napaka --*grrrr*…Nakakasira ng araw!

ALING ESTER: Kayo naman, nagandahan lang sa akin yung pamangkin ko eh na-insecure na agad kayo.

MELANIE: Okay na lang! Whatever Aling Ester!

KATIE: Nga po pala, san po ba nag-aaral yung pamangkin ninyong yon?

ALING ESTER: Ah…hindi ko pa ba nababanggit? Dyan sa UP Clark nag-aaral yang si Aries. Second year Psychology student.

DESTINY: Ha? Psych rin siya? Second year? Eh, ba’t di naman namin siya nakikita nung first year kami?

ALING ESTER: Ah….galing kasi sa UP Diliman yang si Aries. Industrial Engineering course niya dun dati.

MELANIE: Eh, ba’t naman po siya lumipat ng Psych? At of all places…sa UPEPP pa! Ba’t din a lang siya dun sa UP Diliman nag-Psych?!

ALING ESTER: Di niya raw kasi naabot ang required na grade ng Psychology sa Diliman kaya dito siya sa UPEPP lumipat.

MELANIE: Eh ba’t naman Psych po nilipatan niya?

ALING ESTER: Ewan ko ba dyan sa batang yan. Gusto raw niyang hanapin ang sarili niya kaya Psychology nilipatan niya.

DESTINY: Hay naku…ako nung nag-Psych ako dyan sa UPEPP, sa halip na mahanap ko ang sarili ko eh lalo akong nawala sa sarili ko sa sobrang hirap…

KATIE: So, kung ganun…magiging kaklase natin si Aries mula ngayon?!


TO BE CONTINUED…