Saturday, May 24, 2008

TEASER for UPEPP 2- Pygmalion and Galatea




Ang kwentong ito ay spin-off lamang ng UPEPP- Beautiful Disaster. Makakasunod kayo sa kwento kahit di niyo nabasa ang Part 1.

Sa paghahanap nina Katie at Melanie ng boarding house sa Mabalacat, Pampanga ay hindi nila inaasahan na mapapadpad sila sa Hotel Lakandula boarding house na pag-aari ni Aling Ester. Kung inaakala niyo na mukha itong hotel....pwes tama kayo ng inaakala...mukha nga siyang hotel noong kapanahunan pa ni Raha Lakandula!

Puro mga taga-UPEPP ang nakatira sa boarding house na ito, ngunit may ilan-ilan din na mga nagtatrabaho na.

Sa bahay rin na ito ay kasama nilang titira ang gwapo ngunit supladong pamangkin ni Aling Ester na si Aries.

Si Aries...may isa siyang lihim na nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Ang lihim na iyon ang nagdulot sa kanya kung bakit nangako siya sa sarili niya na hindi siya iibig. Ngunit mukhang nagbago ang kanyang pananaw na ito nang makilala niya sina Katie at Melanie.

Si Katie...nasaktan sa una niyang pag-ibig na nagdulot ng pagiging bato ng puso nito pagdating sa pag-ibig. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na muling magmamahal pa. Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon...nakilala niya ang taong di niya akalaing magpapalambot ng bato na niyang puso.

Si Melanie...umaasang mahalin din siya ng taong hindi naman siya mahal. May pag-asa kayang ibigin niya si Aries na may lihim na pagtingin sa kanya? Malimot kaya niya ang taong kanyang minamahal sa pagdating ni Aries sa buhay niya?

Tatlong taong manhid na ang puso pagdating sa pag-ibig ang nagkatagpo. Sa ilalim ng iisang bubong, umusbong kaya ang pag-ibig na gigising sa kanilang tulog nang mga puso?

"Love is in the air, but tragedy lies ahead, and UPEPP may never be the same again."




Minsan - Eraserheads Music Code